Kabanata 4

2174 Words
Sa mga ganitong oras ay hindi kami nag-e-expect ng kahit na sinong bisita. Alam namin pareho ni Inay na ang mga kapitbahay namin ay paniguradong naghahanda rin para sa kani-kanilang pang-araw-araw na buhay; kung kaya naman ako ay nagtataka kung sino ang taong kakatok sa aming pinto sa ganito kaaga.   “Hindi kaya si Aling Korina?” mahina kong sambit. Binalingan ko si Inay, hindi ko pa sa kaniya naibabalita iyon.   “Anak, buksan mo na,” aniya sa akin na nalingunan akong nakatayo pa rin sa pinto   Kibit-balikat kong pinihit ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Sa halip na isang kapitbahay ay iba ang tumambad sa akin. Mukha ng lalaking minsan ko lamang nakita ngunit hindi ko naman nakalimutan. Tulad ng dati, wala pa ring ipinagbago ang kaniyang mukha. Halatang hindi tumanda ang itsura nito, maliban na lamang sa maliliit na balbas na sa tingin ko ay pinili niyang palaguin.   “Good morning, Caith,” anito sa mababa ngunit otoritibong boses.   Suminghap ako at hindi alam kung anong uri ng pagbati ba ang marapat na ibigay ko sa kaniya. Aaminin kong ang lalaking ito ang isa sa mabibilang sa daliring tao na kinamumuhian ko. Para sa akin ay siya ang kumuha at naglayo sa aking Kapatid.   “Caith, Anak? Sino iyan? Papasukin mo,” si Inay sa loob na nakaugalian nang magpapasok ng bisita sa bahay.   Hindi na ako hinintay noong lalaki at kusa na itong pumasok sa aming bahay. Naiwan akong hindi pa rin nakahuhuma sa biglaan niyang pagdalaw. Gayunpaman, bago ako pumasok sa loob ay sinipat ko muna ang labas upang alamin kung mayroon ba itong kasama.   “Bakit pa ho kayo bumalik dito? May nangyari ba sa anak ko?” tanong ni Inay, kababakasan ng pag-aalala ang mukha.   Tipid na umiling ang lalaki at nilibot ng tingin ang bahay at saka muling bumaling kay Inay.   “I need Caith,” tugon nito na ikina-kunot ng aking noo.   “Ako? Bakit ako? I am not a vampire like Loren,” singit ko kahit pa hindi naman talaga alam kung ano ang kaniyang pakay.   Tumango naman ito at sa akin na bumaling.   “Mayroon lamang akong offer na trabaho sa iyo at…” nilingon sandal si Inay na nakatanghod sa amin. “Sa tingin ko ay mas makabubuting tayo na lamang dalawa ang mag-usap tungkol doon,” pagpapatuloy niya.   Agad na umalma si Inay.   “Nais kong malaman kung anong klase ng trabaho ang iaalok mo sa aking anak,” tunog iritado na si Inay nang sabihin iyon ngunit hindi ko man lang nakitaan ng pagkabahala ang lalaki. Bagkus ay iminuwestra ang labas.   “Huwag na, Caith,” ani Inay matapos tumalikod ang lalaki palabas ngunit dahil naisip ko na kailangan ko ng pera para sa gamot niya ay nais kong malaman kung anong trabaho ang nais nitong ialok.   “’nay, huwag po kayong mag-alala at kung hindi naman maganda ay hindi ho ako tutuloy,” pang-aamo ko sa kaniya.   Lumabas ako at natagpuan ang lalaki na nakatayo ilang dipa malayo sa aming bahay. Nakatanaw ito sa may malayong kakahuyan. Dahan-dahan akong lumakad at nagtungo sa kaniya. Huminto ako sa tapat nito at tumikhim sakaling hindi niya naramdaman ang aking presensya.   “A-ano hong trabaho ang nais ninyong i-offer sa akin?” ako na ang naglakas-loob na magsimula ng usap dahil hindi pa rin  siya kumibo matapos kong tumikhim.   Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng hininga.   “Your sister, Loren is suffering from a curse,” iyon ang una niyang sinambit na biglaang nagpakaba sa akin.   “Anong curse?” biglang-bigla kong sambit.   “Sumpa? May ganoon pa ba ngayon? Sinong sumumpa?” sunod-sunod kong tanong.   Nagtagal na ang ilang segundo nang paghihintay ko ng kasagutan mula sa akin tanong ngunit wala. Lumapit na ako sa kaniya at sa harap niya tumayo. Kunot-noo ko siyang tinitigan dahil hindi ko maunawaan kong naparito ba siya para magbiro o ano.   “Nasaan siya?” tanong ko. Kahit iyon man lamang sana ay nais malaman.   “Gusto ko po siyang puntahan…” bumagsak ang tingin ko sa lupa. “…tulungan,” dagdag ko pa.   “Kung nais mo siyang tulungan, magagawa mo,” aniya na nagpa-angat agad ng tingin ko. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa.   “Paano? Gagawin ko ang lahat para matulungan siyang maalis ang sump-“   “Hindi sa pag-alis ng sumpa,” pinutol niya ang aking sinasabi.   Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko siya lubos na nauunawaan. Kung gayon ay anong klase ng tulong?   “Loren is getting married…” he said. Saka ko lang nakita ang pag-aalalang dumaan sa kaniyang mata.   “She is getting married to our Lord, the clan leader,” tumango siya at bumuntong hininga.   “Anong kinalaman ko roon?” takang tanong ko.   “Ang nais kong malaman ay kung paano maaalis ang sumpa. Paano ko matutulungan ang kakambal-“   “Matutulungan mo siya na panatilihin ang kaniyang pwestong nakatakda sa kaniya ngunit hindi ang alisin ang sumpa,” malamig ngunit matigas niyang sambit.   “Pwesto?” usal ko.   “Loren will be the anchor of the powerful Lord of our kind. In order for her to have that position, she must marry him but your sister is suffering from a curse and she cannot be seen by anyone until the curse is gone,” paliwanag nito.   Halo-halong espekulasyon ang pumapasok sa aking utak. Parang nabibigyan ko na ng tumbok ang kaniyang nais iparating.   “I want you to pretend as Loren until she can claimed her position,” diretsahan nitong sambit na siyang naging kumpirmasyon ng aking hinala.   Pagak na tawa ang kumawala sa aking labi.   “Magpanggap bilang ang kapatid ko…” hilaw kong sambit at hindi makapaniwala roon.   “Pinaglalaruan niyo ba ako?” malamig ang boses ko nang sambitin  iyon dahil hindi ko nagugustuhan ang patutunguhan ng pag-uusap.   “Kinuha mo sa amin ang kapatid ko at pagkatapos ay hindi na kami nakatanggap ng balita mula sa kaniya…” matigas kong sambit at halos may tunog panunumbat.   “Kung nais mong magpanggap ako, akala mo ba ay magiging madali iyon?”   “I will guide you. I will teach you everything you need to know about he-“   Hindi ko na siya pinatapos.   “Hindi ako payag. Humanap kayo ng iba na maaring niyong mabilog pero hindi ako,” pahayag ko at saka siya tinalikuran.   “You need money, Caith…”   Hindi isang tanong iyon kundi isang deklarasyon.   “I can offer you a lot that may benefit your mother and so as you,” aniya pa.   Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad at pinilit ignorahin ang kaniyang sinasabi.   “I will shoulder everything to get her treated…” nahinto ako nang marinig iyon.   Malaking pera ang kailangan upang si Inay ay mapagamot sa isang Hospital na siyang nag-e-specialized ng ganoong klase ng sakit. Diretsahang sinabi iyon ng Doctor at halos ikapanlumo ko iyon.   “If you do not want to lose your mother as well, give it a chance. Besides, you are not helping just anyone…” malamig niyang sambit.   “She is your sister. If you will pretend as her until she comes back, you are also securing her future. Hit two birds with one stone,” anito.   Hindi ko gusto… hindi tama na magpanggap at manloko ng iba kahit pa nga ang mga iyon ay hindi tao kundi mga lahi ng bampira ngunit nasa kalagayan akong desperado nang mailigtas ang buhay ng kaisa-isang taong mayroon ako. Maghapon akong tulala kahit pa sa trabaho na dahilan kung bakit pinauwi agad ako upang magpahinga dahil nag-aalala ang aking mga kasamahan na baka ako ay nasobrahan na sa trabaho.   Sa bahay ay pinipilit ko na iwasan ang lugar kung saan makikita ako ni Inay na nakatulala dahil alam kong hindi niya ako titigilan. Kahit pa sinabi ko sa kaniyang ang pagiging katulong ang inalok sa akin ay alam ko naman na hindi siya lubusang naniniwala at kung makikita niya ako sa malalim na pag-iisip ay mas makukumpirma niya na ako nga ay nagsisinungaling.   “What am I supposed to do?” tanong ko sa mga mumunting halaman na dinidiligan ko gamit ang tubig na pinag-anlawan ko ng mga plato.   “Papayag ba talaga ako?” bulong ko at saka bumuntong hininga.   “Pinal na desisyon ang nais kong makuha sa aking pagbabalik,” pahayag ng lalaki bago pa ito sumakay sa magara nitong sasakyan.   Bakit pakiramdam ko kahit na sinabi niya iyon ay alam na niyang wala akong kauuwian kundi ang sumang-ayon sa kaniyang nais? Mahal na mahal ko ang Inay at hindi ko kaya na maiwan mag-isa kung sakaling lalala pa ang sakit niya. Ilang taon man akong magtrabaho sa may pinyahan ay hindi ako makakaipon ng pambayad sa Hospital.   “When I said I will shoulder everything, I meant every penny that she needs to get treated. You don’t need to worry about her being alone because she will be admitted to the Hospital and I will make sure she will have her companion,” ani pa noong lalaki.   His offer is tempting because that is what I have been dreaming for, to get my Mother treated. Iyon ang aking kahinaan at ginagamit niya iyon sa akin.   “How am I going to make it? I am not a Vampire like her,” pagpapaalala ko sa kaniya ngunit dahil wala siyang naging reaksyon noon ay batid kong hindi niya iyon nakakalimutan.   “I will give you something that can hide your smell from them,” aniya at tumango sa akin.   “You won’t smell like any other human, Caith. I will guide you like what I told you. The only thing that I want you to do is to make the wedding happen and to stay at his place for the mean time,” aniya.   Nanlaki ang aking mata at mabilis na umiling.   “You mean I should also have i*********e with hi-“   “No,” mabilis niyang tugon ngunit hindi pa rin nawala ang duda ko at sa tingin ko ay bakas sa mukha ko iyon kaya naman nilinaw niya.   “Our Lord has no interest with Loren, I can see it on his eyes,” he sounds so sure when he said that.   “Loren was chosen by the Lord because she is the suitable one to be his wife. He thinks he won’t have a problem while dealing with her because Loren knows how to act properly and knows well what her position is,” pagpapatuloy niya.   May kung anong istura ng kapatid ko ang pumasok sa aking isipan. Bakit pakiramdam ko ay hindi iyon ang Loren na nakilala ko. Sa tingin ko ay parang naging isang robot siya base sa paglalarawan ng lalaking ito.   “I know he don’t want to cause feud from our clans when they declared that he should have a wife that will serve as his anchor. Our Lord won’t be a problem,” he assured me before he then leave.   Sa pagbabalik niya ay malinaw na kasagutan mula sa akin ang kaniyang nais. Sa lalong madaling panahon ang nais niya dahil na rin sa kakain pa ng oras ang pagtuturo sa akin ng mga dapat kong malaman. Hindi ko batid kung ano ang maari kong sapitin ngunit nangako naman sa akin ang ama-amahan ng aking kapatid na isang buwan lang naman ang kailangan kong tiisin at makababalik na ako sa aking natural na pamumuhay kung kaya naman nais kong sumubok.   “Para ito kay Inay,” pangungumbinsi ko sa aking sarili habang palapit sa magarang sasakyan na tumigil sa ‘di kalayuan sa aming bahay. Hindi na lumabas doon ang lalaki bagkus ay hinintay na lamang akong makarating doon.   Tumapat ako sa bintana ng sasakyan kung saan siya nakaupo at doon ay sinulyapan niya ako.   “Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong niya.   Lumunok ako at kahit sa sandaling iyon ay may pag-aagam-agam pa rin ako tungkol rito.   “It is a one-time opportunity for you and your mother, Caith. I will also give you money once your mission is done successfully.” Right at that moment, I know there is no door for backing out.   “Bukas na bukas din ang babalikan kita kasama ang kontrata. Hindi mo kailangan na magdala ng kahit na anong kagamitan dahil sa oras na pirmahan mo ang kontrata ay kakalimutan mo pansamantala na ikaw si Caith,” pag-iimporma niya na tinanguan ko na lamang.   “Kailan madadala sa Hospital si Inay?” paniniguro ko.   “Bukas din ang kasama ko ang kukuha sa kaniya. Ihahatid natin siya sa Hospital bago kita dalhin sa aming lugar. Tutuparin ko muna ang aking ipinangako upang hindi ka magkaroon ng agam-agam habang nasa misyon ka,” anito.   “Para it okay Inay…” bulong kong muli habang pinagmamasdan siya na nakahiga at payapang natutulog.   Bukas ay panibagong araw hindi para sa akin kundi para kay Inay at para kay Loren. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD