Nakatanaw ako kay Inay na inaalalayan ng mga Nurse sa pagpasok sa Hospital na siyang pinakamalaki dito sa Nayon namin. Alam kong malaki ang bayad doon at naibigay na niya iyon kanina sa harapan ko pa. Lahat ng gagastusin ni Inay sa pagpapagamot ay binayaran niya. Tapos na siya na tuparin ang parte niya sa aming kasunduan, ako naman.
“Let us go. You still things to learn,” he said. I nodded and leave my Mother with a faint smile.
“It is going to end soon,” I said to myself.
Lulan ng sasakyan katabi siya ay hindi ko mapigilan ang mapa-isip. Anong klase ng buhay mayroon ang mga bampira? Takot ba sila sa araw tulad ng sinasabi sa pelikula? Kung susumahin, makulimlim ngayon at halos hapon na kaya hindi imposibleng itinaon niya na ganitong oras ako sunduin. Noong binisita niya rin ako ay maagang maaga kaya naman wala pa ring araw.
“Are you afraid of the sun?” tanong ko noong hindi na kinaya ang katahimikan.
Sinulyapan niya lamang ako at saka umiling.
“So, hindi talaga kayo nasusunog sa araw?” paniniguro ko. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
“I said we are not afraid not immune to it. Our body will burn if the sun touches it. We are not afraid of the sun but we are afraid to die because of it,” paliwanag niya.
Nakagat ko ang labi ko dahil doon. Tama naman siya. Mali ang pagkakatanong ko. Bumaling muli ako sa bintana ng sasakyan at pinagmasdan na lang ang mga punong nadaraanan. Sa tingin ko ay ito na ang daan papasok sa kanilang lugar. Naririnig ko na noon pa lamang ang kaisa-isang kupon ng mga bampira na siyang tanging nakipagkasundo sa Gobyerno namin. Kung kaya nga ba naipagkatiwala ni Inay si Loren sa taong kasama ko dahil nangako ito na hindi nito hahayaan si Loren na matulad sa mga halimaw na lumalapastangan ng tao.
Iniisip ko lang, dugo ba ng hayop ang kanilang iniinom? Kung hindi tao, hindi ba at iyon na lamang naman ang pwede nilang pagpilian? Ni minsan ba ay nakatikim si Loren ng dugo ng kauri namin ni Ina?
“Close the window. We are entering the City,” utos niya.
Sinunod ko iyon at agad na itinaas muli ang bintana. Wala namang kaso sa akin iyon dahil kita pa rin ang tanawin. Hangin lang na presko ang hinangad ko kanina.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanilang lungsod. Kahit kasi sa ambiance pa lang ay halatang napakatahimik at pakiramdam ko ay hindi ito nasisilayan ng araw. May iilang mga naglalakad doon at suot ay mahahabang dress na sa tingin ko ay mamahalin. Kulay itim, maroon, green at gray ang pangkaraniwang kulay na aking nakikita. Mga patay na kulay na mas lalong nagpapalungkot sa aura ng kanilang paligid.
Wala akong nakikitang mga halaman sa paligid hindi katulad sa amin na sa bawat bakuran ay mayroon. Sa halip na kubo makukulay na sementong bahay, ang naroon ay kulay itim, gray at brown lamang. Parang iisa lamang sila ng disenyo at ang kulay ay ibinabagay sa mga katapat na bahay.
“Sila ang mga ordinaryong mamamayan ng Roshire o mas kilala bilang ang mga nasa laylayan ng rango,” imporma ni Mr. Javis, iyon ang kaniyang pakilala.
“May ranking sa City ninyo?” takang tanong ko. Nilingon niya ako pinakatitigan.
“Sa inyong mga tao, sila ang sumisimbolisma ng tulad mo na galing sa mahirap na pamilya,” aniya.
Umawang ang labi ko at kumunot ang noo saka binalingan muli ang mga nakikita ko.
“Mahirap pa sila sa lagay na iyan?” bulong ko.
“Kung ang inyong Gobyerno ay hindi tinatago ang pera ng tao, ganiyan din kayo. Gahaman lang kami sa rango sa pamamagitan ng pangalan habang kayong mga tao ay sa salapi,” dagdag niya pa.
Hindi ako nakaimik upang ipagtanggol ang uri namin dahil miski ako ay ganoon ang tingin sa aming Gobyerno. Hindi na ako nagsalita pa at in-enjoy na lamang ang byahe. Namamangha ako sa bawat pagbabago habang kami ay lumalawig.
“This is the middle rank where Minister, Professors, and those who have big roles and duties on our City.”
Napansin ko ang kanilang ipinagkaiba. Matataas pa rin naman ang kanilang bahay ngunit mas madetalye iyon kaysa sa mga nadaanan ko kanina. May mga magagarang lampara sa bawat sulok sa labas at may mga gates na gawa sa makikintab na bagay. Ang mga nakikita kong ilan sa kanila ay kakikitaan ng kinang ang mga damit at ma-detalye rin miski na ang mga pambuhok nilang gamit.
Hindi nagtagal ay natapos ang kabahayan at halos wala na akong makita. Paakyat na kami sa matarik na daan at unti-unting lumilinaw ang paligid na kanina ay masyadong maulap at mahamog.
“This where Loren and I belong. The highest rank where people who has a connection to the Lord is living.”
Kung kanina ay nagagaraan ang bahay ngayon naman ay palakihan. Mistulang mga kaharian.
“Those are called chateau. They are like castles that tells the owner’s rank.”
Malaki, matutulis at magarbo ngunit kulay itim lamang ang kulay. Patay at sa tingin ko ay sobrang pusyaw ng ilaw. Kais-sa lamang ang sadyang madami ang ilaw at iyon ay ang pinakamalaki. Nasa dulo iyon at halatang malayo ngunit kitang-kita ang laki. Kulay maroon at silver ang bahay na iyon at mababanaag ang kakaibang aura. Isa pa, hindi tulad ng dalawang uri nila na nadaanan ko kanina na walang espasyo, ito naman ay halos malalaki ang pagitan ng bawat chateau animoy hindi nila gusto ang mga kasamahan.
“Ang malaking espasyo na nakikita mo ay hindi maaring lagpasan ng kabila dahil may spell na humaharang doon. Pansinin mong wala silang gate dahil hindi na nila noon kailangan,” pagbibigay alam niya sa akin.
Hindi ako magkamayaw sa pagpuri sa galing nila. May structure ng malalaking uri ng ibon sa bukana ng daan kung saan sa tingin ko ay konektado sa bawat pathway ng chateau.
“You can only see the barriers once you step inches away from their respective area,” he added and all I did is to nod my head.
Huminto kami sa isang chateau na kulay itim ngunit may lining ang bahay na kulay maroon.
“If the linings of your house is maroon, you are have a position. If your house does not have that but it still here,” he gestured the other chateau. “Then that only means you just have a connection to the Lord. Relatives, that’s what they called it,” anito.
Sinubukan kong pantayan siya ngunit agad niya akong hinarang. Kunot-noo ko siyang tinignan.
“I told you there are barriers. Blood boundary and you are still not welcomed by my blood,” he explained.
Kahit hindi ko naman lubos na nauunawaan ay tumango na lamang ako at hinintay ano man ang kaniyang balak na gawin. Bumukas ang pintuan ng chateau at lumabas doon ang dalawang lalaki na nakasuot din ng mamahaling kasuotan ngunit sa tingin ko ay isa iyong uri ng uniporme dahil walang pinagkaiba ang suot nila sa isa’t isa.
“Here it is, Master,” sambit noong isa.
Napaiwas ako ng tingin at napaisip kung halos kalahatan ba rito ay ganiyan ang tindig. Mistulang mga hindi empleyado at parang kapantay lang ng amo.
Sa halip na magsalita at magtanong ay pinanood ko na lamang ang ginawa nilang tatlo. Ang isa ay may dala-dalang punyal at ang isa ay isang kopitang silver ang kulay. Sa tingin ko ay may laman ang kopitang iyon dahil maingat na maingat sila sa ginagawa.
“She really looks like our lady, Master,” puna noong isa na mahaba ang buhok ngunit nakapuyod sa likod. Malamig ang mata nito ngunit may mainit na ngiti naman sa labi. Maputla ang balat at para bang walang dugo.
Hindi nagbigay kasagutan si Mister Javis at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa ngunit ang ikinagulat ko ay nang kuhanin niya ang punyal at inihiwa iyon sa kaniyang pala-pulsuhan. Tumulo mula roon ang kaniyang dugo at saka ipinatak ang tatlong patak noon sa kopita. Matapos iyon ay bumuka sandali ang kaniyang bibig at may sinambit na salita bago kusang naghilom ang sugat na kaniyang ginawa.
Umawang-sara ang labi ko dahil hindi makapaniwala sa nasaksihan. Hindi ko akalain na may kakayahan silang paghilumin ang kanilang sugat. Ano pa ba ang nagagawa nila? Katulad din ba niya si Loren kahit pa kalahati ng dugo niya ay galing kay Inay na isa lamang namang mortal?
Kinuha ni Mister Javis ang kopita sa lalaki at saka ito ibinigay sa akin.
“A-anong…” ako na hindi mai-tuloy-tuloy ang nais itanong.
Bumuntong hininga siya at saka tumango.
“Drink that. That will welcome you to my area,” he said coldly.
Laglag panga ako nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Hindi ba at pinatakan niya ito ng kaniyang dugo kaya naman bakit ko iinumin?
“H-hindi niyo ako kauri,” mahina kong sambit.
Nakita ko ang pagdidilim ng eskpresyon nila.
“Kung nais mong manatiling buhay at makabalik ng buhay sa lugar ninyo, huwag na huwag mong gagamitin ang katagang iyan. Sakaling malaman nila na may isang taong nakapasok dito ng hindi nabibigyang marka n gaming pinuno ay tinutugis at pinapatay,” ani noong isang may hawak ng punyal.
Nalagok ko ang laway ko dahil sa kabang nadama sa boses pa lamang niya. Hindi siya katulad noong isa na bumati at nagbigay ng ngiti kanina at ang marinig ang talim sa kaniyang boses ay nakaramdam ako ng takot. Bumaling ako kay Mister Jarvis at nakitang tumango siya.
“I have done my part of the contract, Miss Del Lesa. You should do yours now,” aniya sa mababa ngunit otoritibong tinig.
Kahit alam kong hindi matatanggap ng sistema ko ang inumin ay nilagok ko pa rin iyon. Inaasahan kong makakalasa ako ng pakla o pait man lamang doon ngunit tila tulad ng patay na tubig, wala iyong kahit na anong lasa.
Ibinalik ko ang kopita sa lalaki na ngayon ay may ngiti na uli sa labi at yumukod pa ito sa akin. Isang kumpas lang ng kamay ni Mister Jarvis ay naglaho na agad ang dalawa na muling ikinagulat ko.
“Saan sila napunta?” takang tanong ko.
Isang tikhim ang pinakawalan ni Mister Jarvis na naiwan kasama ko.
“One thing that makes Loren as the chosen one for our Lord is that even after he met her twice, she did not try to asked him any kind of question which is what you should do to.”
Natikom ko ang aking labi dahil doon. Naglakad siya papasok habang ako ay nanatiling nakatayo roon. Nang ako ay kaniyang lingunin ay iminuwestra sa akin na ako ay sumunod. Laking pasalamat ko na hindi ako itinanggi ng barriers na sinasabi niya. Wala naman kasi akong naramdamang kakaiba maliban sa hangin na parang lumukob sa akin.
“Keep everything to yourself, Miss Del Lesa. Your curiosity, your compliment and even your idea of something…” nilingon niya ako, seryoso ang mukha. “Keep it to yourself. That is the first way to survive living with our kind,” he finished what he is supposed to say.
“If you want to do something, always remember that you are a human and one mistake will cause you your life.”
Paulit-ulit sa isip ko huling salitang binitawan ni Mister Jarvis. Mali nga ba talaga na pinasok ko ang ganito? Pero kung hindi koi yon gagawin, paano naman si Inay? Mas lalong hindi ko kakayanin na mawala siya dahil siya na lamang ang mayroon ako.
Bumuntong hininga ako at kinapa ang kwintas na palagian kong suot. Parehas na parehas kami ni Loren dahil magkabiyak ang kwintas namin. Hindi ko nga lamang alam kung ang kaniya ba ay pinanatili niyang suot o baka itinapon na rin niya tulad ng kung paano niya kami kinalimutan.
Pinagmasdan ko ang silid kung saan ako dinala. Sa tingin ko ay silid ito ni Loren dahil karamihan ay pambabae rin ang kasuotan at halos kasing katawan ko lamang. Wala ako kahit isang larawan niya na makita rito marahil ay dahil hindi naman sila katulad namin na gumagamit ng makabagong teknolohiya. Karamihan kasi sa nakasabit sa halatadong mamahaling pader nila ay mga pinta ng mga hindi ko kilalang tao o bampira.
Nang wala akong makitang maaring pagka-abalahan ay ibinagsak ko na lamang ang aking katawan sa malambot na kama roon. Hindi ko na namalayan na hinila na ako ng antok at nasundan iyon ng isang panaginip.