Kabanata 45

2071 Words
Sa isang lingo at anim na araw ko rito ay napagtuunan ko ng pansin ang pagpipinta. Wala akong kahilig-hilig doon noon at walang kaalam-alam pero dahil naengganyo ako noong painting ng Ethereal sacrifice of love ay nagawa kong pag-aralan kung paano. Noong mga una ay hirap ako sa mga pagguhit at paglapat ng mga kulay sa isang blangkong canvas pero kalaunan ay natutunan ko naman. Kapag may hindi ako makuha ay ang mga painting sa dingding ang tinitignan ko at hahanap ng katulad noon saka pag-iisipan kung paano ko ito magagawa.   Sa loob ng mga nakababagot na araw na wala siya, sa mga gabing puro luha at pasakit ang naapuhap ko, nagawa kong magtagal dito sa pamamagitan ng mga painting. Pakiramdam ko ay sadyang kaisa ko na sila. Nagagawa kong maka-relate sa kung ano man ang nais na ipabatid ng mga pintor noon kahit pa sa una ay wala naman talagang halaga ang mga iyon para sa akin dahil isa lamang iyong mga larawan na likha ng imahinasyon.  Hindi kailanman sumaksak sa isip ko na makagagawa ako ng mga katulad noong obra. Sabagay, halos lahat naman ng mga bagay na 'di ko inakalang magagawa ko ay nagawa ko na at dahil lahat iyon sa iisang lalaki. Kay Magus. “Hija, narito ang asawa mo,” ani Aunt Celia mula sa pinto ng aking silid. Kalahati lamang ng katawan ang kita dahil hindi tuluyang pumasok.  Nabitin sa ere ang aking kamay. Kumurap-kurap ako at pinakiramdaman ang sarili. Am I ready to talk to him now? Itatanong ko na ba sa kaniya ang tungkol doon? Kailangan ba? Sa oras na ito, ang malaman na nariyan siya ay isang malaking susi na nagbukas sa mga katanungan sa aking isipan. Iyon nga lang, katanungan lang ang nabuksan at hindi ang lakas ng loob at tapang.   “Hija?”     Ibinaba ko ang hawak-hawak na brush at saka pinagmasdan ang 'di matapos-tapos na larawang pinipinta. Nakaka-tatlo na ako at ito ang pang-apat sana subalit hindi ko talaga mailapat ang tamang kulay miski ang mga bagay na dapat maidagdag doon. Lumulikha ako ngayon ng isang silhouette ng dalawang tao na nagsimula sa pag-iibigan hanggang sa unti-unting nayuyurakan ang pagmamahal nilang malinis para sa isa't isa. Hindi ko matapos-tapos dahil hindi ko alam kung paano ko iguguhit ang isang pusong binabawi at isang puso nilalamon ng dilim.   “Haharapin mo na ba siya?” si Aunt Celia na sa mga pininta ko nakatingin. Haharapin ko na ba siya? Dapat harapin ko na siya nang sa gayon ay matapos na ito. Matagal ko na namang nakuha ang sagot sa tanong ko. Alam kong kahit ano pa ang mangyari, hindi ko pa rin kayang mabuhay ng wala siya.   Nababalisa akong tumango. I have no choice. Kahit ano namang gawin ko ay alam kong sa huli, mahal ko pa rin siya. Mapapatawad ko pa rin siya.   “He’ll be happy to know that, hija,” ani Aunt Celia na hinintay akong makarating sa pinto.   Tipid akong ngumiti at saka sumabay kay Aunt Celia na makababa. Tanaw pa lang sa hagdan ay tumayo na si Magus na nakatingin sa akin na tila namamag-asa ang mga mata. Halata ang pagod, ang kaniyang    “Wife,” nabasa kong binigkas ng bibig niya na para bang natulala pa nang makalapit ako. Batid ko sa mukha niya na hindi siya makapaniwalang hinarap ko siya matapos ang ilang araw na pagkukulong at pagtataboy sa kaniya. Tumikhim si Uncle Von at saka tinapik ang balikat ni Magus pagkatapos ay binigyan ako ng nang-eenganyong ngiti.   “Maiwan na muna namin kayong dalawa upang makapag-usap kayo ng ayos,” pagpapaalam nito sa aming dalawa at saka nilapitan si Aunt Celia at kinuha ang kamay nito bago niyakag. Kapwa sila tumalikod sa amin at nagtungo sa labas. Kaming dalawa ang naiwan doon. Nagdiretso ako sa katapat na upuan niya habang siya ay hinayaan ako at umupo na lamang din sa kung saan siya nakaupo kanina. Pinagsalikop niya ang kaniyang kamay, hindi sumandal at nanatiling atentibo sa kung ano mang ikikilos ko habang ako ay pinilit na maging kalmado gayong kinakagat ang loob ng pisngi.   “Wife, do you feel okay now?” paos ang boses niya at halatang nag-aalangan sa akin. Sinipat niya ang kabuoan ko bago bumalik ang tingin sa akin diretso sa aking mata.   Lalong dumiin ang pagkakakagat ko sa loob ng aking pisngi sa pagpipigil na huwag umiyak. Bakit ba ako naiiyak? Just one sight of him and my emotions are getting uncontrollable. Si Magus lang ang nakakagawa sa akin nito. Hindi ko malaman kung dahil sa sama ng loob o dahil sa sobrang pagka-sabik ko sa kaniya.   Lumamlam ang kaniyang mata nang makita ang pagluluha ko.  “P-please wife, come with me. Let's stop hurting each other. I no longer can take this,” nagsusumamo ang boses niya na dahilan ng tuluyang pagpatak ng luha sa mata ko. Isang pakiusap, isang nagsusumamong tinig, dalawang mga matang pinanginginig ako at isang Magus lang... madaling-madali akong makukuha. Madaling-madali akong maloloko.    Ilang sandali pa, sa wasiwas ng isang mabilis na hangin ay nasa tapat ko na siya, sa may baba at nakatukod ang paa sa sahig at pinapantayan ang tingin ko.   “I’m sorry for making you cry, for everything that I maybe did. I…” humugot siya ng malalim na hininga bago pumikit sandali nang mariin ang mata saka muling bumalik sa akin iyon.   “I don’t know what did I do wrong. Tell me… I’ll fix it myself so you won’t do this anymore,” namamaos ang boses niya, nariringgan ko ng pagod.   “I can’t bear to stay on that castle without you,” halos bulong niyang sambit.   Tumutulo lang ang luha sa mata ko at tinititigan siya. Bakit hindi ko makita iyong lalaking kinamuhian ko sa loob ng halos isang lingo? Bakit hindi ko makita sa hinagap ko ang mga panaginip na pumapatay siya ng kapwa ko? Bakit ‘di ko na maalala kung paano ako naghirap habang lumuluha ng dugo dahil sa marahil ay kaniyang ginawa? Bakit lahat iyon nabura ng nagsusumamo niyang mga mata?   “Don’t cry, wife. I just really wanted to have you back but if you still don’t…” narinig ko ang bahagyang pagpiyok ng kaniyang boses na ikinasinghap ko. I know he is hurting just like me. It's juts that mas pinipili ko pa rin na tignan iyong sarili ko kumpara sa kaniya kasi para sa akin, siya naman ang may kasalanan, hindi ba?   “M-magus…” umalpas ang mga salitang iyon sa aking labi nang 'di ko namamalayan.   Humaplos ang kamay niya sa pisngi kong basang-basa ng luha. Nagyuko ako ng ulo, ibinaba ang tingin at 'di kayang tagalan ang kaniyang mga titig.    “Tell me you’re forgiving me now,” pakiusap niya at pinatakan ng halik ang kamay kong hawak niya. Pinagpinid ko ang aking labi at pinilit na huwag humikbi. What are you crying for, Caith? Hindi ba kaya mo naman siyang patawarin? Hindi ba at nasasabik ka rin naman sa kaniya? Hindi mo kailangan umiyak ng husto dahil sa iyo pa rin ang desisyon.   “Tell me you’re coming back with me,” halos bulong iyon na nagpapakabog sa dibdib ko. Suminghot ako at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kaniya. His eyes are moistening, almost ready to let of the tear drops from those. He's Magus and never in my life I expect that I'll be able to see his vulnerable side and now, here he is.    “Please, wife," he pleaded, still, his lips are leaving kisses on my hand.  Just with that, I know, I lose. When it comes to him, I will always lose myself. I will always lose my beliefs, everything about me. It's him.  Tumango ako, ilang sunod na dahilan ng bahagyang panlalaki ng mata niya at pagsinghap. Tumingala siya, pinipigilan ang luha sa mata.   Tuluyang nagiba noon ang pinilit kong buoing pader sa puso ko. Hindi ba sinabi ko na sa sarili ko? Alam ko na tatanggapin ko pa rin siya sa kabila ng lahat. Ganoon ako nabulag ng pagmamahal ko sa kaniya.   “I am happy to know that you’re coming with him now, hija,” si Aunt Celia na hawak-hawak ang pinakapaborito kong painting.  Narito kami ngayon sa silid na inukopa ko sa kastilyo nila at inaayos ko ang mga bagay na gustong kong dalhin tulad na lamang noong natapos kong painting, iyong tatlo. Alam ko na walang-wala ang mga iyon kung ikukumpara sa mga gawa ng mga batikang pintor pero gusto ko na nasa akin ang mga pinagsimulan ko anng sa gayon ay makita ko ang improvements ko.   “Ipadadala ko na lamang sa iyo ito,” ani Aunt Celia na tinutukoy ay ang katabing canvas kung saan hindi naroon ang hindi pa tapos na pang-apat kong painting.   Bumagsak ang tingin ko roon sa parteng hindi ko maayos-ayos.   “Maari po ba? Babalik po ako upang kuhanin at tapusin,” pahayag ko.   Natuon din doon ang kaniyang tingin bago dahan-dahang tumango.  "Kaunti na lamang pala at matatapos mo na. Kapag dumalaw muli kayo," nakangiti niyang sambit na tinanguan ko. "H-huwag niyo po sanang ibibigay kahit na kanino o ipatatapos man lamang. Gusto ko pong ako ang gumawa noon," dagdag ko pa.   “Of course, hija. Anything for you,” aniya na lumapit sa akin at hinaplos ang braso ko. Aunt Celia has always been my companion here. Kahit pa dapat ay nasa side sila ni Magus ay ako ang inaasikaso nila at kailanman ay 'di ako pinakitaan ng 'di magandang asta. They are indeed different from Magus's other relatives. Sila iyong tipong alam mong may sasakluban ka at 'di ka gagawan ng masama. Dahil doon, kahit pa alam kong maiiwan ko si Magus ay panatag ako miski na para kay Loren na kapatid ko. Kapag tinalikuran sila ng lahat o kapag kinalaban sila ng lahat, sa tingin ko ay ang dalawang ito ang 'di kailanman aalis sa kanilang tabi at susuporta sa kanila.    “Halika na? Baka naghihintay na ang asawa mo,” anito at saka ako iginiya palabas, hawak ang aking kamay.   Nang makalabas kami sa pintuan ng silid ay agad na tinawid ni Magus ang pagitan namin kahit na nasa ikaapat na baitang siya ng hagdan sa baba. Umalalay siya sa akin at kung makikita ko ang estado namin ay mistula akong buntis o may sakit na inaalalayan ng kaniyang asawa.   “Mag-iingat kayo at saka dumalaw uli kayo, huh?” si Uncle Von na halatang masaya para sa amin. Nangingislap ang kaniyang mata at parang nawalan ng malaking pasanin sa dibdib. Alam ko naman na kahit na nakangiti sila sa akin ay nag-aalala sila para kay Magus at sa dinadamdam nito.   Tipid akong ngumiti at tumango.   Ilang habilin pa kay Magus at pasasalamat ko sa dalawa ang nakapagpatagal sa amin doon. Kung 'di pa kami giyahin sa labas ay 'di matatapos ang usapan sa pagitan naming apat.  Sa loob ng sasakyan ay napakatahimik. Hindi ako sumubok na magsalita o kausapin man lamang siya habang siya ay hawak-hawak ang aking kamay at marahang pinipiga iyon.   Sa pagdating namin sa kastilyo ay agad na nagbigay galang ang mga naroon at napansin ko ang pagbabago. Tila mas naging buhay ang kulay ng loob at miski na mga disenyo. Maraming bulaklak sa bawat kanto noon at ang mas nakakabigla ay napalitan ang mga bungo ng hayop doon ng mga paintings.   Namamangha ko iyong tinignan.   “I made sure you’ll feel home once you came back,” aniya mula sa likuran ko.   Binalingan ko siya. Lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.   “C-can I hug you?” usal niya.   Magus is not the type of person to asked such kind of question. Hindi sumaksak sa hinagap ko na makikiusap siya para sa isang yakap.   Tumango siya.   “It’s okay. I just missed you so much,” aniya na may mapait na ngiti sa labi.   Pakiramdam ko ay nabuksan ang emosyon na kaytagal kong pinilit itago.   Tumulo ang luha sa mata ko at saka tinawid ang pagitan namin at kinabig siya para sa isang halik.   I missed him. Sobra subalit pinilit ko na huwag maramdaman iyon dahil sa ganoong paraan ko lamang siya matitiis pero hindi pa rin pala. Hindi magtatagal na kaya ko siyang tiisin.   Nanginginig ang aking labi nang bumitaw at saka humikbi. Kinabig niya ako sa kaniya at ikinulong sa kaniyang bisig.   “At last, I’m home again,” bulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD