Kabanata 46

1574 Words
“Lady Loren! Nakatutuwa pong nakabalik na kayong muli!”   Bakas sa mukha ni Trisha ang saya nang pumasok siya sa loob ng silid ko at naabutan ako roon.  Mukhang hindi pa nito inaasahan na makikita ako dahil nagbigay bati lamang ito kay Magus at halos lumuwa ang mata dahil sa nasipatan ako.   Ganoon na rin pala ako napalapit sa kaniya.   “Mananatili na muli siya rito,” ani Magus sa likod ko.   Bumagsak ang mata ko sa aking hita, nakaupo ako ngayon sa kama at nagpapahinga ang katawan pero hindi ang aking isip. Nahihirapan man ako pero hindi ko nais na ipahalata kay Trisha an gaming problema. Hindi naman dahil narito ako ay ayos na. Mahal ko si Magus at isa na akong tanga sa pananatili sa tabi niya pero kahit ganoon, pinahahalagahan ko rin ang sakit na idinulot niya.   “Masaya po akong malaman ang magandang balita, Lord Magus,” nakangiti niyang sambit at saka nagpabalik-balik ang masiglang tingin sa amin.   Naramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni Magus sa aking balikat at kinintilan ng halik ang aking pisngi. Naghahatid ng hindi ko maunawaang pakiramdam iyon. Masaya? Masakit o ano? Wala akong maintindihan. Gulong-gulo pa rin ang isip ko.   “Thank you for coming back…” bulong niya.   Kinagat ko ang aking labi at tumango na lamang. Pakiramdam ko ay hindi ako komportable na ngayon ay narito ako at katabi siya. Maraming gumugulo sa isip ko ngunit mas nangingibabaw sa akin ang kagustuhan na manatili sa tabi niya ano’t ano pa man. Ayokong magsisi sa mga huling araw. Ayoko na kapag dumating ang panahon na kailangan ko nang ibalik ang pwestong ito kay Loren ay maiiisip ko na ako ang may kasalanan kung bakit hindi ko siya nakasama ng matagal.   Alam ko na ramdam ni Magus ang pagiging malayo ng loob ko sa kaniya. Dalawang araw ang lumipas na ako ay nasa loob ng kastilyo ngunit napakadalang ko siyang kibuin at palagi akong nakatalikod sa tuwi-tuwinang matutulog. Hindi ko naman naranasan na pilitin niya na makipag-usap sa kaniya na ipinagpapasalamat ko dahil hindi ko alam kung kaya ko ba siyang komprontahin tungkol sa aking mga nakita.   “Nasiyahan po ba kayo sa inyong bakasyon, Lady Loren?’ tanong ni Trisha sa akin nang minsang nagpasama ako sa kaniya sa hardin upang bisitahin ang mga rosas doon.   “Ayos naman ang naging mga araw ko roon,” pahayag ko at saka ginupit ang isang tangkay na tuyo na.   Mistulang nais ko na huwag niyang malaman ang pinagdaanan ko sapagkat kahit ganito siya, alam kong maari siyang maapektuhan. Ayoko magbago ang tingin niya sa tinitingala nilang Pinuno. Magus is a great man for him and to find out about this, knowing that Trisha is already caring for me, baka mawalan siya ng tiwala sa Pinuno nila.   “Ganoon po ba?” puno ng pag-asa ang boses na iyon.   Nilingon ko siya at nginitian ng tipid saka tumango.   “Uh… nagkaroon po ba kayo nang hindi pagkakaunawaan ni Lord Magus?”   Nananatiya ang boses niya noon, tila batid na isang sensitibong topic sa akin iyon. Nahahalata niya? Kung ganoon… hindi ako matagumpay na itago iyon? Tumikhim ako, ginawang normal ang tono ng boses at miski ang emosyon. Hindi pinahahalata ang pagkabigla sa naging katanungan niya. The more I act carelessly, the more I will look guilty in front of her.   “Bakit mo nasabi iyan?” sinubukan  ko na magtunog normal lang ngunit naging malamig ang tinig ko.   Nahihiya siyang umiling.   “Minsan ko po kasing nakita si Lord Magus na nakatingin lamang po sa nakapintang larawan ninyo na punong-puno ng sakit ang mga mata. Bumubulong po siya at nagsasabing patawarin niyo po siya.”   Natigil ako roon. Nagsimulang manginig ang kamay ko na itinago ko kaagad sa paningin ni Trisha. Patawarin? Hindi ba at ang sabi niya ay ako ang inaakala niyang nagtaksil? Tinanggap ko na sa isip ko iyon para lamang magawa ka pa rin siyang pakisamahan?   “Napansin mo ba kung palaging wala ang Lord Magus mo rito?” tanong ko.   Nangunot ang kaniyang noo tapos ay umiling.   “Sa totoo lang po ay ang High Reeves ang maya’t maya paroon at parito kundi naman po ay ang Fore Garroter. Si Lord Magus po ay naroon po palagi sa inyong kwarto,” pahayag niya.   Napailing naman ako. Sigurado ako na nangyayari iyon sa tuwing gabi. Nakapahinga na si Trisha noon kaya naman hindi na niya nakikita. Hindi ko maunawaan kung ang sarili ko ba ang kakampihan o si Magus dahil mahirap man aminin, gusto ko pa rin siyang paniwalaan.   “May napansin ka bang kakaiba sa kaniya? Pagbabago ng ugali o ginagawa o kaya naman ay kung napansin mo siyang umaalis tuwing gabi?” tanong ko pang muli.   Kinagat niya ang kaniyang labi.   “M-meron po…” labas sa ilong ang sagot niya na parang napipilitan.   Kumabog ang dibdib ko dahil sa labis na antisipasyon. Mabilis ko siyang nilapitan at nagmamakaawang tinignan siya. Hindi na alintana ang sinabing hindi ko gustong malaman niya ang tungkol sa aming problema. Isa na akong desperada.   “Maari mo bang sabihin sa akin kung ano-ano iyon?”   Nangunot ang noo ni Trisha at kinamot ang noo.   “Hindi po ba at palagi po siyang nagtutungo sa inyo tuwing gabi upang kayo ay mabantayan? Sa madaling araw po bumabalik si Lord Magus at nagpapakuha ng alak.”   “H-hindi iyon. Hindi siya sa akin nagtutungo tuwing gabi,” pagtanggi ko dahil hindi ko naman kahit kailan nakita si Magus doon.   Maaring sa iba at kaya siya nagmumukmok doon ay dahil nakokonsensya siya.   “Po? Doon po siya nagtutungo, sigurado po ako. Kapag nga po nagtatanong ako ay sinasabi niyang bago po kayo nakatulog ay hawak-hawak niya po iyong isang painting,” ngumuso si Trisha.   Naguguluhan na siya, halata sa kaniyang mata iyon at labis siyang nagtataka.   “Dahil po sa labis kong pagka-miss sa inyo ay ‘di ko po napigilan na maitanong kayo at halos nakalimutan na po na wala po akong karapatan. Nagulat po ako na walang habas na sagutin iyon ni Lord Magus,” dagdag niya pa.   “Para nga po siyang wala sa sarili kapag babalik. Mapula po ang kaniyang mata at tila galing lamang sa pag-iyak. Doon ko po naisip na baka kaya hindi kayo umuuwi rito ay dahil mayroon kayong problema. Kahabag-habag po ang kaniyang itsura at ngayon ko lamang poi yon nasaksihan.”   Parang piniga ang puso ko roon. Naguguluhan ako. Ayokong maniwala ngunit paano nalaman ni Magus na ako ay nakatutulog lamang kapag hawak ko o nahawakan ko na ang painting na iyon? Naging gawain ko iyon doon, gabi-gabi dahil sa tuwing naiisip na halos parehas kami ng babae sa larawan na nahihirapan ay naiisip kong mayroon akong karamay.   “Is there anything that he says?” tanong ko pang muli; gusto makasigurado.   Nag-isip siya at sunod-sunod na tumango.   “Lord Magus is asking me po kung noong bago po ba kayo rito ay umiiyak kayo lagi dahil sa inyong panaginip. Minsan na rin pong itinanong niya sa mga babaylan kung may kakayahan po ba ang mga ito na malaman kung anong klaseng mga panaginip ang inyong nakikita.”   Bumagsak ang aking balikat at napaupo na lamang. Hindi iyon ang kasagutan na aking nais na malaman.   “Why do I feel like something is not right?” usal ko. Halos mawalan na ng pag-asa dahil sa hindi makakuha ng tamang kasagutan.   Naguguluhan akong tinignan ni Trisha. Halatang nagtataka siya sa nakikita sa akin.   “Ayos lamang po ba kayo? Nais niyo pong makausap si Lord Magus o nais niyo pong tawagin ko ang manggagamot?”   Sa huling binanggit ni Trisha ako natuon. Manggagamot. Sakali ba na lumapit ako sa kanila, mabibigyan ba nila ako ng kasagutan? Iyon ang gusto ko nang sa gayon ay maayos ang relasyon na mayroon kami.   Humugot ako nang malalim na hininga.   “Trisha, m-may mali sa akin,” bulong ko.   “Ano po iyon?”   “Tawagin mo ang mga manggagamot. May nais lang akong malaman sa kanila.”   Tumayo ako at saka naglakad patungo sa loob at halos iwan na si Trisha. Tuliro na ang aking isipan.   May nais akong kumpirmahin. Kung si Magus ay palaging nasa akin tuwinang gabi, sino ang nasa panaginip ko at ano ang ibig sabihin ng aking mga pagluha ng dugo at miski na rin ang kagat sa aking leeg? Lahat ba iyon ay imahinasyon ko? But Aunt Celia was horrified when that happens. That means, she saw that. She witnessed my suffering during that time.   Even the bite on my neck. Ano nga ba ang tingin ni Aunt Celia sa akin noon? Magus… did he saw that? What is he thinking when he saw that?   “Did he also see that?” wala sa sarili kong tanong.   “See what, wife?” nanigas ako nang marinig ang kaniyang boses.   Nang lingunin ko siya ay mariin ang titig niya sa akin subalit alam kong may pag-aalala sa mukha.   “Did I see what?” bulong niya, ngayon ay nakalapit na sa akin gamit ang angking bilis.   “M-magus…” bulong ko.   Hinaplos niya ang aking pisngi.   “The time when your eyes bleed?” naglandas ang labi niya sa aking tenga.   Pigil hininga ako roon.   “Or when the time that your neck bears someone else’s bite?”   Bakas ang galit sa boses niya na lalo kong ikinabigla.     “Someone else’s bite?”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD