Kabanata 19

2353 Words
Mabilis ang bawat pagbuklat ko ng pahina ng bawat librong nakikita ko na sa tingin ko ay naglalaman ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga may matataas na katungkulan sa lungsod nila. Ilang araw na rin akong walang tigil sa kapapabalik-balik sa loob ng malawak na library dito sa loob ng kastilyo ngunit hindi ko makita. Ayoko naman na biglaang ipahanap iyon sa kung sino rito at maaring mag-isip sila ng masama. Ako na lamang ang kikilos. Mula noong isang araw pa ako pabalik-balik dito. Tinanong ko lamang kung saan ang library at halos hapon na akong lalabas. Hindi ko iniintidi ang gutom dahil mas mahalaga ay malaman ko kung sino ang lalaking sinasabi ni Trisha. “Lady Loren fell in love with a man she does not supposed to get close,” ani Trisha. “The former High Reeves also likes her but he is already married, Miss Caith. He is married but Lady Loren is the one who owns his heart,” aniya pa. Who is that guy? Sinong High Reeves iyon at bakit biglang nawala? Bakit pinalitan? Sino ang High Reeves ngayon? “Lady Loren,” nage-echo ang boses ni Trisha sa loob ng tahimik na library. “Hapon na po,” aniya pa, mahinhin pa rin ang boses. Isinara ko ang huling libro na aking hawak at saka ibinalik iyon sa pinagkuhanan. “Narito ako sa section D, Trisha,” pagbibigay alam ko sa kaniya. Ilang sandali pa ay nakasalubong ko na siya. Bumagsak ang tingin niya sa hawak kong isang makapal na libro na nadaanan ko habang sinasalubong siya. “Mukhang napakahilig ninyo po sa libro,” puna niya. Napangiti ako ng tipid dahil tama naman siya. Sadyang nakahiligan ko na mula pa noon ang magbasa ng libro na siya namang taliwas kay Loren. She loves to play unlike me. Sa aming dalawa, si Loren talaga ang maligalig at sinasakyan ko iyon dahil hindi ko gusto na nagkakaroon siya ng tampo sa akin kung kaya naman ngayon ay hindi ko talaga lubos maisip na magiging malamig at masyadong tahimik ang aking kapatid tulad ng kanilang sinasabi. Mukhang nagkabaligtad kaming dalawa. “The Lord asked for you but he said if you are too tired, he will meet you tomorrow,” pag-iimporma ni Trisha. Bumuntong hininga ako at naisip na naman ang mga nangyari sa mga nagdaang araw. Hindi taliwas sa akin ang kakaibang ugaling ipinakikita ng mga tao na aking nakasalamuha habang nasa tabi ni Magus. Sadyang may talim sa kanilang mga mata at ngayon nga ay alam ko na ang dahilan noon. Ang ipinagtataka ko na lamang ay kung nasaan ang dating High Reeves na nagkaroon ng relasyon sa aking kapatid? Bakit siya biglaang napalitan? Dahil ba sa naging koneksyon niya kay Loren at dahil si Loren ang pinili ni Magus? Isa pa iyon sa aking katanungan. Why would Magus choose Loren even after knowing that she is having a relationship with his High Reeves? What is he up to? “Trisha,” pagtawag ko sa kaniya habang siya ay aktong lalakad na paalis ng aking silid. Nilingon niya ako at saka nginitian. “Is it true that Loren is suffering from a curse or she just eloped with the former High Reeves?” diretsahan kong tanong. Mukhang hindi niya inaasahan ang narinig dahil bumakas ang pagkagitla sa kaniyang mukha. “Totoo ba na may sumpa siyang pinagdaraanan o niloko lamang ako ni Mr. Jarvis?” pag-uulit ko. "It's been a month! Dapat narito na ang kapatid ko at sana ay nakita ko man lamang kahit anino niya pero wala siya. Sa halip, naiipit ako rito at hindi na alam ang gagawin," problemadong sambit ko. Hinarap ko siya at saka nakikiusap na tinignan. "Tell me what you know about my sister, Trisha. Nasaan ba talaga si Loren?" Nawala ang konsentrasyon ng kaniyang mga mata at nagsimulang kagat-kagatin ang kaniyang labi. Umiling siya ng umiling. “S-sa totoo lang po ay… hindi ko po alam ang tungkol diyan,” paliwanag niya na halatang may hindi pa sinasabi. Tumayo ako at tinawid an gaming pagitan at saka ginagap ang kaniyang kamay. “Trisha, tell me everything you know. I am begging you. Please!” pakikiusap ko. Suminghap siya at nanatiling nakayuko subalit ilang sandali lang ay marahan na tumango. Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib. “Wala po akong alam sa tunay na kalagayan ni Lady Loren subalit alam ko po na hindi pa po kayo makababalik sa dati ninyong buhay,” pahayag niya at saka nag-angat ng tingin sa akin na may naaawang mata. “Matatagalan pa po kayo rito dahil wala po talagang kasiguraduhan kung kailan magbabalik si Lady Loren para umupo sa pwesto niya.” Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang una kong unahin. Ang katotohanan na hindi ako agad makababalik sa amin tulad nang ipinangako sa akin ni Mr. Jarvis o ang alamin ang katotohanan sa likod ni Loren? Kahit kailan hindi niya ipinakita sa akin ang kapatid ko. Bakit? Dahil ba wala siya? At sino ang naging karelasyon ng kapatid ko at ano ang nangyari sa kaniya? Natapos ang gabi, sumapit ang umaga pero ako ay wala pa ring tulog dahil sa kaiisip. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sama ng loob. Umaasa ako na makikita ko na muli ang aking ina at makababalik sa normal na buhay pagkatapos ay malalaman ko na hindi ganoon ang mangyayari. Kagabi pa lamang ay ninais ko na makausap si Mr. Jarvis upang maliwanagan dito subalit kung gagawin ko iyon, malalaman niya na si Trisha ang kaisa-isang nagsabi sa akin. I have read Mr. Jarvis’s duty. He is a Fore Garroter and he is bound to punish his kind who does things that disobey their law. Paano pa kaya si Trisha? Malaki ang katungkulan niya at mabilis lang niyang mababaligtad ang lahat. Si Trisha lang ang kakampi ko rito at kapag nawala siya, hindi ko alam kung kakayanin ko mag-survive. “Lady Loren, the Lord is waiting for you." Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon. Kanina pa nila ako sinundo ngunit hindi ako kumikilos dahil una sa lahat, ramdam ko ang pagkalutang dahil sa kawalan ng tulog at pangalawa, sa tingin ko ay hindi magandang makaharap ko ngayon ang kanilang Pinuno kung ganito ang aking estado. Baka mamaya ay hindi ko maunawaan ang nais niyang pag-usapan. “Just tell him I am not feeling well,” I murmured. Nakarinig ako ng bulong sa kanila ngunit hindi ko na binalak pa na alamin kung ano ang issue nila sa aking sinabi. Tulad ng sinabi ko ang utak ko ay lumilipad sa katotohanan na magtatagal pa ako rin ako rito. Nasaan ang isang buwang kasunduan? “Kasunduan…” Tama! May kasunduan kami at hindi pwedeng baliin iyon kaya naman magkakaroon ako ng pagkakataon na ilaban ang akin. Para akong nabuhayan ng loob dahil doon. Dali-dali akong bumangon at nagtungo sa harapan ng salamin upang sipatin ang aking sarili. Matapos na makitang ayos lamang at presentable naman ako ay halos lakad-takbo kong tinungo ang pintuan ngunit ‘di ko pa man nahahawakan ang seradura ay kusa na iyong pumihit. Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kunot-noong si Magus. Kinabakasan ng pagkabigla ang mukha niya ngunit sandali lamang iyon at nagbalik sa normal na ekspresyon. “Where are you going?” aniya na pumapasok na sa loob ng aking silid. Naging paatras ang aking lakad samantalang siya ay nilibot ang mata sa kabuoan ng silid. “I thought you aren’t feeling well so why are you up?” tanong niya, hindi ganoon kalamig ang tono ng boses subalit bakas pa rin ang otoridad. Tumikhim ako at hindi na inintindi ang pagkagulat. Sa kaniya ako patutungo upang sana ay masabi na kailangan kong makausap ang aking ama-amahan. Ngayong narito na siya ay ‘di ko na kailangan pang lumabas. “Ahm… I want to ask for a favor?” nag-aalinlangan kong pahayag. Tumagilid ang kaniyang ulo at bumagsak ang tingin sa aking kamay na kumukumpas pa dahil sa kaba. Ibinaba ko iyon agad at humugot ng malalim na hininga. “I want to speak to my father,” sambit ko. Nagsalubong ang kaniyang kilay pero tumango sa akin, binibigyan pa ako ng karapatan na magpatuloy. Lumunok ako at saka nagsalita pang muli. “I have to ask him something controversial. Can you call him?” tanong ko. Mabilis akong napangiwi nang maisip na parang hindi tugma ang aking sinabi. Wala namang cellphone ang bampira, hindi ba? Bumuntong hininga siya at tumango sa akin. “I will send him someone to tell him that,” he said. Nakahinga ako ng maluwag ngunit agad ding nawala ang saya sa dibdib ko nang mapansin na wala pa siyang balak na umalis. “Uh…” kinagat ko ang labi ko dahil sa pagkabalisa. “May kailangan ka pa ba sa akin?” tanong ko. Hindi niya ako binigyang kasagutan subalit ang mata ay mariing nakatitig sa akin. Sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa at hindi malaman kung dapat ba na mag-iwas ng tingin o ano. “You are sweating,” he mumbled. I wipe my forehead to see if there is really any sweat but lucky to find out there’s nothing on it. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. “Pinagloloko mo ba ako?” wala sa sarili kong tanong dahil sa pagkainis. Huli na nang ma-realized ko na mali ang pagkakatanong ko. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at saka naglakad palapit sa akin na siya ko namang iniwasan. Paatras akong naglakad habang siya ay hindi tumitigil hangga’t hindi ako nalalapitan. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko ngunit hindi alam kung dahil ba sa kaba o sa kung ano pa mang bagay. “A-anong ginagawa mo?” nanginginig ang boses ko nang banggitin ang mga salitang iyon. Naramdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa sofa at wala ng uusugan pa. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang pagkabwisit. How come dito pa ako napunta? Umangat ang kaniyang kamay sa ere at napaisip na ako kung ano ang gagawin niya. Is he going to hurt me? Is he going to do something that might violate me or what? Naningkit ang aking mata habang nakasunod sa kamay niya at parang natulos na kandila ng dumikit iyon sa ibaba ng aking patilya. Nahinto ako sa paghinga. Dumausdos pababa ang kaniyang daliri at saka itinapat sa aking mukha. “See? It’s a sweat,” he said hoarsely. Umawang ang labi ko dahil doon. Parang tinambol ng inis ang dibdib ko at mabilis na kumilos upang siya ay maitulak palayo sa akin. Hindi niya inaasahan ang aking ginawa pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita at sitahin ako dahil ako na mismo ang gumawa noon. “You could have told me that!” inis kong sambit. Naningkit ang mata niya at umangat ang sulok ng labi na pansin kong kalimitan niyang ginagawa kapag kaharap ako. “I already did, Miss. You just thought I am making a fool of you,” he annoyingly explained himself. Sa sobrang pagkairita ay umikot ang aking mata. “Bully,” bulong-bulong ko. Binalingan ko siya muli ng tingin at tinaasan ng kilay. “May kailangan ka pa?” tanong ko dahil nag-uumpisa na naman siya sa tingin na kakaiba. Hindi ko alam kung may disorder ba ang mga katulad niya dahil nakahiligan na yata nila ang titigan ang isang tao. “I want to check if you are really not feeling well but I guess you are okay…” halatang putol ang kaniyang sinabi at may nais pang sabihin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na tila nanunuya pa. “Considering that you can put a quarrel with me. I guess you are fine now,” sinambit niya ang mga salitang iyon na parang naliligayahan siya. Pagod akong bumuntong hininga at tumango. “I am fine now. You can go,” nagtitimpi kong sambit. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko ang lalaking ito ay hindi ako maging kalmado. Para bang sa tuwi-tuwina na makikita ko siya ay may isang nakakainis na bagay siyang gagawin. I have been reminding myself that he is some sort of Lord. That he is powerful and can even kill me in just a snap but whenever I am facing him, I can’t see that kind of man. All I can see is an annoying one. Bumuntong hininga siya at ibinalik ang ekspresyon niya kanina nang siya pumasok dito. “I am going. Expect the Fore Garroter tomorrow,” aniya at saka tumalikod. Hindi ako kumilos at pinagmasdan siyang naglakad patungo sa pinto. Nang mabuksan niya iyon ay lumingon pa siya sa akin at nag-iwan ng isang ngisi. “Didn’t know we can sweat,” he said before finally leaving the room. Naiwan akong naglo-loading kung ano ang nais niyang sabihin at nang matanto ay halos malaglag ang aking panga. Kusang sumabunot ang kamay ko sa aking buhok at nawalan ng lakas ang mga tuhod. “What the hell? Vampires do not sweat.” Maluha-luha ako na iniisip iyon. Bakit ba hindi ko naisip iyon? Ano-ano ba ang mga hindi dapat makita sa akin ng mga kauri niya? Nakaupo ako sa sahig at yakap-yakap ang aking binti at halos kagatan ang aking kamay sa sobrang pagkapahiya at takot na rin. He noticed some unusual things in me and I am sure the seed of doubt is already buried in his mind. Sa ganoong posisyon ako natagpuan ni Trisha at dali-dali akong dinaluhan upang tanungin kung may masakit ba sa akin. “Malamig po ang sahig at hindi dapat kayo riyan umuupo,” paninita niya sa akin. Inalalayan niya ako na makaupo sa sofa at inabutan ng tubig na siya namang tinanggap ko. “Ano po bang nangyari, Lady Loren?” aniya. Wala sa sarili akong bumaling sa kaniya at kumurap-kurap. “He will start doubting me,” I whispered as if I am trying to tell that to myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD