Kabanata 18

1233 Words
Nanlalamig ang aking mga kamay at sadyang namamawis ang aking tenga hindi dahil sa lamig kundi dahil sa kaba. Narito ako ngayon sa harapan ng mahigit sa labin-apat na miyembro ng konseho. Lahat sila ay matamang nakatingin sa akin subalit ang nakabalatay sa mukhang ekspresyon ay malamig lamang na para bang ganoon talaga sila tumanggap ng bisita.   “Let me formally introduce to you the lady of the Roshire clan. My wife, Loren,” the Lord said with a dripping confidence on his voice.   Tumayo ang mayroong pinakamataas na posisyon sa kanilang lahat at agad na hinarap kami ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon.   “We are pleasured that you brought the lady of the whole clan here, Lord Magus,” pagpuri niya sa aking kasama at saka lumipat ang tingin sa akin.   “And of course!” he huffed. “Welcome to the clan, Lady Alnwick,” he said but I can hear something on his voice. Sarcasm?   Sa halip na pagtuunan ng pansin iyon ay isang pilit at malamig na ngiti ang aking isinukli. Ang mukha ko ngayon ay sinlamig ng sinasabi nilang Loren. Ang aking mga labi ay magkapinid at kumikibot lamang sakaling kailangan. Nagpapasalamat ako na nagagawa kong itago ang kabang nararamdaman ko sa ganitong pagkakataon.   ‘Loren, you better come back or else they will kill me!’ ako sa aking isip.   These vampires… I can sense their strength at alam ko na sakali man na mapag-alaman nila ang katotohanan sa aking pagkatao ay hindi sila mangingimi na ako ay bigyan ng parusang kamatayan. Hindi dapat mangyari iyon. Bago pa man nila malaman, kailangan na makabalik na ang tunay na uupo sa tronong inuupuan ko ngayon.   “I assumed the Lady of Clan already knows what responsibility she is facing…” the woman in the back spoke loudly.   Lahat ng naroon ay nilingon siya. Maputing buhok, may kalakihang bilog ng kulay asul na mga mata, mapupulang labi at maputlang balat. Napakaganda at halatang sopistikada. Tipong kung sasali siya sa beauty pageant na itinatanghal sa tao ay paniguradong may ilalaban.   Isang ngisi ang lumitaw sa kaniyang labi at lumitaw ang mapuputi niyang ngipin.   “Considering the fact that she married you,” pagpapatuloy niya sa sinasabi.   “Serika! Your mouth!” sita sa kaniyang ng babaeng katabi na agad na ngumiti nang bumaling sa akin.   “Forgive my daughter for being to dramatic. She still can’t accept that she is not the one you choose to be with when she is your partner for years,” sambit nito at saka tumayo para kami ay lapitan.   Sandaling nangunot ang aking noo sa kakaibang tinig na narinig. She is trying to embarrassed me with her words. Kunwari lang na sinuwata ang anak subalit may mas matindi siyang pasaring. Loren. What kind of people you are about to face when you get back here? Mahihirapan ka yatang manatili sa pwesto mo kung ganito karami ang mga kalaban mo.   “Good to meet you personally, Loren. Not as the Fore Garroter’s daughter but as the Lady of the Clan,” anito at saka kinuha ang aking kamay.   Isang pekeng ngiti ang ibinalik ko sa kaniya.   “It is my pleasure to stand here beside the Lord. I am keeping my word. I will stand here until he begs me not to,” pagbibitaw ko ng salita na sadyang ikinangiti ng katabi ko.   Naalala ko ang sinabi ni Mr. Jarvis na nais ni Loren na mapaglingkuran noon ang kanilang Pinuno at sinabi niya na handa siyang manatili sa tabi nito sakaling siya ang mapipili at mukhang iyon ang bumihag sa puso ng kanilang Pinuno.   Bumaling ang tingin ko sa babaeng kanina ko pa ramdam na may masamang titig sa akin at hindi ako nagkamali. Hindi niya binago ang tingin na iyon at lalo pang tumaas ang sulok ng kaniyang labi na siya namang sinabayan ko gamit ang isang matamis ngunit alam kong nakakairitang ngiti. Sa tingin ko ay tumalab iyon dahil mistulang tatayo siya upang magprotesta subalit naagaw ng bagong dating ang atensyon ng mga naroon.   “My Lord,” Mr. Jarvis acknowledge his presence and when he look at me he painted a smile on his face as if he is really glad to see me and so, I played well too.   “Father,” pagtawag ko sa kaniya at ako na mismo ang unang lumapit upang yakagin siya sa isang yakap.   “The house miss you, Loren but I guess it is much better now that you are with our Lord. I am sure he will protect you at all cost,” humalakhak siya matapos sabihin iyon at magbitaw sa aking yakap.   “He is your husband, after all,” sambit niya pa na halatang sarkastiko ang magiging dating sa ilan sa mga kasamahan namin.   Pakiramdam ko, ang araw na iyon ang isa sa pinakamahabang araw ko rito sa lungsod nila. Sadyang may kani-kaniya silang pasaring at halatang hindi kakampi ang turing sa isa’t isa.   Plakda ako sa kama ng makarating muli sa kastilyo. Nauna akong umakyat dahil agad na sinalubong ng High Reeves si Magus. Oo. Magus lang ang itatawag ko sa kaniya kapag hindi ko siya kasama. Hindi ako masanay-sanay sa Lord na iyan dahil iba ang ibig sabihin noon sa tulad kong tao.   “Lady Loren,” pagtawag ni Trisha sa aking pangalan habang inaalis ang mga palamuti sa aking buhok.   “Kamusta po ang inyong paglalakbay kasama si Lord Magus?” tanong niya.   Ngumuso ako subalit nanatiling nakapikit ang aking mga mata dala ng pagod.   “Hindi nila ako gusto, hindi ba , Trisha?” tanong ko.   Natigilan siya sandali at saka bumuntong hininga.   “I mean, hindi nila gusto si Loren bilang kabiyak ng inyong Pinuno,” paglilinaw ko sa una kong sinabi.   “Huwag niyo na lamang pong pansinin iyon, Lady Loren,” aniya.   Natahimik ako at napapaisip. Ang babaeng nakaharap namin kanina; iyong Serika ay halatang naging karibal ni Loren sa pwestong ito at hindi nito iyon matanggap miski ng kaniyang Ina.   “Kaawa-awa ang kalagayan ng kapatid ko sakaling magkampi-kampi ang mga iyon laban sa kaniya,” naisatinig ko ang mga salitang iyon.   “Ano pong ibig ninyong sabihin?” takang tanong ni Trisha.   Bumangon ako at saka siya hinarap. Namimilog ang kaniyang mata at nakabalatay ang pagtataka roon.   “May nangyari po bang hindi maganda?” aniya.   Matipid akong ngumiti.   “Napansin kong halos kalahatan sa konseho ay hindi nais ang kapatid ko para sa posisyon na ito,” paliwanag ko.   Yumuko si Trish at kinagat ang labi. Alam na alam ko ang ibig sabihin noon.   “Alam mo ang dahilan, hindi ba, Trisha? Sabihin mo sa akin. Huwag kang mahiya. Nais kong malaman nang sa gayon ay hindi ako makagawa ng kamalian na makapagpapahamak kay Loren,” pahayag ko.   Parang nawawalan ng pag-asa si Trisha na bumuntong hininga at nag-angat ng tingin.   Kinuha ko ang kaniyang kamay at ngumiti sa kaniya.   “Makikinig ako,” sambit ko.   Kinagat niya ang kaniyang labi at naglumikot ang mga mata.   “H-hi…” nahinto siya at hindi maintindihan kung dapat ba na magsalita.   “Go on. I won’t budge,” paga-assure ko sa kaniya. Tumango naman siya at saka humugot muli ng hininga.   “They don’t like Lady Loren for the Lord because of her past relationship with the former High Reeves.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD