It has been a month. Isang buwan at limang araw na ako rito sa lugar na ito at hindi magkakaroon ng pagkakataong makalaya pang muli hangga’t hindi nagpapakita ang taong dapat ay nasa posisyon na ito. Loren. She’s still unable to fulfill her duty as Magus’s wife and I can no longer turn my back like what I want to.
Sinubukan kong magmakaawa. Sinubukan kong ipaintindi na hindi iyon ang usapan, na hindi iyon ang aking inaasahan, na kailangan ako ng aking Ina subalit hindi siya nakinig. Hindi niya ako hahayaan na makaalis ng buhay sakali man na ilaglag ko siya. Kapalit pa rin ay ang aking buhay.
Bakit nga ba naisip kong tutupad siya sa kaniyang ipinangako? Bakit hindi ko napansin na ang kasulatang nilagdaan ko ay isang kasulatan na kayang-kayang baguhin ng kanilang posisyon?
“I am begging for my freedom, Mr. Jarvis. Nag-usap po tayo. May usapan po tayo na makababalik ako matapos ang isang buwan!”
Nag-uumalpas ang pinipigilan kong luha. Dinadama ko ang panghihinayang, galit at pagkabigo dahil sa binitawan niyang mga salita na hindi ko inaasahan na kaniyang sasabihin.
“Once you let go of my hand, I will no longer protect you from my kind. I can turn the table, Miss De Lesa. Your words won’t do anything to save you,” aniya.
Nanginginig ako at nawalan ng lakas ang aking tuhod. Nagsimula akong sumigok dahil sa labis na pag-iyak at hindi makapaniwala na ang pinagkatiwalaan ko ay magagawa akong ganituhin.
I expected him to explain to me but instead, he blackmailed me.
“Your sister cannot fulfill her duty at this point. If you want to see her, I will allow you but I cannot give you what you want,” he said. His eyes are blankly staring at me.
“If I’ll let you go now, they will still haunt you. They won’t stop until they witness the death of us. I still have a lot to do, Miss De Lesa. Your sister needs your help. Once you are gone, everyone will try to take away the crown she has now and that will hurt her more.”
My mind is blank. All I can think is my mother who does not have someone by her side. Pakiramdam ko ay inabandona ko siya sa lagay na ito.
“Inay, isang buwan lang po at makababalik na ako. Pangako iyan.”
Mga binitiwan kong salita na hindi ko pala matutupad dahil maiipit ako sa isang sitwasyon na napakahirap labasan kahit pa may butas naman.
“The only choice you have right now is to continue living as Loren or die with me,” he mumbled.
“And I cannot guarantee you that your mother will be exempted. Pretending not just as someone but as the Lord’s wife…” he looked at me with misery on his eyes. “Death is still not enough for them.”
I laughed without humor.
“Ikaw ang nagdala sa akin sa sitwasyon na ito. Ikaw ang puno’t dulo,” nanginginig at galit kong sambit.
Nagtatagis ang aking bagang dahil sa labis na panibugho sa kaniya at sa mga binibitawan niyang salita.
“I am,” he nodded. “But I can make them blame you for it but I do not want that, Miss De Lesa. So please...” he looked at me with his pleading eyes.
“Please, stay a little longer. It will be for you and for your sister.”
That words hunts me down. I cannot sleep at night and feels so restless for the whole day. I cannot even speak normally with Trisha. I don’t know what to do but to sulk inside my room where my sister should belong.
“Inay…” pagtawag ko sa kaisa-isang taong alam kong makauunawa sa aking sitwasyon ngayon.
Kung narito siya ay magagawa niyang paliwanagin ang aking isipan at hindi ko mararamdaman na ako ay nag-iisa. Kung sana lang ay nandito siya.
Humigpit ang kapit ko sa litratong hawak-hawak ko. Dalawang batang nakangiti at masayang naglalaro. Parang walang problema o ano pa mang nakapasan sa kanilang dibdib.
“Loren…” bulong ko.
“What kind of life did you gave me?”
I smiled painfully. I do not have a choice. Magpatuloy o mamatay.
Inisa-isa kong buklatin ang mga librong ipinasadya kong ipahanap kay Trisha. Narito ako sa pinakasulok na bahagi ng aking silid at nakatutok sa paghahanap ng impormasyon na kailangan kong malaman tungkol sa mga bampira.
Ilang araw na akong nagtatago at hindi man lamang hinaharap ang kanilang Pinuno. Sa aking palagay, sa oras na ako ay lumabas sa silid na ito ay hindi na ako makakawala sa pagiging si Loren. Kailangan kong alamin kung ano ang mga kayang gawin ng isang bampira, ano ang ipinagkaiba nila sa tao at kung ano ang dapat kong iwasang gawin. Ang naituro nila sa akin ay kung paano ako aakto bilang ang kapatid ko at hindi napagtuunan bigyan ng pansin na ipaalam sa akin kung ano ang ibang bagay na nararanasan ng isang tao na hindi nila tinataglay.
“Lady Loren,” si Trisha na kapapasok lamang sa aking silid.
Hindi ako nag-angat ng tingin bagkus ay binigyan lang siya ng signal upang magpatuloy.
“The Lord wants you tomorrow. Master and Lady Givarry will be here to pay the both of you a visit,” aniya.
Natigilan ako sa pagbabasa. Who is that?
“Nakilala ko na ba sila?” tanong ko sa kaniya.
“Sa tingin ko po ay sila ang nasa kwento ninyo na siyang kauna-unahang pinagdalhan sa inyo ni Lord Magus,” aniya.
Bumalik sa alaala ko ang mag-asawang mainit na tumanggap sa amin noon. Napatango ako.
“Sige. Maghahanda ako para roon,” pahayag ko bago bumalik sa ginagawa.
Hindi ko na namalayan na umalis si Trisha dahil tutok ako sa pagbabasa ng mga kaalaman tungkol sa kanila.
“Our kinds are formed by thirst and hunger,” pagbasa ko sa nakasulat.
“The only way to live is to hunt for prey. The only way to die is to deprive ourselves from blood.”
Vampires are indeed monsters as they are call by my kind. Their literatures already explained it. Wala talaga akong dapat na pagkatiwalaan sa kanila dahil hindi kami pareho.
Isinarado ko ang isang aklat at napiling basahin naman ang pinakamakapal. Hinaplos ko ang pabalat noon at napansin na inukit ang pamagat ng aklat.
“Roshire’s History,” pagbasa ko roon.
Dali-dali ko itong binuksan at halos mapaubo ng bumuga iyon ng makapal na alikabok. Sisigok-sigok ako pagkatapos makahuma. Pinagpag ko ang aklat dahil na rin sa alikabok noon. Halata sa papel ng bawat pahina na ito ay lumang-luma na. Sa tingin ko, ang ginamit na panulat dito ay hindi basta-basta tinta at ballpen lamang.
“Roshire Clan was founded by the late Sakros Vonserri Alnwick together with his sister Sabrina Vonserri Alnwick.”
Roshire Clan is the smallest group of vampires on sixteen eighties. They are the sub of Volturi and Monteroev that are bound to live on a piece of land provided to them by the two groups.
At the late seventeen thirties, the Roshire Clan started to earn a lot of members from the Clan of Monteroev; the most aggressive in the group. There happened to be a clash between the two that made them apart. The Roshire Clan face a tragedy which lead to Sakros Alnwick to forcedly enter the base of the hunters who captured his sister.
At the late seventeen thirties, years apart, Sakros declared to stop hunting prey and start living without causing trouble to a lot of people. He declared to cut the communication with the two groups who did not agreed to his plan.
Sakros Alnwick provided a lot of evidences that proves their words. The Clan of Roshire built a strong relationship with the Government after a year.
Kunot-noo akong napatigil nang malipat na sa kabilang pahina. I am expecting something from this book but why there is nothing? Ni hindi sinabi rito ang dahilan kung bakit bigla-biglang naisipan ni Sakros Alnwick na makipag-ayos sa mga tao. I am expecting that they will include that. Imposible naman na hindi niya ipinaliwanag iyon sa kaniyang mga nasasakupan?
“The Reigns,” pagbasa ko sa nakasulat na pamagat sa sumunod na pahina.
“Sakros Vonserri Alnwick—1682-1871. Ferron Lemorte Alnwick—1872-1889. Morseno Serauus Alnwick—1889-1984. Magus Givarry Alnwick—1984…”
Doon na natapos ang nakasulat doon. Marahil ay dahil nanunungkulan pa rin hanggang ngayon si Magus. May isang katanungan sa isip ko. Bakit natapos ang panunungkulan noong isa sa napakaikling panahon lamang?
Ang pumangalawa kay Sakros Alnwick. Anak niya ito, sigurado ako ngunit bakit ang bilis naman na natapos ang kaniyang termino? Namatay ba siya agad na siyang dahilan nang mabilisang paglilipat ng korona sa kaniyang anak?
“Lady Loren… handa na po ang inyong hapunan,” ani noong bagong dating na siyang nag-aayos ng pagkain sa dating pinagpwestuhan noong unang araw ko rito.
“Maari bang pakitawag si Trisha?” ako habang naglalakad palapit sa mesa.
Binalingan agad noong sa tingin ko ay siyang naatasan na mag-supervise sa gabing ito.
“Pakitawag siya,” aniya at saka muling bumaling sa akin.
Isang matipid na ngiti ang aking pinakawalan at saka nag-umpisa na kumain. Hindi ako ganoon kagana dahil napakarami kong isipin. Nais ko lamang na kahit papaano ay pawiin ang gutom na aking nararamdaman.
Ilang minuto ang nagdaan at bumukas ang pinto at inuluwa si Trisha ngunit ang agad kong napansin ay hindi siya kundi ang lalaking nakasunod sa kaniya.
“My Lord,” pagbati sa kaniya nang mga naroon kaya naman ganoon din ang aking ginawa.
Isang bahagyang pagyuko at pagbati sa kaniya kahit pa wala naman sa isip ko nang gawin ko iyon. Ayoko lamang na mag-isip ang mga narito tungkol sa hindi ko pagbibigay-galang sa kanilang Pinuno.
“Lady Loren,” pagbati sa akin ni Trisha.
Tumango ngunit mas nagbigay pansin sa bisita.
“May maipaglilingkod ba ako sa iyo, Lord Magus?” magalang kong tanong.
Bahagyang nagsalubong ang kilay niya at tila napansin anv pagbabago sa tono ng aking pananalita. I've been so carefree for the past month that I almost forgot to pay him a respect like what Mr. Jarvis taught me.
Isang peke at tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.
Sandaling lumipat ang tingin niya sa mga naroon at sinenyasan sila na lumabas bago ibinalik sa akin ang tingin.
Kunot na kunot ang noo kong pinapanood ang paglabas ng mga iyon kasama na si Trisha. Bago pa man nito tuluyan na maisara ang pinto ay pinaunahan ko na siya ng salita.
“Don’t leave, Trisha. I have something to ask you after this,”
Isang tango at ngiti ang iniwan sa akin ni Trisha bago pa nito tuluyang naisra ang pinto. Naiwan kaming dalawa roon.
“Do you want anything, My Lord?” I asked formally. His forehead knotted and confusion filled his eyes.
“Are you feeling well now?” he asked with a low voice.
I bit my lips and nodded.
“Kahit papaano ay kaya ko na ang sarili ko,” sambit ko.
“Maupo ka,” sambit ko at iminuwestra ang isang upuan sa tapat ng mesa.
Bumagsak ang tingin niya sa mga pagkain na naroon.
“Do you want to eat with me?” I asked normally.
His eyes bore into mine; his face shows me that he is shock upon hearing my question. I shrugged. He is indeed confused of my sudden change of behavior towards him.
“You are here and I am eating. It would be very disrespectful if I won’t asked you that, right?”
His stare almost made me feel as if I am inside the examination hall and being watched by the professor. Thank God, he is the one to drop that kind of stare. I heard him let a deep sigh before nodding. He walks towards the chair on the opposite side. I waited for him to sit before grabbing the cup of tea.
I am not comfortable with his presence but as of now, I am finally letting myself because if I don’t, I will not succeed on staying here. Ang kauna-unahan na dapat kong makapalagayang loob ay siya dahil siya ang ituturing kong asawa hangga’t wala pa ang aking kapatid.
“Is there anything you need aside from time alone?” he asked all of a sudden.
That stops me for a moment.
There is. My freedom.
Lumunok ako at pinilit magpakita ng ngiti.
“Wala naman. Sa tingin ko ay magtutuloy-tuloy na ang pag-ayos ng aking pakiramdam,” pahayag ko.
Isang tango ang kaniyang isinagot at saka nagsalin ng tsaa sa isang tasa.
Naging tahimik ang silid para sa aming dalawa. Dahil nasa harapan ko siya ay malaya ko siyang natitigan. Isang lalaki na makapal ang kilay na mas nagpapa-intimidate sa kaniyang madidilim na mga mata. Ang kaniyang labi ay singpula ng labi na kagagaling lamang sa isang halik. Ang buhok niya ay may bahayang pagkakulot ngunit dahil hindi iyon mahaba at nat-trim ay hindi masyadong halata kung hindi tititigan.
“Done checking me out?” he asked.
Nabitin ang sana ay paghigop ko muli sa tasa ng tsaa. Tumalim panandalian ang aking tingin bago pa nakabawi.
“I am just thinking why a man like you will chose to have me as a wife,” I said with a glint of curiosity.
It’s his turn now to be brazen.
“Why not you? You are the most suitable one,” he said before putting down the tea cup.
Napangisi ako dahil doon. Suitable. Ano ba ang depinasyon niya noon? Para isang ala-hari hindi ba marapat lamang na siya ay pumili ng mas malinis ang dignidad kaysa aking kapatid?
My lips formed in a thin line.
“Even if my name’s already tarnished by my past relationship with your former High Reeves?” I asked.
His eyes dropped to my lips and he squint. Humilig siya sa sandalan ng upuan at saka ipinatong ang kamay sa mesa na tila ba isang enteresanteng bagay ang binuksan kong topic. Tinignan niya ako na para siyang naaaliw sa akin.
“I am fine with that." he fired back; with his low voice that almost weaken me. "It’s not as if I don’t know the truth,” he added and smirked at me.