Kabanata 7

1038 Words
Kinabukasan, puspusang pag-aaral sa katauhan ni Loren ang aking ginawa. Lalo pa at nais nila na pihadong kaya kong dalhin ang kaniyang kilos at mga nakagawian na gawin. May posibilidad dawn a kailangan kong makaharap ang kanilang Lord kung ito ay makaaabot sa pagpupulong. Biglaan dawn a kinailangan ito sa ibang bansa para sa pulong nga mga namumuno.   Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sanay sa kanila at sa ilang mga way nila na hindi nakasanayan ng tulad kong ordinaryong tao lang. Minsan ay hindi ko maatim na kapag kasabay kong kumain si Mr. Jarvis ay totoong dugo ang nakalagay sa kaniyang kopita. Ang ginagawa ko na lamang ay nagpapadala ako ng pagkain sa silid ni Loren at doon kumakain. Sang-ayon din naman si Mr. Jarvis doon dahil hindi naman talaga sila nagkakasabay ng pagkain ng kapatid ko.   Sa totoo lang, nang miminsan akong lumibot sa buong lugar ng malaking bahay na ito, ang mga nakakasalubong kong kasambahay ay iwas na iwas sa akin animo’y may sakit akong nakahahawa subalit sa halip na itama sila ay hindi na lamang ako nagkibo dahil ang sabi ni Teren ay hindi si Loren kumikibo ng mga kasamabahay bukod pa sa kaniya.   “Kung gusto mong maligtas mula sa pagdududa, manatili kang tahimik. Less talk, less mistake,” ani Mr. Jarvis sa akin.   Tumango na lamang ako at ginawa ang ano man na nais nilang makita sa akin. Kung kinakailangan ko na maging masungit ay gagawin ko. Tulad nga ng sabi niya, kung gusto kong manatiling ligtas, kailangan kong maging maingat at para maging maingat, kailangan ko na manatiling tahimik.   “The Lord is preparing for the wedding…” narinig ko mula sa baba ang boses ni Mr. Jarvis bago pa ako makabalik sa loob ng aking silid.   Noong maisara ko ang pinto, pakiramdam ko ay kinabog ang dibdib ko.   The Lord is preparing for the wedding. Wedding…   Handa na ba ako na makaharap hindi lang isa sa pinakamalakas nila kundi pinuno pa ng mga bampira na hindi ko naman masyadong kilala. Paano kung biglaan akong mabuko at wala akong magawa dahil hindi naman ako malakas ‘di tulad niya? Paano kung hindi niya mapigilan ang galit kapag nalaman niya at patayin na lang ako tulad ng kung paano namamatay ang iba naming kauri sa mga kamay ng katulad din nila? May darating ba upang ako ay salbahin mula sa kamay niya?   Nanlalambot akong umupo sa may kama at pinakaisip-isip kung tama nga ba ang desisyon kong ginawa. Isa pa, paano kung may katanungan siya tungkol kay Loren na makalimutan ko o ‘di ko kayang sagutin? Inis an sinabunutan ko ang aking sarili dahil hindi na malaman kung ano ang gagawin. Hindi naman na ako pwede na mag-back-out.   “Kaya mo iyan, Caith…” pagpapalakas loob ko sa aking sarili ngunit nauuwi at nauuwi pa rin ako sa pag-iisip na isang pagakamali lang at hindi na ako makababalik pa sa lugar namin at ang masaklap ay walang makaalam sa pagkamatay ko dahil kabilin-bilanan ni Mr. Jarvis na huwag sabihin sa sinuman na magtatanong kung saan ako magta-trabaho.   Piangsalikop ko ang aking kamay at taimtim na nanalangin na sana ay magawa kong pagtagumpayan ang misyon na ibinigay sa akin.   “Isang buwan lang, Caith. Dapat ay kayanin mo,” paalala ko uli sa aking sarili.   Ginugol ko ang nalalabing oras sa hapon na iyon sa pagbabasa sa kung ano ang dapat kong tandaan tungkol sa kanilang komunidad dahil maari raw na matanong ako tungkol doon. Karamihan daw kasi na malapit sa kanilang Pinuno ay hindi sang-ayon sa pagkakapili kay Loren at baka siya ay gisahin sa pamamagitan ng mga political views niya. Kailangan na masagot ko ang mga  katanungan na ibabato sa akin ng tama at pulido kundi ay magkakaroon sila ng lakas ng loob upang bumuo ng alyansa na maaring idiin na hindi si Loren ang karapat-dapat na piliin bilang kabiyak ng kanilang Pinuno.   “They hate the fact that Loren is chosen when she is not even trying to impress the Lord. Maybe because the Lord wants a woman who will not try to bother her,” nilingon ako ni Mr. Jarvis. “That is the kind of woman your sister had become,” aniya.   Bumuntong hininga ako at pinaulit-ulit sa isip ko ang mga katagang dapat sa akin magpaalala kung ano ang dapat kong Gawain upang magtagumpay ang misyon na ibinigay sa akin.   Ilang araw pa lang akong naririto ay nami-miss ko na ang aming bayan kung saan ang mga kapitbahay ko ay nakakausap ko. Samantalang dito ay hindi ako makalabas man lamang dahil hindi naging ganoon ang ugali ni Loren.   “Once you finish the assignment I gave to you, I will recommend you to some of my colleagues in your Town,” pangako pa niya sa akin kaya naman pursigido ako na magtagumpay.   Kung si Inay ay gagaling ay maari na akong makapagtrabaho sa malayo upang kahit papaano ay makaangat-angat naman kami sa buhay.   Inhinda ko ang mga susuutin pantulog ko  para sa gabing iyon. Sa totoo lang ay hindi ko iyon gusto  ngunit dahil hindi naman na si Loren at kailangan ko isantabi si Caith, kinakailangan na gawin ko ang kaniyang mag nakagawian.   Halos bigat na bigat ako sa kaniyang mga damit at kapag sinusuot iyon ay nagtatagal ako ng higit labing anim na minute dahil ilang patong. Pakiramdam ko ay katulad ito ng mag sinusot ng Prinsesa. Kung sabagay, wala namang pinagkaiba sa trato sa Prinsesa ang trato nila kay Loren base sa nakikita ko sa inaraw-araw na narito ako.   Niyuyukuan siya rito at mas lalo na raw kapag siya ay naging kabiyak pa ng Pinuno. Makikita raw talaga sa kilos ni Loren na ipinanganak siya bilang ganoon. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano nga ba talaga ang istura niya sakaling magkakaharap kami. Tatakbo ba siya at yayakapin ako ng mahigpit tulad noon o aakto siya na parang isang kakilala ko lamang na muli niyang nakita?   “She seems so cold,” bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kaisa-isang lumang larawan naming dalawang magkapatid na siyang naiwan sa akin.   Hindi ko alam kung ang kaniya ba ay narito pa at naitago niya o hindi na.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD