Kabanata 8

1174 Words
Namamawis ang aking kamay sa walang padsidlang kaba na aking nararamdaman. Kagat-kagat ko ang aking labi at kinukurot ang bawat kong daliri upang maiwasan ang masuka habang lulan ng mamahaling sasakyan ni Mr. Jarvis. Magkasama kami sa may back seat ngunit hindi man lamang kami nagkakapalitan ng salita dahil kapwa kami malalim ang iniisip. Posible na nag-aalala rin siya kung sakaling ako ay pumalpak ngayong araw.   Hindi ko mabigyang pansin ang ganda ng kasuotan na ipinagamit sa akin dahil sa pag-iisip. Isang tikhim mula sa unahan ng sasakyan at nabaling doon ang aking tingin.   “Don’t be nervous, Young Lady. Keep your calm so you won’t make a mistake,” ani Kreoff, siya ang kanang kamay na itinuturing ni Mr. Jarvis.   Bumuntong hininga ako at tinanguan na lamang siya. Itinuon ko ang tingin sa kulay maroon na gate na tanaw sa aming harapan. Doon kami patungo at halos may kalayuan pa kami. Sa oras na makapasok ako roon ay kinakailangan ko ng simulan ang aking misyon at dapat ay hindi iyon maging palyado.   Ako lamang ang nag-iisang ordinary na makakasama sa pulong at kung nais ko na makabalik pa sa lugar ni Mr. Jarvis ay kailangan kong pagbutihin ang pagpapanggap dahil kung hindi, hindi ko na masisilayan ang tanawin sa labas ng mataas na gate na iyon. Halos parang hindi na nais na lumabas ng nakatira dahil sobrang taas at miski iyong chateau ay hindi na kita. Tanging ang tusok-tusok na bubong na lamang ang kita.   “Young Lady addresses Master as her father so you should start calling him by that. Young Lady likes to speak in English in any occasion because there are foreign visitors coming in our City whenever the Lord asked for such kind of meeting,” mahabang paliwanag ni Kreoff sa akin.   “Fluent ka naman sa English hindi ba, Miss De Lesa?” tanong niya pa.   Napipilitan akong ngumiti at tumango. Gaano man ako ka-fluent ay hindi ako sanay na iyon ang lenggwahe na aking ginagamit ngunit alam ko na kayang kong mag-survive kung iyon ang kailangan gamitin. Hindi lang talaga ako nasanay dahil wala naman akong makakausap na ganoon sa aming lugar.   “Huwag kang masyadong kabahan. Hangga’t hindi ka naman nila kinakausap ay hindi ka manganganib. Sa tingin ko ay wala sa pagpupulong an gaming pinuno…” sinilip niya si Mr. Jarvis sa rearview mirror ng sasakyan saka nagpatuloy.   “Hindi siya makaaabot dahil kailangan siya ng angkan ng mga Volturi sa ngayon,” dagdag pa niya.   “Hindi ka kakausapin ng mga naroon dahil wala naman ang Pinuno kung kaya hindi ka nila maipapahiya sa kaniyang harapan,” paliwanag niya.   Nanulis ang nguso ko sa term na ginamit niya. Hindi ko akalain na miski mga uri nila ay may ganitong mga ugali rin pala na hindi naiiba sa aming mga ordinaryong tao. Napupuno rin sila ng inggit at pangamba mula sa kanilang kauri.   “Malapit na tayo,” ani Kreoff makalipas ang ilang minute ng katahimikan.   Bumukas ang malaking gate na halos higit sampu ang nakabantay sa labas noon. Lahat sila ay itim ang suot, nakatayo ng tuwid at ang mga mata ay handing sinuhin ang sinoman na papasok sa mistula nilang palasyo.   Nang makapasok an gaming sinasakyan ay hindi ko maiwasang mamangha. Sa amin na ordinary lamang, ang mga ilaw ay bombilya subalit dito, karamihan ay ginto at naglalaking mga lampara na ang apoy sa loob ay tila gigintuin din. Walang gasolina sa loob ng lampara dahil nakalutang lang sa gitna ang apoy na animo’y nilikha ng isang mahika.   Hindi ko maiwasan na matulala sa taas ng chateau na nasa harapan ko na pwede ko nang ilarawan bilang palasyo. Bukas na bukas ang malaking tanggapan ay makikita na ang naglisaw na mga bisita na sadyang naggagarbuhan ang kasuotan. Mistula itong pagpupulong ng mga maharalika at kabilang lang ako ngayon sa kanila dahil gamit ko ang katauhan ng aking kapatid na nakatakdang makaisang dibdib ng namumuno sa mga ito.   “Good evening, Fore Garroter, Lady Loren,” bati ng bantay na siyang nakaabang sa mga bisitang dumarating.   Bubuka na sana ang aking bibig upang ibalik ang pagbati na iyon ng lingunin ako ni Mr. Jarvis gamit ang matang nagbabanta. Agad kong itinikom iyon at saka dineretso ang tingin sa harapan.   Nang magsimula itong humakbang ay sumunod ako. Tulad ng itinuro sa akin, marapat lang na nasa bandang likod ako ng ama-amahan ni Loren dahil ganoon ang kanilang nakagawian. Mapupunta lang ako sa harapan sakaling makaisang dibdib na ang Pinuno nila dahil ibig sabihin noon ay mas mataas na ang aking katungkulan kay Mr. Jarvis.   Pino at maingat ang ginawa kong paglakad upang hindi ako matapilok o ‘di kaya ay maapakan ang mahabang gown na aking suot. May iilan na sa amin ang nagbabaling ng tingin at nagbibigay pagbati kay Mr. Jarvis. Mabilis kong binura ang ekspresyon ng pagkamangha sa aking mukha. Pasimpleng tango lamang ang ibinabalik ko sa mga bumabati sa akin at tipid na ngiti sa mga nagsusubok lumapit subalik nahaharang ni Kreoff.   Nagtungo kami sa unahan kung saan ang lamesa ay sinadya para sa apat na tao lamang. Naroon sa gitna ay mga wine at ilang flavor ng dessert. Sa gitna naman ng tanggapan ay malaking fountain at sa bawat sulok noon ay buffet ng napakarami at sari-saring pagkain. Sinipat ko ang kabuoan ng lugar at halos muntikan ng maalis ang cold expression na sinabi nilang kailangan kong i-maintain.   Napakalawak at taas ng ceiling; sa gitna ay chandelier ngunit sa halip na ilaw talaga ay mga crystal na nagre-reflect sa tubig at tinatamaang mga apoy sa ilan pang lampara na nadidikitan din ng malilit namang ginto. Limang chandelier na ganoon, ang gitna nag pinamalaki at magarbo. Isa pa na nagpamangha sa akin ay ang mga nakapintang larawan sa kisame na mas napagliliwanag ang kulay dahil sa reflection ng mga crystals na iyon. Sa tingin ko, wala naman talagang kulay ang pinta at ang nagbibigay kulay doon ay ang mga ilaw sa chandelier. Tila pinag-isipan nang mabuti ang ginawang pagdidisenyo sa tanggapan na ito.   Sunod kong napansin ay ang pader kung saan may mga nakaukit na salita na hindi ko lubos na nauunawaan at may iilan ding statue sa gilid noon. Asong lobo at mga tao ang nakaukit samantala ang mga statue ay karamihan ay mga ulo ng usa pati ang sungay nito at ilan pang mga mababangis na hayop.   Pulos lampara din iyon sa pinakagitna ay naroon ang isang engrandeng hagdan patungo sa taas at naka-red carpet pa iyon. Sa tingin ko ang railings sa ibabaw miski ang suporta sa hagdan ay gawa sa mamahaling uri ng kahoy at napipinturahan ng ginto at maroon na kulay na bumabagay sa red carpet.   Nag-umpisa man ang gabi at natapos ngunit ang buong atensyon ko ay wala sa pinagpupulungan at wala rin sa mga bisita bagkus ay naroon sa mga nakikita kong kamangha-mangha. Noon ko pa lamang nasaksihan ang ganoon kararangyang mga kagamitan na sa tingin ko ang halaga ay mas mahal pa sa buhay ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD