Walang katapusang pagtakbo ang ginawa ko upang hindi nila maabutan. Sinusubukan kong sumigaw ngunit wala namang tinig na lumalabas sa aking labi. Ang aking paa ay puro sugat na dala ng mga sanga ng kahoy at bato na natatapakan ko. Sumusulyap-sulyap ako sa likuran upang malaman kung ako ba ay nakakalayo na sa kanila o sa lugar kung saan nila ako dinala. Napakadilim at tanging buwan lamang ang nagsisilbing tanglaw ko.
‘Kailangan mong makatakas mula sa kanila, Caith,’ sambit ko sa aking isipan.
Naghahangad ako na may makakasalubong akong maaring tumulong sa akin ngunit wala at tanging ang napakalamig na hangin at mahihinang yabag ng nasa likuran ko ang aking naririnig.
Nagmulat ako ng mata. Sumalubong agad sa akin ang malabong mukha ng isang lalaki at ang kamay niya ay nakabalot sa aking leeg, dahilan kung bakit hindi ako makahinga. Ang paraan ng pagkaka-hawak niya sa akin ay mistulang puno ng galit at pagkamuhi. Sinubukan ko na hawakn siya at pigilan ngunit tumatagos lamang ang aking kamay sa kaniya. Hindi ko siya mahawakan subalit ako ay sakal-sakal niya na siya kong ipinagtataka.
Ilang sandali pa ay nalipat kami sa gitna ng napakaraming taong nakatanghod ngunit malabo rin ang kanilang mukha. Gayunpaman, sa aura pa lamang ng paligid ay alam kong galit silang nakatanghod sa akin.
“Kill her,” ani isang boses na hindi ko alam kung kanino nanggaling.
Sa bilis ng utak ko at nais na mabuhay pa ay nagawa kong kumilos ng mabilis at hawiin sila. Hindi rin naman sila nag-aksaya ng panahon at ako ay hinabol. Ang labis-labis kong ipinagtataka ay kung bakit ang bilis ng aking pagtakbo at kung hindi lang sumasayad ang aking paa sa may lupa ay iisipin kong lumilipad ako.
Nagising ako sa ilang sunod-sunod na katok. Pikit-mata akong bumangon upang buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang dalawang babae na may hawak-hawak na tray ng pagkain at ang isa naman ay inumin.
“Young Lady, naririto na ho ang inyong pagkain,” ani noong isa na sa tingin ko ay mas matanda sa kaniyang kasama.
Ito lamang ang nakataas ang tingin sa akin habang ang isa ay nakayuko. Nilawakan ko ang awing ng pinto upang sila ay makapasok.
“Marami pong salamat,” ani noong nakayuko pa rin.
Nakakapanood ako ng mga Victorian movies at alam ko na kapag ang isang kasambahay ay nagagawang tumingin sa itinuturing nitong amo, ibig sabihin ito ay malapit sa kaniya o ‘di kaya ay may mataas na katungkulan sa trabaho nito.
“Young Lady, nais niyo po ba na ipaghiwa ko kayo ng karne?” tanong noong isa na siyang nag-ayos ng pagkain sa kama.
Kahit minsan ay hindi ako kumain sa higaan dahil ang sabi ni Inay ay may tamang kainan naman kung kaya hindi ako komportable na makitang nakalatag sa bed tray table na iyon ang mga pagkain habang naroon at nakapatong ito sa kama.
“Young Lady?” pagtawag nito sa pangalan ko.
Umawang ang labi ko ngunit hindi ko naman magawang magsalita kung kaya naman umiling na lamang ako dahil alam ko naman sa sarili ko na kayang kaya kong gawin ang ganoon kasimpleng bagay. Hindi ako sanay na itinuturing ako na masahol pa sa bata gayong may kakayahan naman ako.
“K-kaya ko na. Ako na ang bahala,” sambit ko noong makalapit at nakitang nakatanghod pa rin sila sa akin.
Umupo ako sa kama at inusog ang bed tray table sa akin. Nag-umpisa akong tignan ang mga pagkain na nakahain at halos karamihan ay hindi ko alam ang tawag sa luto ng mga iyon. Pritong itlog, hotdog, frozen at simpleng mga luto sa isda at karne lang ang naranasan kong kainin at ang makita ang mga istilo ng mga pagkain na nasa harapan ko ngayon ay sadyang nakakapanibago.
“Hindi niyo po ba nais ang mga pagkain na aming inihanda, Young Lady?” tanong noong babae na sa tingin ko ay mas mataas na posisyon. Nakita niya siguro na hindi ko ginagalaw ang pagkain. Nakaramdam ako ng hiya.
“H-hindi… ano… gusto ko,” utal-utal kong sambit. “Gusto ko ang…” pinagmasdan ko ang mga pagkain na hindi pamilyar sa akin at ngumiti ng pilit. “Gusto ko ang mga inihanda ninyo,” sambit ko.
Pakiramdam ko ay nakahinga sila ng maluwag nang sabihin ko iyon. Nagsimula akong manguha ng kutsara sa tatlong naroon at pinili ang may katamtaman lang ang laki. Hindi na ako kumuha pa ng tinidor at hindi ko naman iyon kakailanganin. Sanay ako sa ganito o sa pagkakamay.
Pinili kong tikman agad ay ang sa tingin ko ay dessert na siya namang dahilan ng kanilang pagsinghap. Nabitin sa ere ang kutsara ko at lumipad ang tingin sa kanila na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Naunang nakahuma sa gulat ang mas matanda sa kanila at agad na siniko ang katabi.
“Kumuha ka ng panibagong soup spoon,” aniya na siya namang mabilis na sinunod noong isa.
Nang maisara nito ang pinto ay mabilis akong nilapitan noong naiwan.
“Alam kong hindi ikaw si Loren na alaga ko ngunit dahil narito ka bilang siya ay gagawin ko ang lahat upang hindi mo maipahamak ang aking alaga, miski na ang iyong sariling buhay,” aniya.
Naibaba ko ang kutsarang hawak ko at naisip na naroon marahil ang mali.
“Kapag main course, ang table knife at ang fork ang iyong gamit. Kapag salad, iton fork na ito,” ipinakita niya pa ang isang fork na para s aakin ay halos wala namang ipinagkaiba sa isa pa.
“And then this,” itinuro niya ang talong kurtsara. “One for dessert, one for tea and one for soup.”
Tatango-tango ako sa kaniyang sinasabi at miski ang kung ano ang dapat kong unahing kainin dahil may tamang pagkakasunod-sunod raw.
“Make sure to understand and remember what I am telling you since there are only few here who knows that you are not Loren. They will start to doubt you if you did not learn basic etiquette,” malamig niyang sambit.
“Lady Loren is a prim and proper lady that made her the chosen one for the Lord. Make sure you won’t embarrass her,” iyon ang huli niyang sinabi bago pa niya ako tuluyang layuan at hayaang kumain.
Dumating na rin ang panibagong soup spoon na hininga niya at nakayukong iniabot sa akin iyon ng babae. Mistulang magbabanggit ako ng pasasalamat ng tumikhim ang babae na nagturo sa akin at nang lingunin ko ay umiling.
Am I not supposed to be grateful to them? What kind of person Loren is? Pakiramdam ko ay perpekto nga siya ngunit hindi naman makatao.
Nang gabing iyon ay nag-iisip ako ng malalim tungkol sa kung paano kaya ang magiging buhay ko rito sa loob ng isang buwan? Magtatagumpay nga kaya ako na malinlang pansamtala ang pinuno nila gayong hindi naman sila katulad kong ordinaryo? Hindi ba nila nababasa ang aking isipan? Hindi ba at ganoon ang inilalarawan sa palabas?
Isa pa na aking iniisip ay ang aking panaginip. Sigurado ako na nanaginip ako ngunit hindi ko iyon lubos na maalala. Ang sabi ni Inay kapag naalala ko ay panaginip talaga iyon ngunit kapag hindi ay isa iyong mensahe. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang aking naging -panaginip dahil natatandaan kong namamawis ang aking kamay kanina nang ako ay magising. Ano kaya ang nais iparating ng panaginip na iyon?
Nakatulugan ko na ang pag-iisip at nagising na lamang ako sa mga kamay na humihila sa aking kumot.
“Gumising ka na at marami ka pang dapat na matutuhan kung paano maging ganap na si Loren,” ani noong boses na katulad ng boses ng babae kagabi at sigurado ako na siya iyon.
“Kung hindi ka babangon ay mapipilitan ako…” hindi ko na siya pinatapos at mabilis na bumangon ngunit kunot na kunot ang aking noo.
Bakit pakiramdam ko ay hindi ako gusto ng babaeng ito?
“May problema ho ba kayo sa akin?” diretsa kong tanong.
Ako iyong tipo ng tao na ayokong pinakikitaan ako ng masama gayong wala naman akong ginagawa.
“Kung hindi ninyo ako gustong turuan, ako ang magsasabi kay Mister Jarvis. Hindi niyo ho ako kailangan na sungit-sungitan,” malamig kong sambit.
Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha. Kagabi ko pa nararamdaman, sa salita pa lamang niya na hindi niya gusto ang aking presensya.
“Hindi ko alam ang iyong sinasabi,” aniya at saka ako tinalikuran.
“Kung gusto ninyo na maging si Loren ako, dapat gawin niyo rin ang tungkulin ninyo noong si Loren pa ang kaharap ninyo,” puna ko sa biglaan niyang pagtalikod.
Hindi ako pinalaki ng aking Ina na hindi kayang sabihin ang ano mang aking iniisip. Aniya ay mas mabuting ilabas ang saloobin kaysa kimkimin.
“Hindi ikaw si Loren at ang tanging trabaho ko lang ay magpanggap na ikaw siya,” ani niya ng lingunin ako gamit ang matang parang nang-uuyam.
“Kung gayon, dapat mas magaling kang makisama kaysa akin,” pamumuna ko.
Natigilan siya at saka muli ay humarap sa akin at binagtas ang pagitan naming dalawa.
“Wala akong pakealam kung ikaw ay kakambal ni Loren. At hindi mo magagamit ang kapangyarihan ni Loren na pasunurin kami dahil hindi ikaw siya,” aniya na may ngisi at lamig pa rin ang boses.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili.
“Hindi ko mapapantayan si Loren, I understand,” sambit ko. “And I know that I do not have the power to control you the way she did.”
“It’s good to know that-“
Pinutol ko ang kaniyang sasabihin.
“That is why I should quit,” I murmured.
“Baka may makita pa kayo na kamukhang kamukha ni Loren na maaring maging sagot ninyo sa problema. Mukha namang hindi na ninyo kailangan ang aking tulong,” sambit ko at saka siya tinalikuran at nagtungo sa kung saan ko inilapag ang damit na suot ko noong dumating ako rito.
Inisa-isa ko iyong dinampot. Nakarinig ako ng singhap niya mula sa likuran at mayamaya pa nga ay nasa gilid ko na siya.
“Hindi mo maaring talikuran kami ng gano’n gano’n lang,” aniya, dinig ko na ang takot sa kaniyang boses.
Walang emosyon ko siyang nilingon.
“At ikaw? Maari mo akong bastusin ng gano’n gano’n lang dahil hindi ako ang amo mo?” malamig kong tanong.
Alam ko na marahil siguro ay mas matanda siya sa akin subalit hindi ko nagustuhan kung paano niya ako pagsalitaan. Hindi ako nagkibo kagabi dahil nasa tamang wisyo naman ako subalit ngayon ay umaga kung kailan ang negative vibes na dala niya ang unang bumungad sa akin. Sino ang hindi mapupuno? Sa aming dalawa ni Loren, siya ang kalmado at ako ang mabilis magbago ng mood na siya namang pinipilit ko i-improve habang ako ay lumalaki ngunit kung siya ang palagian kong makikita ay talagang hindi ko mapipigilan na ilabas ang kung anong halimaw ang sinubukan kong i-suppressed.
“I promise I won’t bother you with such kind of words,” biglaang naging maamo ang kaniyang boses makalipas ang ilang segundo na siyang dahilan ng pagak kong pagtawa.
Hinarap ko siya at pinakatitigan.
“Miss or Mrs. whoever you are…” madiin kong sambit.
“I am not a vampire like you who can pretend like whatever you want. Tao ako na kapag hindi nagustuhan ang isang sitwasyon ay pupunahin ko iyon kaya naman…” nilapitan ko siya at kinuha ang kaniyang kamay.
“Magkasundo sana tayo upang hindi na maulit ang ganitong insidente sa ating pagitan,” malumanay ngunit may diin ko pa ring sambit.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango at bumuntong hininga. Ngumiti ako ng pilit.
“I will pretend like I am Loren and so will you,” pahayag ko bago ko siya tinalikuran at nagtungo na sa palikuran nila na halos ang laki ay ang bahay namin.
Ang araw na iyon ay natapos sa pagtuturo sa akin ng basic etiquette lalo na sa party at miski ang tamang paglakad gamit ang mga damit nilang mamahalin at makapal. Masyadong mabigat iyon at hirap akong ilakad kung kaya naman hindi kami tumigil hangga’t hindi koi yon nakukuha. Ang paggamit ng sapatos na may takong ay isa pang nagpahirap sa akin. Hindi ako nasanay sa kahit na anong klase ng karangyaan at isa talagang pagsubok ang ibinibigay nila sa akin na siya namang pumapagod sa akin. Iniisip ko na lamang na kailangan ko gawin ito upang maging patas na kami ni Mister Jarvis sa kasunduan.
“Magkakaroon ng pagtitipon sa darating na Lunes,” pag-iimporma noong lalaki na sumalubong sa amin ni Mister Jarvis na ang pangalan ay Kroft na sa aking pandinig ay hindi normal.
“Inaasahan pagdalo ng Lady Loren upang siya ay ipakilala sa konseho,” dagdag pa niya.
Kumabog ang dibdib ko at nanlamig ang kamay. Mayroon pa namang dalawang araw bago ang Lunes ngunit pakiramdam ko ay hindi sasapat ang dalawang araw upang magawa kong gayahin ng perpekto ang kilos at katauhan ni Loren.
Nilingon ako ni Mister Jarvis at tinanguan.
“Be ready for that,” sambit niya bago sila tumalikod at iniwan ako sa silid ni Loren.
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa kama at saka bumuntong hininga.
“Nalalapit na ang araw, Caith. Kailangan mong panindigan ang desisyon mo,” pahayag ko sa aking sarili.