Kabanata 49

1122 Words
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko maiaalis sa isip ang tungkol sa naging usapan naming dalawa ni Trisha. Magus is not here. May kinailangan siyang daluhan sa ibang bansa kasama ang High Reeves dahilan kung bakit labis-labis na kabog ng dibdib ang tinatamasa ko ngayon.   Mula ng dumating ako rito ay hindi na kami nagkaroon pa ng pag-uusap na maayos. Parehas naming pinakikiramdaman ang isa’t isa at mas lalong ganoon sa side ko dahil hindi ako kampante sa mga pangyayari sa aming dalawa; gayunpaman ay ‘di ko kailanman inisip na gusto kong magkaroon ng lama tang relasyon naming dalawa o ‘di kaya ay may mangyaring masama sa kaniya.   Hindi ako mapakali sa kaiisip sa kung ano kaya ang maaring mangyari sa kaniya na may kinalaman sa sinabi ni Trisha sa akin kanina. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, kung mayroon bang senyales na maaring may mangyaring ‘di maganda subalit wala naman.   Ginawa ko ang lahat upang mapanatag ko ang aking kalooban. Magbasa ng libro sa gitna ng gabi dahil hindi ako dalawin ng antok. Pilit umuukilkil sa isip ko ang tungkol sa pamahiin ng mga bampira.   “You’re just converted, Caith,” sita ko sa aking sarili ngunit napangiwi.   Dahilan ba iyon upang ‘di ako tablan noon? Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.   Kinabukasan ay wala ako sa sarili, lutang na lutang at parang walang buhay. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na mga araw. Nakakaramdam na ako ng labis na pagkabagot sa maaring pagdating ni Magus. Paulit-ulit na naman akong nagtatanong kay Trisha tulad noong bagong dating ko lamang dito. Naiinip ako at nag-iisip na ng kung ano-anong mga bagay.   Kung noon ay nagpapakita pa sa akin si Magus sa panaginip, ngayon naman ay wala. Paano ako mananaginip kung hindi naman ako nakatutulog dahil sa pag-iisip ko sa kaniya.   “Trisha, hindi kaya may nangyari ng masama sa kaniya kaya inabot siya ng ganito katagal?” tanong ko.   Nakagat ni Trisha ang labi at pinipigilan ang sarili sa pagngiwi ngunit doon din nauwi.   “Kapag po may nangyaring hindi maganda kay Lord Magus ay siguradong ang High Reeves po ang magdadala sa inyo ng balita at tulad  po ng sinabi ko sa inyo kahapon at kanina, kayo po ang unang makakaalam kung sakaling napahamak po an gaming pinuno dahil magkarugtong po ang inyong pakiramdam,” paliwanag niya.   Napabuntong-hininga ako at humihingi ng pasensyang tumingin sa kaniya. Maaring nakakaramdam na siya ng pagkairita sa paulit-ulit kong katanungan.   “Sigurado po na makababalik din po agad si Lord Magus miski nap o ag mga Empress,” aniya na nakangiti pa sa akin.   Mistulang tatango ako at susuklian ang ngiti niya ngunit nabitin iyon sa ere nang rumehistro sa pandinig ko ang kaniyang sinabi. Empress? Napatayo agad ako at saka tinawid ang pagitan namin ni Trisha.   “K-kasama ang dalawang mga babaylan?” nahihintakutan kong sambit.   Kunot na kunot ang noo niya at nagtataka sa naging reaksyon ko pero tumango pa rin sa akin, ilang sunod.   Umawang ang labi ko at parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo. Sa ilang araw na naghihintay ako sa kaniya ay kasama pala niya ang mga babaylan na iyon na siyang pinaghihinalaan ko na may kinalaman sa naging problema namin na ‘di pa namin natatapos na resolbahin.   “M-may problema po ba, Lady Loren?” bakas ang pag-aalinlangan sa boses ni Trisha at ang mata ay tila naguguluhan sa ipinakikita kong reaksyon.   “Noong umalis si Magus kasama ng High Reeves, kasama na rin ba nila ang dalawang iyon?” hindi nakatatakas sa pandinig ko ang iritasyon sa boses ko at miski siya ay alam kong pansin iyon ngunit ‘di na lamang pinuna.   “O-opo. Kasama po nila dahil sila po ang mismong pakay ng Vasswood. They are also looking for witches that can help them save their cursed leader.”   Humugot ako ng malalim na hininga, ilang beses para pakalmahin ang sarili pero hindi ko talaga magawang kumalma. Lalo lamang nadadagdagan ang iritasyon na iyon.   “He never told me about that,” nagtatagis-bagang kong sambit.   Kumurap-kurap si Trisha at ‘di malaman kung ngingiti ba o ano sa akin. Umikot ang mata ko. Nakikini-kinita ko na ang dalawang babaylan na iyon na ganoon ang asta sa kung paano niala kausapin noon si Magus. Nariyan ang may pahampas-hampas sa braso o ‘di kaya ay pahawak-hawak sa kamay. Nagngingitngit ang kalooban ko roon. Maluha-luha ako habang naiisip na maaring ikinatutuwa pa ni Magus iyon.   Goodness! Magus is killing me just by this information. Sobra-sobra na yata ang nararamdaman kong inis at galit na sumisikip ang dibdib ko at nagluluha ang aking mga mata.   “L-lady Loren,” natatarantang tawag sa akin ni Trisha saka inalalayan muli akong makabalik sa pagkakaupo.   “He should have told me about that! S-sana ‘di ba s-sumama na lang ako, Trisha,” mangiyak-ngiyak kong sumbong sa kaniya.   Naaawa ang tingin niya sa akin pero naguguluhan din.   “Huwag na po kayong umiyak at maaring bukas po ay narito na po si Lord Magus,” pag-aalo niya sa akin na lalo ko lang ikinaiyak.   “I miss him, Trisha tapos siya k-kasama lang iyong d-dalawang iyon,” giit ko pa.   Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Trisha na hindi natapos ng may sunod-sunod na katok sa pintuan.   “Papapasukin ko ho ba?” magalang na tanong niya, tinatantiya ako.   Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at mata saka tumango. Umalis si Trisha at nagtungo sa may pintuan at pinagbuksan ang naroon. Natanawan ko kaagad ang isang guard na sa akin din nagbigay galang.   “Narito po ako upang ipagbigay-alam na nariyan na po ang Pinuno kasama ang ilan sa mga taga-Vaswood,” anito.   Mabilis akong napatayo at nagmamadaling tinungo ang pintuan.   “Hindi pa ba siya aakyat dito?” agresibo kong tanong.   Batid ko ang pagkabigla ng guwardiya sa bilis ko.   “Lady Loren,” si Trisha iyon na nasa tagiliran ko.   “Nasaan si Magus? Ako na lamang ang pupunta sa kaniya,” nababasag ang boses ko habang sinasabi iyon.   Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay isa akong kawawa sa mga oras na iyon.   Naguguluhan man ay sinabi sa akin ng guwardiya kung nasasaan siya at kung ano ang ginagawa nito.   Kumuha agad ako ng mas maayos na sapaton at saka nagmamadaling tinungo sana ang pinto pero bumukas na iyon at iniluwa si Magus na ako agad ang naapuhap.   Suminghap ako dahil sa pagkabigla ngunit agad ding kumilos ang aking katawan para takbuhin ang distansya namin at itapon ang sarili sa kaniya. Sa pagkukulong niya sa akin sa kaniyang bisig ay tuluyang bumuhos ang luha ko.   “I miss you,” bulong niya na lalo ko lang ikinaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD