Kabanata 48

1189 Words
Not just once, not even twice that he tried to convinced me that we should try to forget everything and set that aside. He keeps on insisting that we should only focus to starting a new life as husband and wife. Hindi ko kaya. Hindi niya alam na kung ganoon lamang iyon kadali ay baka nagawa ko na ngunit dahil may duda ako sa kung sino sa amin ang totoong nagkasala ay kailanman hindi ko iyon hahayaan na basta na lamang makalimutan.   “Lady Loren, mayroon pa ho ba kayong hindi pagkakaunawaan ni Lord Magus?” si Trisha iyon, inaayusan muli ang aking buhok.   “Wala naman na, Trisha,” matipid kong sambit.   Sapat na iyong nalaman niya. Sa ilang araw ko rito marahil ay pansin niya pa rin ang pagiging malamig k okay Magus. Kahit pa sabihin na nakikita niya kaming nag-uusap ng ayos,. Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin at napapansin na ang mahaba kong buhok.   “Sa tingin mo ba ay ayos lamang sakaling putulin ko ang aking buhok nang sa gayon ay hindi ka gaanong nahihirapan?”   Mistulang ikina-bigla ni Trisha ang narinig dahil nasugatan siya ng isang matulis na hair pin. Napatayo ako agad upang daluhan siya. Labis akong nag-alala nang bumukas ang takot sa kaniyang mukha na para siyang biglang-bigla sa pangyayari.   “P-pasensya na po kayo, Lady Loren,” bakas sa mukha niya ang gulat at takot.   Sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit lumayo siya bigla. Umiling-iling siya at nagluluha ang mata.   “Trisha, anong problema? Sobrang sakit ba? Dalhin natin sa manggagamot,” pahayag ko, inaatake na rin ng kaba dahil sa nakikitang labis na pagkabahala sa kaniyang mukha.   “P-pasensya na po… h-hindi ko po s-sinasadya…” suminghot siya.   Nangunot ang noo ko at naguguluhan sa ikinikilos niya subalit gayunpaman ay tumango ako at ngumiti.   “Huwag kang mag-alala, hindi mo rin naman kasalanan,” tugon ko. “Ikaw nga ang naagrabyado, e,” dagdag ko pa.   Suminghap siya saka umiling. “H-hindi niyo po nauunawaan ng lubusan, Lady Loren,” siya na basa na ang pisngi ng luha.   Nagtungo agad ako sa isang drawer sa may vanity mirror at kumuha ng manipis na piraso ng tela at saka nagmamadaling iniabot iyon sa kaniya.   “Kung hindi ko nauunawaan kung bakit ka nagkakaganiyan ay ipaunawa mo sa akin sakaling maayos ka na,” magaan ang boses ko, nag-iingat na baka mas lalo ko pang mapag-igting ang kung ano mang takot na nararamdaman niya sa mga oras na ito.   Malugod na tinanggap niya ang tela sa akin. Pinahiran niya ang kaniyang basang pisngi at tinapunan pa muli ako ng isa pang tingin na tila nahihiya at humihingi muli ng pasensya. Suminghot-singhot siya at nang ilang sandali ay natulala.   Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kamay na natusok kanina, may kaunting bakas na lamang iyon ng dugo.   “Trisha…” masuyong pagtawag ko sa kaniya na pumukaw sa natutulog niyang diwa.   “L-lady Loren…”   Nagtangka ako na lumapit sa kaniya, dahan-dahan lamang noong una ngunit nang mapansin na wala na siyang balak na pigilan ako ay nagdiretso na ako. Pinaskilan kong muli ng ngiti ang labi ko upang hindi siya makadama ng pag-aalinlangan sa aking presensya.   “Trisha, ayos lamang ba ang pakiramdam mo? Masakit pa rin ba?” tanong ko, tinutukoy ang kaniyang daliri.   Sinulyapan niya iyon ng tingin at kapagkuwan ay tumango.   “H-huwag niyo na pong intindihan ito, Lady Loren. Maliit lamang po ito,” aniya.   Nakahinga ako ng maluwag. “Kung gayon ay huwag ka nang labis na mabaha–“   “Sa tingin ko po ay kayo po ang dapat na mabahala sapagkat isang malaking kasabihan po sa amin ang tungkol sa pangyayaring ganito,” nanginginig ang boses niya, ang mata ay nakatuon sa sahig at kinakagat ang labi.   “Anong ibig mong iparating?” ako na nagtataka man ay ‘di naging agresibo ang tinig dahil hindi ko nais na dagdagan pa ang takot niya sa mga sandaling iyon.   “L-lady Loren, ang pagpatak ng dugo po sa buhok ng isang babaeng bampira na kasal na ay isang malaking indikasyon na may paparating na problema sa kaniya na maaring magdulot ng dalawang pangyayari.”   Kinuha ni Trisha ang kamay ko at saka inilapit iyon sa kaniyang labi at doon ay umiyak.   “H-hindi ko po sinasadya, Lady Loren. Tatanggapin ko po ang kahit na anong…” nagsimulang umalog ang kaniyang balikat. “Kahit na anong kaparusahan po na ipapataw ninyo sa akin.”   Hindi ko alam kung anong salita ang kaya kong masambit sa oras na iyon. Wala akong naiintindihan sa kaniyang sinasabi pero abot-abot ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa takot.   “Maari bang ipaliwanag mo ang lahat? W-wala akong nauunawaan sa iyong mga pahayag, Trisha,” pagpapakatotoo ko.   Dumiin ang pagpikit ng kaniyang mata at nang magdilat ay may kung ano roon na ‘di ko magawang pangalanan.   “Ang pagpatak ng dugo sa buhok ng isang babaeng may asawa ay isang indikasyon ng panganib para rito. Dalawang bagay na maaring mangyari. Bawian ng buhay o mawalan ng mahal sa buhay.”   Bumagsak ang tingin niya sa aking kamay, humigpit ang kapit doon.   “P-pasensya na po. Ang marinig ko po na nais ninyong paputulan ang inyong buhok ay gumimbal sa akin sa sapagkat isa po iyong kasalanan. Kayo po ay kasal sa pinuno at ang pagputol ng buhok ay isang pahiwatig na ang inyong pagsasama ay nagkakaroon na po ng lamat.”   Tila nawala ang mga dugong nananalaytay sa aking ugat. Nawalan ng lakas ang aking katawan at parang napapatid ang aking hininga. Hindi ko magawang magsalita dahil rumerehistro pa rin sa utak ko ang mga narinig ngayon-ngayon lamang. Para sa akin, ay isang mabigat na araw na ito lalo pa’t hindi pa rin maayos ang lahat sa amin ni Magus kung kaya naman ang makatanggap ng mga ganitong balita at kaalaman na kumukonekta sa aming pagsasama ay sadyang nakababahala na pakiramdam ko’y hindi ako makakaahon sa malalim na pag-iisip.   “T-tulad po ng aking sinabi ay h-handa ko pong tanggapin ano mang k-klase ng kaparusahan…” utal-utal, may tono ng pangamba roon.   Umiling-iling ako. Hindi ko tatanggapin ang ganoong klase ng balita. Maaring isa lamang iyon kasabihan na pwedeng-pwede kong ipagsawalang-bahala.   Binawi ko ang kamay ko sa kaniya sa maayos na paraan. Nagpaskil ang ngiti sa aking labi saka umiling. “Huwag kang mag-aalala, Trisha. Maaring walang katotohanan iyon. May ganiyan din ang mga tao subalit ang iba ay hindi naman totoo at haka-haka lang,” pahayag ko.   “Huwag mo ng intindihin iyon. Magpanggap tayo na walang nangyari at nasisiguro ko sa iyong walang mangyayaring masama sa akin,” dagdag ko pa.   Kahit na sinabi ko na iyon, ang mata ni Trisha ay hindi naniniwala. Bakas doon ang labis na pagkabahala at pag-aalala hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa akin. Gayunpaman ay hindi ako maaring mapasa-ilalim ng kaniyang mga sinabi. I should focus on something. Upang hindi na iyon maalala ay pinilit kong ibalik sa isip ko ang tungkol sa problema ko at ni Magus.   Kailan ba ito matatapos?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD