Kabanata 50

1027 Words
Hinayaan niya ako na umiyak nang umiyak habang yakap siya ngunit nang ako ay mahimasmasan ay ako mismo ang kumalas. Matalim ang titig ko sa kaniya na ikina-kunot ng kaniyang noo.   “Is there any problem, hmm?” masuyong tanong niya.   Lalong tumalim ang tingin ko. Any problem? There is! There is a f*cking problem! Wala man lamang siyang sinabi na kasama ang dalawang iyon. Sinipat ko siya ng tingin, mula ulo hanggang paa. Hindi ako nakaramdam ng pagkaasiwa dahil wala na rin naman si Trisha. Unang tumungo ang tingin ko sa kaniyang leeg at sumunod ay sa kamay hanggang sa buong katawan niya.   He even look at himself too para malaman kung bakit ganoon na lamang ang pagtitig ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.   “Kasama mo sila…” malamig kong usal. That’s not a question but an understatement.   Bakit ko pa siya tatanungin kung nakumpirma na iyon?   “I am with Marocco and–“ I cut him off.   “–and with the bitches,” mariin kong sambit.   Nanliit ang mata niya at pagkuway tila napalitan ng pagkamangha iyon.   What’s with him? Lalo akong nainis.   “Umalis ka nang hindi mo sinasabi na kasama mo iyong dalawang iyon,” pag-uulit ko, mas malinaw sa nauna.   Tumango siya pero ang mata ay kababakasan ng tuwa. Lalong dumagdag sa iritasyon ko iyon. Tinalikuran ko siya at nagmartsa palayo pero mabilis din niyang naipulupot ang bisig sa aking baywang.   “Come on, wife. What is it, hmmm?” mapaglaro ang himig ng boses niya.   He thinks I am funny. Is this even funny? What to laugh about this? Nagagalit na ako pero natutuwa pa rin siya? May nagawa ba siyang nakakatuwa?   “I went to France with the Empresses because their presence is needed there,” malamyos ang tinig ng boses niya, inaalo ako.   Umingos ako at ‘di nakuntento. Kahit pa! Hindi ba dapat ay alam ko sakaling magtutungo siya sa isang lugar at may kasamang ibang babae? I am a woman too and I cannot stop myself from thinking about something!   “B-bakit kailangan na kasama ka pa, Magus? Hindi ba pwedeng ang High Reeves na lang?” gulat ako dahil nagawa kong sambitin ang huling mga salita ng diretso.   Kinuha niya ang kamay ko at nilaro iyon. Isang malakas na ihip ng hangin at wala na kami sa dati naming kinatatayuan kundi bagkus ay nasa veranda na at nakatanaw sa baba kung saan  napakaraming sasakyan doon at may iilan pang mga kalalakihang nakatayo.   “I should make sure that the Empresses will arrive there safely,” he murmured to my ear.   Nanulis ang nguso ko, pinipigilan na mapangiti dahil sa kiliting dulot ng kaniyang hininga. May itinuro siya sa ibaba na siya namang sinundan ko ng tingin. Isa iyong lalaki na sa tantiya ko ay nasa edad labin-dalawang taong gulang lamang.   “That’s their next leader. He has a curse that needs to be cured and the Empresses promised to do that,” aniya sa mababa pa ring boses bago pinatakan ng halik ang aking pisngi.   “Tapos? Magkasama kayo sa lahat ng oras dahil kailangan safe sila sa iyo? Sa halos isang lingo ninyo, gano’n ba?” tuloy-tuloy kong tanong.   Humalakhak siya dahil doon kaya napipilan ako. Saka ko lang na-realized na napaka-sarkastiko ng tanong ko at halatang may pinupunto. Umaalog ang katawan ko dahil nakasandal sa kaniya. May ilan sa mga nasa baba ang nagbaling sa amin ng tingin. Tila isang kulog ang boses niya na pero kaysarap naman sa pandinig. Kinagat ko ang aking labi. Enough, Caith! What’s happening to you? Hindi panahon para purihin siya dahil hindi ka pa tapos magtanong.   Kinurot ko siya na dahilan kung bakit unti-unti siyang natigil.   “S-sagutin mo na nga lang at h-huwag kang tumawa,” irita kong sambit.   Naramdaman ko ang pagtango niya pero sa gilid ng aking mata ay kita ko pa rin ang ngising nakapaskil sa kaniyang labi. Napanguso ako at nagpipigil ng ngiti.   “It took me weeks because the leader of Vasswood wants to pay a visit here so I need to wait for them until they are ready to fly here,” aniya.   “Bakit bigla naman nilang naisipan na magtungo dito?”   Ipinatong niya ang ulo sa balikat ko at saka tumingin sa baba bago ako binigyan ng sagot.   “They wanted to know the state of our Clan. The Vassword are trying to tie a knot with someone who has our bloodline.”   Nilingon ko siya dahil doon. Someone in our Clan? Bakit napakalayo naman yata? Mula France hanggang dito?   “Who is it? Kilala mo ba? Nasa mataas na antas ng pamilya?”   PInaharap niya ako sa kaniya at saka sinalubong ang aking tingin, ganoon din naman ang ginawa ko.   “Aunt Katriya,” napapaos niyang sambit sa pangalan ng Tiyahin niyang minsan ko na ring nakasagutan.   Isinabit niya ang takas na buhok sa aking tenga at saka hinaplos ang labi ko. Bumagsak ang tingin ko sa labi niya at pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan.   “S-si Katriya… ipakakasal?” wala sa sarili kong sambit. Nais ko lang na maiwasan siya.   Kumalas ako sa hawak niya at dahan-dahan na humakbang paatras, patungo sa loob. Hindi nagbago ang intensidad ng titig niya sa akin na sinasagot ng pag-iinit ng aking katawan. Hindi ko nga lamang iyon pinapansin. Hindi pinapansin? Bakit pinili kong pumasok sa loob? Para walang makakita sa amin? Umakyat ang dugo sa pisngi ko at nag-iinit iyon.   “H-hindi ba magagalit si Katriya?” labas sa ilong ang boses ko dahil sa hindi naman talaga iyon ang gustong sabihin.   Pakiramdam ko ay kilalang-kilala ako ni Magus. Alam niya kung ano ang epekto ng presensya at mga titig niya sa akin dahil kung hindi, hindi niya ako aatakehin ng halik. Hindi pa man ayos ang lahat sa amin kaya alam ko na hindi niya gagawin iyon nang sariling kagustuhan niiya lamang.   “Can I?” bulong niya nang maglandas ang kamay patungo sa aking dibdib at wala akong nagawa kundi ang magpaubaya.   Sa isang lingo wala siya ay ‘di ko itatanggi ang pagkasabik ko sa kaniyang mga haplos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD