Kabanata 12

1387 Words
Someone, please save me. Paulit-ulit na sinasambit ng utak ko ang mga katagang iyon ngunit hindi ng aking bibig.   “Napakaganda po ng disenyo ng inyong kasuotan, Lady Loren,” bati ni Caleb na nakatayo sa bandang likod ko.   Sandali ko siyang nilingon at pinasalamatan kahit papaano. Matapos iyon ay bumagsak ang tingin ko sa may gown na suot ko at ngayon lamang nabigyang pansin ang istilo at disenyo noon. Nilingon ko si Trisha na agad na isinalubong ang tingin sa akin.   “Thank you,” bulong ko. Bumalatay ang pagtataka sa kaniyang mukha ngunit kalaunan ay sumang-ayon na lang sa akin.   Ibinalik ko ang tingin sa harapan, nakasara ang pinto noon at hinihintay ang pagbibigay nila ng signal. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at halos ikasilaw ko ang liwanag ng apoy na sumalubong sa aking mata.   “Good luck, Lady Loren,” bulong ni Trisha.   Yinakag ako ng isang lalaki na walang kaemo-emosyon ang mukha at diretso lang ang tingin sa may harapan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lingunin ang karamihan ng mga naroon. Halos walang kaibahan ang istilo ng kanilang kasal sa kasal ng mga odinaryong tao. Kasuotan lamang na halos kulay pula at itim na pinaghalo.   Sa harapan ay naroon si Mr. Jarvis na naghihintay at parang siyang ang magsisilbing tagapagbigay ng basbas.   Sa halip na nakaharap ay nakatalikod ang lalaking alam na alam kong pakakasalan ko sa katauhan ni Loren. Parehas na parehas kami ng estilo ng kasuotan. Mas matingkad na maroon ang amin na ini-emphasize kung sino ang ikakasal.   “Lower your head,” ani noong lalaki na sa akin ay gumagabay. Siya rin iyong High Reeves na hindi ko lang maalala ang pangalan ngunit alam kong narinig ko na.   “Lower your head, Miss,” pag-uulit niya.   Nangunot sandali ang noo ko ngunit sinunod ko rin naman ang kaniyang sinabi. Dahil alam ko naman na hindi niya ako idadapa ay hinayaan ko na lamang siyang yakagin ako hanggang marating namin ang dulo.   Noong huminto na siya sa paglakad ay saka lamang ako nag-angat ng tingin at saktong pagbaling naman noong kanilang Pinuno. Agad na sumalubong ang itim na itim niyang mata sa akin at ang walang bakas na emosyon na mukha niya. Matipid na tango mula sa High Reeves at ibinigay niya ang aking kamay roon.   Sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa at pilit na ikinakalma ang aking sarili dahil abot-abot ang tahip ng aking dibdib. Inalalayan ako ng kanilang Pinuno paakyat sa ikalawang palapag ng hagdan hanggang mapalapit kami lalo kay Mr. Jarvis. Agad na nagtama ang mata namin at nanliit sandali ang mata niya bago ako binati pang muli.   “We are here to witness the bonding of two powerful blood. May the power live in their veins and the courage may bloom through the blood,” malakas ang boses ni Mr. Jarvis ng sabihin iyon.   Ilang kalansing ng metal ang narinig ko mula sa aking likuran.   Hinugot ni Mr. Jarvis ang isang patalim mula sa mga nasa harapan niya at agad na nag-reflect ang kulay ng apoy doon. Kitang kita ang talim noon at lalong binundol ng kaba ang aking dibdib.   Ibinalik niya sa amin ang tingin.   “Give me your wrist,” malamig niyang sambit.   Nauna na maglahad ng palapulsuhan ang Pinuno at matagal na nakatingin sa akin si Mr. Jarvis bago pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na ilahad din ang sa akin. Nanginginig pa ako at nagtatalo ang isip sa mga oras na iyon. Halos unti-unti na akong nabibingi at tanging naririnig ang kabog ng dibdib ko.   Iniangat ni Mr. Jarvis ang patalim sa ere at saka bumulong roon bago pinagtapat an gaming palapulsuhan at sa isang iglap ay iwinasiwas ang patalim na siyang humiwa sa aming balat.   Napaigik ako dahil sa sakit habang ang Pinuno nila ay tahimik lamang at hindi man lamang nasaktan. Nagbaling lang ito ng tingin sa akin at ang malamig na mata ay tila may sinasabi. Nang balingan ko si Mr. Jarvis ng tingin ay nangungusap ang kaniyang mata. Mabilis kong inialis ang emosyon sa aking mukha at pinilit na tiisin ang sakit. Kagat-kagat ko ang aking dila na sa tingin ko ay magdurugo na rin.   “Join your wrist with one another and let the each other blood run through your veins,” pag-uutos ni Mr. Jarvis.   Agad na sinunod namin iyon kahit pa hindi matigil ang pagkibot ng sugat. Sa pagharap sa akin ng Pinuno, napansin ko ang kauna-unahang pagbabago ng kulay ng mata ng isang bampira. Nagpula agad iyon at napansin ko rin ang pag-igting ng kaniyang panga na parang siya ay nagpipigil.   Lumapat ang balat namin sa isa’t isa at lalong dumoble ang sakit na dulot noon sa aking sugat ngunit kalaunan ay mas humigit pa. Hindi na ang hiwa na dulot ng patalim ang sumasakit kundi ang halos ugat sa aking katawan at ang puso ko ay parang pinipiga.   Isang babae ang lumapit sa amin; may talakbong ang kaniyang buong katawan maliban sa kaniyang mata at may hawak hawak siyang kopita. Isinahod niya iyon sa magkasugpong naming palapulsuhan at parang isang indikasyon iyon ay bumilis ang pagtulo ng dugo. Ilang sandali pa ay inalis niya iyon at saka inilahad sa Pinuno habang nakayuko.   Maagap na tinanngap iyon ng isa kahit pa ang matang nagliliyab sa pagkapula ay sa akin lamang nakadirekta. Inakala ko na iinumin niya ang dugo roon subalit sa aking labi niya inilapit ang kopita. Lalo akong nanginig at gusto ng maiyak dahil sa sitwasyon. Ninanais niyang ipainom sa akin ang pinagsama naming dugo gayong hindi naman ako katulad nila na normal na iniinom iyon.     Nanginginig na nagbaling ako ng tingin kay Mr. Jarvis ngunit hindi niyon sinalubong ang tingin ko. Nanginginig ang aking labi at unti-unti iyong bumuka. Nagluluha ang aking mata. Saliwa sa nakamulatan kong aral ang ipinagagawa nila sa akin at pakiramdam ko ay isusuka ko lamang iyon ngunit kung hindi ko naman ito gagawin, malalaman nila na ako ay huwad at higit sa lahat, na ako ay isang ordinaryong tao lamang.   Nang sumayad sa labi ko ang malamig na kopita ay iniangat ng Pinuno iyon upang mainom ang dugo. Lumapat sa aking dila ang lasa ng metal na likido at unti-unting kumalat sa buong bibig ko at wala akong nagawa kundi ang tuluyang lunukin iyon. Nang makita ang paglagok ko ay saka niya iniabot sa akin ang kopita. Nauunawaan ko na ako naman ngayon ang marapat na magpainom sa kaniya.   Inilapit ko iyon sa kaniya; nanginginig pa ang kamay at hindi na makatingin ng diretso sa kaniyang mata. Malikot na ang aking tingin dahil lasang-lasa ko pa rin ang dugo sa aking bibig at pakiramdam ko ilang sandali pa ay isusuka ko na iyon. Akmang mabibitawan ko na ang kopita ng biglang nahawi iyon at nang titignan ko na sana ang Pinuno ay hindi ko na nagawa dahil naramdaman ko na lamang ang labi niyang inangkin ang akin.   Sa gulat ay hindi ako nakahuma. Nakasara ang kaniyang mata habang ako ay hindi alam kung saan titingin. Nang dumilat ang kaniyang mata at sinalubong ang akin ay parang sumilaw iyon sa aking sistema at unti-unting nawala ang iba ko pang sakit nararamdaman at ilan pang sandali nga ay pakiramdam ko nababanat ang balat ko sa palapulsuhan.   Nang umawat siya sa halik ay agad kong kinapa ang kamay kung saan ako sinugat kanina at hindi na naramdaman ang sugat doon.   Isang malakas na kalampag ng tambol at mga metal na bagay ang umalingawngaw sa paligid at nang balingan ko ng tingin ang mga bisita ay kaniya-kaniya sila ng kampay ng kopita.   “May the Lord and his consort live their life with power, strength and courage to lead our kind in a powerful and successful lives,” ani Mr. Jarvis na siyang sinang-ayunan naman ng mga bisita.   “Long live to the Lord and his consort!” sigaw ng lahat at sabay-sabay na uminom sa kanilang kopita.   Nagsimulang umingay ang paligid ngunit mas naramdaman ko ang unti-unting paglalaro ng aking paningin at nang hindi ko na nakayanan na suportahan ang aking sarili ay halos matumba na ako kung hindi lamang sinalo ng mga matitipunong braso ang aking nanlalambot na katawan. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at ang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking pisngi.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD