Ilang sunod-sunod na katok mula sa labas ang nagpakislot sa akin sa bath tub na hindi ko na gustong layasan pa. Nanginginig na ang labi ko dahil sa lamig sapagkat kanina pa ako nakakababad dito. Hindi ako makatulog ng ayos at nang maisipan na gawin ito mula kaninang madaling araw ay hindi na ako umahon hanggang ngayon. Ilang beses na nila akong sinusubukan na palabasin ngunit hindi ko mahatak ang sarili ko dahil sa panlalambot at kaba.
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko maitatawid ang araw na ito ng hindi ako nakagagawa ng kapalpakan dahil naglalayag mabuti ang aking isip sa ibang bagay tulad ng kung paano ko mapapatigil ang kasal. Should I hurt myself? That will cause me blood and that won’t do me any good.
I have been rooting for Mr. Jarvis to give me some explanation but all he did is to tell me that he cannot do anything but to fulfill what the Lord wants and that is to let me have the wedding with him.
“I will double the p*****t as long as you will do your best to survive this day,” pambala niya sa akin.
Gayunpaman, hindi ko na hangad ang pera dahil nabayaran niya na naman lahat sa Hospital kung nasaan si inay. Ang dahilan kung bakit narito ako ay dahil nais ko lang mabayaran ang ginastos niya kay inay at wala na akong balak na kuhanin pa ang pera na sinasabi niya.
“Where is Loren, Mr. Jarvis? I haven’t seen her and I am wondering if you really did not plan on making me her proxy until her wedding day,” giit ko noon bago pa niya ako tuluyan na matalikuran.
“Isinama mo ako rito at sabi mo ay kailangan ko lang ipakita na hindi nagkaroon ng problema ang kapatid ko at nangako ka nab ago pa ang kasal ay sigurado na narito na siy-“
Pinutol niya ang sasabihin ko.
“The wedding supposed to happen months from now, Miss De Lesa but you see…” bumuntong hininga siya at pagod ang mata na tumingin sa akin. “You see what he wants, right? He declared that in front of you and the only mistake that you can blame me is that I cannot stop him from moving the wedding tomorrow,” aniya.
Bigo ako na makakuha ng matinong sagot kung bakit bigla-bigla na lamang naisipan noong Pinuno nila na gawin ito. Hindi kaya nalaman na niya na hindi talaga ako ang tunay na Loren kaya naman ginagawa niya ito upang tumigil ako sa pagpapanggap bilang si Loren.
Suminghap ako at tatayo na sana nang bumukas ang pintuan ng bathroom at iniluwa noon si Kreoff at Trisha. Agad akong humiga ulit upang matakpan ng tubig at mga bulaklak ang aking dibdib. Gulat na gulat ako sa pagpasok nilang bigla.
“Lady Loren, akala ko po ay kung napaano na kayo,” nag-aalala ang boses at mukha ni Trisha habang si Kreoff ay pagod lang na nakatingin sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin. Alam ko naman na hindi nila ginusto na maipit ako sa ganitong sitwasyon ngunit ako naman talaga ang nahihirapan kaya sa tingin ko ay dapat nilang unawain kung bakit ako nagkakaganito. Tumalikod si Kreoff at lumabas upang mabigyan kami ng oras ni Trisha.
Umahon ako kaagad at saka tinanggap ang bath robe na iniaabot niya sa akin. Agad kong binalot ang aking katawan. At saka humarap sa salamin. Kitang kita ko ang problema sa aking mata at wala akong magawa kung hindi bumuntong hininga na lamang.
“Kailangan na po na maayusan kayo,” paalala ni Trisha habang pinupunasan ang takas na tubig sa aking pisngi.
“Nakahanda na po ang lahat miski na rin ang sasakyan patungo sa kastilyo ng Pinuno,” sambit niya pa.
Nilingon ko siya at nginitian ko ng tipid. Mababakas sa kaniyang mata ang awa sa akin ngunit pinipilit iyon takpan ng kaniyang pagngiti.
“Magiging maayos din po ang lahat,” aniya pa sa akin.
Ginugol nila ang oras sa pag-aasikaso ng aking susuotin at miski sa buhok ang make up ko habang ako ay nakatulala lamang. Kung isang ordinaryong kasal ito at sa taong mahal ko pa ay baka nagdidiwang ako at ang kabang nararamdaman ko ay dulot ng nag-uumapaw na saya subalit hindi naman ganoon. Ang kasal na ito ay hindi akin kundi sa aking kapatid na hindi ko man lamang alam kung nasasaan at kung kailan ito magpapakita upang angkinin na ang kaniyang posisyon.
“Napakaganda niyo po, Lady Loren,” pamumuri ng nag-aayos ng aking buhok sa likuran.
Isang tango lang ang naging kasagutan ko sa bawat sumunod pang pauri dahil hindi naman nakagagaan ng loo bang kanilang sinasabi. Kahit gaano pa ako kaganda kung hindi naman ako masaya ay wala ring halaga.
“Kinakailangan nap o nating bumyahe patungo sa kastilyo upang doon na lamang po gugulin ang oras ng paghihintay sa nakatakdang oras ng inyong kasal,” ani Trisha na nasa gilid ko.
Nakatanaw ako sa bintana at hindi na umalis doon kahit pa nakaalis na ang mga nag-asikaso sa akin kanina. Si Trisha ay mukhang nauunawaan ang aking nararamdaman dahil mula kanina ay hindi siya nagsalita, ngayon na lamang na may narinig na siyang katok mula sa pintuan.
“Lady Loren?” pagtawag niya sa akin.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at saka tumango.
Nagsimula akong maglakad patungo sa pintuan habang siya ay nakasunod sa akin. Sa paglabas sa pinto ay nakaabang na si Kreoff at si Caleb, ang dalawang sumalubong sa akin dito noong ako ay bagong salta pa lamang sa lugar ni Mr. Jarvis.
“Congratulations,” bati nilang dalawa subalit alam ko na sinambit lamang nila iyon dahil maraming mga kasambahay at iba pang tao rito na sa amin ay nakatingin.
Tungkulin nila na ipakita na nasisiyahan sila sa aking kasal.
“Gorgeous, Loren, gorgeous,” masiglang bati ni Mr. Jarvis na kadarating lamang.
Kahit na ayokong magpakita ng kahit anong emosyon ay wala akong magagawa dahil kailangan ko na ipakita ang emosyon ng pasasalamat ni Loren sa kaniyang ama.
“Thank you, Father,” mahinhin ngunit ay diin ang bawat sambit ko noon.
Sa tingin ko naman ay nauunawaan ni Mr. Jarvis ang nais kong iparating. Yumakap siya sa akin at kunway tumawang masaya ngunit bumulong ng patawad sa akin.
Bumuntong hininga ako. Pare-parehas kaming naiipit sa sitwasyon na ito ngayon at sino ang makapagsasabi kung hindi lang kami basta maiipit. Baka madurog pa kami kung hindi ko mapagtatagumpayan ang araw na ito.
“Do it for her, please. Do it for Loren,” I heard Mr. Jarvis whispered before he let me go.
May maliit na ngiti sa kaniyang labi ngunit ang mata ay nangungusap. I curtly nod my head and then wait for him to lead the way downstairs.
“Congratulations, Miss Loren,” bati noong iba pagbaba namin. Mahihinang tango lang ang naisasagot ko.
Nakarating kami sa labas at halos karamihan ng mga lalaking nakaitim na kanina ko pa pinagmamasdan sa may bintana ng silid ay nagsilapitan upang magbigay bati sa akin at kay mr. Jarvis.
“Young Lady, we will be assisting you until we arrive at the castle,” ani noong isa na sa tingin ko ay namumuno sa kanilang grupo.
I never thought that vampires do need bodyguards too.
Tumikhim ako at agad na tumango sa kanila. Nang makasakay ako sa isang sasakyan na halos ginto na ang loob ay wala man lamang akong kasama. Tanging ang nagsisilbing driver lang na binate lamang ako at hindi na kailanman nagkibo. Sa tingin ko naman, ang nakasunod sa amin ay ang sinasakyan ni Mr. Jarvis.
“You can do it,” bulong ko sa aking sarili at tumingin sa aming dinaraanan.
Kailangan kong ikalma ang aking sarili upang hindi ako mahirapan kapag napalibutan akong muli nang mas marami pang mga bampira ngayon. Sa pagkakaalam ko ay halos lahat ng kanilang lahi ay narito, miski na rin ang iba sa karatig bayan na malapit sa kanilang Pinuno. Sinong makapagsasabi kung may isa sa kanila na makahalata sa akin, hindi ba? Nasa sa akin ang mata ng karamihan ngayon lalo na noong mga may pagtutol sa pagkakapili kay Loren.
“Loren, this should be your wedding,” walang boses kong sambit upang hindi marinig noong nagmamaneho.
Noong unang tungo ko sa kastilyo ay napakabagal ng oras samantalang ngayon naman ay parang hinihila lamang ako nito at naiinip sa aking pagdating. Nagsimula muli akong manginig at kabahan noong marinig ang tunog ng tila pagsalubong at bumukas ang gate; sumalubong ang napakaraming mga bisita na magagara ang suot.
Kung noon ay kailangan pa naming pumasok sa tanggapan ng kastilyo upang makita ang kanilang dami, ngayon naman kahit hindi na ako lumabas sa aking sinasakyan ay ramdam ko na ang pagka-suffocate.
Bumukas ang kabilang pintuan ng sasakyan at pumasok roon si Mr. Jarvis. Ikinagulat iyon noong driver ngunit sinenyasan lamang siya ni Mr. Jarvis upang kami ay iwanan muna.
Nang masiguro na wala ng tao sa paligid ay agad na hinarap niya ako.
“Miss De Lesa, the Lord wants you to stay at his castle after the wedding-“
“What?” gulat na gulat kong sambit. “Wala ito sa ating usapan, Mr. Jarvis,” madiin kong sambit.
“Inakala kong kasal lang pagkatapos ay mauuwi pa sa ganito? Who knows what he will do to me? I’m just an ordinary human,” halos nagmamakaawa na ako.
Bumuntong hininga siya at hinagap ang aking kamay.
“I never beg someone for anything, Miss De Lesa but for your sister’s sake, I am begging you right now to do this,” aniya.
Suminghap ako at hindi malaman kung maiiyak ba ako o matatawa dahil sa kalagayan ko ngayon.
“Noong sinabi mo na nais mo lang na maipakita na maayos ang kalagayan niya tapos ngayon…” sinubukan kong pigilan na huwag maiyak ngunit talagang nagluluha na ang aking mata dahil sa bigat ng dibdib.
“I am not ready for this, Mr. Jarvis. Ni hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan tapos ay asawa pa?”
Bakas naman sa kaniyang mukha ang pag-unawa sa hinanaing ko subalit determinado rin ang kaniyang mga mata.
“Narito na tayo, Miss De Lesa. Kung aatras tayo ay mas malaking problema,” pahayag niya sa mahinahong paraan.
“The Lord won’t asked for anything. He just wants to let his conquest knows that you are living with him. That will stop them from asking why does the Lord chose you,” paliwanag niya.
Hindi ko naman na nauunawaan pa ang kaniyang sinasabi dahil naglalayga ang isip ko sa kung ano ang maari kong makaharap sa oras na wala na si Kreoff, Trisha, at Mr. Jarvis sa tabi ko upang paalalahanan ako ng dapat kong gawin.
“What if he notice that I am not her? What if he ask for my body? I can’t give him that because I am not Loren. I am not his wife,” madiin kong bulong.
Ang mata ko ay hindi na mapakali at ang boses ay garalgal na.
Hinawakan ni Mr. Jarvis ang aking balikat at tinitigan ako ng madiin.
“You just need to stick to the plan. Do what we teach you and do not do anything that might be the reason for the Lord to see you. You have your own room, the castle is big enough for you to not see him in a day,” nakikiusap ang kaniyang tinig.
Habang nakaupo at naghihintay sa senyales sa akin ay sisigok-sigok ako habang si Trisha ay pinupunasan naman ang tumatakas na luha sa aking mata. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Mr. Jarvis. Malaki nga ang kastilyong ito subalit kung kailan man naisin ng kanilang Pinuno na ako ay hanapin ay magagawa niya dahil hindi naman siya ordinaryong nilalang. May kakayahan sila maging mabilis. Nasaksihan ng aking mga mata iyon nang halos matumba na ako dahil hindi ko nabibigyang pansin ang aking paglakad. Mabilis akong dinaluhan n Trisha upang hindi tuluyang matumba. Maliksi ang kaniyang kilos kung kaya hindi nahalat ng iba na nagkaganoon.
“Lady Loren, you need to stop crying. Your eyes will get sore and the Lord might notice it. Vampires like us don’t get that,” paalala ni Trisha.
Suminghap ako at tumango saka pinilit pigilin ang aking sarili. Sinimulan niyang ayusin muli ang aking make up upang hindi raw mahalata na ako ay umiyak.
Isang katok sa pinto an gaming narinig.
“The Wedding will start in just five minutes,” sambit noon na ikinasinghap ko agad.
Humigpit ang hawak ko sa tela ng aking damit na suot at saka pumikit ng mariin.
“Lady Loren?” pagtawag ni Trisha. Isang malakas na hugot ng hininga ang aking ginawa bago ako tumango.
Tinulungan niya akong makatayo at saka nginitian.
“You can do this, Miss Caith. I know you can,” aniya. Unang beses kong narinig na sambitin ng isang bampira ang aking pangalan.
“Thank you, Trisha,” sambit ko bago pa ako nagsimulang magmartsa patungo sa labas.