Kabanata 55

1622 Words
Tiningnan ko ang kapirasong papel na aking kinuha at ginamit upang sulatan ng buwan, araw at taon ng unang pag tataksil sa akin ni Magus. Umaasa akong hindi na masusundan pa ang inilista kong petsa, sana nga ay hindi na masundan pa kahit alam kong napakalabo nito.   Pagkatapos kong isulat ito sa kapirasong papel ay ibinalik ko na ang kapirasong papel na ‘yon sa aking draewer. Hahayaan ko na lang ito na naroroon at hindi naman ito kailangang itago. Bumalik na ako sa aking kama at nahiga doon ngunit agad din akong napabangon dahil sa nakita kong repleksyon ko sa salamin nang mapadaan ako dito, dahil sa isang buwan ng wala si Magus at labis na pag aalala ko sa kanya ay napapabayaan ko na ang aking sarili.   Nakikita ko ang aking repleksyon sa malaking salamin, ang aking katawan ay napabayaan ko na dahil kitang-kita ko na ang aking pamamayat, ang aking mga mata ay namamaga na dahil sa araw-araw at gabi-gabing pag-iyak dahil sa pangungulila ko kay Magus, ang aking buhok at kasuotan lang ang tangi kong nakikitang maayos sa akin dahil hindi hinahayaan ni Trisha na magulo ang aking buhok at kasuotan.   Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa salamin, sa aking pilit na pagngiti ay muling nag landas sa aking pisngi ang mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata. Hindi ko kaya. Kahit pilitin kong magmukang matatag sa harap ng lahat ay hindi ko kaya. Ngayon ay muli akong humahagulhol dahil sa labis na awang nararamdaman sa aking sarili, hindi ko lubos matanggap ang ginawa sa akin ni Magus.   Alam ko sa aking sarili na hindi naman ako nagkulang. Bagaman nagkaroon ako ng problema, iyon naman ay hindi dahil lamang sa aking sarili kundi dahil din sa kaniya at kahit pa mahirap, bumalik pa rin naman ako kahit kailan ay hindi nagtaksil. Kahit pa nga nasa peligro na ako sa kamay ni Marocco ay pinilit ko na lumaban at ipagtanggol ang sarili dahil para sa akin, hindi ko kakayanin na ibigay ang sarili sa iba bukod pa sa kaniya kaya naman napakasakit kahit ilang beses kong ipilit sa sarili na maging manhid na lamang.   Bumalik na lang ako sa aking kama upang ipagpatuloy doon ang aking pag-iyak. Alam ko. Ramdam ko na hindi ginusto ni Magus ang nangyari kanina, alam kong napilitan lang siya. Talaga ba? Nakakatawa. Hanggang ngayon ay mas pinipili kong pagsinungalingan ang aking sarili.   ‘Caith, gumising ka, pinaramdam na niya sa iyo at narinig mo pa ang kanilang pag-uusap, nag tatanga- tangahan ka pa rin!’ sabi ko sa aking isipan habang tuloy-tuloy pa rin sa paglandas sa aking pisngi ang maiinit na likidong nagmumula sa aking mga mata.   Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa labis at walang tigil na pag iyak.   ‘Can I?’ ‘Can I?’ ‘Can I?’   Mabilis kong binuksan ang aking mga mata dahil sa paulit ulit na aking naririnig sa aking isipan, boses iyon ni Magus. Tiningnan ko ang paligid at nakita ko sa orasan na umaga na pala, nakatulog na ako. Hindi ko alam kung dinalaw ba ako ni Magus o sadyang dahil sa labis na pagkasabik ko sa kanya ay gumagawa na ng sariling imahe ang aking isipan.   Kaawa-awa ka naman, Caith. Hanggang ganiyan ka na lamang. Bakit hindi pa ako tumakas at umalis? Sakali ba na gawin ko ang bagay na iyon, matatakasan ko nga ba ang sakit?   “Good morning, Lady Loren,” napabaling nag tingin ko sa nagsalita at nakita ko si Trisha na nakatayo sa gilid ng aking kama.   Muli kong ibinalik ang aking tingin sa orasan bago ako dahan dahang umalis sa aking higaan. Hindi ko akalaing makakatulog ako dahil sa labis na pag-iyak. Nag tungo ako sa harapan ng salamin at nakita kung gaano kawasak at kasira ang aking sarili.   Malayong-malayo na ang aking itsura sa dati? Kung ako ay mahirap pa rin umasta ay baka nagmukha na akong adik sa kanto na napabayaan ang buhay.   “Trisha, ipaghanda mo ako ng aking masusuot,” hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ito ang unang lumabas sa aking bibig pagkatapos kong makita ang aking sariling repleksyon sa salamin.   Mabilis namang kumilos si Trisha, nag tungo ito sa aking sisidlan ng damit at agad ding lumabas habang dala dala ang patong patong na dresses na kanyang yakap yakap nang siya ay lumabas dito.   “Maliligo muna ako,” sabi ko sa kanya at agad siyang tinalikuran.   Pag pasok ng banyo ay muli kong nakita ang aking repleksyon sa malaking salamin na naririto sa loob ng aking banyo. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit tila lumalamig ang aking pakikisama, tila ba namamanhid na rin ang aking pakiramdam. Marahil ay nasanay na ito dahil sa labis na sakit na aking nararamdaman araw-araw, maging ang aking mga mata ay nakikita ko sa aking repleksyon, wala itong ipinapakitang emosyon na kahit ano.   Ipinilig ko na lang ang aking ulo bago ko hinubad ang aking kasuotan, nakita ko ang perpektong hugis ng aking katawan mula sa repleksyon. Inalis ko na lang ang tingin ko dito at nag-umpisa ng maligo, nilinis ko ng maayos ang aking katawan at sarili. Habang dumadaloy sa aking mukha at katawan ang malamig na tubig ay naaalala ko ang paulit-ulit na binibigkas ni Magus sa aking panaginip. Kahit sa malamig na tubig ay hindi pa rin nakaligtas ang init ng likidong nagmula sa aking mga mata. Nagiging emosyonal na naman ako. Mabilis kong tinapos ang aking paliligo at ako ay lumabas na.   Naroroon si Trisha at tahimik akong hinihintay kaya naman lumapit na ako sa harapan ng aking salamin. Hinubad ko ang aking suot suot na bathrobe at agad namang ibinigay sa akin ni Trisha ang aking panloob. Isinuot ko ito at nang ako ay matapos na, nag umpisa na si Trisha upang ako ay damitan. Inuna niyang ilagay ang ang tatlong layer ng petticoats dahil alam niyang ayaw ko ng masyadong nabibigatan sa aking kasuotan, inilagay na niya rin na ang aking corseted top, hinigpitan niya ito na naging dahilan para mas lalong ma-emphasize ang hubog ng aking katawan at maging ang aking dibdib.   Sunod na inilagay ni Trisha ang pang-ibabaw na skirt, nakita ko ang kulay nitong baby blue. Ang sarap nito sa mata kahit na nakakaramdam ako ng hapdi sa aking mga mata ay nasasarapan akong titigan ang kulay ng aking skirt. Nag lakad patungo sa aking harapan si Trisha habang dala dala ang dalawang pang itaas na iisa lang ang kulay.   Itinaas niya ito pareho upang papiliin ako kung alin ang nais kong iterno sa aking skirt.   ‘Huwag masyadong revealing,’ sabi ko sa aking isipan dahil tila ba bumalik sa aking alaala ang madalas na sinasabi sa akin ni Magus noong siya ay nasa tabi ko pa.   Kinuha at pinili ko ang isang collapsed sleeve pero hindi naman gaanong revealing. Kinuha na ito ni Trisha at ibinaba ang isang damit na kanyang hawak hawak. Isinuot na sa akin ni Trisha ang damit at maayos itong hinapit at itinali sa aking likuran.   Nang matapos makapag-ayos ay tumungo ako sa labas kung saan mahahalata ang kawalang buhay ng kastilyo. Sa likuran ko ay si Trisha na 'di tulad noon ay makibo, ngayon ay kung hindi kakausapin ay 'di sasagot. Ganoon din  naman ako. Wala ako sa tamang lagay upang magsasalita.    Pinili ko na magtungo sa may hardin kung saan walang masyadong nadaraan na mga katulong. Gutstong-gusto ko na mapag-isa.    "Sakaling may darating na balita, huwag mo munang ipaabot sa akin, Trisha. Maliban kung ito ay maganda," malamig kong sambit.    Kimi siyang tumango at saka nag-aalinlangan kung lilisan ba o hindi. Tumango ako.    "Magpahinga ka. Ganoon din ako. Nais ko na makapag-isip-isip."   Puro pag-iisip. Nakapapagod pero wala akong magagawa. Subukan ko man na tumulong sa konseho, takot na sila na baka ako naman ang mawala. Sakaling magkaganoon ay mas magiging malaki ang impact sa kanila. Hindi maaring pati ako ay madamay kaya nga ba at hanggang ngayon ay 'di nawawalna ng bantay sa labas ng aking silid at ang manggagamot ay nagkaroon na ng silid malapit sa akin upang tignan palagi ang aking kalagayan.    Sa tuwi-tuwinang mangyayari sa akin ang kanilang nasaksihan ay hindi ako nagtatawag ng tulong. Sa isang sulok lamang hinahayaan ko iyong lumipas at makatutulog ako dahil sa labis na pag-iyak. Miminsan ay aabutan ako ni Trisha na puno ng dugo ang aking mukha pero hindi na siya nagsasalita pa. Pero ramdam ko, ramdam ko ang awa na nadarama niya.    Nakaaawa ako.    Tinapik ko ng tatlong beses ang aking dibdib matapos ay ipinilig ang ulo para pakalmahin ang sarili. I called someone who can assist me.   “Ano po ang maipaglilingkod ko, Lady Loren?”   Mataman ko siyang tinitigan.   “Hanapan mo ako ng panibagong silid na maari kong okupahin. Hindi ko na nais pang makita ang mga alaala sa bawat sulok ng silid na ito. Kailangan ko na maging malakas kahit para lamang sa inyo,” pahayag ko.   Walang bakas ng kahit na anong emosyon ang mukha ng kasambahay, tumango ito at yumukod.   “Masusunod, Lady Loren. Hahanapan ko po kayo ng komportableng silid,” aniya bago umalis.   Humugot ako ng malalim na hininga at saka nilibot ng tingin ang silid na halos mag-iisang taon ko na ring inoukupa. Kailangan ko na palayain kahit papaano ang aking sarili. Ayos lamang na masaktan kahit pa araw-araw pero kailangan  na bumangon ako. Kung sakaling mananatili akong ganoon, si Magus ang magiging panalo. Isa ng gyera sa pagitan namin ang kaniyang sinimulan nang mga oras na lumapat ang kaniyang labi sa labing hindi akin. Hindi ako maaring matalo sa huli. Kailangan na ang galit ko ang gawin kong sandata upang maging panalo. Masasaktan ka, Caith pero kailangan mo pa ring tumayo at lumaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD