Kabanata 56

1586 Words
Umaga ng Lunes ay naririto ako sa loob ng walk in closet at hinahayaan si Trisha na ayusin ang buhol ng corset na napili kong suotin. Ang aking bistida ay pinaghalong puti at green na bumabagay sa emerald na mga alahas na aking suot.   Pag katapos akong bihisan ni Trisha ay naupo naman ako sa upuan na nasa tapat ng salamin, sunod niyang gagawin at aayusin ang aking buhok at mukha na rin. Sa sapatos naman ay ayos na ako. Maluwag ang aking paghinga dahil sapilitan kong isinasaayos ang aking sarili.   “Tila may magandang balita yata kayong narinig, Lady Loren,” nakangiting sabi ni Trisha.   Natigilan ako sandali dahil sa kaniyang napuna. Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pilit na lang ngumiti sa salamin dahil nakita ko namang nakatingin siya sa akin. Mukang nahalata naman niyang wala akong ganang mag salita at sumagot sa mga katanungan kaya hindi na nasundan pa ang kanyang tanong.   Mabilis siyang natapos sa pag aayos ng aking buhok, nakikita ko namang bumagay ito sa aking kasuotan ngayon.   “Napakaganda mo, Lady Loren,” nakangiting sabi ni Trisha habang sabay naming tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin. Tulad kanina ay hindi ako nag salita, tumayo na lang ako sa mula sa upuan at nag lakad patungo sa harapan ng aking kama.   “Dito mo na lang dalhin ang aking almusal,” sabi ko kay Trisha.   “Masusunod po, Lady Loren,” sagot nito at agad na nawala sa aking tabi at narinig ko na lang ang pagsara ng aking pinto na senyales na ito ay nakalabas na ng aking silid.   Hindi na katulad ng dati, kung nakakapagkwentuhan pa kami ni Trisha, ngayon ay miminsan na lamang kaming nag-uusap at kung hindi iyon importante ay hindi ako sasagot. Alam kong pinipilit niya na ibalik din ang dati kong sigla pero Malabo na marahil iyon.   Tumayo ako ng tuwid at humugot ng malalim na hininga.   ‘Kailangan kong ihanda ang aking sarili para sa mga susunod na mangyayari,’ sabi ko sa aking isipan habang tintingnan ang aking sariling repleksyon sa isang maliit na salamin na nasa aking lamesa.   Binuksan ko ang aking drawer at kinuha doon ang isang kapirasong papel na sinulatan ko kagabi ng buwan, araw at taon kung kailan unang nagtaksil si Magus sa akin. Mayamaya lang ay dumating na si Trisha kaya dali dali kong ibinalik sa aking drawer ang kapirasong papel at agad itong isinara. Lumapit si Trisha sa akin habang dala dala ang isang tray na sa tingin ko ay naglalaman ng mga pagkain na siyang ipinakuha ko sa kanya. Isa isa niyang inilapag sa aking lamesa ang mga pagkaing laman ng tray na kanyang dala.   “Maraming salamat,” tipid na sabi ko bago ako ang umpisang kumain.   Sa buong segundo, oras, araw, at lingo na wala si Magus sa aking tabi, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makakain ng maayos. Kadalasang nangyayari sa akin ay nawawalan ako ng gana sa tuwing makakakita na ako ng pagkain dahil naalala kong nawawala si Magus at iniisip kong baka sa mga oras na ‘yon, ito ay naghihirap na habang ako naman ay kumakain ng masasarap na pagkain.   Pero, pagkatapos ng nangyari sa akin kahapon, ang labis na kahihiyang aking naranasan sa harapan ng maraming tao, ang labis na sakit na aking nararamdaman dahil sa ginagawa niyang pag tataksil sa akin. Tila ginising ako ng mga ito upang ipag patuloy na ayusin ang aking buhay, maraming umaasa sa akin at ang clan ay tanging sa akin na lang nakaasa ngayong hindi pa rin siya bumabalik.   “Kailangan kong maging matatag, Trisha, hindi ko maaring ipakita sa kanila na mahina ako,” sabi ko kay Trisha habang mahigpit ang hawak sa kubyertos.   Hindi nag salita si Trisha, alam niya kung kailan siya dapat magsalita at alam niyang kailangan ko lang ng makikinig sa aking sasabihin.   “Hindi ako puwedeng maging mahina dahil walang ibang tatayo para sa kanila, para sa atin dahil mukang nag eenjoy naman na ang Magus na iyon base sa nangyayare sa akin,” mapait kong sabi bago ako nag patuloy sa pag kain.   Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang ‘yon ay hindi na muli pa itong nasundan, nag patuloy na ako sa ginagawa kong pagkain. Balak kong mag tungo ngayon sa hardin, ngayon na lang ulit ako susubok na lumabas upang magpunta sa hardin at doon magbasa ng libro. Naisip ko lang na malaki ang maitutulong sa aking kaisipan at kaalaman tungkol sa pamamahala ng clan ang pagbabasa ng mga librong tungkol dito. Mas magiigng maayos ang aking pagbabasa kung ito ay gagawin ko sa maaliwalas, malamig at maayos na kapaligiran ay sigurado akong mabilis kong mapag aaralan ang aking babasahin. Natapos akong kumain at mabilis na inayos ni Trisha ang aking pinagkainan, bago pa ito makaalis upang ibalik ang aking mga pinagkainan sa kinuhaan niya nito ay nag salita na ako. “Nais ko sanang mapag isa mamaya, gawin mo na lang muna ang mga dapat mong gawin sa araw na ito at magtutungo lang ako sa hardin upang doon magbasa basa,” sabi ko kay Trisha.   “Ayos lang po ba na mag- isa kayo, Lady Loren?” bakas ang pag aalala sa kanyang tono nang ito ay itanong niya sa akin.   “Huwag mo akong alalahanin, maayos lang ang lagay ko at hindi naman ako lalabas ng harang,” sabi ko sa kaniya.   “Mag iingat ka po, Lady Loren,” sabi nito at muli nang nawala sa aking paningin.   Huminga ako ng malalim bago tumayo sa aking upuan at nag lakad patungo sa book shelf na naririto sa aking silid. Sa aking natatandaan, mayroong iniregalong libro sa akin si Magus at ang librong ‘yon ay tungkol sa pamamahala ng isang clan. Sinabi niya pa sa akin na sigurado siyang kakailanganin ko ang librong ‘yon pag dating ng tamang oras.   Sinabi niya ang mga katagang ‘yon na tila ba nakikinita na niya na mangyayare ito, na mangyayareng tatalikuran niya ang clan... at ako.   Kinuha ko na lang mula sa book shelf ang libro at bahagyang pinagpagan ito dahil mayroon na itong kakaunting alikabok dulot ng matagal na itong naririto at hindi pa rin nagagamit o nabubuksan manlang hanggang ngayon.   Pagkatapos kong pagpagan ang libro ay agad ko itong binuksan at agad ding isinara dahil mag tutungo muna ako sa hardin bago ako mag umpisang magbasa upang maiwasang madistract ng kahit na anong alaala ko kay Magus ang aking maalala.   Naglakad na ako palabas ng aking silid, mas gusto kong mag lakad patungo doon ke’sa ang gamitin ang aking kakayahan. Mas ramdam ko ang aking pag iisa dahil sa aking ginagawa. Ganun pa man, ito ay sinasadya kong iparanas at iparamdam sa aking sarili upang ako ay masanay at matutong mag isa na lang.   Marami akong nadaanang kababaihan at ang mga ito ay nakatingin sa akin na may awa sa kanilang mga mata, kahit na ganun ay pinanatili ko pa rin na nakataas ang aking ulo. Kailanman ay hindi ako magbaba dahil lang sa ginawang pagtataksil sa akin, ako ang pinagtaksilan at kailanman ay hindi dapat ako makaramdam ng kahit na anong kahihiyan.   Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nakasalubong ko si Mr. Jarvis, hindi nito magawang makangiti sa akin ngunti kitang kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagtataka habang tinitingnan ako mula ulo hanggang sa aking mga paa.   Kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.   “Lady Loren, tamang tama lang pala na nagkita tayo ngayon, mayroon akong balita,” sabi sa akin ni Mr. Jarvis.   “Huwag na ngayon... nais kong mapag isa,” malamig kong sambit sa kanya at agad siyang nilagpasan at nag tuloy tuloy sa aking pag lalakad.   Nahagip pa ng aking mga mata ang mag inang aking kinaiinisan na nakatingin lang sa akin at nasa isang sulok, tulad nang madalas kong nakikita, magkasama na naman ang dalawa at mayroong panghuhusga sa kanilang mga mata.   Sasanayin ko na lang ang aking sarili sa iba’t ibang ugali ng mga nasa paligid ko.   Nakarating ako sa hardin habang dala dala ang aking librong napiling basahin dito. Inilibot ko ang aking tingin upang humanap ng magandang pwesto para sa aking pagbabasa. Doon ko lang napansin na maging ang mga bulaklak pala sa hardin na ito ay naapektohan na rin ng matagal na pagkawala ni Magus sa loob ng clan.   Napili kong maupo na lang sa ilalim ng malaking puno, dahil sa kanyang laki ay nakalikha ng maaring upuan ang mga ugat nito. Nais ko sanang umakyat pa ngunit sadyang hindi sumasang ayon sa aking gagawin ang aking kasuotan, baka kapag nagpumilit lamang ako ay mahulog pa ako at masaktan.   ‘Hindi ko na kailangan maghanap ng ikasasakit ko,’ makahulogan sabi ko sa aking isipan bago ko binuksan ang librong aking hawak hawak dahil maayos naman na ang aking pwesto.   Nag umpisa na akong magbasa, pinilit kong maifocus ang aking sariling atensyon sa aking binabasa.   Habang lumilipas ang bawat segundo, minuto at oras ay unti unti ko ng na- eenjoy ang aking binabasa, hindi na nawawala dito ang aking atensyon. Ipinagpatuloy ko na lang ito hanggang sa mabuksan ko ang isang pahina, nakita ko doon ang larawan ni Magus. Bahagya akong napatigil sa pahinang iyon, pagkatapos ay agad ko rin itong inilipat. Ang atensyon na nasa sa librong binabasa ko lang kanina ay napunta sa aking pag iisip tungkol kay Magus.   Biglang umugong ng napakalakas ang aking kanang tenga, napahawak ako dito at mabilis na nabitawan ang aking hawak hawak na libro.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD