Kumuyom ang aking kamao at lumuha pang muli.
Ang lahat ng naririto ay nasaksihan ang nangyare sa akin, at alam rin ng lahat na ang nangyayare sa akin ay bunga ng pagtataksil ni Magus. Tuloyan nang naging maayos ang aking paghinga at maging ang aking pakiramdam.
Sinubukan kong tumayo ngunit dahil sa labis na panghihina dahil sa nangyare sa akin at sakit ng aking dibdib; at init ng mga mata na tila sinisilaban ay muli akong natumba. Bago pa man ako lumapat muli sa aking pinag-upuan ay nagawa na akong hawakan ng isang mga bisig. Nag angat ako ng tingin upang tingnan kung kaninong mga bisig ang may hawak sa akin, nakita kong si Mr. Jarvis ito.
Malalim ang kaniyang mata pero kababakasan ng labis na pag-aalala dahil sa estado ko ngayon.
“Hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin ang sarili mo,” nakikiusap ang boses na sabi sa akin ni Mr. Jarvis.
Lahat ay nakikita ang eksenang iyon na dahilan kung bakit lalo akong nanghina at naawa para sa sarili.
Nilingon ko si Trisha, humihingi ng tulong ang tingin na ibinato ko sa kaniya at lubos akong nagpapasalamat nang iyon ay kaniyang maunawaan.
“Lady Loren, mabuti pa po ay bumalik na tayo sa inyong silid,” sangat naman ni Trisha.
Naglakad siya palapit sa akin kahit may bakas ng pag-aalinlangan kay Mr. Jarvis at sa mga naroroon.
Pabalyang inalis ko ang mga bisig ni Mr. Jarvis na naka-alalay sa akin. Sobra sobrang sakit na ang aking nararanasan at alam kong sobrang pagka-awa na rin ang nararamdaman sa akin ng mga nakakakita sa kasaulukuyan kong sitwasyon ngayon.
‘Magus, bakit?’ hindi ko mapigilang tanong sa aking isipan bago ko inabot ang mga kamay ni Trisha upang sa kaniya na lang magpaalalay.
‘Bakit mo nagawa sa akin ang ganitong kataksilan?’
“Narito lamang po ako palagi sa inyong tabi, Lady Loren,” bulong ni Trisha sa akin.
Nag umpisa na kaming maglakad paalis ng silid na ‘yon, ramdam ko ang mga titig ng ibang konseho at kababaihan na naririto sa silid. Hindi ko ito binigyang atensyon at mas itinuon ang aking atensyon sa pag lalakad ng maayos. Tama si Mr. Jarvis, hindi maaring makita ng clan ang panghihina ko at maging ang kahinaan ko. Kailangan kong magpakatatag at lumaban sa emosyong aking nararamdaman ngayon.
Kung hindi sila magawang protektahan ni Magus, ako ang proprotekta sa kanila.
Ngunit, paano? Paano ngayong maging ako ay mahina na rin? Maging ako ay sumusuko na rin? Bakit nagawa mo sa amin ‘to, Magus?
Nakarating kaming dalawa ni Trisha sa aking silid, dahan-dahan niya akong iniupo sa aking malambot at malaking kama. Nakatulala lang ako sa kawalan at ramdam ko ang titig sa akin ni Trisha, alam kong muka akong kaawa awa ngayon, ngunit anong magagawa ko? Wala sa aking isipan ang labis na sakit ng katawan ang aking tinamasa kanina. Ang tanging nasa aking isipan ay ang tila tinusok at hiniwa ng ilang piraso na aking puso, sobrang sakit na tipong maging ang aking isip ay hindi makayang tanggapin.
‘Bakit, Magus? Bakit nagawa mo sa ‘kin ‘yon? Hindi ba’t nangako ka?’ hindi ko mapigilang sabi sa aking isipan.
Muli ko na namang naramdaman ang mainit na likidong nag landas sa aking pisngi. Heto na naman ako, umiiyak na naman, ngunit, hindi sa parehong dahilan. Hindi na ang pagkawala ni Magus sa aking tabi ang dahilan, kung hindi ang kanyang pagtataksil ng harap harapan.
“Tahan na, Lady Loren, sigurado akong mayroong ginawa kay Lord Magus kung kaya naman nagawa niya ang pagkakamaling ‘yon,” ramdam ko ang awa sa tono ng boses ni Trisha habang sinasabi sa akin ang mga katagang ‘yon.
Hindi ako nakapagsalita, sa halip na tumigil sa pag iyak ay mas lalo akong humagulhol. Awang awa na ako sa aking sarili. Hindi ko na kaya ngunit kailangan kong kayanin.
Naramdaman ko ang isang paghaplos sa aking likuran, siguradong si Trisha lang ito dahil dadalawa lang naman kaming naririto sa aking silid kaya hindi na ako nag angat ng aking tingin upang tingnan kung sino ito.
“Bumalik ka na sa silid mo at magpahinga, Trisha,” mahinahong sabi ko sa kanya bago ko ihiniga ang aking katawan sa malambot kong kama.
Tumalikod ako sa kanya at naramdaman ko ang kanyang paghinga ng malalim bago ito naglakad palabas ng aking silid. Pagkatapos kong marinig ang pagsara ng pinto ng aking silid ay inayos ko ang aking higa, muling nag landas sa aking pisngi ang mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata. Sigurado akong hindi lang iisang beses ang mangyayare sa akin na katulad kanina, kaya marapat lang na ihanda ko ang aking sarili para sa mga susunod na pangyayareng katulad kanina.
Tulad ng gabi gabi kong ginagawa. Nakatulala lang ako sa kisame ng aking silid, hindi makatulog, umiiyak at nag iisip para sa mga susunod na mangyayare sa mga susunod na araw.
Biglang bumalik sa aking isipan ang mga katagang aking narinig kanina.
“You’re mine...”
“I am...”
Those words… that made me cough blood.
I know to myself that it was Magus. Magus cheated on me.
Habang naririto ako, nangungulila at hinahanap siya, malalaman kong masayang masaya na siya sa kaniyang kinaroroonan. Malakas si Magus kaya hindi ako maniniwalang may ginawa sa kanyang kakaiba upang magawa sa akin ang bagay na ‘yon.
Gusto ko na paniwalaan si Trisha na baka napipilitan lamang siya pero ang mga salitang iyon? Sadyang nagpapatunay na wala na siya sa akin. Na tuluyan na siyang kinuha sa akin at nagpaubaya siya sa iba.
Biglang pumasok sa aking isipan ang katagang binitawan ni Mr. Jarvis kanina bago mangyare ang bagay na ‘yon kanina.
“It came from the Rosupta’s. The King’s flower is slowly turning into a yellow one. Maraming kahulugan iyon, kaligayahan, pag-asa, kasinungalungan, pagkakasakit, at pagtatraydor. Ano’t ano man iyon, sigurado ako na hindi maganda para sa ating samahan.”
“Pagtatraydor...” bulong ko habang nakatulala sa salamin.
This is what it means. He is betraying me as much as he is betraying his clan. Sa dami ng ginusto kong makabubuti sa kaniya, sa paghahangad ko na tanggapin pa rin siya sa kabila ng sakit na nadama ko, ito pa ang naging kapalit. Napakasaklap.
Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang lumabas mula sa aking mga mata, napapagod na akong umiyak. Ngunit, tanging pag iyak na lang ang makakaya kong gawin, sa ngayon. Kailangan kong maging matatag ngayong tinalikuran na ni Magus ang clan at maging ako ay tinalikuran na rin niya.
Tumayo ako mula sa aking kinahihigaan, nagtungo ako sa aking lamesa at naupo sa upuang naririto. Tiningnan ko ang tambak tambak na mga papeles na kailangan ng aking pirma dahil wala dito si Magus upang ito ay pirmahan. Isinantabi ko muna ang mga ito bago ko binuksan ang drawer sa aking lamesa. Kumuha ako doon ng isang kapirasong papel at kumuha na rin ako ng ballpen upang maipangsulat sa kapirasong papel na ito.
Isinulat ko ang buwan, araw at taong ngayon, ito ang kauna- unahang pagtataksil sa akin ni Magus. At sa bawat pagtataksil na kanyang gagawin, isusulat ko ang bawat buwan, araw at taon sa kapirasong papel na ito.
Habang isinusulat ito, ramdam ko ang pagkawasak ng aking puso kaya hindi ko mapigilang mapahawak sa aking dibdib at muling maiyak dahil sa labis na sakit.
Hanggang saan pa ang kaya mo, Caith? Dahil ba matatag ako noong iniwan ako ni Loren, naging matatag ako nang mag-isa lang na binubuhay si Inay, naging matatag na tanggapin ang alok ni Mr. Jarvis, kailangan ba tatagan ko rin ang aking sarili at tanggapin muli siya? Tanggapin ang kaniyang kataksilang ginawa?
Sa paanong paraan ko magagawang lampasan ang pagsubok na ito kung ang taong inaakala kong mananatili sa aking tabi at magiging lakas ko ay siyang dahilan ng labis-labis kong paghihirap at pagsasakit. I never thought that I will experience this kind of thing. Kaya nga noon, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako magpapaloko sa kahit na sinong lalaki pero ngayon… kinakain ko yata ang aking salita. Nang sumama pa lamang ako sa kaniya pabalik dito ay isa ng katangahan pero nilunok ko lahat pero ngayon… ganoon ba muli ang aking gagawin?
Pagbibigyan at uunawain ko ba siyang muli dahil lamang siya ay mahal ko at kabiyak ko? Bakit ganito? Hindi na nga siya magiging akin sa habang buhay, ipinagdadamot pa siya sa akin ng pagkakataon?
Ito ba ang kaparusahan? Marapat ba na tanggapin ko ito ng maluwag sa aking isipan? Sobrang sakit naman ng karma kung sakali. Tipong buhay pa ako pero pinapatay na ang kalooban ko. Hanggang kailan ako tatagal? Hanggang kailan ko makakayanan na gumising sa bawat araw at malampasan ang bawat oras nang hindi ako bibigay?
Inay ko… ganito kasakit ang nangyayari sa akin. Karapat-dapat po ba ito sa akin?
Kung naririto lamang ang Inay. Iniwan ko ang inay at nasanay na iba ang kasama… na si Magus ang dahilan ng ligaya. Ito marahil ang karma.