Not as if he doesn’t know the truth? He sounds so confident that he knows something and I actually don’t. I was really provoking him to tell me something about that so I’ll have a peak of my Sister’s messed up life but instead I got another business to mind.
He knows the truth. Katotohanan. Anong katotohanan sa likod ng naging relasyon ni Loren ang alam niya? Hindi kaya hindi naman totoo ang ipinaparatang nila sa aking kapatid? At kung totoo man, bakit naman hindi ipaglalaban ni Loren iyon? Isa lang ang napagtanto ko. I really need to talk to her and ask her everything but that won’t be possible especially that she is nowhere to be found.
“Trisha, wala ka na bang iba pang nalalaman tungkol kay Loren at sa dating High Reeves?” paglalakas loob ko na dahil nais ko na malaman talaga ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito.
“Ang tanging alam ko lamang po ay palaging bumibisita ang High Reeves sa Kastilyo upang dalawin si Lady Loren ngunit iyon ay dahil sa kanilang proyekto na pinagtutulungan,” pagbibigay niya ng kasagutan.
Natahimik ako at napapaisip pang muli. Alas otso ng umaga at hindi na mapakali ang aking isipan dahil doon. Maya-magdamag kong iniisip ang ngisi sa mukha ng kanilang Pinuno na para bang sinasabi niya na hindi ko siya maloloko tungkol doon. Maybe he is thinking that I am provoking him to divorce me.
“Is there some kind of divorce here?” wala sa sarili kong tanong kay Trisha. If ever na mahal nga talaga noong dating High Reeves ang aking kapatid, hindi ba dapat ay hindi niya siya ginawang kabit?
“Ano po ba ang divorce?” takang-tanong ni Trisha.
Kumurap-kurap ako at tumango na lamang. Walang ganoon. Sa sagot pa lamang niya ay halatang bago sa kaniyang pandinig ang aking binitawang salita. Maaring hindi aplikado sa kanila iyon dahil tulad ng sinabi sa akin ni Mr. Jarvis noon, ang kasal sa kanila ay sagrado at ang pagsasagawa ng kasal ay may basbas na nagmumula sa kani-kanilang dugo.
Isa pa, nakaramdam ako noon ng mahika sa aking katawan noong mga oras na sapilitan kong ininom ang magkahalong dugo sa kopita. May kakaibang enerhiya na dumaloy sa aking katawan na siya pa nga pa lang nais kong malaman.
“May alam ba kayo sa mahika? Ang mga bampira ba ay sadyang nakababasa ng isipan?” magkasunod kong tanong kay Trisha na binalingan ko na ngayon.
Natigilan siya sandali at napaisip sa aking naging tanong.
“Kami po ay may higit na kakayahan kaysa sa tulad ninyo na ordinaryong tao lamang. Kakayahan po namin na maging mabilis, mas mapagmasid, mas alerto ang pang-amoy, mas matalas ang mata at higit sa lahat, may mahika ang aming dugo. Iyon po ang ipinapasa sa anak, sa asawa sa tuwing nanganganib po ang buhay,” mahabang paliwanag niya.
Pinoproseso mabuti ng utak ko iyon. Hindi ko na marapat na isipin na imposible iyon dahil isa silang mga bampira. Isa lamang silang bahagi ng mitolohiya para sa iba ngunit totoo sila.
Narinig ko ang mataman na pagtikhim ni Trisha.
“Nais niyo po na ibigay ko sa inyo ang iba pang kaalaman lalo pa’t magtatagal po kayo rito?” aniya na mukhang tinitimbang pa ang sasabihin dahil alam niyang masama pa rin ang aking loob dahil sa hindi pagtupad ni Mr. Jarvis sa ipinangako niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at saka tumango. Naupo siya sa aking harapan at saka binasa ang labi bago nagsimula.
“Uunahin ko na po muna ang impormasyon na kailangan ninyong malaman,” aniya.
Tumango ako at hinayaan siya.
“Sa isang mag-asawang bampira, may tatlong estado po ang magdidikta ng inyong pagiging mag-asawa. The sacred bite,” naging mahina ang huli niyang sinambit na kinailangan ko pa iyong ipaulit sa kaniya.
“The sacred bite. There are meaning behind the first three bite that the husband will give to his consort.”
Tatlong sagradong kagat mula sa asawang lalaki. Umaayos ako nang pagkakaupo at nagkaroon ng interes sa kaniyang sinasabi.
“If the consort is born as a vampire, the first bite means both of you will have a share of voice in your mind. The second means you will start feeling each other’s heat,” aniya na naninimbang pa rin ang boses.
Sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa. Masyadong personal ang tungkol dito at talagang dapat na pinag-uusapan lamang ng mag-asawa.
“The third one?” tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at pinagsalikop ang kaniyang kamay.
"Trisha?"
Binasa niya ang kaniyang labi at saka tumango.
“The third one is you will share half of your life to each other,”
Nangunot ang noo ko at pinagtakahan kung bakit parang nahihirapan siya sabihin iyon gayong alam ko naman na talagang kapag mag-asawa ay hati na kayo sa buhay ng isa't isa.
Ngumiti ako at tatango-tango. Talagang ganoon ang mag-asawa. Sa hirap at ginhawa sila ay magkasama. Kaya naman pala hindi basta-basta ang ginagawa nilang pagpili at hindi sa kanila uso ang divorce.
Muling nagsalita si Trisha.
“P-pero iba po ang ikatlong kagat kapag katulad ninyo pong tao ang usapan,” pagpuputol niya sa aking iniisip.
“Ano naman ang ipinagkaiba?” tanong ko.
Bumagsak ang mata niya sa kaniyang kamay at kinagat ang labi na parang pinag-iisipan kung tama ba nasagutin ang aking katanungan.
“I’m fine, Trisha. Don’t hesitate. I want to know what that means,” I assured her.
Dahan-dahan siyang tumango at pagkuway sinalubong muli ang tingin ko.
“Uh… the consort… w-will turn into a vampire like… like us,” the few last lines was said with fear.
Vampires. The ordinary person who will get wed with a vampire will turn into their kind with the sacred bite. Magiging kauri nila. Magiging isang bampira na hayok sa buhay na dugo miski ng hayop o ng tao. Isang kauri nila na hindi ko alam kung nilalang ba ng Diyos. Kauri nila...
"Hindi maari," bulalas ko.
Napatalon si Trisha doon at tila ikinabigla ang aking naging reaksyon. Agad na bumakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“K-kung gugustuhin lang po niya. Malaking problema po iyon kaya mabibilang lamang sa history namin ang nagkaroon ng relasyon sa tao,” aniya, mabilis ang pagkakasabi na para bang sinabi niya iyon upang hindi na ako mag-isip ng kung ano pa.
Napapikit ako ng mariin.
“What will happen if the last sacred bite won’t be performed?” tanong ko, nanghihina na ang boses.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya at nalulungkot na tumingin sa akin.
“A vampire should be feed by the blood of its mate. If he or she’s not, there is a possibility of losing thyself and which will lead to more dangerous situation such as losing his moral and will start attacking people for their blood.”
Bumalik sa aking alaala ang kwento ni Kapitana. Si Inay ay inatake lamang ng isang bampira at nagawi sa kanilang Nayon. Nawalan ng alaala at kinailangan na mabuhay ng mahirap dahil hindi naman na ito hinanap ng kaniyang pamilya.
Ano ba talaga ang tunay na katauhan ng aking Ina? Sino nga ba talaga ang aking ama? Isa ba siyang bampira na hangad lamang ay dugo ng tao o isa siyang bampirang nabigo at tinakasan ng kaniyang moralidad.
“Miss Caith, ayos lamang po ba kayo?” dinig kong tanong mula sa aking gilid.
Nang balingan ko siya ay nakabakas na ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Umiiyak na po kayo,” aniya at iniabot sa akin ang isang panyo.
Tinanggap koi yon at suminghot. Pinunasan ko ang luha sa aking mata at binigyan lamang siya ng isang ngiti.
“Nami-miss ko lang ang aking ina at bigla ko siyang naalala,” pagbibigay dahilan ko sa kaniya na mukha namang pinaniwalaan niya agad.
Caith… napakalaking misteryo pala ng pagkatao mo. Kayo ni Loren. Kami nila Inay.
Isang katok mula sa pintuan ang aking narinig at agad namang tumayo si Trisha upang pagbuksan iyon.
Tumambad sa akin ang mayordoma na siyang nag-aasikaso sa akin at kay Magus. May dala-dala itong isang tray ng pagkain ngunit mukhang hindi naman ganoon kagarbo ang naroon.
"Magandang Gabi, Missus," pagbati niya.
"The Lord wants you to drink this. This tea might help you to cleanse your mind and relax yourself," anito.
Kahit na hindi ko naman kailangan iyon at kahit na hindi ko alam kung bakit nagpadala ang Lord ng ganoon, tinanggap ko pa rin. Marapat na ipagpasalamat ko na lamang iyon kaysa mag-inarte.
"Maraming salamat," pahayag ko.
Isang ngiti ang binitawan ko bago pa siya tuluyang makalabas. Si Trisha ay bumalik sa pag-aasikaso ng susuotin ko bukas.
"Sana po bukas ay handa na kayo upang harapin muli ang aming Pinuno, Lady Loren. Magsisimula po ang katungkulan ninyo bukas sapagkat magkakaroon po ng pagpupulong tungkol sa mga bagong pagkawala ng ibang miyembro ng aming angkan," paliwanag niya.
Humigop ako sa tsaa na dinala sa akin at matapos ay tumango. HIndi mo dapat problemahin ang tungkol sa tatlong sagradong kagat, Caith. Hindi mo pagdaraanan iyon.