Kinabukasan ay maaga akong nagising at pakiramdam ko ay gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. It’s actually weird that I am thinking of what Trisha told me yet I can still sleep peacefully. Dahil siguro iyon sa ipinainom na tsaa sa akin. There must be something on it o baka ginamitan nila iyon ng mahika. Hindi ba at may mga koneksyon ang mga bampira sa mga taong-lobo, sirena at mga babaylan? Maari na doon nakuha ang ipinainom sa akin.
Natawa ako sa naisip.
“Thanks to that,” I murmured.
Simula ng bagong umaga, panibagong kasuotan, bagong mga kasambahay na makakaharap. Ganoon naman palagi. Si Trisha lang ang bumabalik dito. Iba-iba ang mga nakakasalamuha ko.
“Magandang umaga, Lady Loren,” pagbati sa akin ni Trisha na siyang unangnagtutungo rito sa aking silid pagdating ng umaga.
Siya ang nakatoka na maghanda ng aking mga gagamitin sa buhok at mga alahas at ang paborito niya pa ay ang pagpili ng kasuotan ko sa aking paa.
Ngayon nga ay hawak-hawak niya ang sapaton na may kakaibang kintab at may kaunting taas lamang ng takong. Noong una ay hindi ako komportable sa ganoon dahil buong buhay ko ay nasanay ako sa isang plat na sapatos o tsinelas lamang kaya naman malaking adjustment sa akin.
“Isusuot ko ba iyan ngayon?” garalgal pa ang boses ko nang itanong iyon, tinutukoy ang hawak niyang sapatos.
Sinulyapan niya ako sandali at saka tumango.
“Opo. Ito po ay personal na iniabot sa akin ni Lord Magus upang ipasuot po sa inyo. Ituring niyo raw po ito bilang unang regalo niya sa inyo bilang kaniyang kabiyak,”
Bakas na bakas ang pagkatuwa sa boses niya nang sambitin iyon.
Kunot-noo naman ako. Ilang araw na ang nagdaan at ngayon niya lamang ako naisipan bigyan ng isang regalo? Sa ilang araw ko rito ay napagtatanto ko na ang kanilang Pinuno ay may kahiligan sa pa-sorpresang bagay. He likes to pay a surprise visit na tipong sobrang hindi ako handa at nagkakanda-utal-utal sa pagsasalita sa tuwing kaharap siya na sa tingin ko ay lubos niyang ikinatutuwa dahil nakagaiwan na niya iyon.
Hindi ko makakalimutan ang araw na nagtungo siya rito dahil lamang nakarinig siya ng kalabog. Natabig ko ang isang vase at inakala ko noon na ako ay kagagalitan niya ngunit mas nauna pa niyang tignan kung ako ba ay nasugatan o hindi.
"H-hindi ba at may ginagawa ka ukol sa mga kaso ng pagkawala ng iyong mga kasamahan?" utal-utal kong tanong dahil hindi na makayanan ang pagkailang dahil sa sobrang lapit ng aming katawan.
Para akong sinisilihan at ang t***k ng puso ko ay abnormal na at sadyang hindi ko nagugustuhan.
"You should be more careful. Hindi ka maaring masugatan. Kabilugan ng buwan," aniya habang mariin ang titig sa akin subalit hindi naman galit kundi parang nagpapaalala sa akin.
Anong mayroon sa kabilugan ng buwan? Nais kong itanong iyon ngunit baka mahalata niya na masyado akong walang alam sa sinasabi niya gayong dapat ay alam ko iyon dahil isa rin akong bampira.
"M-magtatawag ako ng maglilinis. Maari ka nang bumalik sa iyong ginagawa," saad ko at saka sinubukan na lumayo sa kaniya.
Napansin niya marahil ang pag-iwas ko dahilan nang pagkawala ng emosyon sa kaniyang mukha.
"I should go back," he murmured coldly.
Pakiramdam ko noon ay may nagawa akong pagkakamali at sa tuwi-tuwina na nakakaharap ko siya ay puro na nga pagkakamali ang nagagawa ko na mukhang in-enjoy niya. I have been waiting for him to doubt me but I guess, hindi pa niya gagawin dahil ikinatutuwa pa niya ang mga pagkakamaling nagagawa ko.
'Huwag mo ng hintayin na manawa siya sa mga kamalian mo, Caith,' sa isip-isip ko.
"Nakikini-kinita niyo na po ba sa hinagap niyo ang inyong magiging itsura?" pagsasalita ni Trisha na siyang nagpabalik sa aking diwa.
“Bagay na bagay po ito sa inyong kasuotan, Lady Loren. Beige po ang dress ninyo, hindi po ba?” dagdag pa niya.
“Hmm…” ang tanging nai-sagot ko.
“Mag-aasikaso na muna ako, Trisha,” pahayag ko at saka nagtungo sa palikuran.
Habang naroon ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa nagdaang buwan ko rito, ang aking mga natuklasan sa kanila at ngayon ay haharap muli ako sa mas marami pa. I should be prepared.
“Vampires do not usually sweat. Vampires usually do not get tired easily. They are immune to sickness such as fever, cough or cold. Vampires can heal thyself; they are good at noticing something and even good at reading expressions.”
Inisa-isa ko ang mga nalaman ko at kailangan kong isaalang-alang upang hindi na madagdagan ang mga kapalpakan na aking nagawa. Nagsisimula na rin akong mag-ingat dahil pakiramdam ko ay may hinala na ang Pinuno nila na ako ay isang huwad. Una sa lahat, nanghingi ako ng first aid kit when in fact, it is not needed. Pangalawa, pinagpawisan ako na hindi normal sa isang bampira. Nagsisimula ko na ring isipin na baka ang sinasabi niyang katotohanang alam niya ay hindi tungkol sa relasyon ni Loren kundi ang tungkol sa tunay kong pagkatao.
But there is also one thing na humaharang sa mga thoughts na iyon.
“Why would he act as if I am Loren? Bakit hindi pa niya ako ipinadadakip sa kaniyang kawal?” takang-tanong ko sa aking sarili na ngayon ay sinasabon na ang aking buhok.
Natapos at natapos ako sa pag-aasikaso ng katawan ay iyon lamang ang kinakaisip-isip ko. Paglabas ko sa silid na ito, kailangan na iwanan ko na ang mga concerns ko rito dahil ayoko na lutang ako sa harap ng marami. If ever na alam na ng Pinuno ay baka malaman din ng iba. Kung mabait pa sa akin si Magus, anong malay ko sa kayang gawin ng iba?
Nagpapasalamat nga ako na hindi nila naamoy ang kakaibang aroma ng dugo ko. Ang sabi sa libro, ang dugo ng tao para sa mga bampira ay isang napakabangong bagay na kayang-kaya nilang malaman sa unang langhap. Ang dugo naman ng kanilang kabiyak ay mistulang bulaklak na sila lamang mismo ang makaka-amoy.
Vampires are complicated. I have been reading books about their history. Kulang na lang ay maging suki na ako ng malawak na library dito sa palasyo kung hindi lamang ako natatakot na mapag-isa muli roon dahil saydang kay tahimik.
I even tried to search for werewolves because in the movies, werewolves talaga ang kalaban ng mga bampira. I know I am being too dramatic pero kung may bampira, hindi malabong nage-exist din sila.
“Napakaganda niyo po, Lady Loren,” pamumuri ng mga kasambahay na katulong ni Trisha sa pag-aasikaso sa akin.
“Mukhang mas bagay po sa inyo ang mga buhay na kulay, Lady Loren,” ani Trisha na inaayos ang isang palamuti sa aking buhok.
“Kung hindi po namin alam na kayo ay kabiyak n gaming Pinuno, iisipin po namin na isa kayong Prinsesa dahil ganoon po ang awra na ibinibigay ninyo, lalo na po ng inyong ngiti,” ani noong isa.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa mga salitang iyon. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ang nakikita nila sa akin.
Isang tikhim ang pumukaw sa atensyon naming lahat. Nang dumapo ang tingin namin sa nagmamay-ari ng tikhim ay biglang nagbago ang mood sa loob ng silid. Ang mga kasambahay na masigla kanina at may ngiti ay kusang nawalan ng ekspresyon at nagsipagyukuan.
“Greetings, High Reeves,” pagbati ng iba matapos ay nagsimula ng mag-asikaso ng mga ginamit sa akin.
Naging malamig ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na kailanman gumaan ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Siguro ay dahil kahit kailan ay hindi naman niya ako pinakitaan ng maganda. Kung tutuusin, sa kanila ni Magus ay mas mahigpit siya Hindi ko naman naririnig na sinusuway iyon ni Magus kaya hinahayaan ko na lamang at ipiangsasawalang bahala.
Ayoko na magkaroon ako ng hidwaan sa kung sino sa kanila dahil unang-una, hindi naman sila kalaba para sa akin.
“The Lord has been waiting for you,” sambit niya at kinunutan ng noo ang mga kasambahay.
“Still not finished with your session?” pagtatapos niya sa sinabi.
Dahil nga wala namang ekspresyon ang aking mukha ay hindi niya mahahalata ang aking pagkairita.
“I am done,” ako sabay hugot ng marahas na hininga.
“I’ll go now,” pamamaalam ko sa iba pang naroon at saka tumango sa High Reeves.
Hinayaan niya ako na mauna at siya ay nasa likuran ko lamang. Nasa gitna na kami ng pasilyo nang siya ay magsalita.
“The Lord will face a lot of damage because of you,”
Bumagal ang paglakad ko nang marinig iyon. What does he mean?
“Marrying him should not be an option specially that you are already tainted,” pagpapatuloy niya pa at ang boses ay may kakaibang tono ng panunuya.
Sa halip na mairita ay mas naging curious ako. Kung may isang taong maaring nakakaalam pa ng tungkol kay Loren, posibleng siya iyon. Hindi naman maari na ang Pinuno ang pagtanungan ko at sa tingin ko ay wala talagang balak si Mr. Jarvis na ipagbigay-alam sa akin ang tungkol dito.
“Is this really your way to climb the top?” he asked again.
Sa puntong iyon alam ko na kailangan kong magbigay ng kasagutan.
Huminto ako sa paglakad ngunit hindi siya hinarap.
“I don’t have anything to explain to you,” malamig kong sambit.
Isang walang-laman na halakhak ang pinakawalan niya, gayunpaman ay hindi ko siya nilingon man lamang. Nagpatuloy ako sa paglakad ngunit bago ko pa maituloy-tuloy na malayuan siya ay nahaklit na niya ang aking braso.
Dahil doon ay napaharap ako sa kaniya at nasalubong ang nagbabaga niyang mata.
“You have nothing to explain, huh?" Galit niyang tanong.
"There is! It should be us, Loren. Us!” he said through gritted teeth.
Bumuka ang bibig ko upang sagutin siya ngunit tila umulit ng umulit sa pandinig ko ang sinabi niya at nang tuluyan kong naintindihan iyon ay parang ginimbal ang pagkatao ko. Nanuyo ang aking lalamunan at kukurap-kurap dahil sa labis na pagkabigla.
Loren…
You have come this far? Ang High Reeves na ito ba ang tinutukoy ni Trisha o iba pa siya at ang dati? Anong kalapastanganan ang ginawa ng kapatid ko na miski ako ay hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin?
“You abandoned me after he chose you. How come you let that happen? Mas mahalaga sa iyo ang kapangyarihan?” galit na galit ang pagkakasambit niya ng mga salitang iyon subalit mahina naman; tipong kami lamang dalawa ang makakarinig.
Napalinga ako sa paligid upang masiguro na walang tao. Matapos iyon ay ginamit ko ang aking buong lakas upang maitulak ang kaniyang katawan palayo sa akin. Hindi ako komportable sa aming posisyon at sobra ang lapit niya. Kung kay Magus nga ay hindi ako masanay, sa kaniya pa?
I am not Loren and I cannot handle this kind of situation subalit kung hindi ako papalag ay baka hindi kami matapos sa issue niya na hindi ko naman talaga alam.
Tumikhim ako at kinolekta ang sarili bago siya tinignan ng malamig.
"Enough with this s**t! Know your place," saad ko, pinilit na huwag manginig ang boses.
Lalong tumalim ang mga mata niya at nag-igtingan ang panga. Umiwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko kung patuloy ko siyang titignan ay magagawa akong patayin ng kaniyang tingin. Pininid ko ang labi ko at saka tinapunan siya ng mabilis na sulyap.
“Respect me as the Lady of this clan and as the wife to your Lord,” madiin kong sambit at saka siya iniwan doon.
Nang makalayo ay mabilis ang naging paglakad ko at mas nadama ang kabog ng dibdib. Pababa sa may grandesang hagdan ay nakaramdam ako ng panlalambot dahil sa komprontasyon na iyon.
This is not what I expect!
Pinilit kong umayos ng tayo at magpatuloy sa pagbaba. Hindi ko napansin ang isang bulto ng lalaking naghihintay na makababa ako. Saka ko na lamang napagtanto iyon nang siya ay magbigay bati sa akin.
“How’s the sleep?” tanong niya gamit ang normal na tono ng boses.
Hindi ako makatingin sa kaniya subalit sinubukan ko siyang sabayan sa ginawa niyang pagbati. Hindi ko maaring ipahalata sa kaniya na may insidenteng nangyari habang sinusundo ako ng High Reeves na siyang pinagkakatiwalaan niya ng lahat.
“Thank you for the tea. I have a very good sleep last night,” I said those words as if nothing’s really going on inside my mind but the truth is…
I am very ashamed of what I have learned. My sister… this is the least that I expect or is it really the least? I thought she only took advantage of a married man but then…
Bakit pa niya tinanggap si Magus nang siya ay piliin nito gayong may iniibig siyang iba? Totoo nga ba na kapangyarihan lamang ang hangad niya? May balak ba siyang masama kay Magus? But I don't think Magus is a bad person. He might be define as a strict ruler but no one ever complains about him. Mukha naman siyang lalaking hindi mananakit ng babae at hindi ko pa siya nakikitaan ng hindi magandang asal kaya naman labis akong nagtataka kung bakit hindi na lamang tinanggihan ni Loren si Magus at mas pinili na lokohin ito?
“Is the Lady of the House okay?” isang boses ang aking naulinigan at nang mabalik sa reyalidad ay hindi na lamang ang Pinuno ang kaharap ko kundi pati na rin ang Uncle Von na ipinakilala sa akin ni Magus noon.
Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako kay Magus na siya namang nakatunghay sa akin at may pagtataka sa mga mata na pilit itinatago.
"Seems like my wife has a lot on her mind," he commented about my negligence.
I was caught off-guard by that but I immediately took myself back.
“I am sorry, Uncle Von, Magus. I just thought that I am still not that ready to face a lot of people as the Lord’s wife,” saad ko at hinaluan pa ng isang pekeng tawa.
"I must be nervous," dagdag ko pa.
Sinulyapan ko sandali si Magus na ramdam ko ang titig sa akin.
“Considering the fact that everyone thinks I am not suitable to stand by hid side,” I fake a laugh again after I said that which made Uncle Von laughed too.
“Don’t worry, my dear,” someone spoke loudly and that is Aunt Celia approaching us.
“They cannot do anything now. It is the Lord’s decision and everyone must abide,” she smiled at me after she said that.
That calms me. Kahit papaano ay alam kong may mga magaan ang loob sa akin. Bumalik sa aking alaala ang mukha ng High Reeves kanina. Pagkabigo at pagkamuhi ang nakabalatay sa kaniyang mukha. Gusto ko na masaktan para sa kaniya subalit hindi ko magawa dahil hindi ako si Loren at kung totoong mahal siya ni Loren, bakit ito pumayag na ikasal sa Pinuno? Totoo bang ambisyosa ang kapatid ko sa kapangyarihan tulad ng sinabi ng High Reeves kanina.
“I’m sorry for arriving late. I needed to give some notice to someone,” he plainly smiled after that. Hindi na niya ako binalingan ng tingin at mistulang hindi niya ako nakikita.
This person… sigurado na ako na siya ang naging karelasyon ni Loren. Saan nagmula ang balita na ang dating High Reeves ang karelasyon niya? Si Loren ba ang nagpakalat noon?
“Let’s go?” ani Uncle Von na agad naman naming pinaunlakan.
Nararamdaman ko ang awkwardness at nahihiya rin sa lalaking nakaalalay sa akin ngayon. The Lord did not show me any merciless act. He’s been patient and even though the marriage is loveless, he did not do anything to taint it. Kung si Loren ba ang narito, anong gagawin niya? Ipagpapatuloy ba niya ang pakikiapid niya sa High Reeves ngayon? Is this their plan? To make him his High Reeves and so he will be easy to reach out whenever she needs her?
Hindi ba malalaman ng asawa niya kung sakaling magkaroon siya ng intimasyon sa iba?
Hindi nawala sa isip ko iyon miski na noong nasa harapan na kami ng pagpupulong.
Magkatabi kami ni Magus na nakaupo sa isang pabilog na upuan. Nakapabilog kaming lahat kaya naman tapat-tapatan ang aming mga tingin. Mula nang sandaling tumapak ang paa ko sa sahig ng mistulang stage na ito ay nakatanggap na ako ng mga kakaibang tingin na dahilan ng pagkahiya ko at pangamba. Mistulang napansin iyon ni Magus dahilan kung bakit hindi niya binibitawan ang kapit sa aking kamay.
Magkasalikop ang aming kamay habang nasa ilalim ng pabilog ding mesa kaya hindi gaanong kita ng iba naming kasama maliban na lamang sa High Reeves na katabi ni Magus na siyang ramdam ko ang galit an tingin sa aking gilid. Hindi ako nagbaling ng tingin sa kaniya sa halip ay nag-focus sa pagpapakalma sa aking sarili.
“My Lord, it is the time of the year when we are supposed to make a new law to strengthen the clan,” ani noong isa sa konseho.
Matalas na nakikinig ang karamihan sa mga bisita na sa tingin ko ay iyong mga nasa gitnang rank sa Clan na ito. Sila ang mga spectator na siyang nakatanghod sa amin na naririto sa ibabaw ng stage.
“Let’s hear some suggestions from you,” ani Magus na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha.
Mataman akong nakikinig sa kanila at hindi na nais pa na may makapansin sa aking pagkabalisa.
Mistulang magsasalita na sana ang isa sa konseho ng biglang magsalita ang babaeng kanina pa masama ang tingin sa akin.
“Why don’t we ask the new Lady of the Clan? Surely, she has something on her mind,” anito na may pagka-sarkastiko ang tono ng boses.
Nalipat sa akin ang atensyon ng lahat miski na rin ng Pinuno. Nanlamig ako subalit hindi nagpakita ng ekspresyon bagkus ay tuwid pa rin ang tingin ko, mukhang kalmado kahit pa abot-abot ang kaba na nararamdaman.
“Why not? It’s her time to finally add something on her legacy,” pagsang-ayon pa noong ina ni Serika.
Bumuntong hininga ako at saka tipid na tumango.
“Law is nothing,” tipid kong sambit na ikinataas ng kanilang kilay.
I have read something about witches and priestess. They are rare to find nowadays but surely there’s still are. Nahihiwagaan ako sa kanila kung kaya naman binasa ko ang mga tungkol roon. Priestess are always with the wolves and witches are always with the vampires.
“What can you suggest, then?” Serika asked again.
I put a plain smile on my lips.
“I actually do not believe the law,” that is true. Our government sucks.
“Since we already forgot about their existence, why not take this chance to be their voice.”
Kinalas ko ang pagkakasalikop ng kamay namin ni Magus at saka ako tumayo at nagpakita ng isang pekeng ngiti.
“Witches, we are informed about their sudden disappearance but that does not mean none of them exist now,”
Mataman silang nakikinig sa akin.
“As what you all know, I am someone who had a relationship with a married man,”
That words made them gasps. I smirked. Inaakala ba nila na itatanggi ko iyon? I am not Loren. Hangga’t narito ako ay itatama ko ang buhay niya. Nais ko na kapag nakabalik siya ay malinis na ang kaniyang pangalan nang sa gayon, magtanong man sa akin ang aming ina ay hindi ko kakailanganin na magsinungaling sa kaniya.
“I am aware of your disgusts towards my past but now that I earned this position,” I said those words while looking intently at them. “I want to build a better relationship with all of you and that will start by suggesting this.”
Inilapag ko ang isang kasulatan na pinag-isipan ko ng mga nagdaang araw. Alam ko na darating ang panahon na malalagay ako sa ganitong sitwasyon.
“I want something extraordinary. Our kinds do not agreed to a married vampires parting their ways even after knowing they are having an affair,”
“What do you wanted to say? You are going to ban your kind?” someone from the crowd voiced out.
A smirk and grins occurred on the spectator’s faces and without the Lord’s sneered, everyone will continue doing that faces.
I wickedly grinned. Habang nakaupo at nagmamasid sa kanila na pinag-uusapan ang kaso ng mga nawala, hindi naalis sa isip ko ang nangyari kanina sa pasilyo. The HIgh Reeves is still behaving as if he owns Loren which is I am portraying right now and who knows if what he will do once he's done with me rejecting him? He might have lose his mind and end up having the both of us in a complicated situation.
I don't know what's his past with my sister but one thing is for sure, he already laid his hands on my sister and he might want to do it again. Not on me. I am not Loren. I wasn't born in a liberated world and I can't give my body to anyone. I want to protect myself through this.
I let them finished first, laugh and talk about me before I continue expressing my idea.
“As what I have said, witches are still with us. I am informing all of you, with or without your consent, I will have someone to look for them.”
“Isang kahibangan!” mula sa mga nakikinig ang boses na iyon. Gustong-gusto ko man umupo ay hindi ko gagawin. If I do that, that means I am accepting their downgrading looks.
I put a smirk on my lips.
'Tandaan mo, Caith. Nabubuhay ka bilang si Loren at si Loren ay makapangyarihan. Mas mahalaga ang salita mo kumpara sa opinyon nila,' saad ko sa aking isip.
Taas-noo kong nilibot ng tingin ang kabuoan ng lugar bago nagpatuloy.
“Nais ko na magsagawa ng isang ritwal upang makabuo ng isang mahika na mananalaytay sa ugat ng bawat nating kauri. Isang mahika na makapagbibigay alerto sa bawat isa sakaling ang kani-kanilang kabiyak ay nagkakaroon ng intimasyon sa iba.”
Nanahimik ang buong kapulungan matapos ko iyong sambitin. Hindi ako nagbalik ng tingin sa kung sino man.
“You want the other one to know if he or her mate is mating with someone, hmmm…” someone behind me spoke.
Noon lang ako nagbaling ng tingin sa dati kong pwesto. Mataman na nakatingin sa akin si Uncle Von at ang isang lalaki sa tabi nito na siyang nagbitaw ng salitang iyon. Ramdam ko ang apat na mga matang maririin ang titig sa akin. Ang isa ay titig ng panibugho at ang isa ay hindi ko mapangalanan.
“That is quite complicated and will surely be decline by our kind,” Serika’s mother blurted out. Her face looks like she is about to get hysterical.
Tumaas ang kilay ko roon dahil hindi ko inaasahan na tututol siya gayong isa na itong pagkakataon upang ako ay ipahiya.
“Why would they? Does that mean having an intimacy with someone who’s not your partner is normal?” I asked with an amuse smile on my face.
“If that’s the case, why do you think I am not suitable to be the Lady of the Clan?” I said, voice is dripping with sarcasm.
Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid. Bumalik ako sa pagkakaupo at hinayaan sa kanila ang ilang minuto.
“What’s your stand with this, My Lord?” Aunt Celia asked.
Iyon ang pagkakataon na nilingon ko ang aking katabi at natagpuan ang mata niya sa akin na may emosyong tila natutuwa. Ang sulok ng kaniyang labi ay kumikibot at tila nais na ngumisi sa akin. Nakaramdam man ako ng kakaiba dahil sa ipinakita niyang iyon ay hindi ko binago ang ekspresyon sa mukha ko.
“If my suggestion will be decline, then I will start thinking that my past is not the reason why everyone here is disgusted. Rather, I will start thinking that maybe, they want someone in this position, someone they can manipulate and that’s exactly not me,” I said those words with a hint of sarcasm.
None of them tried to speak a word. Kumibit ang aking balikat.
“That’s what I suggest. It your time to decide,” pagtatapos ko.
Nagkaroon ng pagbibigay ng kani-kaniyang opinyon tungkol doon at nahihimigan ko na sa kanilang mga salita na hindi nila nais isipin ng karamihan na hindi sila pabor sa akin dahil sa sinabi kong dahilan. Pinanonood ko sila na mahinang nagtatalo at nagkakasundo sa ilang bagay.
“Feisty, I see.”
I heard those words beside me but I did not try to look. I am already gaining my posture and looking at him won’t do me good. Alam kong natutuwa siya sa palabas na pinanonood niya, gayundin naman ako.
Kanina ay kinakabahan subalit ng makita ang mukha nilang sadyang natataranta dahil sa mga binitiwan kong mga salita, I don’t think vampires are really hard to intimidate.
Hindi ko na nga lang alam kung ano ang mangyayari sa mga sandaling malaman nila na ang babae sa kanilang harapan ay hindi nila kauri.
“My Lord. I, Zecharius Mortem will personally give you the final decision of the council,” the man in front of us stood up and said that.
Isang tango mula sa kanilang Pinuno at natapos ang pagpupulong. Magkakasama kaming lumabas nila Uncle Von at Aunt Celia habang sa likuran naman ay ang High Reeves. Hindi nawawala ang dilim sa kaniyang mata, marahil ay dahil sa binitawan kong mga salita kanina.
Mataman na pag-uusap mula kay Aunt Celia at kay Magnus ang siyang maririnig sa grupo namin nang biglang lumitaw si Serika at ang ina nito.
“My Lord, Loren,” pagbati ng ina nito habang si Serika ay mariin ang titig sa akin.
Tumikhim ako. “Lady Loren for you,” I said with authority. Tila napahiya naman ito humingi ng pasensya na halata namang labag sa kaniyang kalooban.
“Too glad to know that you can face us even after knowing that a lot of kinds are actually disgusted about you,” Serika said, sounding so concern.
“That’s not a proper way to speak to my wife, Serika,” ani Magus na madiin ang pagkakasambit ng salita at halatang galit na base sa ekspresyon nito.
Dahil hindi ako sanay na ipinagtatanggol, isang ngiti ang pinakawalan ko. Ngiting nang-uuyam.
“Small minds can’t comprehend big spirits, Serika. To be great, you have to be willing to be mocked, hated and misunderstood.”
Agad na umalma ang ina nito.
“That kind of expression and words is not good for everyone to hear. They might get intimidated, you know,” she laughed after she said that.
I smirked at that. “Well…” nilingon ko sila Aunt Celia at Magus bago muling bumaling sa mag-ina at saka nagsalita.
“If my strength intimidates you, I hope you realize that’s a weakness of yours.”
The smile on my face widen.
“Excuse me. I have to go to the bathroom,” I said before bowing my head to the Lord and to the three people we are with.
Nilagpasan ko ang mag-ina ng may ngisi sa mga labi ko.
Vampires won’t stop me from being true to myself. Hindi ako maaapi. Hindi ako paaapi. Loren and I has this similarity. Ang magkaiba lang ay may higit siyang kakayahan na ipagtanggol ang sarili niya gamit ang pisikal na lakas. She is a vampire after all.
Kinapa ko ang kwintas sa aking dibdib.
“Loren. I will make sure before you come back here, your reputation is clean,” I whispered.