“Lord Magus will arrive this evening, Lady Loren,” ani Trisha na nagtungo lamang sa aking silid upang ipagbigay-alam iyon.
Isang tango ang isinagot ko at saka nagpatuloy sa pagbabasa. Kung noon ay nagagawa ko pa na makipagkuwentuhan, ngayon ay mas focus ako sa pag-alam ng mga bagay na makatutulong sa akin.
Nasa loob lamang ako ng aking silid at nagbabasa kundi ay nagsusulat. Oo, nagsusulat. Isang kwaderno ang aking hiningi upang pagsulatan ng aking mga napagdaanan sa loob ng lungsod na ito. Narito rin ang aking mga napag-alaman tungkol sa kanilang uri na nais kong maibahagi kay Inay.
Sumapit ang gabi, kumain ng hapunan at muli ay pumili ng maikling babasahin upang palipasin ang gabi. Ganoon lamang ang aking routine. Nais ko na maging kalmado at payapa ang aking gabi upang sa kinabukan ay mas maging handa ako sa muling pagkikita namin ni Magus.
Ayon kay Trisha, sa huling pagbalik ni Magus dito ay mananatili na upang ang pagtuunan naman ng pansin ay ang kaniyang nasasakupan. Tumungo ito sa bansang Britain upang tumulong sa lumalalang problema ng mga Volturi at sa pagbabalik niya ay nangako na hindi na muli pang aalis.
Inilapag ko ang may kanipisang libro na natapos ko lamang ngayon. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata kaya naman umayos na ako ng higa. Ilang sandali pa nga ay dinalaw ako ng antok.
“Loren, nasaan ka?” sigaw ko habang nagpapalinga-linga sa madilim na paligid.
Mga halakhak ng kaniyang matinis na boses ang aking narinig.
“Hanapin mo ako, Caith,” aniya at sinundan pa muli iyon ng pagtawa.
Masayang tawa subalit dahil sadyang tahimik ang paligid na dahilan kung bakit nage-echo ang kaniyang boses; mas nakapagpapakilabot sa akin.
“Loren…” nagsisimula na akong makadama ng takot.
“Loren, umuwi na tayo. Pagagalitan na tayo ng Inay,” pahayag ko, sinusubukan na tatagan ang boses.
“Maglalaro pa tayo, Caith,” aniya saka muling tumawa.
Sinubukan kong sundan ang kaniyang boses subalit pabago-bago iyon ng direksyon na para bang siya ay lumilipad sa ere.
“Loren, halika na at umuwi na tayo!” matigas kong sambit, sinusubukan siyang takutin.
Biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman niyakap ko ang aking braso. Nagmistulang ipuipu ang hangin na iyon sa aking harapan hanggang sa nabuo ang isang liwanag doon. Naging hulma ni Loren iyon, nakangiti subalit malungkot ang kaniyang mata.
“Hindi pa tayo pwedeng umuwi, Caith,” aniya, ang boses ay parang hinihipan ng hangin.
Umiling siya sa akin. “Hindi pa.”
Iyon ang mga huling salitang binitawan niya bago siya unti-unting nauwi sa abo. Sinubukan ko siyang habulin subalit hindi ako naaalis sa aking pwesto.
“Loren, saan ka pupunta?” pagtangis ko sa kaniya. Umangat ang aking kamay sa ere upang sana ay hatakin siya ngunit hangin lamang ang naapuhap ko.
“Wake up, wife,”
Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Hindi iyon katulad ng boses ni Loren na nage-echo kundi tila nasa loob iyon ng aking isip.
Naghanap ako ngunit kadiliman lamang ang siyang tanging nakikita ko.
“Wake up, wife. I’m here,” muling sambit ng isang boses na tila may lambing at pakikiusap.
Kanino ba ang boses na iyon? Sino siya at bakit inaangkin niya ako bilang kaniyang asawa?
“Caith, stay with him. We can’t just go back now. Stay for now.”
Naulinigan ko muli ang boses ni Loren na siya namang dahilan kung bakit doon natuon ang aking atensyon.
“Loren, where are you?” tanong ko kahit pa hindi ko naman siya nakikita.
“Wife… wake up.”
“Stay with him, Caith. Stay.”
Magkasunod na magkasunod ang boses nilang dalawa. Magsasalita pa sana ako ngunit parang nauubusan na ako ng hininga at parang hinahatak ako palayo sa dati kong pwesto at kahit pa hindi ko naman nakikita si Loren ay para bang inilalayo ako sa kaniya.
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig upang isigaw ang kaniyang pangalan subalit wala talagang lumalabas na ingay sa aking bibig. Nakaramdam ako ng init sa aking labi, tila binibigyan ako ng kung anong lakas, hinihila ako pabalik sa isang direksyon na hindi ko naman maintindihan.
Pinilit kong ibuka ang aking bibig at nang magawa iyon ay saka lamang ako nakahinga. Noon ko lamang din naibukas ang aking mata at sumalubong agad sa akin ang makapal na kilay, malantik na pilik-mata at kulay itim na matang napupuno ng pag-aalala.
Nang bumuga siya ng isa pang hininga ay saka ko lamang naalala ang mainit na bagay na dumadampi sa aking labi. Kumurap-kurap ako at saka itinagilid ang aking ulo upang umiwas sa kaniyang labi. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at saka bumalik sa maayos na pag-upo sa aking kamang hinihigaan.
“Get up and drink some water,” aniya at saka kinuha ang babasaging baso na may lamang tubig.
Patay ang lahat ng ilaw at tanging isang lampara lamang ang bukas at siyang tanglaw namin. Sumasaliw sa mapanglaw na ilaw na iyon ang pinong kilos niya. Napansin ko na siya ay naka-pormal na kasuotan pa rin hanggang ngayon. Kadarating lamang niya.
Itinukod ko ang aking magkabilang siko sa kama at saka iniangat ang itaas na bahagi ng katawan. Sumandal ako sa head rest ng kama at saka umangat ang kamay upang abutin sana ang baso ngunit naunahan na niya ako. Tahimik ko iyong tinanggap at lumagok ng dalawang beses. Naramdaman ko ang pagkabasa ng lalamunan kong halos tuyong-tuyo.
“Feel better now?” tanong niya.
Inabot ko ang baso sa kaniya at saka tumango. Nagpakawala siya ng isang pagod na hininga at saka tumingin sa akin na tila ba may nais siyang sabihin ngunit hindi niya maisaboses.
“Kadarating mo lang,” sambit ko, hindi nagtatanong subalit pinapahayag na alam ko na ngayon ang nakatakdang pagbalik niya.
“Bakit narito ka?” tanong ko, tinutukoy kung bakit dito siya tumuloy at hindi sa kaniyang silid.
“I just want to know if you are sleeping peacefully while I’m away,” the last word came as a whisper.
Pinagpinid ko ang aking mga labi at umiwas ng tingin.
“Magpahinga ka na at mukhang pagod ka,” pahayag ko. Inayos ko ang makapal na kumot sa aking katawan, sumunod ang tingin niya roon.
Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng silid na iyon. Inaasahan ko na aalis na siya subalit hindi man lamang siya kumilos kaya naman nag-angat muli ako ng tingin at tinignan siya na tila nagtataka.
“Hindi ka pa magpapahinga?” tanong ko.
Halata ang pagod sa kaniyang mata at miski hindi sila talaga nangangailangan ng tulog, sa tingin ko ay dapat ipinapahinga rin nila ang kanilang katawan.
Bumagsak ang tingin niya sa aking kama na siya namang dahilan ng pag-iisip ko. Nais ba niya na rito sa aking silid magpalipas ng gabi? Subalit hindi ako si Loren. Hindi kami maaring magtabi at isa pa, iiwasan ko na magkaroon ng ganitong interaksyon sa kaniya dahil hindi ko naman siya asawa.
“Can I sleep here?” those pleading voice dripping with tiredness. His eyes are begging me to say yes.
“Uh…” naging malikot ang aking mata at hindi maintindihan kung papaya ba o hindi.
Tumayo siya at saka tumango. “It’s okay if you don’t want to,” he said, voice still dry and tired.
“Sleep well,” he added.
He started to walk towards the door. That is a good act. Him, sleeping on his room is better for the both of us but my mind settled for the thing it wants without considering its owner’s decision.
“Y-you can sleep here…” I said. I gulped and look at my bed instead of looking at his back.
“O-only for tonight,” I whispered.