Kabanata 25

2090 Words
“Loren, gusto mo ba na sumama ako sa iyo para hindi ka roon naiinip?” tanong ko sa kapatid kong inilalapag ang ilang mga babasahing dinala niya para sa akin.    Sadyang makakapal at halatang mamahalin. Ang pabalat ay kumikintab at hindi ko kilala ang mga sumulat subalit halatang mga banyaga. "Gusto kita samahan para hindi na kita mami-miss," dadag ko pa. Tinignan niya ako at saka umiling kahit pa may bahagyang ngiti sa labi.   “Hindi ka pwede roon, Caith. Baka kainin ka nila, gusto mo ba noon?” pananakot niya sa akin.   Nagtayuan ang balahibo ko sa aking katawan at saka ngumuso. Pala-palagi na lamang siyang nagku-kuwento ng mga nakakatakot tungkol sa bagong tirahan niya.    “At saka..." lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Sinong maiiwan kay Inay kapag sumama ka pa sa akin? Malungkot na nga siya na wala ako tapos iiwan mo pa siya?”   Bumagsak ang aking balikat dahil sa kaniyang sinabi. Tama naman siya. Malungkot si Inay na wala siya at ganoon din ako. Gabi-gabi ko pang naririnig si Inay na binabanggit ang pangalan niya kapag nananaginip.  Pero nacu-curious ako sa mga kwento niya tungkol sa mga lugar doon at mga naninirahan doon.   "Pero, Loren," ingit ko at saka kumapit sa damit niya na bagong-bago pa at kulay itim.  “Gusto ko rin makita iyong mga bahay na malalaki. Minsan lang ako makakita ng ganoon kasi minsan lang naman ako isama ni Inay sa kabayanan, e,” humina ang mga huling salitang sinabi ko dahil malalagot ako kapag narinig iyon ni Inay. Isa pa, gusto ko na magpaawa sa kaniya.    Nginitian niya ako subalit pakiramdam ko ay may kulang. Sa ilang beses niyang pagbisita rito, napapansin ko ang unti-unti niyang pagbabago. Si Loren, tahimik man siya noon subalit naririnig ko pa rin siya na tumawa ng malakas. Halakhak. Iyong masisigla niyang pagtawa at malakas na pananalita. Iyong pasimpleng kakulitan niya ay nawala na. Miski pananalita niya ay naging kakaiba.    Bumuntong-hininga siya. “Caith. Alam mo ba na kahit ang laki-laki ng mga bahay nila, hindi naman masaya tignan. Hindi katulad ng atin na kahit maliit, parang palaging masigla. Laging nandiyan si Inay at mga kapitbahay natin. Samantalang doon, hindi man lang pwede gumala sa labas kaya naman alam kong hindi ka masisisyahan,” aniya pa.   Kinagat ko ang aking labi, nalulungkot dahil hindi niya ako pwedeng isama. Hindi ko lubos na nauunawaan ang ibig sabihin ni Loren. Sinong hindi magiging masaya kung makakakita ka ng magagandang tanawin? Sinong hindi magiging masaya na magagara ang nasa paligid mo at miski na ang mga kasuotan mo. Ayos lang sa akin na hindi an lumabas ng bahay basta laging naroon si Inay, siya at mayroon kaming pagkain palagi.    Umupo siya sa may papag at saka dinuyan ang paa. Nakatingin siya sa labas na parang nag-iisip na matanda.  “At saka doon, may mga batas na kailangan sundin at sakaling hindi mo iyon masunod ay may kapalit na kaparusahan," nilingon niya ako at nalungkot ang mga mata.  "Hindi si Ina ang magbibigay sa iyo noon na maari mong pagmakaawaan. Doon, kapag paparusahan ka, paparusahan ka. Walang pata-patawad. Hindi rin sa kanila uso ang warning katulad ng ibinibigay sa atin ni Ina. Mahigpit doon Caith at hindi ka pwede roon," dagdag pa niya saka bumalik sa paglalapag ng libro sa mesa naming maliit.   Pinagmasdan ko na lamang siyang gawin iyon. Hindi ko lubos nanuunawaan ang kaniyang sinasabi. Kapag dumadalaw siya rito ay itinuturo niya sa akin ang ibang bagay na natututunan niya roon. Hindi kami gaanong naglalaro ngayon dahil hindi na niya gusto na nadududmihan ang kaniyang kasuotan at hindi na niya nais na tumakbo sa gitna ng bukirin. Nawala rin iyong usapan namin noon na puro tungkol sa mga nakahiligan naming bagay at mga pangarap namin bagkus ay tungkol sa panibagong buhay niya na unti-unti rin siyang binabago.   “Loren, kailan ka uli babalik?” tanong ko sa kaniya habang nakasungaw sa may bintana at pinanonood siyang nagsusuot ng kumikintab na itim na sapatos.   Nilingon niya ako at tipid na nginitian.   “Hindi ko masasabi subalit pipilitin ko, Caith.”   Nang matapos siyang magsuot ng sapatos ay kumaway siya sa akin.   “Basahin mo ang mga librong dinala ko para sa iyo, huh? Alam kong magugustuhan mo ang mga iyon,” aniya.   Her last words were all about the books she brought me but I did not have the chance to read it. Masyadong malalim ang mga nakasulat at unang tingin pa lang ay hindi ko na mauunawaan. Wikang banyaga ang ginamit at wala si Loren para ipaliwanag iyon.  “Basahin mo ang mga librong dinala ko para sa iyo." Tumimo sa isipan ko ang mga salitang iyon. That’s the last time. The last time I saw her face, her smile and even the last time I heard her voice. Matapos iyon, hindi na ako nakarinig pa ng kahit na anong balita o miski nakatanggap man lamang ng kahit na sulat sa kaniya. Ang tanging naiwan na lamang sa akin ay mga librong ibinigay niya na sinabi kong babasahin ko kapag sapat na ang aking pang-unawa ngunit hindi ko rin nagawa. Nanatili iyon sa loob ng cabinet at 'di na nagalaw pa. Ninais ko noon, hindi isang beses lamang na sana ay muli naming makita si Loren. Na sana ay makalaro ko pa muli siya ngunit hindi  nagkikibo ang Inay.    Nagtatanong ako sa kaniya kung bakit wala ng paramdam ang kapatid ko at nakiusap na kung maari ay puntahan namin si Loren at nang malaman namin kung bakit hindi na ito nadalaw sa amin subalit tutol si Inay na para bang alam niya ang dahilan. Sinubukan kong magtanong subalit hindi niya ibinigay sa akin ang sagot hanggang sa paglipas ng panahon ay tuluyan ko nang tinanggap na wala na sa amin ang kapatid ko. Nasanay na ako na hindi siya nakikita o miski nababanggit man lamang ang kaniyang pangalan.   “Lady Loren, handa na po ang inyong hapunan,” ani boses mula sa aking likuran.   Nakatanghod muli ako sa may malaking bintana at pinagmamasdan ang napakatahimik na bakuran. Patay na patay ang ambiance at para bang isang delubyo ang dumating. Walang mga bulaklak at tanging mga puno lamang at mga halaman na  berde nag kulay. Wala man lamang akong makitang kahit isang naglalakad. Sa lugar namin, umaga pa lamang ay nagharang na ang mga tao sa daan at nag-uusap-usap na samantalang dito, kulang na lang ay isipin ko na magkaka-away sila at hindi magkakakilala.    "Hindi niyo po ba nagustuhan ang aming inihanda?" tanong muli ng isa sa likuran ko. Marahil ay inakala nila na wala akong ganang kumain dahil hindi pa rin ako nagtutungo sa mesa. Bumuntong hininga ako. “Maari niyo na akong iwan,” pahayag ko gamit ang malamig na boses. Narinig ko ang kaluskos nila at mga yabag ng kanilang mga paa palayo. Nang maramdaman ko na ako na lamang ang nasa loob ng aking silid ay napabuntong-hininga na lamang muli ako at walang ganang nagtungo sa mesa. Nakasanayan ko na ang ganito. Mananatili sa loob ng silid at hahatiran lamang ng pagkain. Mistulang mayamang preso at nakaiirita kung iisipin subalit  sanayan lamang. Iyon ang naisip ko. Tatlong buwan. Tatlong buwan sa loob ng kastilyong ito, walang pagbabago na nagaganap. Hindi ko pa rin nakikita ang aking kapatid. Isa’t kalahating buwang walang paramdam ang lalaking nagdala sa akin dito. Tatlong linggong hindi ko rin naaapuhap si Magus at ang sabi ni Trisha, ang naiwan dito ay ang High Reeves lamang. Dahil sa hindi ko nais na mangyari ang mga nakaraang insidente sa pagitan naming dalawa ay hindi ako nagtangkang lumabas.   I am already inside a situation that I know I can't handle very well. What more if that High Reeves did something to me that will surely ruin the small hope I've got? Mas maging matalino, mapagmasid at hangga't maari ay pilitin na maging si Loren. Sa loob ng tatlong buwan, nagamay kong itago si Caith at napag-aralan kong mabuti kung paano palalabasin ang katauhan ng aking kapatid sa sarili ko. Naging mas malamig ako at kalmado na kahit sino pa ang bumibisita sa akin ay hindi na ako natataranta. Hindi ko nga lamang alam kung hindi na talaga ako makadarama ng nerbyos sakaling muli kong makakaharap si Magus. Sa tingin ko ngayon ay hindi na ako magkakamali dahil mas napag-aralan ko ang tungkol sa kanila subalit hindi ko pa rin masasabi ang maaring iakto ko kapag siya ang kaharap.   These past few months, maraming beses ko ng nakasalamuha si Magus. Hindi ako kailanman nagkaroon ng nobyo kaya naman inaakala ko na kaya ko siyang ituring na parang isang kaibigan lamang. Wala akong alam sa mga nararamdaman subalit hindi ako ganoon ka-mangmang para 'di mapansin sa sarili ko ang dahilan ng labis na kaba kapag nakakaharap ko siya.  Isinasaksak ko sa aking kukote na mali ang makaramdam ng kung ano mang personal feelings sa kaniya dahil siya ay pagmamay-ari ng aking kapatid. Pinilit kong isipin na maaring nadadala lamang ako sa labis na lungkot kaya naman naiisip ko ang mga ganoong  bagay.  "Trisha, samahan mo ako sa loob ng library mamaya, huh? Magbabasa na lamang ako ng libro," saad ko nang hindi na mapakali dahil sa mga iniisip.  Ang libro ang nakatulong sa akin upang lalo pang pag-igihan ang pagpapanggap bilang si Loren. Reading books became my habit and the knowledge I learned from those will be my weapon and shield. Kumpara sa unang dating ko rito ay mas may alam na ako ngayon sa kanilang kultura at sa mga nakasanayan nila na hindi tulad ng nakasanayan ko. Malimit na akong magkamali.    Halos mababasa ko na ang isang buongs shelf sa may library subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik ang taong hinihintay ko. Hinihintay. Bakit ko nga ba siya hinihintay? Naiinip ako ng sobra dahil hindi ako makalabas? Pakiramdam ko kasi ay hindi ako ligtas kung wala siya. Tama! Iyon ang dahilan. “Trisha, may balita na ba sa kaniya?” tanong ko.   I am talking about Magus, of course. Huli ko siyang nakita noong nagising ako sa kaniyang silid. Hinding-hindi ko makalilimutan iyon. Labis-labis ang aking pagtataka at halos pagdudahan ang aking sarili. Inakala kong panaginip lamang subalit doon muli ako sa silid na iyon nagising ngunit ‘di tulad noong unang beses, normal na muli ang aking pakiramdam at nakabantay agad sa akin si Trisha. Noon ko lang din nalaman na umalis siya dahil ipinatawag siya ng kampo ng mga Volturi upang tumulong sa kanilang issue. Noong una ay naiinis ako dahil inakala ko na agad ko siyang mahihingan ng paliwanag. Natatandaan ko na sinabi niyang kahit na ano pa ang aking itanong ay kaniyang bibigyang kasagutan.   The first three bites are sacred and I already experienced the first one. With just one mistake, I provoke him. Hindi ko inaasahan iyon. Noong unang marinig ko ang tungkol sa three bites ay inakala ko na hindi ko mararanasan miski isa roon ngunit ito na nga. Hindi na dapat mapangalawahan pa.   “Alam mo ba na minsan ko na siyang naabutan na sinusunog ng pilak na kadena?” MInsan ay naitanong ko kay Trisha. Naalala ko ang tungkol doon at nagtaka. Baka naman may dahilan talaga kung bakit kinailangan na gawin sa kaniya tapos ay pinakealaman ko.  Nagsalubong ang kaniyang kilay at bumakas ang pagtataka sa mata. “Po? Sino po?” tanong niya.   Inilipat ko ang pahina ng librong binabasa.   “Si Magus. Noong unang gabi ng aming kasal. Nakita ko siyang nakatali sa pilak na kadena,” tugon ko.   “Alam mo ba kung bakit siya kailangan na ikadena?” nag-angat na ako ng tingin sa kaniya.   Nangunot ang noo niya at napaisip at ilang sandali lang ay bumuka ang bibig.   “Marahil po ay para mapigilan niya ang kaniyang sarili na kayo ay atakihin. Dumaloy po noon ang dugo ninyo sa kaniya at temptasyon ang hatid noon,” aniya.   Dahil doon, naunawaan ko na ang aksidenteng nangyari sa amin. Ang paggising ko na naririnig ko ang boses niya sa aking isipan.   Dalawang kagat pa at mapapabilang na ako sa kanilang uri. Hindi maaring mangyari iyon. Hindi pwede.   I need to resist him. Hindi ako ipinanganak kahapon at alam ko sa sarili ko ang kakaibang epekto sa akin ng presensya ni Magus kaya naman hangga’t maari ay nais kong maging handa sakaling muling magku-krus ang aming landas.   Magus is out of my league. The High Reeves is one of my enemy and Mr. Jarvis is the person I should never rely on. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD