Kabanata 27

2312 Words
Isang desisyon na ako rin ang nagambala. Hindi na ako nakatulog dahil hindi ako komportable na mayroon akong katabi at mas lalong dahil siya ang aking katabi. Hindi ako nakadarama ng takot subalit pagkailang. Mabagal ang aking paghinga at hindi ako makakilos dahil na rin sa iniingatan ko na maistorbo siya sa kaniyang pagtulog o pahinga.   Malalim ang kaniyang paghinga, ang braso ay nakapulupot sa aking baywang at ang katawan ay sobrang dikit sa akin. Isang galaw ko lamang at maaring magising ko siya. Kita ang pagod sa kaniyang mukha at halata naman sa kaniyang paghinga kaya naman ayoko na mangyari iyon. Ang ending, tulala ako sa may kisame at nag-iisip kung bakit nga ba hindi ko napigilan ang aking sarili kanina at hinayaan na dito siya matulog.   Bumuntong-hininga ako noong wala rin akong maisip na magandang dahilan. Hinintay ko na lamang na dalawin din ako ng antok sa gabing iyon.   Kinabukasan, nagising ako sa isang tahimik na silid. Panibago iyon sa mga araw na nakakagisnan ko dahil alam ko ay alas siyete pa lang ay narito na sila Trisha at ang iba pang kasambahay upang ako ay gisingin at pakainin. Ngayon naman ay sadyang tahimik. Bumaling ako sa aking kanan at napansin na wala na siya roon. Nakahinga ako ng maluwag. At least ay hindi ko siya kailangan na mabungaran sa umaga dahil hindi ko alam kung gaano nakakahiya iyon lalo pa’t paulit-ulit umuukilkil sa aking isip na siya ay asawa ni Loren.   Nilibot ko ng tingin ang aking silid at napansin na naroon na sa mesa ang mga pagkain. Marahil ay naihanda na kanina pa dahil sa orasan ay alas nueve na. Napabalikwas ako ng upo.   “Kung nadala na rito ang pagkain kanina pa… ibig sabihin…”   Hindi ko maituloy-tuloy ang aking sasabihin. Sunod-sunod ang aking paglunok.   “Did they saw him sleeping next to me?” pabulong kong tanong sa hangin.   Ilang minuto yata akong tulala at iyon lang ang iniisip. Nakakahiya iyon!   Lulugo-lugo akong nag-ayos ng aking sarili. Paglabas ko ay saka ko lang nalaman na naroon na si Trisha subalit wala ang iba pa na lagi niyang kasa-kasama.   “Magandang umaga, Lady Loren,” aniya na malaki ang ngiting nakapaskil sa labi.   Bumuntong-hininga ako. It seems like she really saw it.   “Good morning,” tipid kong tugon.   “Kulay bughaw po ang kasuotan ninyo ngayon, Lady Loren,” saad niya at saka inilaylay ang ‘di gaanong kakapal na bistida.   Sa totoo lang ay puro ganito na ang nakikita ko hindi tulad ng inasahan ko na may tatlo o higit pang patong na bistida. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil maaliwalas na sa pakiramdam ay magaan pa.   “Tutulungan ko na po kayo na magsuot upang mapadali. Nasabi ko na po kay Lord Magus na kayo ay gising na,” aniya pa.   Natigilan ako roon.   “Huh? Ano naman kung alam niya na ako ay gising na?” takang tanong ko.   “Sabay po kayong mag-uumagahan,” aniya na masigla ang boses at halatang tuwang-tuwa sa kaniyang sinabi.   Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Why would he eat with me? Dahil akala niya ikaw si Loren at mag-asawa naman kayo sa paningin niya, Caith! Bumuga ako ng marahas na hininga. Mukhang napansin iyon ni Trisha.   “Nasisikipan po ba kayo sa inyong kasuotan?” tanong niya.   Pinagmasdan ko si Trisha na inosenteng nakatingin sa akin. She really don’t know my struggles.   “Wala. Ayo slang ako. Anong oras siya patutungo rito?”   Nang matapos ko itanong iyon ay parang isang cue iyon para bumukas ang pinto at iluwa noon ang pinag-uusapan namin. Ganoon pa rin naman ang suot niya, pormal pa rin ngunit ang aura niya ay magaan. Tila ba may isang magandang balita na dumating sa kaniya.   “Morning,” he said, voice still hoarse.   “Good morning,” tanging tugon ko at saka nagtungo na sa mesa at hindi na inangat ang tingin.   “Trisha, you can go now,” sambit ko gamit ang malamig na tono ng boses.   Sumunod naman agad ito. Naiwan kaming dalawa roon. Saka ko lamang siya binalingan ng tingin.   “Let’s eat,” pag-aaya ko subalit malamig pa rin ang boses.   Nangunot ang noo niya, marahil napansin na ang pagiging cold ko. Nagtungo siya sa katapat kong upuan at saka umupo. Iwas na iwas ang tingin ko sa kaniya dahil ayokong mapansin niya ang uneasiness na nararamdaman ko towards him. Nahihiya ako sa ‘di ko malamang dahilan.   “How’s your sleep?” pagsisimula niya ng usapan.   Natigilan ako sa pagsasalin ng tsaa ngunit agad din naman na nakasagot.   “A-ayos lang,” pahayag ko at sibukan din na lagyan siya sa kaniya pero kinuha niya ang teapot sa akin.   “Let me. You might get burn.”   Nang sabihin niya iyon ay parang isang napakalambing na boses ang aking narinig. Marahan akong umiling dahil sa naiisip.   ‘Get a grip, Caith!’ I spat to myself.   Nag-angat ako ng tingin at napansin na focus siya sa pag-aasikaso ng tsaa. Malaya kong napagmamasdan ang kaniyang mukha. Sadya pa rin siyang maputla, labi lamang ang mapula. Hindi na ganoon kahirado ang kaniyang itsura kung ikukumpara sa nakita ko kagabi. Maayos na maayos ang kaniyang buhok at iisipin ko na isa siyang businessman na nagkakape lamang bago pumasok sa kaniyang opisina.   Dahil sa iniisip ay hindi ko na napansin na nag-angat na siya ng tingin sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya na dahilan ng pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. Dahil gusto ko makabawi sa hiya ay pinuna ko ang mata niya.   “M-mukhang hindi ka na ganoon kapagod,” utal pang pagkakasabi ko.   Nagbaba ako ng tingin at humigop ng tsaa.   “I have a good sleep beside you. That’s why I am planning on sleeping here often.”   Sa sinabi niyang iyon ay halos maibuga ko ang aking iniinom na tsaa. Nagkanda-ubo-ubo ako. Nanlalaki ang mata na binalingan ko siya.   Sa isang iglap lang ay nasa tabi ko siya at hawak ang malinis na tela sa kamay at marahan na idinampi sa labi ko at ang isang kamay ay nasa likuran ko at hinahagod iyon. Lalong tinambol ang dibdib ko gayunpa’t sadyang kay lapit niya sa akin.   “A-ayos lang ako,” pahayag ko at bahagyang umiiwas sa kaniya.   Narinig ko ang pagtikhim niya at pagbuntong-hininga.   Bumalik siya sa pwesto niya subalit alerto pa rin ang mata at halatang nag-aalala sa akin. Lumunok ako at pinilit na ibalik ang malamig na tono ng boses.   “You can’t sleep here. You have your own room,” sambit ko.   “I want to sleep with you. It calms me down,” the next words came out a whisper as if he do not want to say it.   Kumurap-kurap ako. Hindi malaman kung saan magfo-focus. Sa tiyan ko ba na parang kinakatikot, sa dibdib kong malakas ang kabog o sa mga salita niyang hindi ko alam kung ano ang ipinararamdam sa akin.   “It’s normal to sleep with you since you’re my wife. It’s been three months and I guess you already adjusted here. I want to share everything with you,” he said those words directly looking at me.   Nagtataasan ang balahibo ko hindi sa takot kundi sa ‘di maipaliwanag na pakiramdam. Umuulit-ulit sa pandinig ko ang kaniyang sinabi. HE wants to share everything with me.   “Let me, wife,” a voice said inside my head. He is communicating through minds.   Caith. He is Loren’s husband but you are the one who has a connection with him. You shouldn’t be glad but you are. Nababaliw na ba ako? Hindi ko dapat nararamdaman ‘to. Bakit masaya? Hindi ka dapat masaya. He’s not yours, Caith and he will never be. Hindi ka dapat pumayag na magsama kayo sa iisang silid dahil ang kailangan ay iwasan mo siya.   Iwasan siya at ang nararamdaman mo sa kaniya.   “O-okay,” pabulong na sagot ko.   He is happy. I can see it on his eyes the moment I said the word ‘okay’ and I am too. But I feel like I did something wrong.   “Lady Loren, ayos lamang po ba kayo? Kanina pa po kayo tulala,” pamumuna ni Trisha sa akin.   Narito ako sa balkonahe at nakaupo sa isang upuan na basta ko na lamang hinatak kanina. Simula nang ipinatawag si Magus ng High Reeves dahil sa mga bisita niya ay hindi na ako naalis sa balkonahe at pinagmamasdan ang mga sasakyan na nakaparada sa bakuran ng kastilyo. Ilang oras na simula ng sila ay magsidating.   “Trisha, alam mo ba kung sino sila?” wala sa sariling tanong ko.   “Opo. Sila ang kaisa-isang angkan ng mga Lycans na nakipagkasundo sa ating lahi,” aniya.   Nilingon ko siya, kunot-noo pa. “Lycans? Taong-lobo?”   Tumango siya at sinamahan ako sa railings.   “Opo. Mabubuti sila, Lady Loren. Sa tingin ko ay kaya sila narito upang pag-usapan ang tungkol sa iilang pag-atake ng mga Lycans sa lugar natin,” saad niya.   Bumuntong-hininga ako. Nakita ko lamang kanina na nagsibaba sila sa kani-kaniya nilang sasakyan. Katulad ng postura ng tao at bampira, ganoon din sila. Naisip ko lamang, ano ang kanilang itsura sa tuwi-tuwinang nagpapalit sila ng kaanyuan?   “Nasaksihan mo na ba ang isang Lycan na tulad nila na nagpalit-anyo?” tanong ko sa kaniya.   Humaba ang nguso niya at tila nag-isip.   “Hindi pa po pero nakakita na ako ng nasa anyong Lycan at sadyang nakatatakot sila tignan. Kulay ginto ang kanilang mata at mahahaba ang mga kuko,” bakas pa ang takot na may kasamang pagkamangha sa kaniyang mukha.   “Isang babae iyon. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakasundo sa lahi nila at namin. Bihag siya n gaming lahi at nakatakdang bitayin subalit pinakawalan siya ni Lord Magus,” kwento niya.   Nakuha  noon ang atensyon ko.   “Ni Magus? Bakit naman?”   “Isa pa lamang po akong baguhan na kasambahay kay Master Jarvis noon kaya hindi ko po alam ang tunay na dahilan. Ang sabi lamang po ay nakiusap noon sa kaniya ang babae. Nagkaroon po ng matinding usapin tungkol doon lalo pa at malaki ang galit ng Fore Garroter sa mga kauri nila subalit nang biglang dumalaw ang mga Lycans dito kasama ang kanilang pinuno, nagkaroon ng pagkakaayos,” aniya.   Tumango-tango ako at naisip na halos ang kwento na ito ay katulad ng sa unang Pinuno ng Roshire. Mukhang nais talaga niya na mapayapa ang pinamumunuan niya kaya gumagawa siya ng mga hakbang upang magkaroon ng maayos na relasyon sa iba.   Magus looks like strict leader. Whenever he’s out in the public eyes, he looks like a lion ready to kill a prey who will enter his jungle. Dahil sa aura niya ay talagang mapapaisip ka na siya ay hindi basta-basta nalalapitan.   ‘Wife,”   Halos mapatalon ako nang marinig ang boses niya sa aking isipan. Binalingan ako ni Trisha, nagtataka sa biglaan kong pagkagulat. Umiling ako.   “He’s talking to me,” sambit ko at saka tumalikod at iniwan siya roon.   Paano ko ba siya sasagutin? Hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa. Kailangan ko pa bang magpaturo sa kaniya?   ‘I’ll teach you later, wife,’   Natigil ako sa paglalakad ng muli siyang magsalita sa isip ko. How the hell did he know that I am thinking about that? Hindi kaya lahat ng iniisp ko ay naririnig niya? Then that means I am doomed. Hindi ako mapakali. Pabalik-balik ako sa paglakad habang si Trisha naman ay nakasunod ang tingin sa akin. Kagat-kagat ko ang kuko sa kaing daliri dahil sa tindi ng kabang nararamdaman.  "Don't think of anything, Caith," pagkausap ko sa aking sarili.  Hindi ka dapat mag-isip ng kung ano. Wala kang iisipin at maari na lahat iyon ay alam niya. Ano na lamang ang sasabihin ko sa kaniya sakaling tanungin niya ako sa lahat ng narinig niya na aking iniisip. Kulang dalawang buwan siyang wala rito at puro lamang sa pag-iisip ko kay Loren naubos ang aking oras kaya naman sigurado na wala na akong kawala.  "Lady Loren," narinig ko ang nag-aalalang boses ni Trisha ngunit hindi ko iyon pinansin.  "I should relax but I can't!" naiinis kong  sambit.  Nawala lahat ng preparasyon ko dahil lamang sa napagtanto ko na posibleng alam niyang isa akong huwad.  "No! I should stop thinking!" bulalas ko at nang madaanan ang malaking salamin at napansin ang aking itsura ay halos problemado na at si Trisha ay mukhang natatakot na sa aking inaasta.  "Trisha. Pwede bang iwan mo muna ako sandali?" tanong ko.  Kahit hindi niya lubos na nauunawaan ay sumunod siya sa akin kahit pa alam kong nag-aalala pa rin siya sa aking inaasta.  Nang mapag-isa ako ay para akong nalantang gulay.  "What am I supposed to do?" mahinang bulong ko. "Is there any problem, wife?" ani isang baritonong boses.  Napatayo ako at agad na nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Si Magus, naglalakad patungo sa akin habang hawak ang isang tangkay ng rosas na halatang kapipitas lamang. May nakapaskil na munting ngiti sa kaniyang labi. Sa dami ng gusto kong sabihin ay nabitin iyon sa kawalan at tanging napansin ko lamang ay ang maaliwalas na emosyon sa kaniyang mukha.  Iniabot niya sa akin ang hawak na rosas at saka kinabig ako palapit sa kaniya. Pigil hininga kong hinintay ano man ang binabalak niyang gawin. Lumapat sa aking noo ang kaniyang malamig na labi.  "I miss you," bulong niya na tanging ako lamang ang nakaririnig.  Ang lahat ng isipin ko ay nawala at tanging alam ko lang ay nakayakap siya sa akin, ang malakas na kabog ng aking dibdib at ang kung anong naglulumikot sa aking tiyan.  "Magus," mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD