“Good morning, Missus,”
“Good morning, Lady Alnwick,”
Kaniya-kaniyang bati sila sa akin ngunit tanging tango lamang at ingit ang aking naisasagot dahil sa labis na antok. Maaga nila akong binulabog dito sa aking silid upang ihanda para sa gawain sa araw na ito.
“The Lord wants the best for you, Lady Alnwick,” naliligayahang sambit noong isang babae na kanina pa sinusukat ang aking balakang.
Sa tingin ko ay hindi pa sapat ang mga kasuotang nasa loob ng closet ng room na ito dahil nagpadala pa siya ng mga panibagong damit para sa akin. Inaakala niya ba na hindi ako makukuntento sa mga kasuotang mayroon ako? Higit pa nga iyon sa sapat kaya naman hindi ko maunawaan kung para saan ang patuloy na paggastos niya sa pagbili ng damit na hindi ko naman sigurado kong talagang maisusuot. Mabuti na lamang at naalala kong posibleng si Loren na ang makapagsuot noon sakaling matapos ko ang isang buwan.
“Lady Loren, ang ipinadalang mga kulay ng damit ni Lord Magus ay nababagay sa inyong katauhan,” ani Trisha.
Tumango naman ako at pipikit-pikit pa rin kahit pa sinisimulan ng ayusan ang aking mukha. Hindi sapat ang aking tulog at sadyang hinihila ako ng antok subalit hindi naman yata uso sa kanila ang ten minutes more.
“Trisha, light lang, huh?” garalgal kong sambit.
“Opo, opo,” natatawang tugon niya.
Halata ko na sa umpisa pa lamang ay sobrang saya na nila ngunit hindi ko iyon masabayan dahil sa antok. Mabuti na lamang at hindi naman sila nagrereklamo sa pagiging absent-minded ko. Kung may itinatanong kasi sa akin ay um-oo na lamang ako at kapag napapansin ni Trisha na mali ang aking nagiging tugon ay agad niyang sinasalo.
Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol sa pag-aayos sa akin at sa paghahanap ng kasuotang babagay sa akin sa araw na iyon. Basta ang alam ko ay narito ako at nakatayo sa harapan ng isang grandesang salamin at pinagmamasdan ang kinahinantungan ng kanilang ginawa.
“Pinagpala ka, Lady Loren. Napakaganda ninyo po at umaayon ang magagaang patak ng mga palamuti sa inyong mukha sa natatangi ninyong ganda,” ani noong nag-asikaso ng aking buhok na ngayon ay may braid sa gitna.
“Hindi ko akalain na mas maganda po kayo kapag light make-up lamang ang gamit gayong lagi naming pansin na ang gamit ninyo ay mga dark colors,” dagdag pa noong isa sa kanila.
“Nais ng Lady Loren na kahit papaano ay subukan na ipakita ang malambot na side niya upang hindi isipin ng karamihan sa atin na mahirap siyang pakisamahan tulad ng ikinakalat ng iba,” magalang na sambit ni Trisha na inayos pa ang laylayan ng suot ko ngayong victorian dress.
Kulay beige ito at bumabagay sa aking balat na hindi kasing putla ng kanila. Ang buhok ko ay naka-braid updo ngayon at may iilang naiwang nakalaylay sa aking pisngi at gilid ng tenga.
“Inakala ko rin na hindi magiging ganito kadali ang proseso ng pag-aayos namin sa kaniya dahil na rin sa mga naririnig namin,” sambit pa noong nag-ayos ng aking damit.
Binalingan ko siya at tahimik na pinasalamatan na sa tingin ko ay kaniyang ikinatuwa. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sila upang ako ay hayaang makakain ng umagahan. May iilang nag-iwan ng tingin sa akin na para bang may isang bagay silang sa akin ay napansin.
“Lady Loren, nakita niyo ho iyon? Unti-unting nababago ang tingin nila sa inyo!” nagagalak na puna ni Trisha sa mga kalalabas lamang.
Nag-umpisa akong magsalin ng gatas sa maliit na tea mug.
“Ako na po,” agad na sambit ni Trisha ngunit isang iling lang ang isinagot ko.
“Why don’t you just join me, Trisha?” pag-aya ko sa kaniya at sinipat ang higit pandalawang taong pagkain na nakahain sa panibagong estilong lamesa.
“Tayong dalawa lamang dito at sakali man na may makakakita ay ako na ang bahalang magpaliwanag. Hindi ako sanay ng walang kasabay na kumakain,” pahayag ko.
Noong una ay hirap na hirap akong ayain siya subalit sa huli ay napapayag ko na rin. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng gana sa pagkain.
“Kainin mo ang nais mo, Trisha,” sambit ko dahil napuna na napaka-kaunti lamang ang kaniyang kinakain. “Baka marami tayong pupuntahan ngayon,” dagdag ko pa.
Mabilis siyang umiling. “Hindi po. Hindi naman po talaga kami kumakain at natutuhan lamang. Kaunti lamang po ang kayang tanggapin ng aming sistema,” aniya.
Muntik ko nang makalimutan na sila ay hindi tao kundi mga bampira at magkaiba kami sa ilang aspeto.
“At saka po, hindi po ako maaring sumama sa lakad ninyo ni Lord Magus,” aniya.
Natigilan ako sa pagsubo dahil roon. Kunot-noo ko siyang tinignan.
“Anong ibig mong sabihin? Kami lamang bang dalawa ang paparoon?” tanong ko.
Kinagat niya ang kaniyang labi at dahan-dahang tumango. Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Inakala ko na kahit papaano ay hindi magiging awkward ang lahat dahil si Trisha ay makakasama ko.
“At saka po…” pinigilan niya ang ngiting nais na kumawala sa kaniyang labi. “Binigyang permiso po kami ni Lord Magus na bisitahin an gaming pamilya sa araw na ito na labis-labis po naming ikinagagalak,” aniya; dinig ko ang saya sa boses.
Bumagsak ang tingin ko sa aking kinakain at napabuntong hininga. I am also missing my family. Hindi lang naman si Ina yang naalala ko miski na rin ang aking mga kapitbahay na sadyang naging malapit na rin sa akin. Kamusta na kaya ang naging libing ni Anna?
“Pero po…” si Trisha ay nagsalita na ikina-angat ko ng tingin.
“Pero po kung nais po talaga ninyo na makasama ako, ayos lamang p-“
Hindi ko na siya pinatapos. “Hindi… Mas mabuti na madalaw mo kahit papaano ang iyong pamilya,” tugon ko.
Nahihiya siyang tumango. Nagpatuloy kami sa pagkain. Pinilit kong magpakabusog upang hindi magutom mamaya. Sa pagkakaalam ko ay may kakayahan ang mga bampira na hindi makadama ng gutom para sa mga pagkain na pang-tao subalit ako ay hindi.
“Handa na po ba ang lahat sa inyo, Lady Loren?” tanong noong kapapasok lamang na mayordoma na nakatoka sa palapag na ito.
“Nakahanda na po ang lahat kay Lady Loren.’ Si Trisha ang sumagot doon para sa akin.
Nakitaan ko naman ng pagkatuwa ang mayordoma sa naging sagot niya.
“Kung gayon ay hintayin ninyo na lamang po ang Lord Magus na magtungo rito,” anito at saka nagpaalam.
Ginawa ko ang kaniyang sinabi. Binigyan ko na rin ng oras si Trisha na maghanda siya sa gagawin niyang pagdalaw sa kaniyang pamilya. Sa una ay ayaw pa niya akong iwanan hangga’t wala ang kanilang Pinuno, mabuti na lamang at akin siyang napilit.
Dalawang magkasunod na katok sa pintuan ang umagaw ng atensyon ko mula sa librong napagdiskitaan kong basahin habang naghihintay. Tumayo ako at saka nagbigay ng huling sipat sa sarili sa salamin bago lumapit sa pintuan.
Isang buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ko binuksan iyon. Tumambad agad sa akin ang walang emosyon niyang mukha subalit makisig pa rin. Mas mapula ang labi niya kumpara sa mga unang beses ko siyang nakita. Ang mata niya ay itim na itim pa rin ngunit ‘di tulad noon na kakikitaan ng kung anong emosyon, ngayon ay malamig na ekspresyon lang ang makikita roon.
Napalunok ako sa nararamdamang pagka-asiwa. Hindi kaya may hindi magandang nangyari kaya siya ay ganito? Sa ilang beses ko naman siyang nakaengkwentro sa loob ng kastilyong ‘to ay hindi ko pa siya nakitang ganito.
“Shall we?” he asked, voice is dripping with coldness.
Sa halip na tugunin iyon ay lumakad na lamang ako patapat sa kaniya. Nang makita ang aking ginawa ay agad siyang humakbang. Naka-antabay sa likuran namin ang ilang mga gwardiya na naka-black suit.
Binagtas namin pababa ang mahaba at engrandeng staircase na iba pa sa una kong nakita noon. Ngayon ko lamang na-realized na mula pa noong mahimatay ako sa seremonya ng kasal magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa ako nakalalabas ng kastilyo. Kung hindi pa siya nag-aya na ako ay ipakilala ay hindi ko maiisipang lumabas. Para bang nasa instinct ko na hindi ako marapat na magpagala-gala dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar.
Narating namin pareho ng tahimik ang labas at katulad ng inaasahan, nakahanda na ang isang mamahalin at kulay itim na sasakyan sa harapan. Nakatayo rin doon ang isang lalaki na mabilis na yumukod upang magpakita ng pagbati.
“Lady Alnwick, My Lord,” he addressed us that way. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang.
Pinilit ko na lamang na ngumiti ng tipid at tumango. Bumagsak ang kamay niya sa aking bewang na siyang ikinagulat ko. Diretso ang tingin ko sa kaniya na malamig pa rin ang ekspresyon sa mukha at parang hindi napansin ang aking pagkabigla. Iginaya niya ako palapit sa sasakyan at saka binuksan ang backseat noon. Inilahad niya ang kamay sa akin upang maalalayan ako sa pagsakay.
Kung kami ay nasa isang normal na sitwasyon ay susuwayin ko siya upang sabihin na hindi na niya iyon kailangang gawin subalit hindi maari. Isa siyang panginoon sa paningin ng kaniyang kauri at ang pagsuway ay may katumbas na kamatayan.
“Thank you,” I whispered after I finally seated. He only gives me a nod and close the door beside me.
I did not look for him, instead I directly face the front.
‘Gawin mo ang lahat upang magmukhang si Loren dahil puro ka na kapalpakan these past few days, Caith!’ paalala ko sa aking sarili.
Nag-umpisa ang byahe, tatlo lamang kami sa loob ng sasakyan. Ang driver, ako at siya. Walang kumikibo ni miski tugtog mula sa kotseng sinasakyan. Tanging tunog lamang ng makina na siyang nagpapadagdag ng awkwardness.
Tahimik kong ipinagdarasal na sana ay bumilis na ang oras upang kahit papaano ay hindi ako natutuyuan ng laway at nagpipigil ng hininga rito.
Pumasok ang sasakyan sa isang malawak na bakuran ng malaking kastilyo. Naunang bumaba sa akin ang Pinuno at pinagbuksan ako ng pinto. Pino at marahan ang aking bawat kilos. Nang mag-angat ako ng tingin ay saka lamang napansin ang dalawang taong naghihintay na sa amin sa pintuan pa lamang ng malaking kastilyo. May ngiti sa mga labi nito na makikita namang totoo.
“My Lord! It is a pleasure to have you on our humble abode,” galak na galak na pahayag ng lalaking masasabi kong nasa edad lamang din ni Mr. Jarvis.
“And here is the Lady of the Roshire. It is a pleasure to meet you personally,” ani noong babae.
Isang ngiti ang kumawala sa labi ko. Hindi ko alam subalit magaan ang loob ko sa unang kita ko pa lamang sa kanila at mukha namang ganoon din ang Pinuno dahil bumakas ang kaunting liwanag sa mukha nito.
“Aunt Celia, Uncle Von,” nilingon niya ako at saka hinawakan sa baywang.
“My wife…” he mumbled. “Loren,” he smiled after that but I can sense something on it. As if he is not happy to tell them my name.
“Oh! Pleasure, pleasure!” nasisiyahang sambit noong babae.
“Come inside, My Lord, My Lady,” dagdag pa niya at iminuwestra ang malaking pintuan sa kanilang likuran.
Agad na naglakad patungo roon ang lalaki at binuksan iyon. Sumalubong agad ang aura ng isang Victorian house na halatang may historyang itinatago sa kanilang pamamahay.
“Come inside. You are welcome!” muli ay sambit ng babae.
Isang ngiti ang pinakawalan ko at saka nagpatianod sa paggiya sa akin ng Pinuno. Hindi ako masanay-sanay na tawagin siya bilang asawa dahil hindi naman siya sa akin. Siya ay pagmamay-ari ng aking kapatid at ilang araw na lamang ay alam kong babalik na siya.
‘Makababalik ka na rin sa dati mong buhay, Caith,” paalala ko sa aking sarili.
Gumaan ang pakiramdam ko sa kaisipang iyon. Sigurado ako na masisiyahan si Inay sakaling ako ay kaniyang makita.
Isang tikhim ang nagpabalik ng aking diwa na nagsisimula ng maglayag sa kalaliman.
“Forgive me. My wife must be exhausted for the night we both shared,” sambit niya at saka sinundan iyon ng mahinang halakhak na ikinatawa rin ng dalawa.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya sa kaniyang sinabi. What the hell? Ni hindi nga kami magkasama sa iisang kwarto at imposible. Hindi ko gagawin iyon kasama siya dahil una sa lahat ay asawa siya ng aking kakambal at pangalawa, hindi ko siya mahal.
Ginawa niya lamang iyon upang hindi ka mapahiya, Caith. Pinilit kong isaksak sa isipan ko iyon ngunit nakakaramdam talaga ako ng pagkailang.
“Let’s have a glass of champagne,” pag-aaya noong lalaki.
Ipinasyal nila kami sa loob ng kanilang tahanan at maraming ikinuwento. Sadyang lutang lamang ang aking isipan at hindi gaanong naiintindihan ang mga iyon.
“Maraming salamat sa pagbisita, Lord Magus,” ani Uncle Von.
Napansin ko ang pagiging malapit niya sa dalawang tao na para bang may malaking parte ito sa kaniyang buhay kung ikukumpara sa tinawag niyang Katriya. Ano kaya ang pinagkaiba ng relasyon niya sa tiyahin niyang iyon at sa mga ito? Bakit parang mas welcoming ang mga ito at panatag ang loob ni Magus sa kanila?
“Babalik kami rito sa mga susunod na araw,” aniya sa dalawa bago pa tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Katahimikan muli ang lumukob sa amin.
“To the court,” he said.
Napatingin ako sa kaniya na siyang dahilan ng pagbaling niya sa akin.
“All of my other relatives are in there. We’ll just dropped by so they won’t feel neglected,” he reasoned out.
Isang tango ang aking itinugon at muli ay ibinalik ang tingin sa harapan.