Kabanata 16

2174 Words
“To whom do I owe the presence of my wife?” Kinilabutan ako nang marinig iyon. Nakapulupot pa rin sa aking baywang ang kaniyang braso. Nang ma-realized iyon ay napatalon ako na para bang napaso. Dahan-dahan akong humakbang paharap na dahilan upang pakawalan niya ako. Ilang hakbang pa at kahit papaano ay mapaglayo ang aming katawan at saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Astang haharap na sana ako sa kaniya nang kusang bumukas ang mga ilaw sa silid na siyang pumulag sa akin. Mariin akong napapikit at napamura sa aking isipan. Ilan pang sandali, nang makapag-adjust ang aking paningin ay binalingan ko na agad siya na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan at nakatitig pa rin sa akin. Nawala ang lakas ng loob na mayroon ako kanina dala ng kaniyang pagtitig. Nakaramdam ako ng pagkailang subalit alam kong hindi ito ang tamang panahon para mas intindihin iyon. It’s either I will talk now or Trisha will suffer. Hindi pwedeng mawawalan pa ako ng isa pang kasama rito dahil siguradong hindi ko na kakayanin kapag mag-isa ako. Tumikhim ako at saka nagsubok na magsalita. “I-iyong… iyong nangyari kanina…” utal-utal kong sambit. Humugot ako ng malalim na hininga at nagpatuloy. “Pasensya ka na sa nangyari kanina. May…” nag-iisip ako ng maaring idahilan subalit wala talaga. Hindi ako marunong magsinungaling. “May?” pangalawang beses niyang nagsalita ngayon na hindi nakatutulong sa aking konsentrasyon. Kinagat ko ang aking labi at hinayaan na lamang ang sariling dila na magdikta sa ano mang nais nitong sabihing kasinungalingan. “May ipis sa kwarto ko…” mabilis kong sagot. Umangat ang isang kilay niya dahil doon. Sa halip na bigyan pa siya ng oras upang magsalita ay sinuportahan ko agad ang sinabi ko. “Takot ako sa ipis kaya ganoon. Pasensya ka na. Walang kasalanan si Trisha. Hindi ko rin sinasadyang lagpasan ka kaagad kanina. Pero kung kailangan talaga na may maparusahan, ako iyon at hindi si Tri-“ pinutol niya ang aking sinasabi. “Who told you that I will give you a punishment?” aniya sa malalim na boses, hindi na ganoon kalamig katulad ng sa kanina. Natigilan ako at napaisip. Mali ba ako? Hindi ba at kalapastanganan naman talaga ang aking nagawa at hindi naman magsisinungaling sa akin si Trisha. Napalunok ako ng laway bago sinagot ang katanungang ibinato niya. “Nalapastangan kita kanina, hindi ba? Hindi kita nabati at basta na lamang tinalikuran kaya naman humihingi ako ng pasensya tungkol doon,” paliwanag ko, pinipigilan na pumiyok dahil kinakabahan pa rin. Naningkit ang mata niya at tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Lalong nagpadagdag ng pagkamakisig ang ganoong ekspresyon niya. Parang isang matalinong lalaki na nag-iisip ng solusyon sa isang problema. Napansin kong basa ang kaniyang buhok at ang kasuotan ay bago na sa kanina. Halatang nakapaligo na ito. Wala pa akong nakikitang kauri nila na hindi maipagmamalaki ang itsura. Lahat ba sila ay ipinanganak na may angking ganda? “So… I owe your presence to that lady?” biglang tanong niya; saka ko lang napansin na naglakad na pala palapit sa isang tukador kung saan may bote ng mamahaling alak. Nagsalin siya sa dalawang kopita at saka ako sinulyapan ng tingin, nagtatanong pa rin ang mata. Dahil okupado ang isip ko sa pagpuri sa kaniya ay hindi agad ako nakapagbigay ng sagot. Nakagat ko ang aking labi at kusang tumango kahit pa hindi lubos na naiintindihan ang tanong niya. “I… I’m sorry again,” naging bulong ang mga salitang iyon. Iniurong niya sa mesa ang isang kopita at sinenyasan akong inumin iyon. Dahil sa ayoko namang maisip niya na tinatanggihan ko siya ay lumapit ako upang kuhanin iyon. Ramdam ko ang titig niya sa akin habang umiinom sa kopita. Nang mahawakan ko iyon ay nakita kong kulay pula ang likidong naroon. Bumalik muli sa aking isipan ang nangyari sa seremonya ng kasal. Noong inumin ko ang pinaghalo naming dugo. Paano kung nakaimbak na dugo lamang pala ito? “Chateau Lafite Rothschild,” sambit niya. Kunot-noo ko siyang binalingan. Itunuro niya ang kopita na hawak ko. “That’s the name of the wine,” he mumbled. Napamaang ako at saka tumango. It is really a wine. Sinubukan kong tikman iyon. Sumimsim ako ng kaunti at agad na napangiti noong matikman ang lasa noon. May pait man subalit natitikman ko rin ang sarap noon. Mas nangingibabaw pa nga. “You like it?” tanong niya. Napaangat ako ng tingin at kiming tumango. Mukha namang ikinagalak niya ang naging kasagutan ko. Umupo siya sa dark red vintage sofa na naroon at sinenyasan akong gawin din iyon. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Magkaharap kami ngayon. Siya na parang wala lang at ako na sa loob-loob ay kinakabahan. Namayani ang katahimikan at hindi ko kayang tagalan iyon kaya naman ako na mismo ang nagbukas ng usap kahit pa hindi ako sure kung ayos lamang ba na gawin iyon. “H-hindi ba sabi nila ay matatagalan pa bago ka makabalik?” pag-uumpisa ko. Napaisip siya at kalauna’y ngumisi. “That’s what they thought,” he said. I can hear a small growl on his voice. Inilapag niya ang hawak na kopita na tila wala ng laman at saka yumukod upang mas makaharap ako. Hindi pa rin nabubura ang ngisi sa kaniyang labi. “But I shouldn’t,” nagkibit balikat siya at saka mariin muli akong tinignan. “I should not let my wife wait for me, right?” he mumbled. Binasa niya ang kaniyang labi at doon ako napatingin subalit agad ding umiwas. Nagkakaroon ako ng kakaibang pakiramdam sa paligid ngunit hindi ko mapangalanan kung anong pakiramdam iyon. Panganib? Pinagsalikop ko ang aking kamay at pinisil nang mariin ang aking daliri. Bumagsak ang tingin niya roon at muling umangat ang dulo ng labi. Base sa kaniyang reaksyon ay nakikita kong natutuwa siya sa nakikita. Ngayon ay sigurado ako na nararamdaman niya ang aking kaba. ‘Of course, Caith! Tanga ka ba? Bampira siya!’ sita ko sa aking sarili. Tumikhim ako ilang sunod at saka tumayo. Kinolekta ko ang aking sarili at saka nilakasan muli ang loob. “B-babalik na ako sa silid ko. P-pasensya na uli doon sa...” hindi ko maituloy-tuloy ang aking sasabihin dahil hindi ako mapakali sa ekspresyong nakikita ko sa kaniyang mukha. Halatang ikinatutuwa niya ang pagkataranta at pagkakautal-utal ko na hindi ko talaga nagugustuhan. Sa halip na magbigay pa ng dahilan ay humakbang na ako patalikod. Hindi ako nakarinig ng pagtutol mula sa kaniya kaya naman noong nasa pintuan ay nilingon ko pa siya muli at kahit papaano ay nginitian. “Pasensya na uli,” sambit ko at saka tuluyang nilisan ang silid. Nang makapasok ako sa loob ng akin ay sinalubong agad ako ni Trisha. Mabilis niyang tinignan ang aking katawan, ang likod at braso na tila may hinahanap. “A-anong ginagawa mo, Trisha?” nagtataka kong tanong. Nanlalaki ang kaniyang mata na sinipat din ang aking leeg at nang walang makita roon ay nakahinga ng maluwag subalit ang mata ay kababanaagan pa rin ng labis na pag-aalala. “Anong kaparusahan po ang ibinigay ni Lord Magus sa inyo?” mangiyak-ngiyak muli siya nang tanungin iyon. Bumuntong hininga ako at umiling. “Wala siyang ibinigay na parusa kaya huwag kang mag-alala. Naniwala naman siya sa aking sinabi kaya sa tingin ko ay palalagpasin niya na lamang iyon,” paliwanag ko. Bumalatay sa mukha niya ang gulat na siya namang ipinagtaka ko. “Trisha?” Ayos ka lang ba?” ako naman ang nagtanong noon. Ilang sunod na pagpikit ang ginawa niya bago ako nilapitan at kinuha ang aking kamay. “Sigurado po ba kayo, Lady Loren? O baka naman po ayaw niyo lamang sabihin sa akin upang ako ay hindi na mag-alala,” tugon niya. Mabilis akong umiling at halos matawa pa. “Bakit baa yaw mong maniwala? Hindi naman siya galit at mukhang nasa good mood siya kasi inalok pa niya ako ng mamahaling alak, e,” medyo may kasiglahan kong sambit upang hindi na siya mag-alala pa. Laglag panga siya matapos ang aking sinabi. Hindi ko naman tuloy alam ngayon kung dapat na ba akong kabahan dahil sa reaksyon niya. Iba ba ang aking pagkakaintindi? May lason ba ang alak na inalok niya sa akin at iyon ang aking kaparusahan? “H-hindi basta-basta nagpapatawad si Lord Magus…” sambit niya na pabulong tila sa sarili iyon sinasabi. Kibit-balikat ako dahil hindi ko alam kung ano ang marapat kong sabihin sa kaniya ngayon. “B-baka naman good mood lang talaga siya?” wala sa sarili kong sambit. Naningkit ang mata ni Trisha at parang may iniisip. “Imposible,” bulong niya at saka naglakad paligpas sa akin. Suminghap ako dahil parang wala siya sa sarili na naglalakad. HInabol ko siya agad. “Huwag ka muna lumabas kung gayon. Baka mamaya ikaw ang tambangan niya…” pasigaw kong sambit na dahilan ng kaniyang pagtalon. “Huwag ka na muna lumabas baka mamaya hindi ka na bumalik,” pakiusap ko. Parang isang kisap-mata ay nagbago ang ekspresyon ni Trisha. Nakangiti na ito ngayon at may kaunting ningning ang mata. “Miss Caith, alam niyo po ba kung bakit maingat sa pagpili ng iibigin ang mga kauri namin?” aniya habang ang boses ay parang nasa alapaap. Nagsalubong ang aking kilay. Umiling ako dahil tulad nga ng kaniyang sinabi, hindi parehas ang puso ng tao at nang kanilang uri. Kinuha ni Trisha ang aking kamay at nakangiting pinagsalikop iyon. “May iisang kahinaan kami, Miss Caith at iyon ay ang aming mamahalin. Lahat ng depensa namin ay bumabagsak at nawawala. Ang aming matigas na pader ay nabubuwag sa isang salita, sa isang iyak lamang ng nagpapatibok ng aming puso,” huminga siya ng malalim at nakangiti ang mata nang ako ay tignan. “Ang maging iniibig ng isang bampira ay isang kapangyarihan dahil makakaya mo siyang mapasunod sa ano mang iyong naisin. Ikaw ang may hawak sa kaniyang kahinaan, lakas at takot dahil sa iyo niya rin iyon kukuhanin,” pahayag niya. “Bakit mo naman sinasabi sa akin iyan? Hindi ko naman mauunawaan iyan kahit ilang beses mong sabihin, Trisha dahil ako ay tao at hindi isang bampira,” paliwanag ko. Tumango siya at kinagat ang kaniyang labi. “Wala na akong katatakutan, Miss Caith,” aniya matapos na matagal tumitig sa aking kamay na pinagsalikop niya at hawak pa rin ngayon. “Alam kong napakabuti ng puso mo at mabuting tao ka. Hindi mo kami ilalagay sa kapahamakan,” aniya at saka lalo pang ngumiti. Isang palaisipan ang mga binitawang salita sa akin ni Trisha. Ilang oras na ang nagdaan at umuukilkil pa rin sa isip ko iyon. Bakit biglaan siyang naging makata? Bakit kailangan niya iyong sabihin sa akin gayong wala naman akong kinalaman sa usapang pag-ibig nila? Ilang sunod-sunod na katok ang nagmula sa labas ng pintuan ng aking silid. Tumikhim muna ako at saka kinuha ang bell doon para patunugin. Sinabi sa akin ni Trisha na iyon ang gagamitin pangsagot sa sino mang kumakatok at iyon din ang gagamitin ko sakaling nais ko siyang tawagin. Nang kalansingin ko iyon ay agad na bumukas ang pinto at iniluwa ang panibagong mukha. Hindi ko pa siya nakikita subalit tulad ng sinabi ko, halos kalahatan sa kanilang uri ay pinagpala sa itsura. Walang pwedeng itapon. “Good evening, Missus,” bati niya gamit ang pormal na boses. Isang tango ang aking naisagot. Tumikhim siya sandali at saka nagsalita. “The Lord wants you to ready yourself for tomorrow’s duty. The Lord will formally introduce you to his relatives… personally,” paliwanag niya. Napabalikwas ako dahil doon. “Bakit biglaan? Kilala na nila ako, hindi ba?” natataranta kong sambit. Sa halip na ang lalaking iyon ang sumagot ay ang boses noong Pinuno ang aking narinig. Nang balingan ko siya ay nakasandal siya sa pintuan habang magka-cross ang paa at ang braso. “I want to formally introduce you to them not as the chosen one for me but as a wife,” pormal niyang sambit subalit may natatagong ngisi sa labi. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at mahinang napabulong. “Kainis!” Lalong umangat ang labi niya. “Are you saying anything, wife?” tanong niya, tunog nang-uuyam. Ngumiwi ako at halos kilabutan sa narinig. He is annoying me, isn’t he? “If my wife does not want to, it’s okay-“ Pinutol ko agad ang kaniyang sasabihin dahil ayoko na marinig pa ng kakaibang tono sa boses niya. “I will go. It’s fine. Just let me rest now,” sambit ko. Isang ngisi ang naiwan sa akin kasabay ng sulyap na mariin. Buong magdamag ay pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang mga matang iyon na animo’y hindi ako nais mawala sa kaniyang paningin. “Ano ba ang nais ng lalaking iyon at bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa kaniyang presensya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD