Never in my life I expect that someday I’ll be feeling this things. Floating butterflies in my stomach, rapid heartbeats and even thought being blown away in just a second. I told myself that romantic love is only for those who are privilege to enjoy their life, not for me who has too many struggles to face. But why is this?
Love took years to build up or so I thought. I don’t even know if I am capable of loving someone romantically but Magus… he made me question myself.
You don’t know what kind of person he is, Caith. Paano mo naiisip na mahal mo siya? Isn’t it because he is the only man I got interacted with? Hindi ko kailanman nakitaan ng hindi maganda si Magus pero kahit pa. Hindi ko pa rin siya kilala. Posible ba na mahalin mo ang isang tao kahit na ganoon?
“Sleep wife,” bulong niya.
Bumuntong-hininga ako. Six days, Caith. Dapat ay nakadarama ka pa ng pagkailang. His hugging me behind, his hand is holding mine and we are sharing the same bed for about a week. Hindi ba dapat ay naiilang ako? Hindi ba dapat ay hindi ako komportable subalit hindi iyon ang aking nararamdaman. Instead of feeling that way, I am so comfortable and feel safe.
Nasanay ako sa ganito at gusto ko ang pakiramdam ngunit sa tuwing binabanggit na ang pangalan ni Loren bilang pagkilala sa akin, bumabalik sa isip ko na mali ito.
Those thoughts are clouding my mind every damn night and I can’t stop myself.
“Lady Loren,” pagtawag ni Trisha, humahangos sa akin.
“Magkakaroon po ng pagpaparusa sa araw na ito. Nais niyo po bang masaksihan iyon?” aniya, hinihingal pa.
Nagsalubong ang aking kilay nang marinig ang kaniyang tinuran.
“Si Mr. Jarvis…” bulong ko nang maalala na sa kaniya nakapatong ang kapangyarihan na iyon.
“Sino ang kaniyang parurusahan?” tanong ko.
“Isa po siyang Lycan na nahuli nila. Lumusob sa ating lungsod. Si Lord Magus po ang magpaparusa,” aniya pa.
Napatayo ako dahil doon. Si Magus? Bakit siya?
“Samahan mo ako, Trisha. Nais kong makita,” pahayag ko.
Magkasabay naming tinahak ang hagdan pababa. Kapwa kami nagmamadali.
“Marami ba ang manonood?” tanong ko sa kabila ng paghingal.
Umiling naman si Trisha.
“Kapag ganito po, hindi po inilalahad sa publiko dahil maaring magbigay takot sa kanila. Sa pagkakaalam ko po ay hindi lamang isang Rouge ang Lycan na iyon. Isa po iyon sa may mataas na posisyon sa kanilang pack,” sagot niya.
Pigil hininga ako nang buksan ng gwardiya ang pinto at sumalubong agad sa akin ang naghihinagpis na daing ng isang boses. Sa gitna ng madilim na silid na iyon, nakatali sa isang kadena ang lalaking may kahabaan ang buhok. Puno ng dugo ang kaniyang katawan at naglalabasan ang ugat dahil sa pagsigaw niya.
Tumutulo ang pawis sa kaniyang mukha na humahalo sa dugong lumalabas sa mga sugat na gawa ng latigo. Sa bawat pagtama noon sa kaniya ay umuusok ang kaniyang balat. Magus. Ganitong-ganito rin noong siya ay aking makita. Mas malala nga lamang ito. Kay sakit sa paningin lalo pa at madadama ko sa bawat niyang pagsigaw ang hapdi na kaniyang tinatamasa.
Lumagitik ang latigo sa kaniyang katawan. Mula sa lalaki ay naglandas ang mata ko sa humahawak ng latigo. Dalawang latigo na sadyang nagsasalitan sa pagpapasakit sa lalaking kaunti na lamang ay mawawalan na ng buhay.
Isa pang galit na paghapyaw ng latigo at halos panawan ng ulirat ang lalaki. Tinignan ko ang gumawa noon. Ang High Reeves na hindi ko man lang kakikitaan ng konsensya sa kaniyang mata bagkus ay tuwa dahil sa nakikitang paghihirap ng lalaki.
Dumako ang tingin ko sa isa pa at nakita si Magus na walang emosyonb ang mukha bagkus ay ang nakatatakot na mata niyang sadyang nangangalit. Umiigting ang kaniyang panga at mahigpit ang kapit sa latigo.
Ang Magus sa harapan ko ay ibang-iba sa Magus na nakakasama ko sa ilang araw. Hindi siya iyong may maliit na ngiti na nakapaskil sa labi. Nawala iyong lalaking pala-palagi kong naiisip kung bakit ganoon na lamang kagaan ang emosyon sa mukha sa tuwi-tuwinang makikita ko siya.
“Let’s kill him,” nage-echo ang boses ng High Reeves ng sabihin iyon. Nag-angat siya ng tingin kay Magus na diretso ang galit na mga mata sa lalaki.
Hindi siya binigyan ni Magus ng kasagutan bagkus ay muling inihataw ang latigo sa lalaki na dahilan ng muling pagdaing nito sa sakit. Napapikit ako ng bumaon iyon sa laman ng lalaki sa tiyan na dahilan ng pagtalsik ng dugo. Pikit-mata ako dahil doon at halos higitin ang hininga.
Nanginig ang aking mga tuhod dahil sa nasaksihan.
“Magus…” bulong ko habang nakapikit at hindi na kayang muli pang saksihan ang pagpapasakit sa lalaki.
Nawala ng hiyaw ng lalaki, miski na rin ang paghampas ng latigo sa hangin. Tumahimik ang silid na iyon at tanging mararahas at mahinang daing ng lalaki ang aking naririnig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at takot pa na baka sa pagdilat ko ay muling humampas ang latigo ngunit hindi na ang lalaking pinarurusahan ang sumalubong sa akin kundi ang walang emosyong mukha ni Magus.
“What are you doing here?” tanong niya, malamig ang boses.
Ganitong-ganito ang kaniyang boses at ekspresyon sa mukha kapag ang kaniyang kausap ay ang mga kasambahay, gwardiya, ang High Reeves at ang konseho subalit hindi sa akin. Ngayon pa lamang ito. Ngayon ko pa lamang narinig na gamitin niya sa akin ang boses na tunog isang Pinuno at hindi isang asawa.
Tumagos ang tingin niya sa akin at napunta iyon sa gwardiya sa aking likuran.
“Take her to her room. Don’t let her leave until I’m done here,” he said. With his voice that is dripping with authority, coldness and madness, I shivered and felt fear.
Someone hold my hand from behind.
“Lady Loren, u-umalis nap o t-tayo…”
Dinig ko ang takot sa boses ni Trisha na halatang may halong pagsisisi.
Matapos ang paghawak sa akin ni Trisha ay dalawang kamay naman ang humawak sa aking braso.
“Masusunod, Lord Magus,” magkasabay na sambit ng dalawang gwardiya.
Mabilis akong umiling at nagpumiglas.
“A-ayoko. Hindi ako aalis,” matigas kong sambit, ang mata ay diretso ang tingin kay Magus.
Lalong dumilim ang kaniyang mata gayunrin ang ekspresyon sa mukha.
“You better go with them, Miss. Defying my word is a crime,” pahayag niya at ang boses ay sinlamig pa rin ng yelo.
Is this Magus or he has a twin? Hindi ito siya. Hindi ito ang katabi kong natutulog sa gabi.
Lumagitik muli ang latigo sa kaniyang likuran, sa High Reeves nagmula iyon at ang lalaki na tahimik na ay muling humiyaw dahil sa biglaang sakit.
“Huwag! Tigilan niyo na iyan,” naibulalas ko.
Nadadala ako ng emosyon at sadyang nasasaktan sa nakikita. Hindi kailanman ako nakasaksi ng ganito kabrutal na pangyayari at parang hindi maalis sa isip ko ang mga sugat sa kaniyang katawan na umuusok pa at ang dugong nagkalat sa malamig na sahig ng silid na ito. Tanging dalawang lampara ang ilaw.
Tumalikod sa akin si Magus. Tumulo ang luha sa aking mata nang isa na namang hagupit ang pinakawalan niya na nanunuyang sinundan ng High Reeves. Umalpas ang hikbi sa aking labi nang makitang lumupaypay na ang katawan ng lalaki at nawalan na iyon ng malay.
“Stop,” tanging bulong ko.
Lumingon sa akin si Magus ngunit ang mata ko ay nakatuon sa lalaking kaawa-awa sa may gitna.
“Get her out of this room,” dumagundong ang boses ni Magus nang sabihin iyon.
Dahil wala na akong lakas na pumiglas ay nakasunod lamang ako sa pag-akay sa akin ng dalawang gwardiya at si Trisha ay nakasunod sa akin at nag-aalalang tinatawag ang aking pangalan sa aking likuran. Gusto ko man bigyan iyon ng atensyon, ang isip ko ay napupuno ng nasaksihan ko ngayon lamang. Umuulit-ulit sa aking isipan ang bawat paghampas ng latigo sa kaniyang katawan at nage-echo sa pandinig ko ang mga hiyaw niya.
“Lady Loren?”
Bawat hiyaw, bawat paglatay ng latigo sa likod at harapang bahagi ng kaniyang katawan ay nararamdaman ko ang sakit. Parang ako ang nakatatanggap ng lahat ng iyon.
“Lady Loren, sumagot po kayo.”
Tinakpan ko ang aking tenga upang hindi na marinig ang kaniyang mga sigaw ngunit lalo lamang iyong lumalakas. Mariin kong ipinikit ang aking mata subalit nakikita ko pa rin ang pagtama ng latigo sa laman noong lalaki, ang katawan niyang sugatan, ang paliligo niya sa sarili niyang dugo.
“Tama na,” bulong ko, ang boses ay nakikiusap.
“Pakiusap tama na.”
Sa kabila ng paghihirap ko sa paghinga ay pinilit kong sabihin iyon subalit sa halip na maglaho ang imahe ng senaryong iyon, napalitan lamang. Hindi na ang lalaki ang nakatali ngayon kundi ako. Suot ang sira-sirang damit, magulo ang buhok at basa ng luha ang mata. Nakaluhod sa sahig habang ang dalawang kamay ay nakaangat sa ere dahil sa kadena.
Lumipad sa ere ang latigo at bago pa man ako tamaan ay nauna na akong sumigaw. Nagmamakaawa subalit sunod-sunod na pagtama ng latigo ang natanggap ko.
“Huwag! Parang awa niyo na,” sinasambit ko ang mga katagang iyon upang patigilin ang kung sino mang may hawak ng latigo na hindi ko nakikita.
Hinihiling ko na marinig niya ako, nila ngunit hindi sila tumitigil sa paghampas ng latigo sa kaawa-awa kong katawan. Tumutulo ang luha, humihiyaw ako roon sa gitna ng madilim na silid at tumatalsik ang dugo sa bawat pagwasiwas ng latigo sa hangin.
“Lady Loren, hold on. The Lord’s coming.”
Lalong lumakas ang paghiyaw ko roon, lalong dumami ang latigo na nagsasalitan sa pagpapahirap sa katawan ko na sugatan at duguan. Unti-unting nagpapalit ang anyo ng aking tinitignan. Ilang sandali ay ako, ilang sandali ay ang lalaki. Iisa lamang ang dinadanas nila. Hirap at sakit.
“Wife! Stop!”
“Please, stop. T-tama na po,” pagmamakaawa ko.
“Pakawalan niyo na siya…”
“What’s happening to her?”
Suminghap ako at muling nakiusap.
“P-pakawalan niyo na ako,” nanghihinang sambit ko.
Sinubukan ko na manatiling gising. Sinubukan ko na tulungan sila ngunit unti-unti silang naglalaho hanggang sa ako na lamang ang natira sa madilim na lugar na iyon.
Isinisigaw ko ang pangalan ko ngunit iba ang salitang naririnig ko na lumalabas sa aking bibig.
“Help! Somebody, please help!”
Nagising akong hinihingal at nanginginig ang katawan. Mabilis akong bumangon at sinino ang paligid. Madilim at tanging ilaw ay ang dalawang lampara at ang liwanag ng buwan na tumatanglaw sa kalahati ng silid.
Humigpit ang hawak ko sa nakabalot na tela sa aking katawan. Nabibingi ako sa katahimikan. Sa sobrang tahimik ng paligid ay muling bumabalik sa aking pandinig ang nakapanhihiklabot na sigaw ko at noong lalaki. Pino subalit maliksi akong kumilos, bumaba mula sa kama at nagtungo sa gilid noon at doon umupo. Dahil nahahagingan ng kama ay siguradong walang makakakita sa akin.
Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at dalawang magkasunod na yabag ng paa papalapit sa kamang pinagtataguan ko. Lalo kong isiniksik ang aking katawan sa gilid ng kama at ibinaba pa ang ulo.
“Where is she?” dumagundong ang boses na iyon sa apat na sulok ng silid na sinundan ng singhap na sa tingin ko ay nagmumula sa isang babae.
“Narito lamang po siya kanina,” dinig kong saad ng babae.
Pumikit ako ng mariin at pinilit na huwag sumigaw kahit pa abot-abot na ang kabog ng aking dibdib.
Pamilyar sa akin ang mga boses nila subalit hindi ko matandaan kung sino sila.
“Wife,” lumamyos ang boses ng lalaki at sa pandinig ko ay malapit lang siya sa akin.
‘Huwag kang didilat,’ paulit-ulit kong sinasambit sa aking isipan,
Pinakiramdaman ko ang paligid at sadyang naging tahimik. Lalong kumabog ang dibdib ko. Bakit ganoon? Umalis na ba sila? Mistulang didilat ako nang biglang may kamay na humawak sa aking balikat.
Nagsisigaw ako at nagpumiglas kahit pa ramdam ko na malakas ang nagmamay-ari ng mga kamay na iyon.
“Pakawalan ninyo ako!” hiyaw ko at sinubukan na itulak ang kaniyang katawan. Pula ang tingin ko sa paligid. Dugo, dugo ang kulay na nakikita ko. Lalong nanginig ang aking katawan.
“Wife, calm down,” aniya subalit hindi ko na iyon naiintindihan. Ang tanging alam ko lang ay kailangan ko na makaalis sa kaniyang pagkakahawak.
Kita ko man ang paghihirap sa kaniyang mata, miski na sa dalagang kasama niya ay iisa lang ang sumasaksak sa isip ko. Takbo, Caith. Tumakbo ka dahil kung hindi, ang panaginip mo ay magiging totoo. Marahil sila ang mga taong humahampas sa iyo ng latigo.
“Pakawalan niyo ako! Bitiwan mo ako!” hiyaw ko at pinilit na makaalis kahit pa kinabig na noong lalaki at ikinulong sa kaniyang bisig.
“Calm down, wife. Calm the fvck down,” bulong niya sa aking tenga, nakikiusap ang boses.
“I’m sorry, I’m sorry…”
Kumislot ako nang makarinig ng boses sa aking isipan.
“I won’t do it again. I’ll let him go.” Muli ay narinig ko.
Ang pagpupumiglas ko kanina ay unti-unting humupa. Nawawalan ako ng lakas at tanging humahagulgol na lamang. Bumabalik sa normal na kulay ang aking tingin at ang pagdaloy ng hangin sa aking dibdib ay unti-unting bumalik sa normal.
“I’m sorry. I promise not to do it again,” sa bibig mismo niya nanggaling iyon. Gumalaw ang kaniyang labi na nakahalik sa aking sintido. Humigpit ang kapit ko sa kaniyang damit.
“Lady Loren,” pagtawag ng isang boses ng dalaga na nasundan pa ng ilang pagsigok.
Iyon ang huling salitang narinig ko bago tuluyang bumigay ang aking katawan at nawalan ng malay.