Kabanata 29

2041 Words
Nagising ako sa gitna ng gabi na nakakulong sa kaniyang braso. Tumatama ang aking hininga sa kaniyang dibdib at naghahatid init sa akin ang kaniyang katawan. Pinakiramdaman ko ang paligid. Madilim na sa loob ng silid at napansin ko na ang tumatagos na sinag ng buwan mula sa binta patungo sa veranda. Normal ang aking paghinga, payapa ang aking pakiramdam.   Marahan akong kumilos at binago ang aking posisyon. Agad niyang naramdaman ang ginawa kong pagkilos. Bumangon siya at agad akong binalingan. Hindi man lamang halatang naistorbo siya sa pagtulog dahil hindi pumupungas-pungas ang kaniyang mga mata.    “Do you need anything?” aniya, garalgal pa ang boses. Natatanglawan ng mapanglaw na ilaw ang kaniyang mukha. The expression on his face is soft and mild. He does not look like a scary person even if he's features are always sharp.  "Are you hungry?" muli ay tanong niya. Nakasunod ang aking tingin sa bawat paggalaw ng kaniyang labi.   Nagtama ang aming paningin at ako ang naunang umiwas. Umiling ako at lumunok. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga na parang nahihirapan siya sa nakikita. Umusog ako palayo sa kaniya. Kanina, oo, komportable ako kahit pa magkalapit ng sobra ang aming katawan ngunit ngayon na siya ay may malay na, hindi na ganoon. Malinaw na malinaw sa aking alaala ang kaniyang itsura habang hinahagupit ng walang humpay ang lalaking kanilang nahuli. Hindi mabura sa isip ko ang nasaksihan at ipinagpapasalamat ko na hindi ko na naririnig ang boses noong lalaki.   Sinubukan niyang abutin ang aking pisngi ngunit iniwas ko agad ang aking mukha. Muli ay bumuntong-hininga siya. “You’re still mad…” saad niya.   Hindi ako sumagot. Namayani ang katahimikan sa silid. Dahil hindi ako mapakali sapagkat ramdam ko pa rin ang kaniyang tigtig sa akin ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka naglakad patungo sa veranda. Hindi na ako nagtangka pa na magsuot ng sapaton sa paa at basta na lamang naglakad. Nanunuot sa aking kalamnan ang lamig na dulot ng marmol na sahig, Sa pagbukas ko pa lamang sa pinto ng veranda ay sinalubong na ako ng malamig na hangin. Lalong nagtayuan ang aking mga balahibo dahil hindi kayang proteksyunan ng aking kasuotan ang aking katawan. Preskong-presko ang hangin; nakagagaan sa dibdib ang malanghap iyon at parang noon lamang ako nakahinga ng maluwag. Ganito noon sa aming Nayon. Ganito kalamig lalo na sa pagsapit ng buwan ng sityembre, tipong magpapasko. Nakaka-miss ang aming lugar at ang panahon na iyon. Kamusta na sila? Kamusta na ang Inay? Parang may kumurot sa dibdib ko nang maalala ang aking Ina na mag-isang lumalaban sa sakit niya.  Makababalik din ako, Inay. Pigil-luha ako nang sambitin sa isip ko iyon.   Tumingala ako at ninais na masulyapan ang mga bituin sa langit subalit buwan lamang ang sumalubong sa akin. Ang buwan ay nag-iisang tanglaw sa madilim na gabi. Umihip ang malakas na hangin. Sinubukan kong yakapin ang aking katawan upang kahit paano ay mapawi ang ginaw subalit naunahan na ako ng mga brasong nagkulong sa aking maliit at payat na katawan. Natigil ako sa paggalaw at nahigit ko ang aking hininga. Nagsimulang tumambol sa kaba ang aking dibdib. Muli akong nakararamdam ng takot.   “I won’t hurt you,” he whispered through my ear. He is trying to calm me down.    He planted kisses on my forehead.    “I’m sorry for that,” siya na sa isip ko muling nagsalita; halos mapatalon ako roon.   "I am regretting that,"  pagsasalita niya muli sa isip ko. Hindi ako natinag at alerto pa rin ang katawan sa maari niyang gawin. Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Siya na malumanay ang paghinga at ako na hindi gumagalaw man lamang at nakatanaw sa patay na siyudad. Pinagsalikop niya ang aming kamay, bumagsak ang tingin ko roon. Sa halip na kamay ko ang makitang hawak niya, latigo ako nakikita ko roon. Nangangalit ang ugat sa kaniyang braso. Napapitlag ako sa muli niyang paggalaw at sa tingin ko ay napansin niya iyon.   “That won't happen again. I won't do that to you no matter what” muli ay pahayag niya sa mababang boses subalit hindi ko iyon nauunawaan.   Lumunok ako at kinagat ang aking labi. Nangangati ang aking dila at nais na itanong sa kaniya kung nasaan ang lalaking iyon. Kung ito ba ay patay na.   “He’s fine. I made sure he is fine,” he murmured.   That caught my attention. Sinubukan ko na makawala sa kaniyang bisig at saka dahan-dahan siyang hinarap. Naiilap pa ako na tumingin sa kaniya dahil natatakot ako na baka hindi isang kalmadong ekspresyon ang aking makita kundi ang walang emosyon niyang mukha.   “Bakit hindi mo na lang siya pinatay?” mahina subalit malamig ang boses kong tanong.   “Dapat ay pinatay mo na lang siya kaysa pahirapan,” dagdag ko pa.  Kung ako ang malalagay sa ganoong sitwasyon ay magmamakaawa pa akong patayin na lamang kaysa damhin ang pahirap na ibinibigay nila. Sasapitin ko rin iyon dahil sa una pa lang ay malaki na ang aking kasalanan.    Umatras ako upang lalong makalayo sa kaniya. Unti-unti akong nag-angat ng tingin subalit alerto sakali mang makita ko muli ang galit sa kaniyang mukha ngunit hindi iyon ang aking nakita. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha at sa mata ay makikita ang pagsisisi. Bakit? Hindi ito ang inaasahan ko. Ang nais kong makita ay ang ekspresyon niya noong nilalatigo niya ang walang laban na lalaki. Nais kong iyon ang masaksihan ng sa gayon ay makaramdam ako ng galit sa kaniya.   Hindi naalis sa akin ang kaniyang mata at nakasunod sa bawat kong kilos. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi iyon kayang tagalan.   “I don’t want you to hate me more.”   Umalpas ang mahinang salita na iyon sa labi niya na sa tingin ko ay hindi maririnig ng kung sino maliban sa akin.   Bumuntong-hininga ako. Hindi niya nais na madagdagan ang aking galit? Subalit hindi galit ang nararamdaman ko sa kaniya. Mas malala yata roon.    “H-hindi ako galit sa iyo…” sambit ko.   “Hindi galit kundi... t-takot,” mahina at nauutal kong sambit. Humugot ako ng malalim na hininga.   “Takot ako dahil nakikita ko ang aking sarili sa kaniyang kalagayan,” pagtatapos ko sa aking sinasabi.   Humakbang siya palapit sa akin ngunit mabilis akong lumayo na ikinabagsak ng balikat niya.   “Napapaisip ako kung ang lalaking kaharap ko ba ngayon ay siya ring lalaki na nakaharap ko sa silid na iyon.”   Narinig ko ang pagbuga niya ng ilang sunod na paghinga.   “That man is also me. That is the side of me my conquest always see and that is the image I built as a leader of this Clan.”   Humabang muli siya palapit sa akin ngunit ngayon ay wala na akong maaatrasan. Nasukol niya ang aking katawan at hinawakan ang aking kamay.   “You want to see him? I’ll let you see him. I’ll let you free him if that’s the only way you can forgive me.” Ang mga huling salitang sinabi niya ay naging mahina na hindi ko na marinig.   “Sana ay hindi mo na siya pinahirapan at diretso na lamang pinatay. Hindi n asana niya kailangan danasin ang hirap na iyon,” saad ko ngunit sa sarili ko iyon sinasambit.   “Hindi na sana siya naghirap,” muli ay sambit ko.   Naramdaman ko ang pagdausdos ng kaniyang kamay sa akin at bahagyang paghila niya.   “I’ll let you see him,” aniya.   Nang mag-angat ako ng tingin ay nakikiusap ang kaniyang mata at wala akong nagawa kundi ang tumango. Sa kalagitnaan ng gabi, kapwa kaming dalawa nagtungo sa piitin sa ilalim na bahagi ng kastilyo.   Bawat yabag ng paa namin at aming hininga ay maririnig. Sa paligid ay nakatanglaw sa amin ang ilang mga bungo ng hayop at mga ilaw. Nadaanan namin ang ilang mga seldang walang laman. Inaasahan ko na nasa pinakadulong selda ang lalaki nakalagay subalit sumuot pa muli kami sa isa pang pasilyo hanggang sa marating ang kaisa-isang pinto roon.   Huminto siya kaya naman ganoon din ang aking ginawa. Mahigpit ang naging kapit ko sa kaniyang kamay. Isang matulis na buto ng isang hayop ang isinuksok niya sa nag-iisang butas na makikita sa pinto at ilang sandali pa ay kusa iyong bumukas. Nakarinig ako ng ingay ng makina sa loob noon.   Sa tuluyang pagbukas noon tumambad sa akin ang medyo maliwanag na silid. Naglalaman ng iba’t-ibang koleksyon ng mga bungo. Lalo akong nangilabot.   “Safiro,” dumagundong ang boses ni Magus nang siya ay magsalita.   Walang lumilitaw na tao o kung sino man ang kaniyang tinatawag.   “Safiro,” pag-uulit niya.   Nakarinig ako ng daing at kaluskos mula sa aking likuran at agad akong lumingon doon. Naging alerto rin kaagad si Magus. Nauna kong nakita ang isang anino ng bulto ng lalaki.   “Magpakita ka,” malamig na utas ni Magus.   Sinulyupan ko siya at nakitang wala muling kung anong emosyon ang nakabakas sa kaniyang mukha. Lumunok ako at muling binalingan ang anino noong lalaki.   Nakarinig ako ng yabag papalapit kaya naman nahigit ko ang aking hininga. Lumitaw siya mula sa dilim. Napansin ko kaagad na siya ay nakadamit na at hindi na ganoon kadumi ang katawan. Wala ring kadena na nakapulot sa kaniyang magkabilang kamay. Kay Magus agad dumiretso ang kaniyang walang buhay na mata,   “Kailan mo ako balak hatulan ng kamatayan, Alnwick? Huwag ka ng magpatumpik-tumpik dahil maaring bukas ay narito na sila para bawiin ako,” nanunuya ang kaniyang boses.   Napansin ko ang paggalaw ng panga ni Magus, ang pagkangalit ng kaniyang braso.   Bago pa siya makapagsalita at masagot ng kakaiba ang lalaki ay inunahan ko na siya.   “Ayos na ba ang iyong pakiramdam? Nakakain ka na ba?” tanong ko.   Noon lamang ako binalingan ng tingin noong lalaki. Noong una ay nagsalubong ang kaniyang kilay hanggang sa kalaunan ay umangat ang sulok ng kaniyang labi. Lumakad siya palapit at natapat sa liwanag. Kulay kape ang kaniyang mata na kapag tinatamaan ng ilaw ay lalong kumikintab ang kulay noon. Matangos ang kaniyang ilong, malalantik ang pilik-mata at ang buhok ay chocolate brown. May kaputlaan pa ang kaniyang labi at mukha marahil ay dahil sa nawalang dugo sa kaniya.   “Am I being blessed for having this chance to have a sight with the Clan’s wife?” tunog nanunuya niyang sambit.   Narinig ko ang mahinang pag-angal ni Magus subalit hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay.   “Nababawi mo na ba ang iyong lakas?” muli ay tanong ko sa lalaki.   Nagsalubong ang kaniyang kilay. “Masyado kang interesado sa akin, Miss,” natatawa niyang pahayag.   Lumunok ako. Sinuyod ng aking tingin ang kaniyang katawan at nakahinga ng maluwag ng makitang ayos na siya.   Hinarap ko si Magus at bumagsak sa akin ang kaniyang tingin.   “Pakakawalan mo ba siya?” mahinang tanong ko.   Nagtagal ang kaniyang tingin sa akin, para akong nilulunod noon.   “Pakakawalan? Malabong mangyari iyon. Hindi kailanman gagawin iyon ng isang Magus Aln-“    Naputol ang sinasabi ng lalaki ng tumango sa akin si Magus. Tila nabunutan ako ng tinik. Humarap ako sa lalaki at tipid siyang nginitian.   “Makaaalis ka na,” sambit ko.   Lalong nagsalubong ang kaniyang kilay at saka lumipad ang tingin kay Magus na nasa aking likuran.   “Leave,” nag-uutos na sambit ni Magus.   Nagpabalik-balik ang tingin ng lalaki sa akin at kay Magus hanggang sa dumiretso ang tingin niya sa pintuan. Tumango ako.   “Umalis ka na,” sambit ko.   Noong una ay hindi makapaniwala ang lalaki ngunit nang mapansin ang pagiging seryoso namin ay nagmamadali siyang tumakbo paalis. Akmang aakyat siya sa may hagdan pataas ngunit agad ding pinigilan ni Magus.   “If you’ll use that door, the guards will stop you. Use that door,” ani Magus na itinuro ang pinto na nakapaloob sa isang selda. Malamig ang kaniyang boses at dinig ko ang disgusto at ang hindi niya pagsang-ayon sa pagpapakawala sa lalaki.   Hindi iyon nag-aksaya ng panahon at agad na tinungo ang pintuan. Ilang segundo lamang ay kami na lamang ni Magus ang natira roon. Tumikhim ako at ginalaw ang aking kamay.   “We should go back to sleep,” bulong ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD