Kinabukasan ay hindi nga tumigil si Magus sa pakikipag-konekta sa Gobyerno at miski na rin sa kaniyang mga kawal ay kasa-kasama niya palagi upang maglibot. Hindi siya napipirmi sa kastilyo dahil doon at inuusig mabuti ng gobyerno. Sa gabi ko na lamang siya nakikita at halos hindi ko na nakakausap.
Gustuhin ko man siyang tulungan ngunit wala akong magawa dahil hindi niya ako pinapayagan at sinabing hindi ko kailangan mag-alala dahil kahit papaano ay may lead na. Ang sabi kasi noong una ay wala man lamang kahit anong amoy ang mga taong iyon at bakas kung sino ang gumawa. Kung sa isang krimen ay napakalinis nang pagkakagawa noon at hindi nag-iwan ng ebidensya. Hindi naman sila maaring basta na lamang magproklama dahil ayon na rin kay Magus, hindi niya papatawan ng parusa at walang kasalanan.
Isa sa napansin ko sa kaniya ay kung paano niya pinahahalagahan ang kaniyang mga nasasakupan at para sa akin ay isa talaga siyang karapat-dapat na Pinuno.
Hinahangad-hangad ko na sana ay malutas na ang tungkol doon lalo pa at hindi na nagpapaawat ang Gobyerno. Iniisip naman ng iba sa mga kasambahay ay maaring wala sa mga taga-Roshire ang gumawa noon at maaring dinala lamang doon ang bangkay ng mga taong iyon upang gumawa ng sigalot. Napagtanto ko rin na bakit naman sa lantaran iiwanan ng taga-Roshire ang pinatay nila sakaling alam nila na may malaking kaparusahan ang ganoong kasalanan?
“Lady Loren!”
Humahangos si Trisha noong hapon na iyon at bakas ang tuwa sa mukha.
“Lady Loren! Maayos na po! Natagpuan na po ang totoong may sala at tulad ng ating hinila, sila ay hindi taga-lungsod kundi sa iba.”
Napatayo ako noon at halos magdiwang sa narinig ngunit nang maalala ang sinabi ni Magus na ihaharap niya sa akin ang mga iyon ay agad ding nabawi ang saya. Sakaling ihaharap niya ba iyon sa akin ay sa paraan kung paano ko nakita noon ang lalaking lycan? Hindi ko kakayanin.
Iyon agad ang itinanong ko sa kaniya nang dumating ang gabi at nakauwi siya. Bakas ang pagod sa kaniyang mukha. Pinatakan niya ako ng halik sa buhok at saka sinimulan hubarin ang suot na polo.
“How was it?” panimulang tanong ko.
“Everything’s fine now. I have them on the dungeon but I am letting your father to give them the punishment,” aniya.
Suminghap ako at tumango saka nagsalita. “I don’t want to see them.”
Natigilan siya sa pag-aalis ng butones sa kaniyang slack. Nang mag-angat siya ng tingin ay may kung ano sa mata niya. Umiling ako at ngumiti.
“I don’t want to see them. There’s no reason for me to see them,” dagdag ko pa.
Tila nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. Naging payapa sa amin ang mga sumunod na araw. Payapa ako kahit pa nakakaramdam ng kakaiba ang aking katawan. Inaasahan ko na baka dahil lamang iyon sa kakulangan ng tulog o ano dahil hindi naman sumasapat ang isang beses na pag-angkin ni Magus sa akin sa isang gabi. Hindi ko alam kung normal ba o talagang kapag naging bampira, parang mas malakas ang temptasyon lalo na sa akin.
Noong una ay siya ang ganoon sa aming dalawa ngunit habang tumatagal, napapansin ko rin ang pagbabago sa akin na para bang hindi makukumpleto ang magdamag ko nang hindi niya pinaliligaya. Tumataas ang balahibo ko sa simpleng dampi ng balat niya kahit pa wala namang malisya iyon para sa kaniya.
Nasanay ako na ganoon subalit nitong mga sumunod na araw ay may kakaibang panaginip na gumugulo sa akin na dahilan nang pag-usbong ng pagdududa sa akin.
Sa mga unang panaginip ay dalawang tao lamang iyon na sumasaliw sa init ng gabi ngunit habang tumatagal ay lumilinaw ang itsura nila. Si Magus ang nasa panaginip ko at ang babae, kamukhang-kamukha ko ngunit hindi ako. Sigurado akong hindi ako iyon. Nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi at nauuwi sa pagtulala. Nasasaktan ako at parang kinokonsensya na ako sa kasalanan ko pero mas nangingibabaw sa akin ang galit.
Tinatambol ang dibdib ko sa tuwi-tuwina na halos gusto kong isipin na ‘di na iyon panaginip kundi. Subalit hindi naman ganoon ang magiging epekto o pag-aalerto na mararamdaman ko kung sakaling si Magus nga ay nagtataksil. Magiging uhaw na uhaw ako sa dugo at ang parang mapipisil ang aking puso ngunit panaginip lang ang nakikita ko.
Sinubukan ko na tanungin noon si Trisha kung ano ang maaring iparating ng ganoong panaginip ngunit hindi niya ako nabigyang kasagutan. Napapansin ni Magus ang pagiging balisa ko noon ngunit mas tumindi iyon nan gang sarili ko naman ang makita sa panaginip kasama ang High Reeves. Sinusubukan kong sumigaw noon at pigilan ang sarili habang pinapanood ito.
Kung gaano ako kasigurado na hindi ako ang katalik ni Magus sa nauna kong mga panaginip ay ganoon din ako kasigurado na ako naman ang nakikita ko na nakapa-ilalim kay Marocco habang humahalinghing sa bawat niyang pagbayo.
Kung tulala lang ako sa panaginip ko kay Magus ay siya namang pag-iyak ko sa akin. Nagsisikip ang dibdib ko sa isiping nagagawa ko iyon sa panaginip kasama ang ibang lalaki.
“Magus, I’m sorry…” sinasambit ko sa tuwi-tuwinang babangon siya at tatanungin kung ano ang dahilan ng aking pagluha.
“What are you sorry for, wife? You didn’t do anything,” aniya at masuyo akong hahalikan sa labi at igigiya muli sa pagtulog.
Gayunpaman, kapag nawawala siya sa aking tabi ay umuukilkil sa isip ko ang dalawang magkaibang panaginip at iniisip kung ako lamang ba ang nakakakita noon. Ako lamang ba o miski si Magus?
“Trisha, samahan mo ako sa mga babaylan,” sambit ko isang araw.
Naisip ko na maaring kumunsulta ako sa kanila dahil alam kong maaring mabigyan nila ako ng malinaw na sagot.
“Sabihin ninyo sa akin sakali bang ako ay may problema,” nakikiusap kong sambit habang mataman siyang nakatingin sa akin.
Vera, iyon ang pangalan ng isang empress. Siya ang naabutan ko habang ang isa ay wala.
“Sabihin mo sa akin kung ano ang nais na iparating ng mga panaginip na iyon,” pahayag ko.
Kumikinang ang kaniyang mata sa liwanag na dulot ng buwan at kandila na nasa harapan niya.
“Paparating ang isang delubyo sa buhay mo na kahit kailan ay hindi mo matatakasan. Ang katotohanan ay maisisiwalat sa kalahatan at hindi mo iyon kailanman mapipigilan.”
Abot-abot na kilabot ang naramdaman ko dahil sa tinuran ni Vera. Miski nang sumapit ang gabi ay hindi ako nakausap ng matino ni Magus kaya naman sinubukan niyang kuhanin ang pansin ko sa pamamagitan ng pagroromansa sa akin na nauwi lamang sa wala dahil sa kalagitnaan ay hindi siya ang nakikita ko kundi si Marocco.
Itinulak ko siya at halos gulat siya roon sa aking ginawa. Para akong natauhan at balak sana siyang lapitan ngunit naisip na halos nasisiraan na ako ng bait. Tumulo ang luha sa mata ko na agad niyang pinalis at yinakag ako para sa isang yakap. Nakakulong ako sa bisig niya ngunit sa isip ko ay sumasaksak ang alaala ng panaginip kung saan namimilipit ako sa sarap na ipinadarama sa akin ni Marocco.
“I don’t know what’s happening to me, Magus,” pagtatapat ko sa kaniya.
Hinagkan niya ako at binigyan ng isang ngiti.
“Everything will be alright,” aniya at saka ako pinatulog.