Buwan ang nakalipas matapos ang pagsasagawa ng ritwal sa amin ni Magus at masasabi kong wala naman akong naging problema sa mga tao sa paligid ko maliban na lamang sa mga mga panaginip na gumigising sa akin sa kalagitnaan ng gabi. Kung hindi tungkol kay Loren iyon na bumabalik ay tungkol naman kay Magus na napag-alaman na ang katotohanan sa akin. Gayunpaman ay hindi ako nagpapaapekto ng sobra dahil baka tuluyan akong mabalisa.
Sa nagdaang isang buwan ay lalo kong nakumpirma ang nararamdaman ko na tipong alam ko na sa aking sarili na hindi na ako makakaahon pa kung kaya naman ilang beses kong hinanap si Mr. Jarvis upang ipagbigay alam ang tungkol doon. Kahit pa alam kong hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko, bilang nagdala sa akin sa kalagayan na ito ay nais kong malaman niya.
“B-baka hindi na talaga makababalik si L-loren kaya…” utal-utal ang pagkakasabi ko noon at nalilito pa.
“H-handa akong magpanggap habang buhay na siya, Mr. Jarvis.”
Buong tapang kong sinabi iyon at napag-isipan na sa ilang araw na nagdaan kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay ‘di na ako nagdalawang-isip na kausapin siya.
Mataman siyang nakatingin sa akin, walang emosyon na mababasa sa kaniyang mukha. Tila ba siya ay nakikinig lamang o nanonood ng isang walang kwentang palabas.
“S-si Inay… bibisitahin ko siya pero… g-gusto kong manatili rito. Wala na akong mapupuntahan dahil isa na ako sa uri ninyo,” pahayag ko.
Napansin ko ang pagtango niya.
“Every choices has a consequence, Miss De Lesa. I don’t know whether your sister will come back or not but there is one thing I can assure you…” tunog nagbabanta ang boses niya nang sabihin iyon.
“You will face a big consequence for this and so am I. Sana ay kayanan mo iyon,” aniya.
Baon-baon ko ang mga katagang iyon sa isip ko at sa gabi lamang nawawala sa tuwing pinagsasaluhan namin ni Magus ang init ng magdamag.
Habang tumatagal ay lalo akong nagiging dependent sa kaniya at napapanatag ng husto ang loob. Ganoon naman ako nakatatanggap ng masasamang tingin sa High Reeves na si Marocco na hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin nabibigyang lunas ang tungkol sa nakaraan nila ni Loren.
Loren… halos makalimutan ko na ang pangalan ko at miski ang buo kong pagkatao. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong makakaya kong tanggapin na habang buhay akong magiging siya dahil lamang kay Magus. Ganoon siguro marahil ang pag-ibig, bulag… tanga.
“Lady Loren, napapansin po namin ang pamumula ng inyong balat,” puna ni Trisha sa akin kasama ang ilan pang kasambahay na naging pirmi na sa paninilbihan sa akin.
“Namumula po kayo at mas kumikintab ang kutis kumpara sa mga nakaraang buwan,” tonong nahihiya ang pagkakasabi ni Riza noon, isa sa mga pinakabatang taga-sunod na pinili kong magsilbi sa akin.
Sinipat ko ang aking sarili sa salamin at napansin ang kanilang tinutukoy.
“Maari ay dahil hindi ako gaanong namo-mroblema ngayon,” naaaliw kong tugon.
Totoo ang kanilang sinasabi at halos magkulay balat-tao na muli ako. Namumula at mas may buhay. Buhay na buhay ang mga dugo at ugat. Napansin ko ang pagtutulakan nila at pagsesenyasan.
“May problema ba?” mahinahong tanong ko.
Nagkatinginan sila at umiling sa akin.
“W-wala naman po, Lady Loren p-pero ‘di ba po ang sabi ng mga manggagamot na isa sa senyales na ang isang bampira ay buntis…” kinagat ni Rizel ang kaniyang labi; kapatid ni Riza.
“Isa po sa senyales ng buntis ay ang ipinakikita ng inyong kutis,” si Trisha ang nagtuloy noon.
Napamaang ako at bumagsak muli ang tingin sa braso. Umiling ako. Sa pagkakatanda ko ay may ginagamit si Magus na proteksyon. Isang likido na pareho naming iniinom matapos ang pagsasanib ng aming katawan. Binasa ko iyon sa isang libro at kinumpirma na iyon ang paraan ng mga bampira upang proteksyunan ang kanilang sarili laban sa pagkabuntis.
“Malabo iyon. Pero huwag kayong mag-alala. Kayo ang unang makaaalam sakaling ganoon nga,” sambit ko na lamang upang patayin ang usapan na iyon.
Nang hapon din na iyon ay nagtungo ako sa opisina ni Magus kung saan palagian ko siyang natatagpuan ngunit ngayon ay wala siya roon. Isang tahimik na silid ang naabutan ko kaya naman agad ding tumalikod. Halos mapatalon ako sa gulat ng tumambad sa aking harapan ang High Reeves na matamang nakatingin sa akin habang puno ng galit ang kaniyang mata. Napaatras agad ako.
Umangat ang dulo ng kaniyang labi.
“Why are you so scared of me, Loren?” magaan ang boses niya ngunit mas nakakatakot naman sa pandinig ko.
Sa tuwi-tuwina na makikita ko siya isa lamang ang nararamdaman ko. Panganib.
“I’m looking for Magus, not you,” kunwang matapang kong sambit at akmang lalagpasan siya ng pigilan niya ako gamit ang paghawak sa aking braso.
“Loren will never show such emotion. You have changed so much that I almost think you are somebody…” naputol ang sinasabi niya ng iwasiwas ko ang kamay ko upang makaalis sa pagkakahawak niya.
Masama ng tingin na ipinukol ko sa kaniya na dahilan ng pagsasalubong ng kaniyang kilay.
“Stop peaking at my business, Marocco. You don’t care whether I changed or not. It’s none of your business!” asik ko at saka siya tinalikuran.
Hindi ko malaman kung bakit napakabilis magbago ng emosyon ko ngunit sa ganitong pagkakataon naman ay naaasahan. Naglaho ang takot at kaba ko kanina at napalitan lang ng inis. Nagmamadali ako na makaalis sa lugar na iyon.
Nang marating ko ang isang silid na hindi ko pa napapasok kailanman ay doon ako nakadama ng hingal. Hindi ko nais na maabutan na naman niya sa pasilyo kaya naman magtatago na muna ako hanggang sa maramdaman kong wala na siya roon.
Nanlalambot akong naglakad patungo sa isang upuan sa halos ‘di naman natutulugang silid. Sa dami ng silid sa kastilyong ito, pang-apat pa lamang ito sa napapasok ko dahil hindi naman ako ganoon kagala.
Napansin ko ang kaibahan ng silid na ito sa amin. Mas mukhang pang-bata at kahit ‘di naman ginagamit ay parang napakarami pa ring mga bagong kagamitan. Nagtungo ako agad sa may walk in closet at bumungad sa akin ang maraming kagamitan, halos lahat ay panlalaki ngunit tila edad nasa limang taong gulang ang magsusuot. Para kanino ang mga ito?
Nawili ako sa katitingin sa mga iyon na ‘di ko namalayan ang oras at nang maisipan na lisanin ang silid ay madilim na ang paligid kumpara ng lisanin ko ang aking silid.
Nang makapasok ako roon ay sumalubong sa akin si Magus na walang emosyon ang mukha at salubong naman ang kilay.
“K-kanina ka pa ba?” tanong ko.
Matagal siyang nakatingin sa akin bago siya sumagot.
“I just got here. I was out for hours and visited the council for some reason,” aniya, malamig ang boses.
Nahimigan ko kaagad ang kawalan niya sa mood kaya naman maingat ako na nagtungo sa kaniya. Masuyo kong hinaplos ang kaniyang buhok. Dahil nakaupo siya at ako ay nakatayo, mas mataas ako sa kaniya kaya nagagawa ko iyon.
“May problema ba?” mahinahong tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya naman sinipat ko ang kaniyang mukha. Napansin ko na galit ang kaniyang mga mata at nang umupoa ko para mapantayan iyon ay nag-iwas siya ng tingin.
Nakaramdam ako ng pagkabalisa. Hindi ko alam kung bakit unti-unti akong kinabahan sa ikinikilos niya gayunpaman ay ‘di koi yon pinuna.
“M-mukhang pagod ka,” pinigilan ko na manginig ang boses ko kahit kumakabog ang dibdib ko.
“Magpahinga ka na,” mahinang sambit ko at lumikha pa ng pekeng ngiti.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ganito ako. Sa tuwi-tuwina na makikita si Magus na nag-iisip o ‘di kaya ay tila may problema, sumasaksak sa utak ko na baka ang gumugulo sa kaniyang isip ay ang tungkol sa akin. Natatakot ako na baka ganoon ang inaasta niya ay maaring nalaman na niya ang tungkol sa akin.
“Ah… magpapalit lang ako ng aking kasuotan,” maingat ang pagkakasabi noon at ‘di na gustong makadagdag pa sa kung ano mang nararamdaman niya.
Akmang tatayo ako ng pigilan niya ako sa parehas na kamay kung saan ako pinigilan kanina ni Marocco. Bumaba ang tingin ko sa mahigpit niyang pagkakapit sa akin bago nag-angat uli ng tingin sa kaniya.
Napansin ko ang lalong pagdidilim ng kaniyang mata kaya lalo akong kinabahan.
“M-magus…” pagtawag ko sa kaniya.
“M-may problema ka b-ba?” kinakabahan kong tanong. Kung kanina ay nagagawa ko pa iyong itago, ngayon ay hindi na.
“Why do you smell like him?” mahina ngunit madiin ang pagkakasabi niya noon.
Nangunot ang noo ko sa ‘di inaasahan niyang tanong.
“You went to see him?” tanong niya uli.
Kumabog na ang dibdib ko, mas malakas kanina. Is he trying to say that I went to see Marocco? Hindi kaya ang dahilan ng galit niya ay ang kaalamang nagkakaroon ako ng relasyon sa High Reeves niya?
Mabilis akong umiling hindi para sumagot sa kaniya kundi upang sagutin ang sarili ko.
Nagpakawala siya marahas na buntong-hininga na siyang nagpabalik sa akin sa wisyo.
“H-hindi. H-hinanap kita kanina t-tapos siya ang naabutan ko. W-wala akong ginawang ib-“ hindi ko natapos ang sasabihin ko nang kabigin niya.
Galit ang halik niya na unti-unti ay naging masuyo. Kumuyom ang kamao ko at ‘di pa rin nawawala sa isipan ang pagdududa na sumaksak sa utak ko. Nang binawi niya ang labi sa akin ay nakatitig pa rin siya sa akin.
“Mababaliw ako sakaling mangyari iyon,” aniya sa mahinang boses na para bang sa sarili niya iyon sinasabi.
Sumapit ang gabi at naroon siya sa veranda habang ako ay nasa kama ngunit nakatanaw sa kaniya. Wala siyang suot pang-itaas at sa kamay ay may hawak-hawak na kopita ng alak. Mag-iisang oras na siya roon at nagpaalam na magpapahangin lamang. Dahil may sarili akong isipin ay pinili kong hayaan siya na mapag-isa, ganoon din ako.
Napakaraming gumugulo sa isip ko. Hindi ako sigurado kung ano ang problema niya sa akin. Minsan ay nakikita ko siyang sa akin nakatingin ngunit mukhang wala sa akin ang iniisip niya.
Bumuntong-hininga ako at saka pinilit ipikit ang mata. Maya-maya lamang ay lumundo na ang kama at sumuot ang kamay niya sa aking baywang.
“I’m sorry if I doubted you,” sambit niya sa mababang boses.
Parang sumikip ang dibdib ko ng marinig ang boses niya. Humugot ako ng hangin at saka nagpasya na harapin siya. Pinilit kong salubungin ang kaniyang mata.
“I won’t do such thing, Magus. I will never do things that will surely hurt you.”
I said those words with honesty. Si Magus ang kauna-unahan at kaisa-isang lalaking minahal ko. Sigurado ako na hindi ako gagawa ng bagay na alam kong magdudulot ng sakit sa kaniya. Hindi na kakayanin pa ng konsensya ko na dagdagan ang kasalanan ko sa kaniya bilang nagpapanggap niyang asawa.
“I love you, Magus,” bulong ko bago ko pinatakan ng halik ang kaniyang labi.
Kahit papaano, natapos ang gabing iyon na naayos ang kung ano sa pagitan naming dalawa ni Magus. Pagsapit ng umaga, panibagong problema ang sumalubong sa kaniya.
May mga natagpuang mga bangkay ng tao sa borders ng Roshire na dahilan kung bakit nagpapatawag ng pagpupulong ang Gobyerno ukol doon.
Bakas na bakas sa mukha ni Magus ang galit sa kung sino man ang gumawa noon ngunit kahit na nagpatawag na siya at tinanong kung sino sa kaniyang mga nasasakupan ang gumawa ng karumaldumal na krimen ay wala pa rin siyang nakuhang sagot. Miski nan g ang mga babaylan ang kumilos ay walang bakas na makikita.
Mistulang kauri nila… namin ang may gumawa noon dahil na rin sa mga bakas ng pangil sa kanilang leeg. Mapuputla at wala ng dugo. Hindi niya ako nais na isama noon ngunit ipinagpilitan ko na hangad ko iyong makita. May pag-aalala sa mukha at mata niya habang nakatingin ako sa mga bangkay at ‘di masikmura ang nakita.
Masakit sa akin na makita ang ganitong senaryo pero wala akong magagawa. Hindi ako pwedeng pumalahaw na lamang ng iyak. Sa buong araw na iyon ay balisa ako at ‘di mapakali. Paulit-ulit kong nakikita sa isip ko ang walang buhay na katawan ng pitong tao. Talong babae, isang bata at at tatlong lalaki. Lahat sila ay iisa ang ikinamatay at iyon ay ang pagkaubos ng dugo.
Naramdaman ko ang haplos niya sa aking balikat.
“I’ll do everything to look for the culprit. I promise.”
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang niya kagustong mapatunayan sa akin na mahahanap niya ang mga iyon at ang boses ay tila ba ang makita ko ‘yon ay isang malaking kasalanan.