Kabanata 35

2438 Words
Anong meron? Wala akong kaide-ideya kung bakit todo ayos sila sa akin ngayon at ang kasuotan na nakalantad sa aking harapan ay sadyang magarbo na parang isa akong debutante. Napakarami ng mga palamuti na ikinakabit sa aking buhok at ang make-up ay hindi rin papahuli.   “Trisha, ano bang mayroon?” tanong ko.   Sumulyap siya sa akin at muli ay bumalik sa ginagawa.   “Nariyan po ang dalawa sa pinakamataas sa mga babaylan na nangakong makikipagkasundo sa ating lahi. Magsasawa po ng isang pagsasalo kasama ang iba pang opisyal ng konseho. Kailangan po na nakaayos kayo dahil sa inyo po ang parangal na ito kasama na rin ang dalawang pinakamataas na babaylan,” mahabang paliwanag ni Trisha.   Umawang ang labi ko dahil hindi ko iyon inaasahan.   “Hindi po ba nabanggit sa inyo iyon ni Lord Magus?” pagtatanong niya. Umiling ako agad.   Kanina, nang ako ay magising ay wala na siya sa tabi ko dahil tanghali na rin. Dahil mga bampira sila ay hindi nila kailangan na matulog ng mahaba at tanging pahinga lamang iyon habang ako ay kailangan ang tulog.   “Alam mo ba kung nasaan si Magus? N-nang magising kasi ako kanina ay wala na siya sa silid,” sambit ko na nahihiya pa dahil hindi ako sanay na iproklama sa iba pang naroon na sa iisang silid lamang kami ni Magus nagsasama.   “Sa pagkakaalam ko po ay kasama siya ng High Reeves na ipinasyal sa kabuoan ng  lungsod natin ang dalawang babaylan. Nais po nila na kahit papaano ay muling maging pamilyar ang mga ito sa presensya ng ating uri,” paglilinaw niya.   Nakahinga naman ako nang maluwag. Sa isipan ko kasi ay maaring nagtungo na naman si Magus sa isang lugar at makakaharap muli na insidente. Hindi ko nais na maramdaman ang pangamba. Pasalamat na lamang ako at magaan ang dibdib ko ngayon. Ibig sabihin, kapwa kami nasa payapang sitwasyon.   Oras ang binilang sa umagang iyon hanggang sa ako ay maayusan. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang aking sarili na suot-suot ang victorian gown na kulay pula at ang make-up ko ay bumabagay din doon. Ang maraming alahas na ipinasuot nila sa akin ang hindi ko talaga nagustuhan dahil hindi naman ako mahilig sa ganito.   “Kahit ano pong gawin ninyong sipat sa inyong sarili, maganda pa rin po kayo,” ani ng boses mula sa likuran.   Nang lingunin ko iyon ay nakita ang pinakabata na nag-ayos sa aking buhok kani-kanina lamang. Kami na lamang dalawang natitira rito. Si Trisha kasi ay kinailangan din maghanda dahil sinabi raw ni Magus na miski sila na nagsisilbi sa palasyo ay maaring makisaya. Hindi ko pa nakakalimutan ang saya sa mukha ni Trisha habang ikinu-kuwento iyon. Galak na galak siya sa pahintulot na ibinigay ng kanilang Pinuno at sinabing nais niya iyong sulitin kaya naman hinayaan ko siya.   Binalingan ko ang dalagang kasama ko ngayon sa silid na siyang pumalit kay Trisha.   “Ilang taon ka na?” pagsisimula ko sa usapan.   Ngumiti siya. “Twenty po,” magalang niyang tugon.   Tumango naman ako.   “Kung gayon, hindi ka pa ba maaring sumama sa pagdiriwang mamaya?” tanong ko.   “Hindi po ba isang kalabisan ang makihalo sa matataas na uri na tulad ninyo?” inosente niyang tanong.   Batang-bata pa ang mukha niya, halatang wala pang muwang sa mundo.   “Hindi iyon kalabisan. Kung ako sa iyo ay sulitin mo na ito sapagkat maaring hindi na ito maulit pa. Hangga’t mayroong pagkakataon, dapat mong i-grab iyon,” malumanay kong pahayag.   Noong una ay halatang nahihiya siya at ayaw pa akong iwanan subalit dahil sa pagpipilit ko ay wala siyang nagawa.   “Magiging ayos lamang ako kaya huwag kang mag-alala sa akin. Isa pa, maaring patungo na rito si Trisha,” sambit ko.   Naiwan akong mag-isa sa loob ng silid. Namayani ang katahimikan at kahit papaano ay bumalik ang kakomportablehan ko. Ilang oras lamang ang nakalilipas at nakadarama agad ako ng pangungulila sa kaniya. Nababaliw na yata ako dahil parang hindi na nakikinig sa akin ang aking katawan. Sa totoo lang, inakala ko kagabi na sa isang beses na angkinin niya ako ay huhupa ang init sa aking katawan. Na baka dala lang iyon ng epekto ng kagat ngunit nang naulit nang naulit? Kinukuwestiyon ko na ang aking sarili.   Patawad, Inay. Napakaraming pagkakasala na ang aking nagawa hindi lamang sa mata ng Diyos kundi sa aking kapatid na ngayon ay nasa isang kritikal na kondisyon. Habang nahihirapan si Loren ay nagpapakasasa naman ako sa piling ng asawa niya.   Isang katok mula sa pinto at nagpatigil sa napakarami kong isipin. Bumukas iyon at iniluwa si Trisha na simple man ang ayos at suot ay napakaganda. Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kasuotan at napansin na masyado na iyong luma at kung makikihalubilo siya sa karamihan mamaya ay maaring mapuna siya ng ilang mapangmata niyang kauri.   “Trisha, halika sandali,” tawag ko kaagad at nagtungo sa loob ng walk-in-closet.   Sumunod naman siya agad at alerto agad.   “Nais niyo po ba na palitan ang iyong kasuotan?” nanlalaking matang tanong niya nang ako ay magtungo sa mga gowns na naroon.   Umiling ako.   “Ilang oras uli ang gugugulin natin kapag nagkataon,” natatawang pahayag ko.   Sinipat ko ang mga naroon, halatang mga bago pa at ‘di ko pa nasusuot. Pinili ko ang pinaka sa tingin ko ay babagay kay Trisha. Kinuha ko iyon at inalis sa estante bago itinapat sa kaniya. Agad na sumibol ang ngiti sa labi ko nang sa unang kita pa lang ay  bumagay na. Ano pa kaya kapag suot na niya?   “Hala, sige! Magbihis ka na, Trisha. Mas bagay sa iyo iyan,” saad ko at ibinigay sa kaniya ang damit.   Umawang ang labi niya, pabalik-balik ang tingin sa akin at sa damit na hawak niya.   “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? Sige, pumili ka ng gusto mo,” pahayag ko at umalis sa tapat ng mga lagayan ng damit upang mabigyan siya ng full view ngunit sumunod lamang ang tingin niya sa akin.   “B-bakit ninyo po ako binibigyan ng inyong kagamitan? Isa poi tong kalabisan,” aniya na hindi makapaniwala ang tono ng boses.   Ngumiwi ako dahil doon.   “Hindi ba at ikaw na mismo ang nagsabi na nais mong sulitin ang pagkakataon na ito? Bakit hindi mo pa sulitin gamit ang damit na iyan? Sigurado ako na matatalbugan mo ang mga naroon sa pagdiriwang mamaya.”   Napansin ko ang pagbagsak niya ng tingin at ang pagkagat sa kaniyang labi.   “Nakakahiya po pero… s-salamat po, Lady Loren,” aniya at bakas sa boses ang tuwa.   Agad naman akong tumango at saka nagtungo sa likuran niya at tinulak siya patungo sa dressing room doon.   Hinayaan ko siya na magbihis at ako ay nagtungo na sa may bintana kung saan tanaw ko ang mga dumarating. May iilan ng mga sasakyan na nakaparada sa bakuran at naglipana ang iba’t ibang mga lalaking nakasuot ng suit na itim.   Narinig ko sa aking likuran ang yabag ng paa ni Trisha at nang lingunin ko ay agad akong napangiti.   “Napakaganda, Trisha. Naniniwala ka na ba sa akin na babagay sa iyo ang kasuotan na iyan?”   Isang matamis na ngiti at sunod-sunod na tango ang kaniyang isinagot.   “Salamat po at binigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapagsuot ng ganito kagandang kasuotan,” aniya.   Sasagot pa sana ako nang bumukas ang pintuan ng silid ko sa paraang marahas at isang pamilyar na mukha ang aking nakita.   “Well, well… Nice to see you again, Loren,” ani mapanuyang boses ni Katriya.   Siya ang tiyahin ni Magus na nakasagutan ko na noon. Ano naman kaya ang pakay niya ngayon?   “I see your maid is wearing an expensive dress. You gave her that?” tanong niya at nakataas ang kilay na sinipat ng tingin si Trisha na agad nagyuko ng ulo.   “Might as well give me something too if you are really generous,” sambit niya at naglakad palapit sa akin.   Ang masiglang mukha ko kanina ay napalitan ng malamig na ekspresyon.   “There are people who doesn’t deserve even the tiniest act of generosity and you’re one of them, Katriya,” malamig kong tugon.   Agad na nabura ang ngisi sa kaniyang labi at nagsalubong ang kilay tanda ng pagkairita sa naging sagot ko.   “I still didn’t know what did Magus saw in you. You are a one of a hell b***h and you doesn’t deserve any kind of title. As far as I remember, Jarvis pick you up from the mud and you have a blood of a human. How come you can still raise your head in front of a pureblood like me?”   Natigilan ako sa narinig. Kung gayon, issue pala sa kanila ang pagiging kalahating tao kalahating bampira?   “Natigilan ka? Bakit? Nakalimutan mo na ba ang pinanggalingan mo?” muli ay nanunuya ang boses niya.   Kumibot ang labi ko.   “I think you are too pressured because of my presence, Katriya. Is that the reason why you certainly attacking me using that information? Come on, Katriya. You cannot use my past against me. Don’t come barking at my old home. I do not live their anymore. I sold the whole building including the land.”   Isang ngisi ang pinakawalan ko.   “I didn’t know that there will be a lot of you who will try to dethrone me using such acts. If you’re really a pureblood and too proud of it, then you should think as one. That tactics will not bring me down. Using my past…” I smirked at her. “Don’t you think that that’s too low as a pureblood?”   Mistulang puputok ang litid niya sa sobrang pikon sa mga sinabi ko. Nagbabalak pa sana siyang sumagot nang marinig namin pareho ang isang pamilyar na boses.   “Just let them rest for now and get ready for the ceremony later. The gate shall be open from six thirty. Their conquest will be here also to witnessed our unity with the witches.”   Siguradong-sigurado ako na ang boses na iyon ay kay Magus. Kumabog ang dibdib ko dahil sa pagkasabik. Napansin ko naman agad ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Katriya. Mula sa pagiging maangas noon at palaban ay naging maamo at inosente. Nang pumasok si Magus sa silid ay agad niyang nahanap ang mata ko ngunit agad din na nalipat iyon kay Katriya na may ngiting malambing sa akin.   “I hope you are enjoying your stay here with Magus,” aniya na malamyos ang boses animo’y hindi siya dragon umasta kanina.   Humugot ako ng hininga upang pigilan ang sarili at saka ngumiti rin  ng peke.   “I am. Specially that Magus is always here to keep me entertain. I truly am,” malambing ko ring sagot.   Ang mga yabag ni Magus ang naging indikasyon niya upang harapin ito at kunwari ay noon lamang nalaman na naroon na siya.   “Lord Magus. I am happy to see you again,” ani Katriya na lumapit pa rito at binigyan si Magus nang malawak na ngiti.   Lumipat sa akin ang tingin ni Magus at salubong ang kilay na pinagmasdan ako, marahil ay iniisip kung may ginawa ba sa akin ang tiyahin niya.   Umiling ako agad at tila nakahinga siya ng maluwag. Binalingan niya si Katriya at saka kinausap ito habang malamig ang ekspresyon sa mukha.   “Please leave us alone. My wife and I have something to discuss,” aniya.   Sa mabibilang na salita na iyon ay nagawa niyang pasunurin si Katriya miski na si Trisha. Nagtagal nga lamang ang tingin niya kay Trisha dahil sa kasuotan nito.   “Ibinigay ko sa kaniya iyon,” paliwanag ko na tango ang isinagot niya.   Tinawid niya ang aming pagitan habang ako ay nakatingin lamang sa kaniya. Nang isang dipa na lamang ang layo niya sa akin ay huminto siya.   “Did Katriya did something to you nor said anything harsh?” seryoso niyang tanong.   “She didn’t. She just came here to asked how am I doing,” umiwas ako ng tingin matapos sabihin iyon.   Tumalikod ako at nagtungo na lamang sa sofa.   “Ano nga pala iyong pag-uusapan natin?” pag-iiba ko ng usapan.   Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at ilang yabag bago siya napunta sa upuan  sa tapat ko.   “The witches are coming here to unite with us and they are willing to do the rituals for the mate alarming,” aniya.   Tumango ako. “Mabuti naman at nahanap mo sila,” saad ko.   “They are the one who help me about the curse those witches we encountered gave me. I told them about your preposition and they are willing to give us the assistance.”   Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay na pinagsalikop ko at saka bumuntong-hininga.   “At least, may mababait pa rin na natira,” komento ko.   Narinig ko ang pagtikhim niya kaya naman nag-angat ako ng tingin sa knaiya.   “How’s your sleep?” aniya.   Nangunot ang noo ko tapos ay nag-iwas ng tingin.   “Maayos naman. Sa tingin ko ay may sapat akong lakas na humarap sa pagdiriwang mamaya,” sagot ko.   Tumayo siya kaya naman sumunod ang tingin ko at inakala na mag-aasikaso siya ngunit nagtungo lang siya sa tabi ko. Lumikot ang mata ko at hindi maintindihan kung uusog ba ako palayo o ano.   “Soon, we will be the first to accept the spells from them. Are you really ready for that?”   Nagsalubong ang kilay ko. “Of course! I want that to happen so that we will both know who will commit infidelity.”   Nang sa gayon, hindi kailanman magawa nang High Reeves ang anuman na nais niyang gawin. Sakaling babalik si Loren, sisiguraduhin ko na sasailalim din siya roon. Nais ko pa ba na bumalik siya?   Nawala ako sa iniisip ko nang maramdaman ang palad niya sa aking pisngi na iginigiya iyon paharap sa kaniya. Nagsalubong agad ang aming labi. Hinayaan ko siya, sumasagot ako sa bawat halik ngunit pinipigilan ang sarili na maghangad ng higit pa roon at nagpapasalamat ako na isang katok sa pintuan ang gumambala sa amin.   Siya ang nagtungo upang buksan iyon at nakita ko kaagad ang High Reeves ang naroon.   Mahina ang kanilang mga boses at ilang sandali pa ay tumango si Magus at saka isinara ang pinto.   “I’ll get ready and we’ll go,” aniya at saka nagtungo sa loob ng walk-in-closet kung saan may iilang gamit siya roon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD