Kabanata 34

2110 Words
Bibiling-biling ako sa kama at hindi mapakali. Ang aking kamay ay nakapaloob sa magkabila kong hita at hindi maintindihan kung ano ba ang nararamdaman. Pinagpapawisan ako ng malapot at parang hindi makahinga. Nais kong ibabad ang sarili sa tubig ngunit kahit gawin ko iyon ay wala rin namang nangyayari. Kahapon pa balisa ang aking pakiramdam. Nagkakaroon na ako ng ideya kung ano ito at halos malunod na naman sa maka-mundong pagnanasa kahapon. Mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili na magsarili kahit pa sadyang kay hirap.   “Lady Loren, ayos lamang po ba kayo? Pulang-pula po kayo,” minsang puna sa akin ni Trisha habang ako ay nakaharap sa salamin.   Marahil dahil iyon sa kahihiyan na nararamdaman ko dahil kalalabas ko lamang sa loob ng palikuran at manaka-nakang paligayahin ang sarili. Sumasaksak muli sa aking isipan si Magus at nais na gawin iyon ngunit nauunahan ako ng hiya. Kalabisan ang gawin iyon, Caith. Hindi ka naman ganiyan noon!   “W-wala ito, Trisha. Naiinitan lamang ako,” pagdadahilan ko at yumuko na lamang upang maiiwas ang aking mukha sa kaniyang tingin.   Simula ng maisip ko na baka nahahalata ni Trisha ang aking pagbabago ay minabuti kong sabihin na kung maari ay nais ko na munang mapag-isa. Isang lingo na wala si Magus dito dahil noong gabi na siya ay makauwi, sinabi niya na ang nilalakad niya ay ang tungkol sa mga babaylan na sinabi kong marapat na hanapin. Isa rin sa mga lupon nila ang dahilan ng pagsalakay sa grupo ni Magus noon. Aniya ay mas makabubuti na mahanap nila iyong mga babaylan na hangad lamang ay katahimikan.   “Kung huwag mo na lang kaya ituloy na hanapin sila?” suhestiyon ko dahil sa takot na baka sa susunod ay hindi na siya makabalik.   “I need to. That is your first proposition as the Lady of the Clan. If this won’t be successful, they will surely judge your credibility,” aniya.   Magdadalawang araw na siyang nasa paglalakbay kasama si Mr. Jarvis at ang High Reeves na si Marocco. Kung may magandang balita lamang ay iyon ang pagkawala ni Marocco dito. Kahit papaano, kapag nalalaman ko na hindi ko nilalanghap ang parehas na hangin kasama siya ay nakagiginhawa ako. Iyon nga lang, kapag wala siya ay wala rin si Magus.   Inakala ko noong una na ayos lamang na kahit papaano ay malayo muna sa akin si Magus nang sa gayon ay makapag-isip-isip ako subalit hindi. Matapos ang isang gabi na hindi siya kasiping ay parang nagkakaroon ng problema ang aking katawan. Dulot ito ng sagradong kagat. Iyon agad ang aking naisip; hindi ko inakala na ganito kahirap ang dadanasin ko. Hindi lamang mahirap kundi nakahihiya.   Gusto ko na tanungin si Trisha ukol sa aking nararamdaman ngunit nauunahan ako ng labis na hiya kaya naman hindi ko magawa-gawang tanungin siya. Nagtitiis ako na mamaluktot sa higaan at marin na ikipit ang aking kamay sa gitna ng magkabila kong binti.   Sinusuwata kong mabuti ang aking sarili na mali ang ganito. Am I being a s*x addict? Posible ba iyon? Hindi ko matanggap na halos maiyak ako sa frustrations na nararamdaman.   “Enough, Caith,” sambit ko sabay singhap.   Nakayakap na ako sa binti ko ngayon at tahimik na lumuluha. Hindi ko nais na bumangon dahil baka bumigay lamang ang aking mga tuhod dahil sa labis na panlalambot.   Isang katok sa pintuan ang narinig ko ngunit tanging ungol lang ang aking naisagot. Makalipas ang ilang sandali ay narinig ko ang mahinhin na boses ni Trisha.   “Lady Loren, dinalan ko po kayo ng tsaa,” aniya.   Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako mula sa pintuan.   “Lady Loren?” pagtawag niya.   Sinubukan ko na magsalita subalit pagsinghap lang ang aking nagawa. Gumalaw ako at lalong kumibot ang nasa pagitan ng aking hita na ikinapikit ko.   Sumungaw ang mukha ni Trisha sa aking harapan at nakabalatay sa mukha ang pag-aalala.   “Ayos lamang po ba kayo?” tanong niya at sinipat ang aking katawan.   “Sabihin ninyo po kung may masakit po sa inyo upang agad po akong makapagpatawag ng-“   Hindi ko pinatapos ang kaniyang sasabihin at ibinuka ang bibig.   “A-ang init, Tri…sha,” halos walang marinig na boses sa akin.   Yumuko siya at mas lalong lumapit.   “Po? Ano pong nararamdaman ninyo?”   Pumikit ako ng mariin dahil lalo lang tumitindi ang aking nararamdaman.   “Ang… init,” pagpipilit ko na mas lakasan ang boses.   Suminghap siya roon at saka sinulyapan muli ang aking katawan. Dumapo ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig.   “L-lady Loren…” bumakas ang pag-aalangan sa mukha niya. “Natanggap niyo na ba ang ikalawang kagat?”   Sunod-sunod akong lumunok at nagtatalo ang isipan kung sasagutin ko ba ang kaniyang katanungan o hindi ngunit sa huli ay sinagot ko na lamang.   Tumango ako dahilan ng sandaling pagkatigil niya. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang aking noo.   “Magdadalawang araw na wala ang Pinuno,” bulong niya.   “Lady Loren, tatawagin ko lamang po manggagamot upang mabigyan kayo ng payo ukol sa inyong nararamdaman,” aniya.   Naiwan ako roon matapos ang ilang beses na pag-aalinlangan niya na umalis kahit na ganoon ang aking kalagayan.   Bumalik siya kasama ang dalawang mga babae na sa tingin ko ay higit limang taon lamang ang mga tanda sa akin. Parehas silang putting-puti ang kasuotan at may parang kulambo na talakbong sa mukha.   “Pangalawang kagat,” saad noong isa. Napakalamig ng kaniyang boses at parang ang mata ay kulay puti lamang.   “Pangalawang kagat at maghahangad ng pangatlo. Nais ng katawan, nais ng dugo. Ang tanging kasagutan ay ang kabiyak na makapagbibigay ng mainit na haplos na sasagad hanggang sa kaibuturan ng puso.”   Hindi ako makapagsalita at nakikinig lamang habang pinipigilan ang sarili na umungol. Nanginginig ang aking labi. Nage-echo sa aking pandinig ang tungkol sa kanilang sinabi.   Ikatlong kagat. Caith… kaya mo ba? Tanggap mo ba? Ganoon  mo ba siya kamahal na handa kang isuko ang pagiging isang ordinaryong tao? Umiling ako at lalo lamang humikbi. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya na bumalik kay Inay at sabihing ang kaniyang anak ay kaisa na rin sa lahi ng lumapastangan sa kaniya.   “T-trisha…” pagtawag ko sa ngalan niya.   Lumapit agad siya at dinaluhan ako.   “G-gusto ko m-mag-isa…”   Sa una ay hindi niya iyon nais na sundin. Hindi siya mapalagay sa aking kalagayan subalit ipinilit ko. Mas makabubuti na iyon kaysa nagbibigay lamang sila ng kung ano-anong ideya sa akin.   Magdamag ang lumipas na hindi ako makatulog. Nang kahit papaano ay maramdaman na humupa ang init sa aking katawan ay nagtungo agad ako sa palikuran at nagbabad sa bath tub. Sa ganoon ko na lamang pilit na nilibang ang aking sarili. Kung maari lamang sana na sila ay mayroong sleeping pills ay iinom ako ng higit sa lima upang magising na lamang kapag narito na siya.   “Hindi ka na makakaahon, Caith,” naawa kong sambit sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.   Ang ibaba ng aking mata ay nangingitim dahil sa kawalan ng maayos na tulog. Maputla rin ang aking labi at hindi na nag-aabala pa na mag-ayos. Sa pagdating ng pagkain ay agad ko silang pinaaalis at sinasabing gusto ko na mapag-isa. Hinahayaan naman nila ako hanggang sa magtawag na lamang ako.   Limang araw nang hindi nakauuwi sila Magus. Nagtataka na ako kung saan sila nagpapalipas ng gabi. Naiisip ko tuloy kung may mabuting kalooban ba na nagpapatuloy sa kanila.   Dumaan pa ang dalawang araw at palagi na akong nakatanaw sa beranda, hinihintay ang pagdating niya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako umakto ng ganito ngunit ang katawan at isip ko na ang tumatanggi.   Sa ilang araw na nagdaan ay napapaisip ako. Tinanggap ko na sa aking sarili na mahal ko si Magus. Kauna-unahang lalaki na nagpatibok sa aking puso subalit ako? Mapapantayan ba niya ang aking nararamdaman? Si Loren ang nakikita niya sa akin. Si Loren na aking kapatid at hindi basta kapatid kundi kakambal. Anong mangyayari sa akin sa oras na kailanganin ko na siyang lisanin? Magagawa ko bang makabalik sa dati kong buhay?   Kahit anong pagsisisi pa ang gawin ko dahil hinayaan ko ang aking sarili na mahulog sa kaniya ay wala na akong magagawa pa. Naghahangad na lamang ako na sana ay hindi labis ang maging kapalit na sakit sa lahat ng sarap na natatamo ko ngayon.   “Hindi mo pwedeng isuko ang pagiging tao mo, Caith. Hindi dahil may Loren pa na babalik,” saway ko sa aking sarili.   Dumating ang gabi at wala pa rin akong naririnig na balita. Muli ay namimilipit ako sa init na nararamdaman. Sa dalawang araw na nagdaan, ang paraan na nahanap ko upang makatulog agad sa gitna ng init ay ang pag-inom ng wine na naka-imbak sa silid ni Magus. Walang lock iyon at malaya akong nakapapasok. Sinubukan ko lamang magtungo roon at inaasahan na kakalma sakaling maramdaman ko ang kaniyang presensya sa kaniyang silid ngunit lalo lamang nag-aalab ang aking katawan na dahilan kung bakit wala sa sarili kong nadampot ang mamahaling wine at ininom iyon. Sa gulat ko ay nagawa kong makatulog at nagpasyang sa tuwing makadarama ng tawag ng init ay ang mga alak na iyon ang pagbalingan.   Naalimpungatan ako sa paglundo ng kama. Dinig ko rin ang kaniyang paghinga. Lumapat sa aking labi ang labi niya para sa isang masuyong halik ngunit agad kong ikinawit ang aking kamay sa kaniyang leeg at pinalalim ang halik. Sinagot niya ang mga iyon na siyang ikinagalak ng katawan ko.   Tama na, Caith. Iyon dapat ang sabihin ko sa aking sarili ngunit ang aking isip ay talo ng aking katawan. Pinakawalan niya ang aking labi at mula sa pingi ay bumaba ang halik niya sa aking leeg na nagpasimula ng aking mga halinghing. Malaya niyang nahahalikan ang aking dibdib dahil ang suot ko ay manipis na kamison lamang.   “Fvck! I miss this,” bulong niya sa pagitan ng paghalik sa aking dibdib.   Lalong nagpainit iyon sa akin. Lumalakas ang aking mga pag-ungol na gusto kong ikahiya ngunit hindi ko magawa. Nang maglandas ang kamay niya sa aking binti at dumampi iyon sa aking kaselanan ay para akong mababaliw. Sa ilang araw na hinahanap-hanap ko ang mga haplos doon, ngayon ay para akong nasa langit.   Nakarinig ako ng pagkasira ng tela at naramdaman kong tuluyang nakalaya ang itaas na bahagi ng katawan ko mula roon. Dahil naka-angkla ang aking kamay sa kaniyang leeg at ang binti sa kaniyang baywang ay nabuhat niya ako at isinandal sa head rest ng kama. Malaya niyang nagawa ang mga bagay sa aking dibdib gamit lamang ang isang kamay at ang labi habang ang isa ay pinaliligaya ako pinakamaselang parte ng katawan ko ngayon.   “Ahh… M-magus,” sambit ko ng maramdaman ang pagbuo ng kung ano sa aking puson.   Ilang sandali na lang at alam kong makalalaya na ang kung anong nagpapahirap sa akin.   Binitawan niya ang aking dibdib at ang halik ay bumaba sa aking kaselanan. Mas lalong bumabaliw sa akin ang dila niya at ang kamay na naroon. Ilang pang sandali ay nakarating din ako at hinihingal na pinagmasdan siya roon. Nagpupula ang aking paningin.   Nang umahon siya mula sa pagitan ng aking binti ay muli niyang sinira ang kasuotan ko roon. Muli, pinatakan niya ng halik ang aking hita paakyat sa aking puson na bumuhay sa panibagong daloy ng init sa aking katawan.   Binuhat niya ako at nagkapalit kaming dalawa ng pwesto. Siya ang nasa bed rest at ako ang nasa kaniyang tiyan. Ang kaniyang labi ay nagpapalitan sa pagpapala sa aking magkabilang dibdib. Muli ay nagsasaliw ang mahihinang ungol sa loob ng silid. Nararamdaman ko siya sa aking likuran at lalong nagpapainit sa akin. Sa huli ako na mismo ang kumilos upang pagsugpungin ang pareho naming kasalanan.   This is not me. Sa kilos, sa pag-iisip ngunit wala akong pakealam. Ang tanging mahalaga sa oras na ito para sa akin ay ang magkasanib naming katawan.   Ang alam ko ay ako ang nasa ibabaw niya ngunit nagmulat ako ng mata para lamang makita siya sa aking ibabaw at ang tingin ay diretso sa akin. May nag-aalab na mata at ang labing mapula ay bahagyang nakabuka.   Sabay sa aking mag halinghing ang ilang sunod-sunod niyang pagbigkas ng mura at bumagsak siya sa aking tabi habang pareho naming pinakakawalan ang hingal na dulot ng aming ginawa.   Pinagsaluhan namin hindi isang beses ang mainit na tagpo at halos naulit lang ang pangyayari noong unang gabi na ako ay nagpaubaya. Bago ako makatulog ay narinig ko pang binigkas niya ang ilang hindi pamilyar na salita sa akin.   “Jet’aime mon épouse…”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD