Kabanata 51

1053 Words
Nagising ako nang lumubog ang kama sa tabi ko. Parang naging alerto ako sa kung saan pupunta si Magus kaya agad din akong bumangon. Nilingon niya agad ako at saka sinalubong ng halik sa pisngi.   “You should rest. I’ll just check on them,” banayad niyang sambit.   Gusto ko mang gawin iyon ay pinilit kong bumangon dahil hindi ko nais na hayaan siyang lumabas doon ng mag-isa. So what? Magus is my husband, even just for now. I’m going to act as that as of now.   “I’ll go with you,” pahayag ko nang bahagyang nangunot ang noo niya at nagtaka sa pagbangon na ginawa ko.   “I made you tired. You sure?” may mumunting ngiti sa labi niya pero mas lamang ang pag-aalala.   He will worry me more if I won’t come with him. Hindi ko nga lang iyon masabi sa kaniya dahil baka mamaya ay hindi na kami makaalis dito. I know him. Isang salita lang yata sa kaniya ay natu-turn on siya. Magus is a vampire, after all. He don’t get tired of doing that.   “Choose something that aren’t that revealing, okay?” pagpapaalala niya sa susuotin ko.   Minsan na kasi akong lumabas ng ganoon ang naging itsura ng damit but that is because I am so excited to see him. Lately, I noticed that I am always hungry of his attention and even his presence. Pakiramdam ko ay kung hindi ko siya makikita o makakasama ay sumasama ang aking pakiramdam. That’s why noong lumipad siya patungo sa Vasswood ay ininda ko pero hindi ko ipinakikita kay Trisha. Hindi ko gustong kapag kinailangan ko ng hiwalayan si Magus ay masabi niya kay Loren ang naging pag-asta ko rito.   Malaki na nga ang kasalanan ko sa kaniya tapos ay malalaman niya pa na gustong-gusto ko ang presensya ng kaniyang asawa? Tama ng ako na lamang ang nakaaalam noon. Sisiguraduhin ko naman na hindi na kami magkikita pa ni Loren dahil wala akong mukhang maihaharap sa kaniya.   “Change your mind?” dinig kong sambit ni Magus mula sa likuran ko.   Narito ako ngayon sa may wallk-in closet at naniningin ng damit, hindi na namalayan ang pagkatulala dahil lang sa naalala.   “No, uh… I’ll still go with you,” pahayag ko saka hinugot ang isang klase ng dress na may kanipisan ang tela pero matingkad kaya hindi magmumukhang revealing kahit pa V-neck ang style.   “Good choice,” komento niya na ikinaikot lamang ng aking mata.   Wala kong saplot na lumalakad habang siya ay nakaayos na. Hindi na ako nakaramdam ng hiya sa kaniya dahil nagmamadali ako sa pagbibihis upang hindi siya mainip. Isa pa, baka kanina pa siya hinihintay ng mga iyon at natagalan lang dahil hindi nakuntento si Magus sa isang beses at nagawa pang magpahinga. Nakaidlip pa nga!   “They will probably be glad to meet you in person,” aniya habang nakatingin sa akin sa reflection sa salamin.   Tumango ako at ngumiti.   “I also want to meet them. I want to know what kind of person they are.”   Naningkit ang mata niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Umiling siya.   “Do you want to go abroad? We’ll visit their Clan next time,” nakangiti niya nang sagot.   Pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng loob. I have never been abroad! Mahirap lang kami at ito pa nga lang ang pinakamalayong lugar na napuntahan ko at ang marinig ang tungkol sa planong iyon ay nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Pangarap ng kahit na sino iyon, ano! Plus I’ll go there with him.   “Make sure of that. Aasahan ko iyon,” nakangiti kong saad na ikinatawa niya.   Sandali kong inayos ang buhok ko, pinyod lang iyon ng mababa at saka naglagay ng ilang abubot doon at ilang alahas sa katawan bago ko siya inaya.   “I’m kind of nervous,” bulong ko.   That’s one of vampire leaders too. Kay Magus nga na asawa ko at mahal ko ay kinikilabutan ako, sa kanila pa kaya? The future leader and the current leader. Marahil kung may pinagka-parehas sila ni Magus iyon ay ang pagiging strikto ng panlabas na anyo at aura na ipinakikita. Nakumpirma ko iyon ng makadaupang palad ko ang mga ito.   Ang current leader ng Vasswood clan kasama ang kaniyang asawa ay hindi kakikitaan ng ngiti kundi matipid na pagtango. Mukhang mas may edad kay Magus, sapat na para mapantayan sila Uncle Von at miski si Mr. Jarvis.   “It’s a pleasure to finally meet the Lady of Roshire,” magkapareho ang kaniyang sinabi sa sinabi ng kaniyang asawa.   Maliit lang ang kurba ng ngiti sa labi nito at matigas ang ingles na gamit. Sinubukan ko na suklian iyon ng mas malawak na ngiti. Of course, I am from Philippines. Kung ‘di nila kayang ngumiti ng malawak, ako kaya ko.   “Pleasure to meet you too, lady of Vasswood,” sambit ko.   Tumango siya at lumipat ang tingin sa katabing binata.   “This is Roquillo. The future leader of our clan,” pagpapakilala ng leader ng Vasswood, tinapik ang balikat ng binate.     They all seems normal not until I saw how the lady of Vasswood’s eye, glinting with sadness and guilt.   What’s with that? Mukhang ang asawa niya lang ang may matapang na aura na para bang wala lang sa kaniya ang nakitang binata.   Well, I can sense that he has a problem. His eyes are all white, his hair too. His skin is covered with red stains that doesn’t look disgusting but doesn’t look normal too.   “Thanks to the Empresses of Roshire and I will be able to be cured,” ang future leader ng Vasswood iyon, napansin ang pagsipat ko sa kaniya ng tingin.   Tumango ako at saka binigyan siya ng isang tipid na ngiti. Whatever that curse is, I am also hoping for its cure. Hindi ko lang inaasam ay ang paglapit ng dalawang empress na pinasasalamatan niya.   Ngiting-ngiti ang mga iyon miski na sa akin na hindi nagpakita ng kahit na anong galak ng sila ay makita. Humigpit ang kapit ko sa braso ni Magus at sa tingin ko ay nahalata niya iyon dahil lumapat ang kamay niya sa aking likod.   “Don’t mind them,” bulong niya pero halatang natutuwa ang boses.   Inismiran ko lamang siya at saka binalingan ang iba pang bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD