Nabigla ako sa narinig at mabilis na itinulak siya palayo sa akin. Alam ko, kahit pa hindi ko nakikita ang aking sarili ngayon ay ramdam ko ang pagbabaga ng aking mata. Labis na galit ang nadarama ko para sa kaniya.
“Someone else’s bite?” nagngangalit kong sambit.
Nagsalubong ang kilay niya at sinubukan akong hawakan. Bakas ang galit pero halatang pinipigilan. Lumilitaw ang halos pula sa kaniyang mata at nakatiim ang bagang. Pinid na pinid ang kaniyang labi at parang nagpipigil lang. Parang may sumuntok sa dibdib ko noon dahilan ng paghikbi. Lumamlam ang kaniyang mata at sinubukan muli ako na hawakan sa balikat.
“It doesn’t matter as long as you’re still mi–“
“Shut it!” asik ko. Hindi ko nais makarinig ng mabulaklak na salita sa kaniya na para bang kasalanan ko talaga gayong ako ang naghirap.
"Shut up, Magus!" madiin kong sambit, halos magngalit ang aking mga ngipin.
Napapikit siya ng mariin, hindi inaasahan ang biglaang pagsabog ng galit ko. Umiwas ako at umusog palayo, dahilan kung bakit bumakas ang takot at sakit sa mukha niya. Hindi siya tumitigil sa pagtatangka na lumapit at hawakan ako subalit ako na ang umiiwas.
Nagpapaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya. Someone else's bite. For all the sufferings I have received, ako pa pala...
“Sinasabi mo bang ako ang nagtaksil sa ating dalawa?” hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya.
Umiling siya, ilang sunod. “No. You don’t. I don’t think you will do that,” halos naging bulong ang huli niyang sinabi.
Bumagsak ang tingin niya sa kaniyang kamay saka umiling. Bago pa man iyon, kitang-kita ko kung paano siya tinraydor ng kaniyang mata na halatang nanghuhusga. Pagak akong natawa. Kung gayon ay iniiisip niya nga na ako ang may kasalanan? Bakit? Paano? Anong pruweba niya na ako gayong lumuluha na ako? Gayong halos ikamatay ko na ang sakit habang naroroon. Torture sa akin iyon tapos... baligtad? Ako pala ang may kasalanan? Ako? Paano?
The bite on my neck is not his fault, that is what he is trying to say. I am the one who has an affair with another man. Not him. Gustong-gusto kong pumalakpak.
Sumigok-sigok ako at pinilit na huwag humikbi para lang masabi sa kaniya ang nais ko.
“I-ikaw ang dahilan ng lahat ng paghihirap na iyon tapos malalaman ko na ako pa ang may k-kasalanan ngayon?” nagkakanda-piyok-piyok ako habang sinasabi iyon.
Sobrang sakit na nagdududa pa siya. So, sino sa amin talaga?
Nag-angat siya sa akin ng tingin, naguguluhan ang mata. Tumalim ang titig ko sa kaniya. Mahal ko si Magus. Mahal na mahal na hanggang ngayon narito pa rin ako sa kaniya kahit pa ilang beses na akong nakipagtalo sa sarili ko at sinasabing hindi ko na marapat siyang balikan matapos ng lahat ng nangyari sa akin. Narito pa rin ako sa kabila ng alam ko sa sarili ko na mauuwi lamang ang lahat ng sakripisyo ko at pananatili ko sa tabi niya sa wala.
Ito na yata ang karma ko dahil minahal ko ang asawa ng kapatid ko. Dahil sinamantala ko ang pagkakataon na nasa tabi ko siya kahit hindi naman siya totoong akin.
“What do you mean?” maamo ang boses na iyon ngunit dinig ang pagtataka.
"I'm... you're- f*ck!" gulong-gulo siya habang hinihilamos sa mukha ang kamay at nagpapabalik-balik sa paglakad.
Suminghap ako at umiling. Why is he acting as if he really doesn’t know anything? Ano? Ako lamang talaga ang nakaaalam? Saan niya nakuha ang hinala na ako ang nagkasala kung gayon? Bakit tila... napakagaling niyang umakto?
Ilang sandali siyang ganoon bago namumula ang gilid na mata na tumingin sa akin. Sinubukan niya muli lumapit pero humakbang ako paatras kaya tumango siya at huminto sa aking harapan.
“Let’s talk calmly, wife. I’ll listen,” bumuntong-hininga siya na parang hirap na hirap sa sitwasyon na iyon na lalo kong ikinatawa ng pagak.
Nailing ako at parang nakadarama na ng pagod dahil sa sitwasyon namin at sa usapan na ito.
“You look like you are trying your best not to kill me, Magus,” walang buhay kong sambit.
Umiling siya. “No,” mabilis niyang hinagap niya ang kamay ko na pinilit kong bawiin.
Tumawa ako pero walang emosyon iyon. Patay, miski na ang aking boses ay wala ng buhay. Kung makapagyeyelo lang ang aking salita, baka ganoon na siya ngayon. Nilulon ko ang bara sa aking lalamunan.
“If you knew that I have an affair with someone, how can you still look at me? Why not punish me the way you punished those who committed crimes?”
That's how he is, right? Kapag nagkamali, parusahan. Bakit hindi niya iyon magawa sa akin? Dahil asawa niya ako? Dahil mahal niya ako? Huh! Kahit kailan ay hindi ko narinig sa kaniya iyon. Sa ibang babae ko lamang narinig na sinabi niya at halos ikamatay ko pa.
Ginamitan niya ako ng bilis hawak-hawak na niya ako ngayon sa may balikat.
“It doesn’t matter,” madiin niyang sambit, tila sa sarili iyon sinasabi.
“No. It does. You’re a powerful vampire. You should be killing me right now if I truly committed a******y!” lalong nagsalubong ang kilay niya, mapula na ang mata at halatang galit na.
Hinihintay ko na lamang na mapuno siya. Na magalit siya ng husto at gawin sa akin ang isang bagay na pwedeng magpatigil ng sakit na nararamdaman ko. Compared to physical pain? Mas matindi ito dahil hindi lang puso ko ang dinudurog kundi pati buo kong pagkatao.
“Kill me now, Magus. Alam mo naman pala na niloloko kita. Kung alam mo, hindi lang katawan ko ang ibinigay ko sa kaniya kundi pati ang kalayaan na ibigay ang dugong pinagsaluhan natin kaya ano pang hinihintay mo?”
Nakagugulat na nasabi ko iyon, diretso at walang pag-aalinlangan. Walang takot o pangamba at tanging malamig na boses ang gamit.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking balikat at unti-unting lumalabas ang pangil niya. Never in my entire stay here that I saw how terrifying Magus can be. Ngayon, para siyang halimaw na handa akong sakmalin. I am pushing him too hard but that’s fine. That’s okay. Kung totoo nga na ako ang may kagagawan ng nangyari sa akin noon, lahat ng hirap na dinanas ko noong mga gabing iyon, karapat-dapat kong tanggapin ang parusa.
Matapang ang mata ko na sinalubong ang kaniyang tingin.
“Kill me, Magus. I’ll accept death,” usal ko.
Pumikit siya nang mariin, naging marahas ang sunod-sunod na paghinga at narinig ko pa ang pagsinghap na parang kinakalma ang sarili niya. Nang magbukas siya ng mata, naging malambot na lamang ang emosyon doon. Parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan.
“I won’t,” garalgal ang boses na iyon ngunit malakas na para bang kahit ang nasa labas ng kastilyo na ito ay makaririnig.
Napakawalan ko ang hiningang hindi ko inakalang pinipigil ko. Bumuhos ang luha ko lalo. Nagsisimula akong kapusin ng hininga pero hindi ko pinahahalata sa kaniya.
“It doesn’t matter. I can bury those dreams. I can forget those dreams as long as you’re with me.”
Suminghap ako sa narinig. Hindi ako lubos na makaniwala na handa siyang tanggapin ang lahat, ngunit ang lubos na tuminag sa isip ko ay ang panghuli niyang sinabi. He can bury those dreams. He saw that through his dreams? Katulad ng akin?
“Panaginip…”
Hilam ang mata ko siyang tinignan. “Sa panaginip mo lahat iyon nakita?” parang hangin na lamang ang boses ko dahil nauupos na rin ang lakas ko.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sa isang panaginip nagsimula ang lahat. Nasundan lamang iyon nang nasundan na siyang dahilan kung bakit ginusto ko na malayo muna sa kaniya.
“As long as you’re with me and will still choose me, I’ll accept you.”
"Those dreams are nothing to me. A dream or not..." pumiyok siya, dinig ang sakit sa boses.
"A dream or not... I will still accept you," basag ang boses pero matatag niyang sabi.
Unti-unting naglaho ang pangil at ang nagbabaga niyang mga mata. Naging maamo iyon at nagsusumamo sa akin. Mula sa balikat ko ay nagtungo ang kaniyang kamay sa aking leeg at kinabig ako palapit sa kaniya. Nakakulong ako sa kaniyang bisig at paulit-ulit na ibinubulong sa akin na tatanggapin niya ako, na hindi na mahalaga iyon kaya naman kalimutan na.
Napakaraming naglalaro sa isip ko. Katanungan, reyalisasyon, hakahaka. Halos lahat at patungkol lamang iyon sa sitwasyon namin ngayon.
Sakop ng aking kamay ang aking bibig, pigil ang hikbi ngunit umiiyak dahil hindi na maunawaan ang nararamdaman.
“M-magus…” pagtawag ko sa pangalan niya. Sa ilang minuto akong walang imik at nag-iisip, hindi ko maiwasan na mapagtanto ang ilang bagay.
“I didn’t do that,” usal ko. Tumango siya, tumango ng ilang beses na para bang sinabi niya na iyon sa isip niya na kahit ‘di ko pa iyon banggitin ay alam niya na, napaniwala na niya ang kaniyang sarili.
Pinilit kong kumalas sa kaniya. Hindi pwedeng ganoon lamang. Hindi niya iyon dapat tanggapin ang paliwanag ko na parang hindi man lamang iyon pinag-isipan.
“Magus… All this time I thought it’s you. I also had those dreams, killing me because of what you did. Forgetting me while you’re in someone else’s bed,” sumigok ako.
Panaginip nga ba o hindi, nakapagtataka na pareho kami.
“You killed human, sucked their blood until they run out of it, mate with someone that isn’t me, that hurt me so bad that I pushed you away and tried to stop caring about you but like what you said, I also think it doesn’t matter. That as long as I am with you, it doesn’t matter.”
“Wife…” umiling ako.
“Don’t. I still want to talk you about this so we can find out what’s happening,” suminghot-singhot ako upang maalis ang pagkakabara ng ilong at lalamunan ko.
“We have a lot of things to find out, Magus. Including the part who among us committed such crime.”
Hindi kami pwedeng maging kampante at basta na lamang patawarin ang isa't isa. Kailangan namin malaman kung sino talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito sa amin. Sino ang gusto na kami ay magkasira. Sino ang may gusto na masaktan kami parehas sa ganitong paraan. Bakit? Inggit? Galit? Dahil sa kapangyarihan o dahil sa iba pang dahilan? I need to know. Magkakaroon ng lamat ang lahat sa amin. Hindi na nga totoo ang kung anong meron kami tapos ay nagkakaganito pa. Bago pa ito lumala at mapunta sa ibang bagay, kailangan na ng solusyon.