Kabanata 52

2470 Words
Samu’t saring piging ang kinailangan idaos sa loob ng kastilyo dahil sa pagdating ng mga bisita. Isa pa, nasisiyahan silang lubos sa mga babaylan lalo na ang mga taga-Vasswood. They look at them as their life savior. Iyon ang dahilan kung bakit hiniling ng mga ito na hangga’t maaari ay maibigay ni Magus sa mga ito ang kasiyahan. Dahil malaki daw ang utang na loob ni Magus sa mga taga-Vasswood ay ganoon na lamang niya iyong pinahihintulutan. Isa pa, kasiyahan na rin iyon para sa kaniyang nasasakupan.   Sa mga naunang kasiyahan ay nakikisama ako subalit sa mga sumunod ay hindi na dahil hindi naman na ganoon kakailanganin ang presensya ko. Si Magus ay nagpapakita na lamang din.   “Pakiramdam ko po ay sobrang mabiyaya ng buwan na ito para sa atin,” natutuwang sambit ni Trisha habang nakatanaw din sa may ibaba kung saan idinaraos ang pang-pitong kasiyahan.   Puno ng pagkain ang walong mesa na naroon at iba pa ang inilalako ng iilang mga kasambahay. Naririto kami ni Trisha sa West wing at nakatanaw lamang.   “Hindi ba nauubusan ng pondo ang clan dahil sa araw-araw na pagkakaroon ng piging?” tanong ko sa kaniya.   Umiling siya, naroon pa rin ang atensyon sa ibaba at namamangha sa mga nagsasayawan sa gitna.   “Higit pa po sa yaman na inaakala niyo ang mayroon tayo. Isa pa po, nagmumula ang iba sa mga ginagamit sa piging mula pa sa ibang bansa,” aniya.   Tinitigan ko si Trisha at napapailing habang nakangisi. Halatang giliw na giliw siya sa nakikita pero atentibo pa rin.   “Ang Lord Magus po… nasaan po siya?”   Kinagat ko ang aking labi at saka bumuntong-hininga.   “Kahit na ganito ang sitwasyon natin, may problemang dumarating. Hindi niya iyon ipinakakalat upang ‘di mabahala ang mga bisita. Nagkakaroon ng pag-atake sa malapit sa border. Mga rogue daw,” humina ang boses ko sa mga huling sinabi.   Hindi maaring makalabas iyon sa ngayon dahil narito ang mga taga-Vasswood. Kung noon ay mga nasa singkwenta lang sila higit, nagpalipad sila dito ng ilang opisyal at kalaunan nga ay ang nahatak na rin nila ang kalapit bansa na Britain, ang mga Albany Clan.   Halos magulat ako ng magising at iyon ang bumungad na balita sa akin gayunpaman ay wala akong magawa kundi mamangha na lamang. That’s Magus decision. Ang mga Volturi nga ay inaasahan ng karamihan dahil iyon ang sanggang balikat ng Roshire, iyon nga lang ay kagagaling lamang ng mga ito sa isang malaking problema at umaahon pa lamang.   “Siguradong mas masaya po kung kumpleto ang mga angkan-angkan natin. Volturi, Roshire, Waterton, Albany at Vasswood,” parang nananaginip na sambit ni Trisha.   Nailing na lamang ako. Trisha is truly young. Ang alam niya lang ay mga kasiyahan pero pagdating sa maaring makasagupang gulo ay wala pa. Masasabing lumaki nga siya bilang bampira pero dahil marahil ang pinakapaghihirap na niya ay ang itakda na maging kasambahay habang buhay ay ‘di niya alam na may mas higit pang problema na maaring dumating sa bawat araw.   “Sana po sa susunod na buhay ko ay kapantay ko na kayo,” parang wala sa sarili niyang sambit.   Napipi ako roon. Susunod na buhay? Nating dalawa. Pareho lamang kaming hindi pantay sa estado ng buhay na mayroon si Magus. Parehas lamang kami.   Ilang araw pa ang nagdaan bago tumahimik sa loob ng kastilyo. Ang rason? Wala na sila rito. Kinailangan nilang makabalik sa lalong madaling panahon upang hindi ma-void ang patakaran sa kanilang samahan na hindi maaring mawala ng higit dalawang lingo ang isang pinuno miski na ang may bahay nito. Halatang labis na ikinalungkot iyon ng karamihan lalo pa ng mga babaylan na tila nasanay na sa natatanggap na atensyon.   Kung hindi ko nga lamang alam na naimporma sila tungkol sa mga pag-atake ay iisipin ko na lingid iyon sa kanilang kaalaman.   “Hindi ba ako pwedeng sumama?” banayad ang boses ko pero nababahiran ng pag-aalala.   Nakatingin ako kay Magus na nag-aasikaso ng sarili dahil maglilibot sila sa boundary pagsapit ng alas diyes ng gabi dahil sigurado sila na doon mayroong umaatake. Kasama na naman niya ang isa sa mga Empress.   Hindi talaga ako makaramdam ng kapanatagan sa tuwi-tuwina na malalaman kong nalalapit sila kay Magus. Hanggang ngayon ay puno ako ng pagdududa tungkol sa mga panaginip na hindi pa rin namin nababalikan at napag-uusapan.   “Mas gusto ko na narito ka at safe. Hindi ko masasabi na hindi nila matutunugan ang balak naming pagmamanman ngayon. May kutob ako na may isang traydor sa samahan ng council,” aniya, bahagyang kumunot ang noo.   Napipilan ako at tumango na lamang. I wanted to tell him that I don’t want him near the Empress pero baka isipin niya na napaka-immature ko naman na sa gitna ng ganitong problema ay naiisip ko pa iyon.   “Mag-iingat ka, Magus,” mahinang sambit ko.   Natigilan siya sa pag-aayos ng butones ng kaniyang polo at saka naglakad palapit sa akin.   “Of course. I’ll still come back to you,” napapaos niyang sagot saka yumuko at sinalikop ang labi ko.   Tinugon ko iyon, kasing rahan ng halik na ipinapataw niya sa akin. Humaplos ang aking kamay sa kaniyang pisngi.   “Promise that, Magus,” usal ko. Tumango siya at bahagyang ngumiti bago umayos ng tayo at pinagpatuloy ang pagbubutones sa polo.   Nang makayari ay kinuha niya ang isang kwintas at isinuot iyon sa kaniyang bulsa.   Pinagmamasdan ko siya at hindi hinahayaang mawala sa paningin ko hangga’t naririto sa loob ng silid. Nakadarama ako ng kakaiba pero hindi ko magawang maisa-boses iyon dahil ayoko na iyon nga ang isipin niya.   “Mag-iingat ka, huh?” muli ay paalala ko noong nagtungo na siya sa pintuan.   Tumango siya at binigyan ako ng isa pang ngiti bago tuluyang lumabas.   Dahil hindi ako labis na mapakali ay nagtungo pa ako sa may veranda para matanawan siya. Naroon ang iilang mga sasakyan na gagamitin nila miski na rin ang mga guwardiya.   Ilang sandali ay nakita ko na rin ang papalapit na Empress na nakasuot ng mga fitted na kasuotan, tipong lalaban. I thought she will wear something classy and daring again. Nag-iisip din pala.   Hinintay ko na makita si Magus, hindi ko nilubayan ng tingin. He’s with Mr. Jarvis and the High Reeves. I’m thankful that they are with him dahil sigurado ako na hindi siya nag-iisa.   Nilingon niya ang kinaroroonan ko at tinugon ako ng isang tipid na tango at ngiti. Noong pasakay na siya sa sasakyan ay narinig ko pa ang boses niya sa isipan ko.   “I’ll come back, surely.”   Pinanghahawakan ko ang mga salitang iyon sa kabila ng kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. I know Magus, he will not make me worry. I tried my best to sleep and promise myself that surely, Magus will be here early in the morning but all of that was just a promise in the dust.   “Where’s Magus? Nariyan na ba siya?” nagmamadali akong bumaba mula sa hagdan para lamang makalabas.   Nakakasalubong ko na ang ibang mga kawal at lahat sila ay duguan, may nakatusok na makapal na mga karayom sa batok o ‘di kaya ay sa tapat ng puso. Sinubukan ko silang kausapin ngunit tila mga lango sila at wala sa sarili, ang iba ang umaasikaso sa kanila.   Sa tanggapan, naroon ang mga manggagamot, karamihan sa kanila. Ang ibang council ay naroroon din. Kung noon ay marami ang laman ng tanggapan at ng kastilyo dahil sa bisita at sa piging, ngayon ay dahil sa mga sugatan at mga lango na kawal na kasa-kasama lamang ni Magus kanina nang umalis.   “Nasaan siya? Where’s Magus?” tanong ko roon sa kababalik lamang na tauhan niu Mr. Jarvis.   Mistulang nabigla iyon sa ginawa kong pagharang sa kaniya pero tumango at saka bumuka ang bibig.   “Kasama siya sa mga nadakip ng Humeo, isang samahan ng mga taong hindi sumusunod sa napagkasunduan ng gobyerno at ng ating lahi. Sinubukan niyang iligtas ang isa sa mga Empress,” paliwanag noon, hindi nagbabawi ng tingin.   Ibinabalita iyon sa akin na para bang normal lang na makitang ganoon ang aking reaksyon.   “B-bakit? Hindi niyo sinundan? Hindi niyo hinanap kung saan siya dinala?” lumakas ang boses ko nang mga sandaling iyon, miski ako ay dinig ko ang galit doon.   Sinubukan lumapit sa akin noong isa pang tauhan ni Mr. Jarvis pero pinigilan ng kausap ko ngayon ay sinenyasan siya na siya na lamang ang bahalang makipag-usap sa akin.   Humugot siya ng malalim na hininga matapos ay saka nagsalita.   “The High Reeves and the Fore Garroter’s presence was not here. That means they are after them. But I am telling you, My Lady, Humeo are big and strong. Maaring bago lamang sila pero iba ang kanilang pwersa. Kumpleto sa lahat ng gamit at mas lalong de hamak na mas marami kaysa sa amin na nagmando. Isa iyon sa dahilan kung bakit na-outnumbered kami pero…”   May kinuha siya sa kaniyang bulsa at iniladlad sa aking harapan. Isa iyong uri ng kwintas na gawa sa isang kahoy ang pendat at may laman sa loob.   “Isa itong enchants at tanging ginagamit ang mga nakapaloob na salita sa sulat ng mga matatandang babaylan–“   Natigilan siya ng suminghap ako. Nag-uunahan ang luha ko sa pagtulo.   “Isa lang sa empress ang kasama ninyo, hindi ba? Nasasaan ang isa pa?” nilibot ko ng tingin ang mga naroroon. Wala akong makitang kahit isang babaylan.   “Nasaan ang mga babaylan?” tanong ko nang balingan ko siya ng tingin.   “Bakit hindi man lamang… nila magawang tulungan ang mga manggagamot? S-sigurado ako na may kakayahan silang gamutin ang mga i-iyan,” hinihingal kong saad.   Isang pagod na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan matapos ay umiling.   “We are wrong about them,” bigo ang boses niya. “They have something to do with all of this.”   Para akong inalisan ng lakas nang marinig iyon. They are really something, huh? After all the good things Magus showed them, they will end up betraying him?   “P-paano nakalusot sa inyo ‘to?” wala sa sarili kong tanong.   Mukhang ‘di niya iyon inaasahan. Tila ba nagulat din na nagawa kong itanong at mapuna.   “Sabihin mo sa akin. Ang mga babaylan lang ba nag nagtraydor sa atin…” nilulon kong pilit ang bara sa aking lalamunan.   “Sila lang ba o may kinalaman din ang dalawang Clan na tinanggap natin sa kastilyong ito?”   Kumuyom ang kamao ko nang mapansin ang unang beses na pagbababa niya ng tingin na parang ‘di na kayang salubungin ang galit sa aking mata. Alam ko na. Doon pa lang sa hindi niya maibigay ang kasagutan sa akin ay alam ko na nagpakain kami ng ahas sa aming kamay. Ngayon, buong Clan ng Roshire ang magdadala ng pinsala sa ginawa naming pagtitiwala.   “The Empresses are the masterminds. May kutob kami na ang pagtulong ng Vasswood at ng Albany ang kapalit ng pagpapagaling nila sa future leader noon. Malapit ang Vasswood at Albany kaya naman nagawa nila ito agad hatakin,” paliwanag niya.   Hindi ako makahuma sa nalaman. Those vampires has the guts to do this to us despite of all the good things we showed them? Nagkamali si Magus at napakalaking pagkakamali niyon kung tutuusin. Ngayon, saan ko siya hahanapin?   “The parties are requested only to hide their real motives. Umalis sila dito nang masiguro na ng mga babaylan na magtatagumpay sila,” pahayag niya pa.   Pakiramdam ko ay namumuti na ang kamao ko sa sobrang pagkakuyom. Rumahas ng rumahas ang aking paghinga.   “Is there any possibilities that they’ll be able to bring him back?”   Binasa niya ang labi at umiwas ng tingin. Lalo akong nawalan ng pag-asa. “Magus…” mahinang sambit ko sa ngalan niya.   Nagsimula na manginig ang aking labi dahil sa pagpipigil ng hikbi. I should not show them that I am vulnerable at this moment. Wala si Magus. Hindi maari na maging mahina ako kahit pa… lalo lang akong nanghihina dahil wala siya.   “We won’t stop until we find where they are hiding.”   That doesn’t assure me. Magus is in the hands of the enemies plus the fact that they have the witches. Ano ang kaya nilang gawin sa kaniya? Nagawa nilang linlangin kami, para saan? Is it because one of the Empresses like Magus that she wants him for himself?   “S-si Magus lang ba ang kinuha nila?”   Isinalikop niya sa kaniyang mukha ang kamay at saka tumango ng dalawang sunod.   “Sa tingin ko ay siya lang naman ang pakay nila. Maaring may nais silang makuha mula sa kaniya,” pagpapahayag niya.   Umiling ako. Nais makuha mula sa kaniya? Nais siyang makuha. Hindi bagay o kahit na anong impormasyon kundi siya mismo.   “They won’t give Magus to us. It’s him who they want.”   Nangunot ang noo niya, naguguluhan ang tinging ibinigay sa akin. Nagngingitngit ang kalooban ko sa kaisipang iyon.   “The Empresses wants Magus. The other one like him,” malamig kong sambit.   Umawang ang kaniyang labi, luminga-linga sa paligid bago bumaling muli sa akin.     “That’s impossible! Empresses are bound to live alone. They are being deprived of love because they should only focus on strengthening their group. They should only devote their selves to their kind,” paliwanag niya ngunit kahit ano pa ang sabihin niya, narinig iyon ng dalawa kong tenga.   “I heard them once. Maari na hindi sila pwedeng magpakasal o mag-asawa o umibig subalit hindi napipigilan ang damdamin. Mahirap, gaano man gustuhin.”   Nakita ko ang pag-igting ng panga niya, tila may nais pa sabihin ngunit may lumapit  na sa amin.   “The High Reeves is missing!”   Tuluyan akong natulala. Missing? Nanlamig ako hindi dahil sa pagkabigla kundi sa sunod-sunod na ideyang pumapasok sa isip ko. Missing or he’s siding with them? Baka siya iyong traydor na tinutukoy ni Magus? Wala sa konseho kundi siya? Sa una pa lang, hindi ba? Hindi siya tapat kay Magus dahil kung tapat siya, baka sinabi na niya kay Magus ang naging relasyon nila ni Loren.   “Master is on his way. He will need a lot of our men. They will try to ask for the help of human’s government. He will hand out the problem of Humeo to them,” pag-iimporma nito.   Tumango ang lalaking kaharap ko saka ako pinasadahan ng tingin. I know, I am not wearing an appropriate attire pero wala akong magagawa ako. I am aching for Magus. I am holding to what he promised but unfortunately he’s not here. He was not able to fulfill his promise. Alam ko, nararamdaman ko. Hindi pa makababalik si Magus sa akin sa panahon ngayon, gaano ko man gustuhin. Sigurado ako na mahihirapan ako. Ako at ang kalooban ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD