Kabanata 53

2252 Words
Two days had passed and still, we do not have any news about him and even kay Marocco. Mr. Jarvis did not stop finding them dahil siya lang ang sumusunod sa ranggo ng dalawa. Bukod sa konseho, si Mr. Jarvis lang ang makagagawa ng hakbang kaya naman kahit lumuhod at magkakaaawa sa kaniya na ibalik sa akin si Magus ay ginawa ko na.   “You do not have to beg, Miss De Lesa. I will bring him back. The whole clan is in danger right now that he’s not with us. Don’t show us that vulnerable side of yours. Ikaw ang kakapitan ng buong clan ngayon.”   He wants me to act strong, act as if everything will be solve and fall into pieces kaya naman pinipilit kong huwag nilang makita na tuliro ako at wala sa sarili; na lumilipad ang isip k okay Magus.   “Bago lang ang Humeo, hindi kailan natin nasagupa. Kung may kinalaman ang mga babaylan dito, possible na na-control nila ang mga ito gamit ang mahika o maaring pinangakuan ng mga bagay na hindi nila makayang tannggihan,” pahayag iyon ng Ina ni Serika.   Sa pagkakataong ito, nagawa kong isantabi ang kung ano man na yamot ko sa kanilang mag-ina at kahit papaano ay nakikita kong nagsusumikap din sila. Ang mga konseho na puro pasaring noon, ngayon ay hindi ko kakakitaan ng kakaibang tingin sa akin. Isa pa, aminado sila na hindi nila nagampanan ng ayos ang kanilang trabaho. They are very happy when the two clans are here, they even throw a party for them and celebrate with them kaya malaking sampal sa kanila itong pangyayaring ito.   “The Lord is needed here. Kapag nalaman ng Lycans na mahina tayo ay hindi sila magdadalawang-isip na umatake at hindi magagarantiyahan na magagawa nating labanan sila. Hindi sila patas. Ang kakayahan at lakas ng isang Clan ay nakadepende sa kaniyang Pinuno. Kung wala si Lord Magus, mahina tayo.”   Lahat sila, iisa ang pinupunto. Kung mahina sila, lalo na ako pero kailangan kong isantabi ang pansarili kong problema at nararamdaman. Kailangan kong itago iyong takot at simulan ang pagiging matatag.   “Paano kung may maitutulong pala ako sa paghahanap ninyo?” sabi ko, namamag-asang tumingin kay Mr. Jarvis at kay Kio.   Siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Mr. Jarvis, una kong nakita na nagbalita sa akin ng pangyayari. Isa siyang Royal Guard.   “Kung hindi kita kilala, Miss De Lesa… Kung nasanay ka sa buhay na ito ay mapag-iisipan ko ang nais mo subalit hangad kong mapanatili rin ang kaligtasan mo. Ito na lamang ang kaya kong ipangako sa iyo, ang mapanatili kang ligtas. I made you do something you hate. Isipin mo na ito ang paraan ko upang makabawi.”   Bigo ako. Bigo na makasama sa paghahanap at nanatili pa rin sa apat na sulok ng silid kung saan paulit-ulit kong naalala ang kawalan ng presensya niya. Uncle Von and Aunt Celia tried reaching out. They are wondering how am I handling this situation at wala akong masabi kundi kinakaya. Kinakaya at kakayanin ko.   Mula umaga hanggang hapon, kung hindi ako pupuntahan ni Trisha sa opisina ni Magus ay hindi ako aalis doon at nagpipirma lamang ng mga dokumentong kailangan upang umusad ang araw ng samahan. Ang clan, masyado ng mahina. Miski sa isang sulyap sa labas ng veranda, ang aura ng paligid, patay na patay. Walang kabuhay-buhay ang lahat at napapansin ko na hindi kailanman umaaliwalas ang paligid. Palaging makulimlim.   “Our City is sacred. Its life depends on the one who put blood on the Stone tower where Leaders vowed to always protect the Clan and its conquest.”   “Nararamdaman miski ng buong kapaligiran ang pagkawala niya, Trisha. Paano pa ako?” nanginginig ang boses kong sambit.   Umiwas siya sa akin ng tingin at pilit na ipinakakain sa akin ang inihatid na pagkain. Ilang araw ko ng pinipilit na maging masigla ngunit ang pagpapanggap ko na malakas ay hanggang sa labas lamang ng silid na ito. Kapag narito na ako ay nawawalan ako ng lakas. Magus… nasaan ka na ba?   “Hindi po ba sinabi ninyo na nag-iwan siya ng isang pangako sa inyo? Tutuparin po niya iyon,” pag-aalo sa akin ni Trisha na natugunan ko lamang ng isang pilit na ngiti.   Sana nga.   One week and another week and it became a month pero wala pa rin. Wala pa rin kaming balita kahit ano sa kaniya o sa Humeo. Kung paanong sumulpot sila sa kawalan, ganoon din sila naglaho na parang bula. Even the government, they don’t know about Humeo at kahit pa nga de hamak na mas lamang kami sa kahit na saan, kinailangan namin ang kanilang tulong.   “Lady Loren, hindi po kaya dapat ay magpahinga rin kayo?” si Trisha iyon, nakatanghod sa akin na hindi tumitigil sa pagsulat ng mga ipadadala kong letter sa Volturi.   Ang Waterton naman ay nauna kong padalhan upang humingi sa kanila ng tulong. May nakapagsabi na mas maganda at malakas ang alyansa na meron sila sa gobyerno sa America unlike sa England kung nasaan ang Volturi. Mas malakas ang Volturi at hindi nais na makipag-ayos sa gobyerno dahil may malaking lamat lang ang samahan. Sa halip na tulungan, ang pinirmahan nilang kontrata ay tungkol sa pag-iwas sa boundary ng bawat isa.   “Sobrang gabi na po. Ilang oras na lamang at madaling-araw na subalit hindi pa rin po kayo nagpapahinga.”   Nariringgan ko na ng pag-aalala sa akin si Trisha pero kahit naman sundin ko siya, alam kong hindi lang din ako makatutulog.   “Iwan mo na ako, Trisha at magpahinga ka na. Alam kong mas pagod ka kumpara sa akin,” nakangiti kong sambit at tumango pa.   Lumamlam ang kaniyang mata, lalong nabakas ang awa na para talaga sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.   “Kaya ko pa, Trisha. Aabutan mo pa rin akong ganito bukas kaya hindi mo kailangan mag-alala.”   Hindi niya ako gustong sukuan pero sa huli ay napilit ko rin na mauna na siyang magpahinga at tatlong sulat na lamang ang gagawin ko bago mahiga. Nang makaramdam ng pangangawit ay nilisan ko ang mag-iisang lingo na mesa roon kung saan ako sumusulat. Lahat din ng mga papeles ay roon ko na pinadadala upang hindi ko na kailangan lisanin ang aking silid. Para saan? Wala naman akong maapuhap sa labas kundi naawang tingin ng ilan sa akin.   Alam ko na nahahalata nilang malaki ang epekto ng pagkawala ni Magus sa akin. Nababakas ko ang awa nila at hinihintay ko na lang na marinig sa kanilang bibig ang pag-aakusa sa akin bilang mahinang kabiyak ng kanilang Pinuno ngunit hindi ko kailanman iyon natanggap.   “Lady Loren! Lady Loren! May nakalap pong munting impormasyon tungkol kay Lord Magus!”   Parang may sariling isip ang paa ko na naglakad patungo sa kung nasaan nanggagaling ang boses ni Trisha. Mula sa labas pero dahil alam niyang sabik ako sa kahit na anong klase ng balita tungkol kay Magus ay isinisigaw na niya iyon.   Pinihit ko kaagad ang pinto at sinalubong siya na nanlalaki ang mata.   “M-may balita po ang… Si Master Jarvis,” aniya.   Lumukob ang pag-asa sa dibdib ko at kahit papaano ay nabigyan ako ng lakas ngunit iyon ay panandalian lamang. Isang munting balita na sadyang unti-unting umuupos sa pag-asa na natitira sa akin.   “It came from the Rosupta’s. The King’s flower is slowly turning into a yellow one. Maraming kahulugan iyon, kaligayahan, pag-asa, kasinungalingan, pagkakasakit at pagtatraydor. Ano’t ano man iyon, sigurado ako na hindi maganda para sa ating samahan,” seryosong saad ni Mr. Jarvis.   “K-kung gayon, ano pa ang isang balita? Kay Marocco, nahanap na ba niya? Nahanap ba siya? Lead kung nasaan?” sunod-sunod ang tanong ko, halos kapusin na ng hininga sa bilis ng pagsasalita.   “Gustuhin man namin na bigyan ka ng magandang balita ngunit ikinalulungkot kong ipabatid na iisa lamang sa Rogue ang nakasagupa ng isa nating kawal. Nagpahaging siya tungkol sa estado ng ating samahan at ang maari nating kahinatnan gayong hindi na makababalik ang Pinuno dahil masaya na ito sa kung ano man ang buhay na tinatamasa niya ngayon–“   “That must be bluff! Isang panloloko dahil alam nila na iyon ang makaaapekto sa atin!” galit kong sambit.   Napansin ko ang pag-iling ni Mr. Jarvis at ng ilan sa konseho.   “Bluffing or not, we should consider that small news. They won’t meddle with our personal problem unless they truly knows something,” sinubukan ng isang opisyal na maging kalmado.   “Then bring him to us. Bring him here so we can interrogate him. Kailangan natin gawin ang lahat para magkaroon ng kahit anong kaalaman kung nasaan si Magus? Paano kung may nangyari ng m-masama sa kaniya?” pumiyok ako sa mga huling salitang binitawan.   Umiling siya. “That would make a big problem, My Lady. The clan is staying out of anything that might trigger our enemies to attack us. Mahina tayo ngayon,” paliwanag ni Mr. Jarvis.   Humugot ako ng malalim na hininga at nakaramdam ng sakit sa dibdib. I thought it was just because I am broken about the news but when blood rushed out of my eyes, nagkagulo na rin sila. Nakakarinig ako ng ingay sa paligid pero nalalaman iyon ng mga ungol na tila ba napaka-senswal.   “You’re mine…”   “I am…”   Those words, that made me cough blood.   “My Lady, what’s happening to her?”   They are panicking, they keep on asking me questions but all my lips can utter is his name.   “M-magus…”   My breathing is getting shallow like I am being run out of air. My eyes are stinging as if another blood will come out of that and my veins, it’s making me groan in pain. I can feel the pain of bites on my body but I no longer can see it.   “Lady Loren. A-ano pong nangyayari sa inyo?”   Naramdaman ko ang paglutang ko sa ere at ang pagbalot ng malamig na hangin sa aking katawan. Para akong hinihele sa bilis ng pag-alog ng aking katawan. Hile na masakit at nakahihilo.   “Hold on a second. We’ll bring you to the Stone tower,” boses iyon ni Mr. Jarvis na halatang nag-alala sa aking kalagayan.   Hinayaan ko na damhin ang nanunuot na lamig sa aking katawan habang nararamdaman ang pag-agos ng dugo mula sa aking mata at sa aking labi. Hindi na ako makakilos dahil parang napaparalisa ang aking katawan.   “Isandal mo siya,” anang isang malamig na boses at napakabata pa.   Sinubukan ko na magmulat ng mata upang makita siya ngunit tanging pula lang ang aking nakikita.   “Anong nangyayari sa kaniya?” si Mr. Jarvis iyon na ramdam kong ‘di umaalis sa aking tabi.   “Betrayal… affair… The Lord is the reason why she’s experiencing this.”   Alam ko… alam na alam ko ang ibig sabihin nito pero dahil sa noon ay sinabi ni Magus na wala siyang ginawang ganitong klase ng pagkakamali ay hindi ko agad pinaniwalaan ang nangyayari sa akin ngayon. Bakit nga ba ‘di ko napansin ang pagkakaiba? Lumuluha lang ako ng dugo noon pero hindi nagsusuka at walang kagat ng kahit na ano sa aking leeg. Instead of that, I can feel the pain of bites as if he is showering someone’s body his sacred bite that was supposed to be only mine.   “His probably mating with someo–“   “–don’t! She’s awake…”   “She knows it,” ani malamig na boses.   Kumuyom ang kamao ko at dinama ang sakit ng dibdib. Of course, this lady knows that.   “She knows it?” hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Jarvis.   Lalo akong kumibot. Kung nakadarama na siya ng awa para sa akin dahil wala si Magus sa tabi ko, paano pa ngayon? Hindi ba lubusan na ang sakit na makita iyong mga awa sa mata nila?   “She’s going to be alright. After the mating of her husband is done,” pahayag noong babae, parang isang normal na topic lang ang binanggit.   Unti-unting bumabalik sa normal ang aking paghinga at parang humihinto ang pag-ubo ko ng dugo at kalaunan ay naging ayos ang aking katawan pero hindi ang aking pakiramdam.   Doon ako sumabog; humagulgol lang ako habang nakikini-kinita sa isip ko ang itsura ni Magus at ng kung sino mang babae na katalik niya. Parang pinipiga ang aking dibdib sa dinadamdam. Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay sa aking balikat at lalo lang akong naiyak.   Nang mag-angat ako ng tingin ay natantong hindi lamang si Mr. Jarvis ang naroon kundi kalahati ng konseho kasama ang ilang mga babaeng hindi ko kilala. Lahat sila ay may awa sa mata at pinagmamasdan ako. I even saw Serika, kadarating lang at nagtataka ang mukha pero nang makita ang itsura ko ay halos natulala. Sumigok ako, sinubukan na tumigil sa paghagulgol ngunit mas lumakas lamang.   “This is not real…” dinig kong bulong ng isa sa kanila pero hindi ko na alam kung sino iyon dahil nagbaba na ako ng tingin.   “There’s something wrong. Huwag ninyong sabihin na naniniwala kayong magagawa ito ni Magus–“   “–words, Serika! Isa pa, ito na sa harapan nating lahat ang pruweba. Huwag ninyong bulagin ang sarili niyo. I am sure they did something to the Lord that made him commit this mistake,” pahayag noong nakikilala kong boses ng ina ni Serika.   Kumuyom ang aking kamao at lumuha pang muli.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD