Ilang sunod-sunod na buntong-hininga ang aking pinakawalan ng makapasok sa palikuran. Hindi ko naman talaga kinakailangan na magtungo rito. Iyon nga lang ay dama ko na ang p*******t ng tiyan dahil sa pinaghalong kaba at pagkairita. Ganitong-ganito ako kapag nakakaramdam ng nerbyos at inis. Parang may kung anong humahalukay sa aking tiyan.
Nagpalipas lamang ako ng ilang minuto at saka lumabas na. Marahan ang ginawa kong paglalakad nang biglang may isang bulto ang humarang sa akin. Sa labis na gulat ay muntikan akong ma-out of balance at tanging siya lang ang sasalo sa akin.
Isang kabig lang ay tumama ang katawan ko sa kaniyang dibdib at hindi niya ako pinakawalan pa.
“You are really getting away with me?” galit na galit niyang sambit. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso na siyang nagpapangiwi sa akin. Masakit iyon dahil hindi lang naman siya lalaki kundi isang bampira na may tanglay na higit na lakas kumpara sa aming mga ordinaryo lamang.
Sa liit ng aking katawan, kung hindi ako kakawala ay mapipipi ako.
Dahil sa labis na pagkairita, inipon ko ang aking lakas at itinulak siya. Nagawa ko iyon at mabilis na humakbang paatras upang makalayo kahit papaano sa kaniya. Naging matalim ang aking mga mata at nag-uumpisa na makaramdam ng labis na inis.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Mula sa pagiging marahas ay lumambot iyon at tila nagmamakaawa.
“Let’s run away, Loren. Leave him,” his eyes are begging me.
I don't know what to say. Hindi naman ako si Loren at wala akong nararamdaman sa kaniya kaya naman mabilis sa akin na ipagsawalang-bahala ang pakiusap niya.
“You don’t love him. Leave Magus and come with me. Let’s build a clan if you really want to rule,” he added.
Bumuo ng isang samahan? Inaakala ba niya na ganoon kadali iyon? Gagawin niya iyon para sa kapatid ko na hindi siya pinili?
"If you want me to kill him, I will. Basta ipangako mo na kapag wala na siya ay babalik ka sa akin," aniya pa.
Lumaglag ang panga ko sa narinig. Goodness! Bakit kinikilabutan ako sa anumang sinasabi niya. Pakiramdam ko ay isa siyang baliw. Mas gusto ko na makita ang masungit na mukha niya kaysa ganito. Hindi ko ito lubos na inaasahan. Noon ay inakala kong galit siya sa akin dahil sa tingin niya ay hindi ako ang dapat na pakasalan ni Magus ngunit ngayon ay may mas malalim pa palang dahilan. Anong gagaiwn ni Loren sakaling siya ang nasa sitwasyon na ito?
Sinubukan niyang lumapit sa akin subalit umatras uli ako. Hindi ko nais na siya ay makalapit pang muli sa akin dahil nakikita ko siya bilang isang sumpa na kung makalalapit sa akin ay maaring magdala ng panganib sa akin.
Sinubukan muli niya na humakbang palapit ngunit agda akong sumigaw.
"Huwag!" batid kong ikinagulat niya iyon.
"DIyan ka lang. Huwag kang lalapit," may tunog ng pagbabanta ng aking boses.
“Nababaliw ka na ba? H-hindi ko siya iiwan,” kinakabahan man ay pinilit kong bigyan siya ng kasagutan.
“I did not marry him just because he’s ruling this clan. And I won’t leave my husband even if he got dethroned nor marry you even if he's dead,” madiin kong sambit.
Bumalatay ang sakita sa mata niya dahil sa aking sinabi at ilang sandali lang ay unti-unting nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Magmula sa nakikiusap ay naging madilim iyon at galit. sadyang mapanganib.
“Husband? I should be your husband. You don’t call him that!” he growled. If someone is walking his way to the comfort room, they will probably hear him.
My knees started to wobbles. Nag-uumpisa na akong matakot ng sobra dahil hindi ko alam kung ano ang maari niyang gawin. Sa halip na ako ay sumagot pa ay tumalikod ako at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya.
Sinikap ko na maging mabilis at nang makalayo sa kaniya subalit sa isang malakas na ihip lamang ng hangin ay napunta agad siya sa aking harapan. He used his speed to go to me quickly.
I might die now? I want to scream but I can't. Pikit-mata kong hinintay ang kung ano mang sakit na idudulot ng gagawin niya sa akin.
Naninikip ang aking dibdib ng hawakan niya ang aking kamay. Mahigpit, sobra. Kung isa lamang akong bagay na walang buhay ay malamang sa malamang, sira na ako. Akmang dadapo ang kaniyang kanang kamay sa aking pisngi subalit naunahan siya ng isang boses na malamig pa sa yelo at puno ng panganib.
“You do know what punishment you will get after touching my woman, aren’t you?”
Iyon ang nagpadilat sa akin. Magus! Sumalubong agad sa akin ang tingin niya na kababakasan ng pag-aalala. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob upang makakawala sa pagkakahawak sa akin noong High Reeves.
Mabilis akong tumakbo sa tabi ni Magus at wala sa sariling kumapit sa kaniyang braso. Naramdaman ko ang bahagyang pagkagulat niya roon ngunit hindi ko na iyon inintindi. Kung hindi ako kakapit sa kaniya ay baka tuluyan kong hindi masuportahan ang aking katawan.
“My Lord,”
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha noong High Reeves matapos niyang sabihin iyon.
“I was just confronting Lady Loren about her plan,” lumitaw ang kakaibang ngisi sa kaniyang labi matapos sabihin iyon.
“Sinong nakaaalam kung ginagawa niya lamang ito upang pagtakpan ang iba pa niyang motibo at relasyon sa dating High Reeves?” dagdag niya pa sa malamig na boses.
He is turning the table and putting the blame on me. Magus might misunderstood the situation!
Humigpit ang kapit ko sa braso ni Magus at handa na sanang salagin ang sinabi ng kaniyang kanang-kamay subalit naunahan na ako nito.
“My wife won’t do such thing. We already agreed to forget the past, hope you will soon, too,” ani Magus at saka inalis ang kapit ko sa kaniyang braso at kinuha ang kamay ko para ipagsalikop sa kaniya.
"Excuse us, Marocco. My wife is too tired right now," aniya at saka niya ako niyakag upang makaalis na at muling makabalik sa kastilyo. Laking pasasalamat ko noon. Sobrang nanginginig ang aking laman miski na nakasakay kami sa loob ng sasakyan. Kagat-kagat ko ang aking labi.
“Are you okay?” his thundering voice echoed inside the four corner of the car.
He surely felt uneasy because of my awkward silence.
Nilingon ko siya at pinagmasdan. The Vampire Lord. Almost a King. If I define him, will I be able to give justice to his vampire beauty?
"Tired?" magaan ang tono ng boses niya nang sambitin iyon.
Kunot na kunot ang noo subalit bakas ang pag-aalala; ibang-iba nag eskpresyon niya ngayon kaysa ang kanina. Para bang ibang tao ang aking kaharap. Gumalaw ang kaniyang kamay at bumagsak ang tingin ko roon at napansin na magkasalikop pa rin ang amin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ginustong alisin iyon sa ganoong pwesto. Ang alam ko lang ay gusto ko ang init na hatid ng kaniyang palad.
“Thank you,” bulong ko.
Umangat ang kaniyang kamay at dumampi sa aking pisngi.
“Don’t cry. I am not used to see someone crying.” His words became a whisper of wind the blew all my worries away.
Suminghot ako at tumango. Sa totoo lang ay hindi ko na namalayan na ako pala ay umiiyak. Sobrang apektado ako ng pangyayari. Magsimula sa harapan ng konseho hanggang sa komprontasyon ng High Reeves.
“He is always like that. Don’t take his words seriously,” dagdag niya pa. Pansin ko ang pagbabago ng tono ng boses niya ng sabihin iyon at para bang hindi talaga iyon ang nais niyang sambitin.
Sinalubong ko ang kaniyang tingin.
“Do you really trust him?” mahinang tanong ko.
Gusto kong malaman kung talaga bang hindi niya alam ang tungkol sa relasyon ni Loren at nang HIgh Reeves niya ngayon. He told me he knows the truth. Anong katotohanan ba ang kaniyang tinutukoy?
Marahas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
“I trust no one, wife. I trust no one,” he mumbled. After he said those words, silence occurred. I didn't try to speak even a word because I feel like I might trigger him to say something I am not ready to hear.
Nakarating kami sa kastilyo na tahimik at hindi na muling nakapagpalitan pa ng salita. Dama ko ang pagod at panlalambot. Diretso agad ako sa aking silid habang siya ay sa isang silid kung saan sa tingin ko ay naroon ang kaniyang trabaho.
Palaisipan sa akin ang huli niyang sinabi. Hindi siya nagtitiwala sa kahit na sino, miski sa akin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Masaya akong malaman iyon dahil isa lamang ang ibig sabihin noon; handa siya sa kung ano mang bagay at alerto siya sa panganib na maaring dalhin namin sa kaniya.
Kahit hindi ako ang kaniyang tunay na kabiyak, kahit hindi ko siya lubusang kilala, hindi ko kailanman nanaisin na siya ay mapahamak. Ang High Reeves, kapahamakan ang dala niya kay Magus. Ngayon pa lang ay ramdam ko na iyon kung kaya naman gustong-gusto ko na maaprubahan ang suhestiyon ko nang sa gayon ay mailayo ko si Loren sa kung ano mang kapahamakan gayundin si Magus.
Naging matunog ang balita tungkol sa aking tinuran sa harapan ng konseho. Naging maingay ang mga mamamayan ng Roshire dahil bago sa kanilang pandinig iyon.
Hindi naman maitatanggi na may ipakikipaglaban ang aking ideya kaya naman makalipas lamang ang ilang araw ay kusa ngang dinala ng isa sa konseho ang pasya tungkol doon at kinailangan lagdaan gamit ang aming mga dugo.
Naging masaya ang loob ng kastilyo dahil doon at mukhang tuwang-tuwa rin ang ama-amahan ko sa naging pasya dahil kaakibat ng pangalan ko ay ang kaniya.
“Lady Loren, you did a very good job,” ani Trisha matapos ang salo-salo para sa hapunan.
“Trisha…” pagtawag ko sa kaniya.
“Pwede ba na ilarawan mo sa akin ang sinasabi mong former High Reeves?”
“Po? Bakit naman po? Ipinagbabawal po na mabanggit ang pangalan, bilin po iyon ni Mr. Jarvis,” anito.
“But I want to know how did Loren covey him,” giit ko.
Bumakas ang gitla sa mukha ni Trisha. Hindi niya marahil inaasahan ang paglalarawan ko sa ginawa ng aking kapatid.
“Sa tingin mo ba ay totoong ang former High Reeves ang naka-relasyon ni Loren at hindi iba?” pagpapatuloy ko.
Inignora ko ang nakikitang pagkabalisa sa kaniyang mukha. Nais ko talaga na malaman ang tungkol doon. Bakit ang former High Reeves ang pinag-aakalaan nilang unang karelasyon ng aking kapatid at hindi ang bago? O baka nga parehas siyang nagkaroon ng relasyon sa dalawa?
“Ano ang pangalan noong High Reeves natin ngayon?” tanong ko pa uli.
“Marocco Hammock po,” ani Trisha.
“Kung gayon, ano ang relasyon niya sa former High Reeves? Alam mo ba kung bakit nagustuhan ni Magus ang aking kapatid? Alam mo ba kung bakit si Marocco ang pinili ni Magus upang maging kanang kamay niya?”
Sunod-sunod iyon at sadyang naging apurado ang pagtatanong ko na hindi ko na narinig pa ang ilang katok sa pinto. Mabuti na lamang at narinig iyon ni Trisha.
“Lady Loren, ipinatatawag po kayo ni Lord Magus,” pahayag ni Trisha na naroon pa rin sa may pintuan.
Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at saka tumayo at naglakad palapit doon.
I have a lot to ask her but it can wait. Maaring may importanteng sasabihin si Magus kaya naman nagpapatawag siya sa gitna ng gabi.
Isang tango lang ang iniwan ko kay Trisha at saka tuluyang lumabas.
Isang katok sa pintuan ng silid ni Magus at agad din naman iyong bumukas. Maliwanag ‘di tulad noong unang pasok ko rito. Maaliwalas at may buhay ang ambiance ng kwarto at nagsusumigaw karangyaan pa rin.
“Come, wife. Let’s have toast for your success,” an authoritive voice echoed.
Success. Hindi pa man naaaprubahan ay itinuturing na niyang success para sa akin ang nangyari kanina. Magus is not a bad person, after all.
Bumuntong hininga ako at kinagat ko ang labi at saka isinara ang pinto. Hinanap siya ng aking mata sa bawat sulok ng silid at natagpuan ang anino niya sa balkonahe.
Naglakad ako palapit doon at tumayo isang dipa mula sa kaniya. May hawak na siyang kopita at sa kaniyang gilid ay isang bilugang stool ng mamahaling alak. Agad siyang kumuha ng isa pang kopita at sinalinan iyon at saka iniabot sa akin.
May kakaiba sa kaniyang mata nang makasalubungan ko iyon ng tingin at may maliit na kurba ng ngiti sa kaniyang labi. He seems drunk.
“Cheers,” he said huskily.
Sumimsim lamang ako sa kopita at hindi nais na malasing dahil hindi na maganda ang tingin ko sa kaniyang kalagayan. Hindi ko naman akalain na mahina ng bampira sa alak o kanina pa siya umiinom?
He wants to celebrate my success but upon looking at him, I feel like he also wants to forget something through the use of liquor.
Tumikhim ako.
“M-may problema ka ba?” nahihiya pang tanong ko.
Nilingon niya ako at ang namumungay na mata ay naglandas sa aking labi. Umiwas agad ako sa kaniya ng tingin. Alam ko ang titig na iyon na madalas kong nakikita sa kaniya at sa mga napapanood ko noong palabas. Hindi ako ganoong kaignorante. Kumabog ang dibdib ko dahil ramdam ko ang titig niya sa akin na parang kay init.
‘Hindi yata tama na pumunta ka rito, Caith,’ sa isip-isip ko.
“My wife is really something,” he murmured. HIs voice is sexy and drunk.
“My wife…” pag-uulit niya at saka uminom muli sa kopita.
Bumuntong-hininga ako at pinilit ikalma ang sarili. Don't be affected, Caith. He is Loren's hsuband!
Binura ko ang ekspresyon sa aking mukha bago pa siya binalingan.
“Such a wreck,” sita ko gamit ang malamig na boses.
I heard him chuckled upon hearing that. Naalala ko na malakas nga pala ang pandinig nila.
Lumapit ako sa may railings ng balkonahe at tinanaw ang paligid. Para akong nasa itaas ng isang matayog na bundok at nakatanaw sa kagubatan. Hindi gaanong mailaw ang view dahil hindi naman kailangan ng mga kauri nila ng ganoon. Matalas ang kanilang paningin at nakakakita miski na sa dilim. HIndi katulad sa mga napapanood ko na kapag nasa tuktok ka ay kita mo ang City lights. I might be living in a City but not in an ordinary one but in the City of Vampires.
Ibinaba ko ang kopitang hawak ko sa stool at saka nilingon siya.
“Hindi ba dapat ay matulog ka na?” saad ko.
Sinubukan kong agawin sa kaniya ang kopita ngunit agad niya iyong naiiwas. Kinabig niya ang baywang ko nang makalapit ako sa kaniya. Para akong natulos sa kaniyang ginawa ng dumikit ang kaniyang hininga sa aking balat sa may pisngi.
“Have you think of it, already?” garalgal niyang tanong. Humahaplos sa aking balat ang kaniyang hininga na siyang nagbibigay kiliti sa aking sistema.
"Hmmm?" Napapikit ako nang maalala ang tungkol sa kaniyang tanong.
Ilang araw matapos ang insidente sa isa niyang tiyahin ay inalok niya ako na magsama kami sa iisang kwarto dahil ganoon ang isang mag-asawa. Ako na isang huwad lamang ay mabilis na tumanggi dahil hindi ako ganoon kainosente upang hindi malaman ang kung anong posibilidad na mangyari sa pagitan namin. Isa pa, baka mamaya ay mawalan ng bisa ang iniinom kong likidon a magtatago ng amoy ng aking dugo at hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili.
“I am about to die of hunger,” he murmured.
Nangunot ang noo ko. Itinulak ko kaagad siya upang makaharap.
“Bakit hindi ka ba kumain kanina?” tunog ina ako na sinisita ang anak dahil doon.
“Blood…” he murmured once more. Suminghap ako ng maunawaan ang knaiyang
Napansin ko ang pumipikit-pikit niyang mata. Noong una ay inaakala ko na iyon ay dahil sa antok at pagkalasing subalit ilang sandali lang ay nagawa niya muling tumayo ng tuwid at pagdilat ng mata ay naging pula na iyon.
Napaatras agad ako dahil sa nakita.
“Blood…” mas malakas na niya ngayong sambit.
What the hell is going on? Nawala ba ang epekto ng likidong iniinom ko?
Nagsimula siyang humakbang palapit at ako naman ay paurong. Diretso ang tingin niya sa akin at para bang isang pagkain ako sa kaniyang harapan. Tila hayok siya at ang mata ay bumagsak sa aking leeg. Nagsimulang maging marahas ang kaniyang mga paghinga.
Gumapang ang takot sa aking dibdib at nagmamadaling tumalikod upang tumakbo.
“Tulong!” sigaw ko nang maramdaman ang kamay na agad na humaklit sa aking braso.
“Blood,” muli niyang sambit habang ako ay nagpupumiglas pa.
Nag-uunahan sa pagtulo ang aking luha at kumawala ang hikbi sa aking labi. Please, somebody help me. Can somebody come to save me? His hand glided on my hips.
“Stop…” sambit ko, tunog nakikiusap na.
Bumaba ang kaniyang mukha sa aking leeg at naramdaman ko ang paggapang ng dalawang matutulis na bagay sa aking balat. Suminghap ako at akmang iiiwas ang sarili subalit mahigpit ang kapit niya sa akin at kulong na kulong ang aking katawan sa kaniyang braso.
Naglandas ang malamig niyang dila sa akin habang ako ay kinakapos sa hininga at pinipilit pa rin na itulak siya palayo sa akin.
“Blood…” he said once again and right then, he buried his fangs on my skin and it took my strength, my breath from me.
Pain. Pain envelope my body for awhile.
My knees started to wobbled and I lost my sight. My mind cannot function well and all I can feel is the pain he brought me.
Before I can finally lost my consciousness, I heard some voices telling him to let go of me.
Mahapding-mahapdi ang buo kong katawan at parang nagtatalo ang mga ugat ko. Kumikibot mabuti ang aking ulo at hindi maunawaan kung bakit kahit gising naman ako ay hindi ko magawang maibuka ang aking bibig at maidilat man lamang miski isa sa aking mata. Ang tanging nagagawa ko lamang yata ay bumuga ng mararahas na hininga.
Ano bang nangyayari sa akin? Nasa loob ba ako ng isang bangungot? Bakit parang wala naman akong nakikita na maaring tumakot sa akin?
“Her mind is awake, that’s all I know. It will take her days before she regain consciousness, My Lord. Lady Loren will surely endure this specially if this is the first time she took a bite from someone else."
Malamyos at maingat ang boses na iyon, sadyang bago sa aking pandinig. Anong ibig niyang sabihin? Na-comatose ba ako at ang lahat ng nangyari sa akin ay pawang panaginip lamang? Pero naririnig ko ang ngalan ng aking kapatid; ibig sabihin ay totoo iyon. Bakit ba hindi ko magawang buksan ang aking mata? Gusto kong malaman kung kanino ang mga boses na iyon na ngayon ay palayo na nang palayo.
“She will soon wake up. Stop worrying. I might think you are doing this for love,” those words were followed by giggles.
A girl's voice which is also not familiar to me.
"Let her rest first. You almost drain her blood. Kung hindi kita napigilan ay maaring isa ka nang biyudo ngayon at maghahanap uli ng ipapalit sa kaniya," dagdag pa noon, ang boses ay nanunukso.
"Stop talking, Clydel," a thundering voice erupts and all I can hear after that is their fading footsteps.
Saan sila nagpunta? Katahimikan muli ang namayani sa paligid. Naging kalmado ako kahit papaano. Naging marahan ang bawat kong paghinga at ilang sandali pa ay naramdaman ko na parang nakawala ako sa isang tali na pumigpigil sa akin.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at sumalubong sa akin ang kisameng may mga nakaukit na salitang hindi ko mabasa. May mapanglaw na ilaw na siyang dahilan kung bakit sa gitna ng dilim ay nagagawa kong makakita.
Sinubukan ko na ibuka ang aking bibig upang makagawa ng ingay ngunit parang tuyong-tuyo iyon at hindi nasasayaran ng tubig sa loob ng mahabang panahon. Ano ba ang nangyari at wala akong maalala? Hindi ko alam kung bakit narito ako sa sitwasyong ito.
Was that all a dream?
Nasagot ang katanungan na iyon nang tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Trisha. It wasn’t a dream but why do I feel like I slept for decades? Anong klaseng panaginip ang magpaparamdam sa akin ng ganito?
“Kamusta po ang inyong pakiramdam, Lady Loren? May nararamdaman po ba kayong kakaiba?” magkasunod na tanong ni Trisha sa akin.
Her eyes are too out-focused. It's feels like he is searching my body to look for something.
I was about to give her an answer but my throat is too dry. Mukhang nakatulog talaga ako ng mahaba. Dahil hindi pa makapagsalita at parang kinakaskas ang aking lalamunan ay itunuro ko ang isang kopita na naroon sa may gitna ng rounded table sa loob ng silid. Mabilis niyang naunawaan ang nais kong iparating. Dali-dali siyang nagtungo roon at saka kumuha ng tubig at iniabot sa akin.
Nakalahati ko ang laman ng kristal na baso. Mataman ang titig sa akin ni Trisha na para bang may hinahanap siya sa akin.
“M-may problema ba?” tanong ko. Ikinabigla niya iyon at nakumpirma ko na mayroon nga siyang malalim na iniisip o hinahanap sa akin ngunit itinanggi niya iyon gamit ang dalawang magkasunod na pag-iling at saka ngiti.
“Tatawagin ko po agad si Lord Magus upang maipagbigay-alam po ito. Maiwan ko na po muna kayo,” aniya at saka nagmamadaling naglakad paalis.
Pipigilan ko pa sana siya ngunit napansin ko agad na hindi ito anga king silid kaya naman mas natuon ang atensyon ko sa pag-iisip kung kanino ito. Mas madilim, mas matalim ang ambiance nito kung ikukumpara sa akin at halatang lalaki ang…
“Lalaki…” bulong ko.
Mabilis na lumihis ang mata ko sa pintuan at dumiretso sa bahagi kung saan nakaharap ang kama at doon ay sumalubong ang pintuan ng pamilyar na balkonahe.
“Magus…” sambit ko sa pangalan ng nagmamay-ari ng silid.
“Good to know that you’re awake and still can talk,” said by a husky voice with a glint of relief.
Nilingon ko ang gilid ko kung saan nagmula ang boses na iyon. Sinulyapan ko ang pintuan at nangunot ang noo na bumalik ang tingin sa kaniya. I did not here the door opening nor even his footsteps…
“That’s because I used my speed,” he said, almost murmuring.
My mouth opened but no words come from it and so I closed it again.
I heard him heave a sigh.
“How are you feeling?” he asked.
Why do I feel like something happened to me that made Trisha and him to asked the same question? Kamusta na ako at ang pakiramdam ko.
Tumikhim ako. Kung hindi ka magtatanong, Caith ay hindi mo malalaman ang sagot.
“M-may nangyari ba sa akin?” nahihiya ko pang tanong. “Wala akong maalala,” dagdag ko pa.
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saka umupo sa tabi ko at hinawakan ang aking pisngi at saka marahan na itinagilid iyon. Ngayon ay malaya niyang natitignan ang aking leeg. Nanlaki ang mata ko. Kakagatin niya ba ako?
My reflexes are fast enough to push him. He seems so startled after what I did.
“What’s the problem?” he asked worriedly.
Siya ang problema ko. Baka mamaya ay dahil kami lamang ang nandito ay maisipan niya na kagatin ako. Kumabog ang dibdib ko at hindi talaga nagugustuhan ang naiisip. Maybe he is too thirsty of blood and he wants to suck from me.
Goodness! Hindi naman ako ganito mag-isip noon subalit ngayon ay parang napaka-advance ng aking isipan.
He will bite me. That's all I thought.
‘I won’t.’ something inside my head spoke.
I flinched. Kumurap-kurap ako at iniling ang ulo. Something really happened to me. Nakakarinig ako ng mga bagay na sigurado akong hindi niya naririnig. Sa kaniya ako nakatingin at hindi kailanman bumuka ang kaniyang bibig kaya naman imposible na siya iyon.
“That’s me,”
Nagsalubong ang kilay ko. “Huh?”
Binasa niya ang kaniyang labi at saka tumingin uli sa akin na tila nahihirapan at nag-aalala.
“The voice inside your head…” he murmured. “That’s me.”
Pakiramdam ko ay nabibingi ako nang mga sandaling iyon. What the hell? Wait! I have read of this too but didn't know they can really communicate through minds.
‘I happened to lose my control and bit you and so it’s one of the sacred bite.’
I flinched once more. He is indeed delivering those words inside my mind. He is not talking. Hindi ako kumurap ngunit hindi rin naman talaga bumuka ang kaniyang mga labi upang sambitin iyon.
Sacred bite? I tried my best to recall where did I hear those words. Binalikan ko ang mga librong binasa ko subalit hindi roon. Naniningkit ang aking mata hanggang sa bumalik sa alaala ko ang mga sandaling nabanggit iyon ni Trisha.
Dumapo ang kamay ko sa aking bibig.
“That means…” sunod-sunod akong lumunok at ‘di tanggap ang mga salitang babanggitin ng aking labi.
“That means you can read my mind,” nasambit ko ang mga salitang iyon na halos pabulong na; sa sarili ko mismo iyon sinasabi.
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya. He is able to read my mind! He knows what I am thinking what I am about to think!
“I can hear your thought but not read your mind. Those movies are bound to portray us in a bad way,” the last words came out as whisper.
“Do not think of anything. Rest your mind. Once you are ready, I will explain,” he said and the he patted my head.
He is acting as if what I am experiencing right now is pretty normal. I can see worries in his eyes but he is trying so hard to cover it with a calm expression. I can also sense something as if he is in deep regrets.
"You can asked me anything and I will try my best to answer it. Just not now. You must rest," he explained.
Inayos niya ang blanket na makapal na nakabalot sa aking katawan at saka inayos ang unan. Dahan-dahan niya akong iginaya sa paghiga at saka itinaas ang blanket hanggang sa aking dibdib. Hinaplos niya ang aking buhok at saka binulungan.
“Sleep now, wife…”
With that, I’ve got completely consumed by darkness.