Kabanata 59

3420 Words
Third Person   Ilang oras ang makalipas ay isang katok mula sa pintuan ng kaniyang silid ang pumukaw ng kaniyang atensyon at dahil wala namang ginagawa ang dalaga kundi tumitig sa pader ay tinayo niya iyon. Nang buksan niya ay sumalubong ang binatang si Arthur na may awkward na eskpresyon sa mukha at nagkakamot pa ng batok nang buksan niya ang pinto.   “Did I disturb you?” bakas ang pagkapahiya sa boses nito at dahil ayaw ni Loren na ganoon ay mabilis siyang umiling para mapalis ang nararamdamang hiya ng binata.   “Ayos lang. Nagpapalipas lamang ako ng oras,” pahayag ng dalaga.   Tumango ang binata.   “Uh… a-ano nga pala ang iyong sadya?” pagtatanong ng dalaga dahil hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa kaniya.   Parang natauhan at naalala nito ang tungkol doon at ilang beses pang minura ang sarili at humihingi ng paumanhin na tinignan siya.   “Blaze is asking if you want to watch or do something until you feel sleepy…” mabilis ang ritmo ng boses nito na tila nagmamadali.   Nauunawaan naman ni Loren ang dahilan ng pagiging uneasy ng binata sa harap niya. Tumango ang dalaga upang hindi na lamang mapahiya pa itong lalo. Kapwa sila naglalakad ng marahan. Parehong tahimik at kung hindi pa lumabas si Blaze sa isang silid na nadaanan ng dalawa ay magyeyelo ang kanilang paligid.   “So, you are up to some games, huh?” may pagka-makulit nitong tanong sa dalagang binalingan.   Umiling ang dalagang si Loren. “I am not fond of any games, I just want to freshen up and watch Tv? if you have one,” tugon nito.   Lumabi ang binata at tumango-tango. Kapwa silang tatlo nagtungo sa may balkonahe ng bahay kung saan naroon sa isang babasagin at halatang mamahaling lamesa ang ilang midnight snacks. Mistulang isang night over sa kanilang tatlo ang tagpo. Makabagong disenyo ang lahat ng kagamitan at naroon nga, sa gitna ang isang malaking telebisyon. Inabot agad ng binatang si Arthur ang remote nito sa dalaga.   “You can watch anything. We don’t use that thing often,” pahayag nito.   Malugod na tinanggap ni Loren iyon at naupo sa sulok ng sofa. Sa kaniyang gilid ay si Arthur at sa bandang harap ay si Blaze na nang tapunan siya ng tingin ay nagtaas ng parehong kilay.   “You know how to use that, right?” anito, nakakaloko ang boses at miski na ang mga mata ay mapaglaro.   Umismid ang dalaga pero tumango rin.   “Hindi ako ganoon kamangmang para hindi malaman ang gamit nito,” saad ni Loren na ipinakita pa ang remote na pinindot.   Bumukas ang Tv at nagkunwaring namangha ang binatang si Blaze upang asarin pa ang dalagang kaharap. Mistula silang bata sa paningin ni Arthur na umiling na lamang at pinagbalingan ang alak sa kaniyang harapan. Bahagya nitong iniusog ang chips sa dalaga upang makain nito iyon.   Nagsimulang mag-ingay ang Tv habang si Blaze ay kinakausap na ang kaibigan. Magkaiba ang mundo nilang tatlo pero kahit papaano ay magaan sa pakiramdam iyon ng dalaga. Iyon ay nang kalmado pa ang kaniyang pakiramdam.   Makalipas ang ilang sandali ay nag-init ang mata ng dalaga at sumikip muli ang dibdib. Mayamaya pa ay nasaksihan ng dalawang binata ang malayang pag-agos ng dugo sa mata nito, animoy isang talon na malayang inaagusan ng tubig nito. Nakakapit ang dalaga sa remote ng TV, mahigpit na mahigpit iyon at dumaraing sa pamamagitan ng marahas na paghinga.    “Lady Loren!” nasambit ni Arthur matapos makitang unti unting dumudugo ang ilong nito. Mas malala iyon kumpara sa una. Nang makita kasi nila ito ay mata lamang ang nagdurugo.   Kusang kumilos ang katawan ng binatang si Blaze at mabilis na nagtungo sa tabi ng dalagang ngayon ay kaawa-awa ang sitwasyon.    “s**t, nangyayari na naman!” inis na usal ni Blaze na sinapo ang katawan ng dalagang nanghihina na ngayon.   Ramdam ni Blaze ang kaba sa kaniyang dibdib dahil sa pangyayari sa dalaga. Ganoong-ganoon ang sitwasyon na kaniyang nakita nang sila ay sumugod sa Roshire. Wala sanang balak ang binata na atakehin ang dalaga na nananahimik sa puno kahit pa ito naman talaga ang kanilang pakay sa pagsugod doon gaya ng kagustuhan ng kaniyang ama na Alpha ng isang pack ng Lycan. Kung hindi lamang niya napansin ang pagsuka at pagluha noon ng dugo na labis niyang ikinabahala ay hindi na niya lalapitan pa ang dalaga at hahayaan na lamang, magpapanggap na nanlaban ito at malakas.   Hinaplos ni Blaze ang likod ng dalaga nang magsimula itong umubo ng dugo. Napupuno na naman ng dugo ang damit miski na ang sahig na tinutuntungan nila. Ibayong pagkalula ang nararamdaman ng dalawang lalaki sa senaryong iyon.   “Get some water or anything. How the hell are we going to stop her from bleeding?” hindi maintindihan ng binatang si Arthur ang gagawin lalo pa at nanginginig na ang katawan ng dalaga.   Gayunpaman ay nagawa nitong banatin ang labi para sa isang pekeng ngiti.   “A-ayos lamang… ako,” utal-utal nitong sabi na parang ang sarili ang pinaniniwala.   “Hhhmmm... Ahh!”   “More, Magus… Ohhh! More!”   Muli na namang nag-umpisa ang malalakas na ungol ng dalawa sa isipan ni Loren. Hindi na niya kinakaya at muli na naman siyang nahihirapan dahil sa kataksilang ginagawa ng pinakamamahal niyang asawa. Lumuluha ng dugo, nagsisikip ang dibdib at nanginginig ang buong kalamnan. Nakararamdam siya ng hiya na may apat na mga matang nakatanghod sa kaniya ngayon ay nakikita ang kaniyang paghihirap at pagpapakasakit.   Sinubukan ng dalaga na umalis sa pagkakaalalay sa kaniya ni Blaze subalit hindi siya nito hinayaan. Mahigpit ang naging kapit nito at bumulong sa kaniya na manatili sa ganoong posisyon dahil kada kilos ng dalaga ay napapansin ni Blaze na mas lumalala lamang ang sitwasyon at dumarami ang dugong tumatagas sa mata at ilong nito.   Mistulang labak ang sahig dahil na rin sa pagsuka ng dugo ni Loren. Ganoon pa man ay walang pakialam si Blaze sa dugong lumalabas mula sa ilong at mga mata nito. Lalo pa nitong kinabig niya si Loren at mahigpit na niyakap; hindi na alintana kung sakaling kagalitan siya ng dalaga matapos nitong magdelieryo.   “Kumalma ka lang...” ani Blaze kay Loren na nasasabayan na ng hikbi ang pagluha ng mga mata.   Nagulat si Loren ng hawakan ng binata ang kaniyang kamay at saka parang doon ipinadaraan ang lakas ng loob na kailangan niya sa oras na iyon. Mula noong magsimula dumanas ng ganoon ay wala pang ni isang yumakap sa kaniya dahil sa takot ng mga itong mamantsahan ng kanyang dugo ang kanilang mga damit. Maliban kay Mr. Jarvis na ginawa lamang iyon dahil sa alam ng kalahatan na siya ay ama-amahan.   Ngunit iba si Blaze. Naglakas loob itong lumapit sa kaniya, kabigin siya at pag katapos ay yakapin ng ganito kahigpit. Naramdam niya sa pag kakataong ito na hindi siya nag-iisa, na mayroon siyang kasama. Hindi dahil ito ay isang tungkulin o ‘di kaya ay kinakailangan gawin kung hindi dahil sa nais nitong pakalmahin siya at mapabuti.   Ilang minuto ang tinagal ng pag dudugo ng ilong at mga mata ni Loren. Walang ibang magagawa si Blaze kung hindi ang yakapin na lang ito kahit pa siya din ay namamantsahan na ng dugong nag mumula kay Loren. Si Arthur naman ay tulala na at ‘di makapaniwala na parang isang gripong pinatay na tumigil ang pagdurugo ng dalaga.   “W-what the hell is happening to her… I mean,” nagmura ito at saka bumalik sa pagtatanong.   “What’s happening? Is she sick? This kind of different from what I learned!” may paghihimutok ang boses ng binate.   Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Blaze bago ito sumagot. “Her husband is mating with another woman,” seryoso at may bahid ng galit ang boses nito.   “I already know that but as far as I know, luluha ng dugo lamang at maninikip ang dibdib. Bakit nagkaganiyan? Why the hell is she splitting blood and even her nose is bleeding now!” bakas ang prustrasyon sa boses ng binata.   Binalingan ng tingin ni Blaze ang dalaga sa kaniyangg bisig.   “That means there is another life that he shares with another woman,” pinal nitong pahayag na parang sinasabing tama na ang pagtatanong tungkol doon.   Kilala ng binatang si Arthur ang kaibigan at kahit na may kalokohan ito at madalas ay makulit, sa oras na ito ay magseryoso ay mahirap kontrolin ang kaibigan.   Hindi naman na nakapag salita pa si Arthur. Natameme na lang ito sa kanyang kinauupuan at tiningnan si Loren ng may awa sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos akalain na ganoon kasakit ang pinagdaraanan ng dalaga.   “Can we do something to stop that? I mean, para hindi na niya iyon pagdaanan pang muli?” hindi mapigilang tanong ni Arthur dahil natatakot itong masobrahan ang dugong lumalabas kay Loren at ito ay makasama sa kaniya.   She is indeed a vampire with extraordinary ability but her body will surely bear everything. Her heart will surely endure the pain. Baka mamaya huminto ang t***k ng puso nito o ‘di kaya naman ay tuluyang mawalan ng buhay. Hindi basta babae ang kanilang kasama. May katungkulan ito at kung babawian ng buhay, napakarami nilang makakalaban.   Dahan-dahang inihiga ng binatang si Blaze ang dalaga sa sofa at kumuha ng tissue paper upang mapunasan ang dugo sa mukha nito at sa ibang bahagi ng katawan na natuluan.   Bumuntong-hininga siya at halatang pinipigil ang sarili.   “Wala. Wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay. Everytime this happen, we need to wait until her husband is finished mating with another woman,” seryosong sagot ni Blaze at tiningnan si Loren na hindi niya malaman kung nakatulog na ba o nakapikit lamang ang mga pagod na mga mata.   Alam ng binatang si Blaze. Napag-aralan niya ang tungkol dito dahil ang pack nila ay matagal ng kasapi ng mga babaylan kaya naman hindi na siya nahihirapang unawain ang sitwasyon. Karaniwan ay sa mga Lycans lamang ginagamit ang ganitong klase ng mahika upang hindi magkaproblema ang isang pamilya o kaya ay hindi mapagtaksilan ang mate. Isa pa, nakita na niya ito sa kaniyang ina kaya naman pamilyar siya. Ganito din ang mangyayare sa mga Lycans oras na mag loko ang mga mate nito kaya alam ito ni Blaze. Masakit ito, bukod sa pisikal na sakit ay nag dudulot din ito ng labis na sakit sa kanilang nararamdaman. Lalo na kung ang kanilang mga asawa ay kanilang mahal. Tulad na lamang ang kaniyang Ina na ikinamatay ang ganoong pangyayari. Pinili nito na takasan ang problemang dulot ng kaniyang ama.   Nakuha ng dalaga ang atensyon ni Blaze nang biglaan itong kumilos at umalis mula sa pagkakasandal. Mahina pa ang katawan nito pero halatang pinipilit ang sarili. Agad na dumalo si Blaze dito habang si Arthur naman ay pinagmamasdan silang dalawa na walang magawa. He knows that his friend, Blaze remembered everything about his mother through Loren.   Yumukod si Blaze upang masapo agad ang dalaga.   “Hayaan mong samahan kita pabalik sa kwarto,” ani Blaze na tinulungan ang dalaga na makatayo at maisaayos ang sarili.   Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag ang binatang si Arthur sa nakikita. Sa wakas ay natapos din ang walang hintong pag durogo ng ilong at mga mata ni Loren, inalalayan na ito ni Blaze na tumayo sa kaniyang kinauupuan at hinawakan ito sa dalawang braso upang alalayan sa pag lalakad nila patungo sa kanilang silid.   Awang-awa namang nakatingin si Arthur kay Loren dahil muntik na itong tumumba dahil sa panghihina pero nang makita na siya ay nakatingin ay matipid na itong ngumiti. Kitang-kita sa mga mata ni Loren na mayroon pang mantsa ng mga dugo na lumabas dito ang labis labis na sakit at lungkot na nararadmaman ng babae. Sino nga naman ba ang hindi masasaktan kung ganitong kapag may ginagawang kalokohan ang asawa ay bigla mo na lang mararamdaman at sa katawan mo pa mangyayari ang sakit habang sila ay masarap na pinag sasaluhan ang init na kanilang nararamdaman.   Halatang mahal nito ang asawa sa kabila ng ginagawa nitong pagtataksil. Ang tanong lamang ay kung hanggang saan nito kakayanin o ng katawan nito ang paghihirap na iyon? Isa pa, naisip ng binatang si Arthur, alam na kaya ng dalaga ang tungkol sa maaring buhay na nabuo ng kataksilan na iyon?   Sa kabilang dako, nakarating sila Blaze at Loren sa silidna inuukopa ng dalaga. Dahan-dahan niyang inupo si Loren sa upuang nasa loob ng silid bago mabilis na nawala si Blaze sa harapan ni Loren. Ilang sandali lang ay bumalik na si Blaze at may dala dala na itong kapareha ng suot suot ni Loren at may dala na rin itong kulay puting tela na ipang papalit ni Loren sa kanyang balot sa didbib na malamang ay nalagyan na rin ng dugo. May dala dala ding isang baso ng tubig si Blaze at agad niya itong ibinigay kay Loren upang ito ay ipainom sa dalaga. Tinignan ni Loren ang binata at hangad na sana ay nauunawaan nito ang pasasalamat niya.   Tinangggap ni Loren ang isang basong tubig at uminum dito, hindi niya ito naubos at ibinalik na kay Blaze . “Salamat,” mahinang sabi ni Loren habang nakayuko.   “Nakakahiya, nasaksihan mo na naman…” malungkot ang boses nito at parang nababahiran ng pagsisisi.   Napatigil ang binate dahil sa narinig. Hindi niya maiwasang maawa rito at maalala ang mukha ng kaisa-isang babaeng minahal at nagmahal sa kaniya. Ganitong-ganito rin ang kaniyang ina. Humihingi ng tawad dahil iniisip nito na napakahina nito dahil sa pangyayaring iyon gayong wala naman itong kasalanan at ang ama niya ang tanging dahilan. Si Loren… tila ang kaniyang ina na walang mapagbabalingan ng sama ng loob at magtitiis na lamang sa pasakit.   Tumikhim ang binata.   “Madalas bang mangyari ang bagay na yan sa iyo?” tanong ni Blaze upang kahit papaano ay hind imaging awkward sa kanilang dalawa ang katahimikan na nagbabalak kumatok sa sitwasyon.   Hindi nakaramdam ng pag-aalinlangan ang dalagang si Loren at umamin.   Tumango siya at kahit pilit ay ngumiti pero kitang-kita na mapait iyon at may bahid ng sakit.   “Paulit-ulit. Sa kahit anong oras at minsan ay buong gabi…” pumiyok ang dalaga sa huling sinabi at nagluha ang mata.   Napalunok ang binate. Noon, ang nauunawaan lamang niya ay nasaktan ang kaniyang ina sa bawat oras na nagkakaganoon ito pero wala siyang ideya sa kung anong klase ba talaga ng sakit dahil hindi naman sinasagot iyon ng kaniyang ina at mas pinipiling pagtakpan ang magaling niyang ama na nagpapakasasa sa kandungan ng ibang babae.   Sandaling natulala ang binata bago bumukas ang labi at humabi ng isang tanong.    “A-ano bang nangyari kay Magus at ginagawa niya sa iyo ang ganoong klase ng kataksilan?” pinipilit ni Blaze na itago ang nararamdaman inis at galit kay Magus nang itanong niya ito kay Loren.   Nagtataka man sa kung paano parang tila kilalang-kilala ni Blaze si Magus ay hindi na nagtanong pa ang dalaga at napagpasiyahan  na lamang na sagutin ang katanungan nito.   Umiling siya.   “Hindi ko alam...” nanghihinang sabi ni Loren bago nag-umpisang mag-unahang pumatak ang luha mula sa mga mata nito.   Muli na naman siyang  nasasaktan sa isiping panibagong pagniniig ang ginawa ni Magus. Kailan ba siya matuto? Kailan ba niya matatanggap? Palaging bago sa kaniya ang pangyayari at nililinlang ang sarili.   Suminghap ang dalaga bago nagpatuloy.   “He went out, trying to find those vampires who’s killing ordinary ones. He promised me…” nanginig ang boses ng dalaga.   “He promised me that he will come back to me but now… he is in someone else’s arms… does not have any plans on going back,” naging bulong ang mga huling salita nito.   Mistulang sinaksak sa dibdib ang binata dahil dama niya ang sakit sa emosyon pa lamang na nakalapat sa boses ng dalaga.   Napaiwas si Blaze ng tingin dahil alam na rin niya ang tungkol doon. At isa din sa mga miyembro ng kanilang pack ang nagsabi nito kay Mr. Jarvis. Nakita nito ang asawa ni Loren na si Magus, kasama ito ng isang babaeng mukhang babaylan. Isinasagawa ang kasal sa gitna ng kagubatan kung saan mas malakas ang kapangyarihan ng mga babaylan dahil hawak nito ang paligid at doon nagmumula ang kanilang lakas. Hindi alam ni Blaze kung babanggitin niya ba ito kay Loren o ipag papabukas na lang niya dahil nakikita niyang pagod na ang babae dahil sa kaiiyak at sa pinagdaanang hirap ilang minuto lang ang nakalilipas.   Sa huli, walang nagawa ang binata kundi ang itago ang tungkol doon at isa-alang-alang ang sitwasyon at damdamin ng dalaga.   “Mag bihis ka na at nang makapagpahinga ka,” seryosong sabi ni Blaze kay Loren.   Tumango naman si Loren at dahan-dahang tumayo mula sa kanyang upuan. Maayos na kahit papaano ang kaniyang pakiramdam at tanging sakit na lang sa kanyang puso ang kanyang iniinda. Hinihintay na lamang niya na siya ay mamanhid at tuluyang malimutan ang pagmamahal na mayroon pa rin para sa asawang taksil.   Pumasok si Loren sa loob ng banyo habang dala-dala ang mga suotin na ibinigay sa kanya ni Blaze upang kanyang gawing bihisan.   Hindi na binasa pa ni Loren ang kanyang buhok at maayos na lang na nilinis ang kanyang katawan na mayroong mantsa ng dugo na nag mula rin sa kanya. Hindi maiwasan ni Loren ang matulala dahil sa nangyari. Ilang beses na nga ba itong ipinaranas sa kaniya ngunit hindi pa rin ba siya masanay-sanay?   ‘Sino ba namang asawa ang masasanay na nakikipag talik sa ibang babae ang asawa nito?’ hindi mapigilang tanong ni Loren sa kanyang isipan.   Humikbi siyang muli at umiyak pero pinilit na tapusin iyon sa loob ng ilang minuto. Hindi maaring palagi siyang mahina at nagpapadala sa sakit na nadarama.   Minadali na lang ni Loren ang ginagawa at agad na ang punas ng tuwalya, nag suot siya ng pang ilalim na kasuotan at maayos naman niyang ibinalot ang kanyang dibdib gamit ang kapirasong puting tela na ibinigay sa kanya ni Blaze. Napatigil siya sa kanyang pag bibihis at napatingin sa long sleeve polo na ibinigay ni Blaze, kulang itim ito kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng hiya. Marahil ay natatakot na itong mamantyahan ang kanyang damit.   Bumukad ang pintuan at iniluwa muli ang binata na kanina lang ay lumabas. Sinipat siya nito at tumango.   “Good. You can rest now,” anito.   Tumango si Loren pero agad ding nasundan ng salita.   “Pasensya ka na kung narumihan ang damit mo. Puti pa naman. Huwag kang mag-alala at lalabhan ko iyon bukas na bukas din,” pahayag niya.   Nangunot ang noo ng binate.    “Anong ibig mong sabihin? Itatapon na natin ang damit na iyon. Marami akong damit diyan at kaya itim ang ibinigay ko sa iyo ngayon ay dahil sa nakakatakot kang tingnan kapag punong-puno ka ng dugo pati damit mo kaya itim na lang,” magaang paliwanag ni Blaze kay Loren dahilan para gumaan ang pakiramdam ni Loren at mawala ang pag-aalinlangan nito.   Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. “Salamat...” sabi ni Loren habang nakayuko at nakatayo sa gilid ng kama. Si Blaze ay naroroon pa rin sa may pinto.   “Huwag kang magpasalamat... may kapalit lahat ng ito,” seryosong sabi ni Blaze bago ito naglakad at dahan-dahang lumapit sa dalaga.   Kumabog dahil doon ang dibdib ni Loren. Sinalakay siya ng kaba dahil na rin sa ikinikilos at ipinakikitang ekspresyon ng binata.   Napaatras naman ng bahagya si Loren at kinakabahang napatingin sa mga mata ni Blaze. Nag-iba ang kulay ng mga mata nito at naging katulad ng sa mga mata ng lobong nasa painting. Kakaiba, maganda at magkaiba ang kulay.   Hinapit ni Blaze ang bewang ni Loren at inilapit ito sa kaniya. Suminghap ang dalaga dahil doon.   “Huwag na huwag kang mag papahuli sa ama ko... iyon lang naman ang kapalit,” sabi nito at biglang ngumiti at binitawan si Loren.   Bumalik na muli sa dati ang itsura nito. Napatanga na lang si Loren kay Blaze, akala niya ay kung anong hihinging kapalit ng lalaki sa kanya kaya ganun na lang ang kaniyang kaba.   “You could have said it without that,” may inis sa boses ng dalaga.   Humalakhak ang binata at kahit papaano ay napanatag ang loob dahil bumabalik na sa dati ang dalaga. Hindi na ito ganoon katamlay at nakapagtataray na sa kaniya.   Pinagmasdan ni Loren si Blaze na tumatawa at gumaan ang pakiramdam niya na malamang may isang tao siyang maituturing na kaibigan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD