Kabanata 60

3324 Words
Third Person   “Mag pahinga ka na, babantayan kita,” sabi ni Blaze kay Loren at hinalikan ito sa noo.   Nagulat si Loren dahil sa ginawa nito, ganun pa man ay hindi niya ito pinahalata upang hindi mailang ang lalaki. Habang si Blaze naman ay nagulat din sa kanyang ginawa kaya dahan dahan siyang lumayo kay Loren habang nakaiwas ang tingin.   Naghihintay siya kung makatatanggap ba siya ng galit o ‘di kaya ay paninita sa dalaga subalit tahimik lamang ito at tila wala lang ang kaniyang ginawa. Hindi niya malaman kung magaling lamang ba itong magtago ng emosyon o talagang hindi nito iyon napansin.   “Mag pahinga ka na... dito lang ako,” sabi ni Blaze at nag lakad patungo sa mahabang sofa na nasa loob ng kanyang malaking kwarto.   Nahiga doon si Blaze habang si Loren ay naiwang tulala at nakatingin kay Blaze, kitang kita ni Loren ang namumulang tenga ni Blaze. Marahil ay nahiya din ito at nagulat sa kanyang ginawa. Ipinag sawalang bahala na lang ito ni Loren at nag tungo na sa malaki at malawak na kama.   Inilapat ni Loren ang kanyang likod sa mlambot na kama at tumulala lang sa kisame, nag hihintay siyang dalawin siya ng antok. Sigurado naman ang dalaga, panatag ang kaniyang kalooban na walang gagawin sa kaniyang masama ang binate. Nararamdaman niya iyon.   Habang sa kabilang banda naman kung saan naroroon ang clan ng Roshire.   “Sigurado ba kayong wala tayong gagawin?” galit na tanong ng kasambahay na si Trisha na siyang napalapit ng husto sa kaniyang pinagsisilbihan.   Labis na pag-aalala ang kanyang nararamdaman dahil sa biglaang pag kawala ng dalagang si Loren. Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil kung hindi niya hinayaang mag-isa ito ay baka naprotektahan niya ito. Pag katapos umatake ng mga lycans sa kanila, marami ang naging sugatan at nang matapos ang ginawang pag atake ay doon lang nila napag tanto na nawawala na si Loren.   Nag tungo naman sila sa hardin kung saan nila ito nakitang nag punta, tanging bakas lang ng dugo ang kanilang nakita doon at naging malayo na rin sa kanilang pang amoy ang amoy ni Loren. Hinala nila na si Loren ay nakuha ng isa sa mga lycans kaya ganun na lang karaming dugo ang inilabas nito.   Pinag-uusapan ng mga konseho ang tungkol kay Loren at ipinahayag ng mga ito na hindi nila kaya bawiin o iligtas si Loren dahil walang mamumuno sa kanila. Wala si Magus, ang kanilang pinuno. Wala ang asawa ni Loren. Wala si Magus. Wala silang magagawa kung hindi ang tumunganga na lang dahil wala silang magagawa kung walang mamumuno sa kanila. Hindi maaring isakripisyo nila ang buhay ng marami para sa isa. At ngayong maging ang kabiyak ng kanilang pinuno ay nawala, walang pipirma at mag-aayos ng mga kailangan ng clan. Magkakaroon ng pagkakabaha-bahagi at pagtatalo sa loob ng kanilang samahan. Gustuhin man ng konseho, hindi sila makagagalaw basta-basta at kung sakali man na magpaplanong babawiin ang kabiyak ng kanilang pinuno, kinakailangan nila ng maayos na plano at mahabang preparasyon.   Ang ama-amahan ni Loren na si Mr. Jarvis, tahimik lang ito sa isang tabi at walang kahit na anong kibo. Nakatingin ito sa kawalan at napansin agad ni Trisha iyon kaya agad niya itong nilapitan.   “Mr. Jarvis, hahayaan na lang ba natin si Lady Loren doon?” nag mamakaawa ang tono na sabi ni Trisha kay Mr. Jarvis.   Alam niyang narinig siya nito ngunit hindi binalingan. Mukhang bigo ang mga mata ng matanda.   “Hindi ko alam... hindi pa natin kaya... kailangan natin si Magus,” sagot ni Mr. Jarvis kay Trisha.   Hindi na napigilan ni Trisha ang sarili, nag unahang pumatak ang mga luhang nag mumula sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang maging matatag sa kalagitnaan ng kanilang apg hahanap kanina kay Loren at ngayong nakagawa na sila ng kunklosiyon kung nasaan ang babae, wala naman silang magagawa upang bawiin at iligtas ito dahil lahat sila ay mahina, maging ang paligid ng clan ay mahina. Dahil wala si Magus, wala ang pinuno.   Umiiyak na tumakbo paalis si Trisha, nag tungo ito sa labas ng silid ni Loren. Dahil nawala ito, tanging si Mr. Jarvis lang ang maaring makapasok doon. Kaya naman sa labas na lang ng pinto ng silid si Trisha umiyak nang umiyak. Tuloy tuloy ito at labis na lakas ng pag hagulhol nito ang maririnig sa kahabaan ng daan.   Habang si Mr. Jarvis naman ay tumayo na mula sa kanyang kinauupuan, seryoso ang muka nito. Nakita niya. Nakita niya ang pang yayare at eksenang kinuha ito ng anak ng pinuno ng mga lycans. Nakita niya ang awa sa mga mata ng binata noong ito ay mag anyong lobo at isinakay si Loren na walang malay sa likuran nito. Kitang kita niya ang ginawang pag-iingat ng lobo upang hindi mahulog si Loren. Hindi alam ni Mr. Jarvis kung tama ba ang desisyon niyang hayaan na lang na kunin si Loren ng lycans at ilayo sa grupo.   Gusto niya man itong bawiin pero naiisip niya na hindi iyon si Loren kung hindi ang kakambal nito na si Caith de Lesa.   Masiyado nang pagod ang dalaga, masyado na itong nasasaktan dahil sa ginagawa ni Magus at kapag nanatili pa ito sa kanilang lugar ay maraming maaalalang alaala nila ni Magus si Caith kaya hinayaan niya ang lobo na maingat na alisin ang dalaga sa kanilang lugar. Tila ba hinayaan ni Mr. Jarvis ang dalaga na tumakas sa tungkulin niya sa loob ng clan upang makapag pahinga sa pagod, kahihiyan at sakit na nararanasan nito sa loob ng clan.   Bakit hindi? Sa una pa lang ay hindi na dapat niya kinuha ang dalaga at binigyan ng responsibilidad. Isa itong ordinaryong tao na minanipula niya upang tanggapin nito ang kaniyang alok. Matapos iyon ay nagawa pa niya itong blackmail-in dahil alam naman niya sa una pa lang na ang anak-anakan na si Loren na siyang kakambal nito ay hindi makababalik sa loob ng isang buwan. Alam niya dahil ang dalaga ay totoong hindi nakasailalim sa isang sumpa kung hindi ay nawawala. Hindi siya nagtagumpay na hanapin ang tunay na Loren kaya naman kinailangan niyang ipinid ang kakambal nito na manatili dahil isang malaking gulo kung sakaling ang dalaga ay biglaan na lamang mawawala.   Si Loren, hanggang ngayon ay hinahanap niya pa rin upang sana ay maibalik na niya ang kapatid nito sa dati nitong buhay kahit pa para sa kaniya ay magiging mahirap iyon. Hindi ipinanganak kahapon si Jarvis upang hindi mapansin ang pagbabago sa dalagang dinala niya rito upang magpanggap. Tuluyan na itong naging kaisa nila at minahal nito ang Pinuno ng kanilang Clan kung kaya alam niyang sakaling makabalik ang kakambal nito na si Loren ay isang malaking kaguluhan. Kung kaya naman minabuti na lamang ni Jarvis na hayaan ang dalagang si Caith na makuha ng Lycans nang sa gayon, sakaling makita niya ang Pinuno at ang anak-anakan ay maibabalik niya rito ng walang gulo.   Napakaitim ng kaniyang balak at hangad subalit iyon ang sa tingin niya ay makabubuti para sa lahat. Kay Caith, kay Loren, kay Magus at sa buong Clan ng Roshire. Alam ni Jarvis na siya ang nagdala ng malaking problema kung kaya naman nais niyang siya na rin ang tumapos. Ang dalagang si Caith ay isang ordinaryong tao at kung saka-sakali ay alam niyang matibay ang loob nito na kalimutan at isantabi ang lahat.   Iyon ang sa tingin niya ay makabubuti. Ang makabalik ito sa ina nito dahil nang puntahan din naman ni Jarvis iyon ay lumalala ang sakit sa halip na bumuti. Hinahanap nito ang anak ngunit dahil makasarili na rin ang hangarin ni Jarvis ay hindi na niya ito ipinarating dahil alam niyang magkukumahog itong umalis. Napansin niya ang pagtingin ng Pinuno sa dalaga at tiyak na susundan at susundan iyon. Malalaman ang plano at nasisiguro niyang pareho sila ng dalaga na mananagot. Kung sakali man na matuklasan nito ang lahat ng kaniyang ginawa, hangad niyang wala na sa loob ng lungsod nila ang dalaga upang makaligtas ito sa poot ng Pinunong si Magus. Isa pang ikinababahala ng Fore Garroter na si Jarvis ay ang napag-alaman niyang estado ng buhay ng kanilang Pinuno. Hindi niya malaman kung sa paanong paraan niya ipahahatid ang balita tungkol sa pakikipag-isang dibdib nito sa ibang babae gayong siya ay kasal na. Isang malaking kataksilan iyon lalo pa at walang basbas ng sariling samahan kung kaya naman kinakatago-tago niya pa rin iyon miski na rin sa dalagang si Caith dahil kamatayan ang hatid noon para sa dalaga.   “How can I solve this all alone?” nawawalang pag-asang usal ni Jarvis habang nakatanaw sa madilim na kalangitan.   Sa kabilang banda. Sumapit na ang madaling araw at hindi pa rin nakatutulog kahit sandali si Blaze. Tiningnan niya si Loren at mahimbing itong natutulog sa kaniyang kama. Sa totoo lang ay hindi sanay si Blaze na matulog sa maliit na sofa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makatulog. Anak siya ng isang Alpha at lumaki siya sa karangyaan. Nakukuha niya ang lahat kung kaya naman, kailanman ay hindi niya naranasan ang matulog sa ganito kaliit na espasyo.   Mas gugustuhin pa ni Blaze na matulog sa lapag habang nakaanyong lobo upang ito ay kumportable sa kanya. At dahil nais na talaga ni Blaze ang makatulog, nag palit si Blaze ng anyo at lumabas ang isang malaking lobo na may kulay puti at abong balahibo, napakaganda ng balahibo nito at maging ang kaniyang mga mata ay nakakamangha rin sa labis na gandang tinataglay nito. Isa siya sa mga pinakakaibang anyo ng lobo, iyon ang noon pa man ay naririnig niyang papuri sa halos lahat ng makikita ng kaniyang ikalawang anyo. Minsan ay mistula pa siyang itinuturing na Keviodo o turned one dahil sa hindi pangkaraniwan ang kaniyang itsura. Ang tanging kapaliwanagan na lamang niyon ay ang tungkol sa lahi ng kaniyang Ina na kalahating babaylan at kalahating lobo habang ang kaniyang ama ay puro.   Pigil na pigil na umangil si Blaze. Humiga ito sa sahig na katabi lang ng kama kung saan natutulog ang dalaga. Sa tingin niya ay magiging komportable siya roon kaysa malayo rito. Ang dahilan? Hindi rin niya alam. Ni hindi niya lubusang kilala ang dalaga pero magaan ang kalooban niya rito kahit pa ito ay isang bampira na kanilang kaaway sa lahat at anak pa ng lalaking labis niyang kinamumuhian. Nailing na lamang si Blaze at ibinaon ang alalahanin sa limot.     “This feels good,” sabi ni Blaze sa kanyang isipan nang makahiga at agad na ipinikit ang kanyang mga mata upang mag padala sa antok.   Samantala…   ‘You’re hard,’ hagikgik ng boses ng isang babae. Dinig iyon ni Loren o ni Caith kahit pa siya ay nakapikit at nakasisiguro siya… ‘It’s because of you...’ napapaos ang boses na iyon na sobrang lambing at kaysarap pakinggan. Iyon ay kung alam niyang hindi kataksilan sa kaniya ng asawa.   ‘I know... I love you, Magus,’ ani isa pang boses na hindi niya makilala. Nanginginig ang katawan ni Loren at pigil hininga siya hanggang sa marinig ang kasunod ng salitang iyon.   ‘I love you too...’   Tila napigtal ang kaniyang hininga dahil doon. Panibagong kamatayan ng kaniyang puso.   Agad na binuksan ni Loren ang kaniyang mga mata dahil nag simula na naman niyang marinig ang boses ng isang babae at boses ni Magus sa kanyang isipan. Nag unahang mag patakan ang mga luha ni Loren dahil sa tinagal tagal nang nangyayare sa kaniya ito, ngayon niya lang narinig sumagot si Magus ng ‘ I love you too’ sa babae nito. Pwera na lamang sa kaniyang panaginip noon na minanipula kuno. Kay Loren, sa kapatid niya sinabi iyon ni Magus na siyang labis niyang ikinagalit at ngayon… hindi sa kapatid niya kundi sa iba mismo.   Panay ang hikbi ni Loren habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Sobra sobrang sakit na ang kaniyang nararamdaman. Impit niyang pinigil ang pag hikbi ng mapansin na tila may kulay puting gumalaw sa tabi, sa ilalim ng kamang kaniyang hinihigaan. Sinilip niya ito at saktong tumingin naman si Blaze sa kaniya. Nag tama ang ulo ng lobo at noo ni Loren, dahil doon ay nag karoon sila ng pag kakataong mag katitigan.   Para kay Caith… si Blaze ang isa sa pinakamagandang nilalang na kaniyang nakita. Bukod pa sa ito ang kauna-unahang lobo na kaniyang nakita sa kaanyuan nito. Ang mga mata ng binata ay nakahuhumaling dahil hindi iyon ordinaryong mga mata lamang. Mistulang nakatingin ka sa crystal kapag ito ay iyong tinitigan.   Unti unting lumiwanag ang katawan ni Blaze at muli itong bumalik sa katawang tao, dahil sa pag aanyong lobo nito ay nasira ang kanyang pang itaas na damit kaya ngayon ay nakahubad na itong nasa harapan ni Loren.   Nag-iwas ng tingin ang dalaga at saka naalala ang dahilan kung bakit siya nagising. Muli, nasasaksihan ng binata sa harapan niya ang labis-labis na kamiserablehan ng kaniyang buhay.   “Umiiyak ka na naman...” malamim ang boses na sabi ni Blaze bago dahan-dahang pinunasan ang luhang nag lalandas sa pisngi ni Loren.   Nakaupo na ngayon ang binata sa kama at kapantay na ng dalagang nagyuko ng ulo upang maiiwas ang sarili sa kaniyang titig. Maaring naiilang o ‘di kaya ay nahihiya ito na nakikita niyang muli ang pagluha para sa isang lalaki.   Hindi na kumibo ang binata at sa halip na sitahin ay hinayaan niyang ilabas ng dalaga ang sakit at saloobin niya sa pamamagitan ng pag-iyak. Wala siyang magagawa kundi panoorin ito dahil kung pagbabawalan niya ay mas lalo lamang itong luluha.   Matagal na tahimik ang paligid at walang salitang namamagitan sa kanilang dalawa at tanging hikbi ng dalaga ang ingay sa paligid. Iyon ay bago pa dumaing ang dalaga sa panibagong sakit na nararamdaman nito.   “A-aray!” daing ni Loren nang maramdaman niya na tila may kumagat sa kaniyang labi.   “He is doing it again,” malungkot na bulong ni Blaze bago inalalayan si Loren na tumayo upang mag tungo sa isang upuan at pinaupo doon; binigyan niya ito ng isang basong tubig.   Mistulang tatanggapin ng dalaga ang baso ngunit hindi  na ito iyon naituloy.   “Aray!” Nakapikit ito at humawak naman sa kaniyang leeg.   Parang saksak ang sakit na iyon na panibago na naman niyang nararanasan. Ano pa ba ang madadagdag?   “Akin ka lang,” dinig ni Loren ang mga salitang iyon gamit ang boses ng lalaking pinakamamahal at ninanais pa rin makita sa kabila ng lahat.   Unti unting lumabo ang paningin ni Loren at nahirapang huminga, nag simula na muling umagos ang dugo mula sa mga mata nito at sa ilong, miski ang labi ay napupuno na ng dugo.   “A-ayoko na! Pagod na ako!” umiiyak sa sakit na sigaw ni Loren.   Ramdam niya ang pag sakit ng kanyang kanang dibdib na tila ba may kumakagat dito at ang puso niya ay parang dinidiinan at inaasinanan.   ‘Is that how you truly love her, Magus?’ katanungan sa isip ng dalaga.   Hindi na napigilan ni Blaze ang sarili, niyakap niyang muli si Loren at hinagod ang likod nito upang kahit papaano ay pakalmahin ang dalaga.   “Tama na! Pagod na pagod na ako!” paulit ulit na sigaw ni Loren habang namimilipit ang sakit dahil sa nararamdamang kagat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.   Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Blaze at pumasok doon ang nag-aalalang si Arthur. Nakita niyang muli ang pagdurugo ng mga mata at maging ilong ni Loren kaya nakaramdam na naman siya ng awa dito. Dahan-dahan siyang pumasok ng silid.   “May magagawa ba kami para maibsan ang nararadaman mong sakit?” nag-aalalang tanong ni Arthur kay Loren habang yakap-yakap pa rin ito ni Blaze.   Dahil sa hubad si Blaze at walang pang itaas, kitang-kita sa katawan niya ang dugong umaagos mula sa mga mata at ilong ni Loren. Mukha tuloy ngayong nakipag p*****n o nakipag-away si Blaze dahil sa dami ng dugo.   ‘You are such a fool for doing this to your wife, Magus. You will regret everything!’ galit na sabi ni Blaze sa kaniyang isipan bago hinigpitan ang yakap kay Loren.   Nag tagal sila sa ganoong sitwasyon. Mahigit kalahating oras na dumadaing at paulit-ulit na sumisigaw si Loren dahil sa sakit na kaniyang nararadaman. Walang magawa ang dalawang mag kaibigan kung hindi samahan na lang ito. Gusto nilang hanapin si Magus at patayin ito dahil sa ginagawa nito sa isang napakaimportanteng babae. Ngunit alam nila na sakali man na magawa nila iyon sa lalaki, ang babae rin ang mag-iinda. Nakikita naman nila kung gaano ang pagmamahal nito sa lalaking iyon at kahit pa nasaktan siya nito nang paulit-ulit ay nasisiguro nilang nais pa rin nitong makita si Magus ng buhay.   Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawala at tumigil ang pag durugo ng mga mata at ilong ni Loren. Nakatulog na rin ang babae dahil sa labis na pagod. Tila ba tuwang-tuwa si Magus at ang kasama nito kaya natagalan sila sa pag kakataong iyon habang ang tunay na asawa nito ay labis-labis na nagdurusa. Kung mas tatagal pa ito sa nangyari ngayon, baka hindi na kayanin ni Loren ang sakit na nararadmaman niya sa pisikal at emosyonal.   Binuhat ni Blaze si Loren pabalik sa kama; nawalan na ng malay ang babae.   “Ikuha mo ako ng towel na malinis at isang planggana na may tubig,” sabi ni Blaze kay Arthur.   Agad namang nawala si Arthur s a harapan ni Blaze upang gawin ang utos ng binata sa kanya. Mabilis itong nakabalik dahil nagagawa nilang gumawa ng mabilsi na gawain dahil sa kanilang kakayahan at kapangyarihan. Ibinigay agad ni Arthur ang malinis na towel at isang planggana na may lamang tubig. “Nakakaawa siya,” hindi na napigilang sabihin ni Arthur habang nakatingin pa rin sa mga muak ni Loren na ngayon ay kitang kita ang pagod at sakit na pinag dadaanan nito sa bawat minuto, oras aat araw.   “Kung may magagawa lang sana ako, igaganti ko siya sa lalaking ‘yon,” matigas na sabi ni Blaze, “Lumabas ka muna, papalitan ko siya ng damit.”   Sumunod naman si Arthur sa sinabi ni Blaze, agad siyang lumabas ng silid at isinara ng maayos ang pinto. Doon na lang siya tahimik na nag hintay sa labas ng pinto.   Nag-umpisa na si Blaze na alisin ang mga butones ng suot suot ni Loren na kanyang pag-aari, nabuksan niya ito ng maayos lahat at dahan-dahang inalis sa katawan ni Loren. Pilit na iniiiwas ni Blaze ang kanyang tingin sa dibdib ni Loren, mabuti na lang at ito ay hindi nagkaroon ng dugo, tanging ang leeg lang ng damit nito dahil sa pag yakap ni Blaze dito, kay Blaze napunta ang mag dugong umaagos mula sa mga mata at ilong ni Loren.   Nag-umpisa na si Blaze na linisin ang katawan ni Loren na may bahid ng dugo, ngunit bago iyon ay nilagyan niya muna ng kumot ang katawan nito na hanggang dibdib dahil hanggang leeg lang naman umabot ang dugong umaagos mula sa kaniya kanina. Pag katapos niyang lagyan ng kumot ang katawan nito hanggang dibdib ay nag-umpisa na si Blaze na basain ang towel sa isang planggana na may lamang tubig.   Piniga niya ito ng mabuti bago niya ipinunas ng maayos sa muka ni Loren, maraming dugo ang nasa muka nito. Napansin si Blaze na napakabilis matuyo ng dugong nanggagaling sa mga mata at ilong ni Loren dahil tuyo agad ang mga ito at nakadikit na sa balat ni Loren.   Hindi naman nahirapan si Blaze na tanggalin ang mantsa ng dugo sa balat ni Loren kaya nag patuloy lang siya sa ginagawa niyang pag lilinis dito. Napatigil ang tingin ni Blaze sa labi ni Loren, agaw pansin ang labing iyon dahil napaka- pula nito. Palibhasa ay isang bampira ang babaeng nasa harapan ni Blaze.    ‘If only you are not owned by someone… if only you are not marked by him, I will take you as my wife,’ sa isip-isip ng binate bago nagpatuloy sa pag-aayos sa dalaga.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD