Third Person
Saktong binuksan ni Loren ang pinto ng banyo ay saktong bumukas din ang pinto ng silid at iniluwa ang anak ng pinuno ng mga Lycans na si Blaze. Nakapagpalit na ito ng damit, iba sa suot kanina. Ngayon ay ordinaryong tee shirt na lamang at short na lamang.
“Akala ko kung ano na namang nangyari sa iyo,” sabi nito at bahagyang nag-iwas ng tingin. Marahil ay nahihiya sa inasta.
Hindi naman iyon pinansin ng dalaga dahil okupado ng napakaraming isipin ang kaniyang utak.
“Ayos lang ako,” sagot naman ng dalaga dito.
“May aasikasuhin lamang ako sandali,” pahayag ni Loren sa binata na mukha namang naunawaan niyon.
Sumandal ang binatang si Blaze sa pader at malayang pinagmasdan ang dalaga na alam niyang hindi pa gaanong nakahuhuma sa sitwasyon nito ngayon. Nakasunod ang kaniyang tingin sa dalagang si Loren ; sa kahit na anong kilos nito miski hanggang sa ito ay makarating sa tapat ng kanyang kama. Halata na hindi pa maayos ang babae dahil sa tila walang buhay nitong paggalaw. Tila ba ito ay napipilitan lamang.
“Mayroon ka ba riyang kahit kapirasong tela?” pagtatanong nito kay Blaze kahit pa hindi nito iyon tinitignan. Malamig ang boses, walang buhay. Iyon ang punang-puna ng binata.
Ang dalagang si Loren ay nakaharap sa kama habang sa likuran niya, ay ang binata na naniningkit ang mata.
Nararamdaman ni Blaze ang pag kailang sa tono ng pananalita ni Loren sa kanya. Hindi tuloy mapigilan ni Blaze ang sarili na mapakunot ang noo at mapatanong dito.
“Bakit? Aanhin mo ang kapirasong tela na iyon?” ani Blaze kay Loren habang nakakunot pa rin ang noo dahil sa labis na pag tataka.
Saan gagamitin ng dalaga ang hinihingi? Mayroon ba itong iba pang sugat sa katawan na kailangan malunasan bukod pa sa nakita nila kanina? Marahil ay ganoon nga dahil hindi naman nila inalisan ng damit ang dalaga dahil isa iyong abuso para rito. Alam niya na kahit pa ipinipilit ito sa kaniya ng kaniyang ama ay hindi niya maaring panghawakan iyon. Isa pa, kalabisan ang gawin iyon at ipangatwiran na siya ay nag-aalala lamang.
Naglakad ang binata, patungo sa kabilang side ng kama kung saan makikita niya ano man ang nakabalatay na emosyon sa mukha ng kausap. Ang dalagang ito para sa kaniya ay tila babasaging kasangkapan na isang tabig lamang ay maaring mabasag o mabitak.
Napansin ng binatang si Blaze ang pagsunod nito ng tingin sa kaniya ngunit nang huminto na sa bandang harap nito ay nag-iwas ng tingin si Loren at ang mga labi ay naglapat na parang pinipigil ang sarili.
“Saan mo gagamitin ang telang hinihingi mo? May iba ka pa bang sugat sa katawan?” pagtatanong muli ni Blaze.
Umismid ang dalaga sa kaniya at bumaling ang tingin sa iba.
“Hindi mo na kailangang malaman pa,” naiilang na sabi ni Loren bago ito nagyuko ng ulo upang 'di maging malaya si Blaze na sipatin ang kaniyang mukha
Hindi naman pumayag si Blaze na hindi niya malalaman ang pag gagamitan ng dalaga nito, nais pa rin sana niyang itanong sa dalaga kung para saan ba ‘yon bago niya ito bigyan ng kapirasong tela, ngunit naunahan na siyang mag salita ni Loren.
“Yung malinis sana ang kailangan ko... ilalagay at ibabalot ko lang sana sa aking dibdib,” ramdam ang hiya at pag kailang sa tono ng pananalita nito, habang si Blaze naman ay hindi napigilan ang sariling mga mata at kusang bumagsak ang tingin nito sa bandang dibdib ni Loren na may takip na buhok.
Napalunok si Blaze bago napaiwas ng tingin, nag iinit ang kanyang tenga, sa isip isip nito ay sana hindi na lang siya nag tanong pa dahil siya tuloy ngayon ang nakaramdam ng hiya para sa babae. Kung bakit nga ba naman kasi hindi niya naalala na hindi lamang underwear ang kailangan ng mga ito. Paano niya malalaman iyon kung hindi naman siya nakakasalamuha ng babae? Kung siya man ay magkakaroon ng interaksyon sa mga ito sa kama, ang mga ito na ang nag-aalis ng damit para sa kaniya. Napailing ang binate dahil sa kaisipang iyon.
“Sandali at hintayin mo ako rito, ikukuha kita ng tela na kailangan mo, pasensya ka na dahil wala akong bagay na inilalagay ninyong mga kababaihan sa inyo dibdib,” ang paliwanag ng binata bago ito tumalikod at nagtungo palabas ng silid.
Kapansin-pansin ang pamumula ng tenga nito dahil sa hiyang nararamdaman para sa dalaga at miski na rin sa kaniyang sarili.
Nanghihinang napaupo naman si Loren sa malambot na kama, nahalata niya kanina sa reaksyon ng binatang nasa kanyang harapan na hindi ito papayag hangga’t hindi malalaman kung saan gagamitin ang tela na kanyang hinihingi, kaya nag pasya na siyang sabihin na lang dito ang katotohanan. At ngayon ay hindi mapigilan ni Loren ang mapangiti at mapailing dahil sa nakita niyang reaksyon ng binata, tila ba hiyang-hiya ito dahil tinanong niya pa ang tungkol sa bagay na ‘yon.
“Kasalanan naman niya,” usal ni Loren at napailing na lamang.
Pinagbuhusan niya ng oras ang paglilibot ng tingin sa silid at para maging pamilyar doon. Nasisiguro niya na kung sakali man na hindi siya hahayaan ng binata na makaalis o makalaya ay ito ang kaniyang magiging silid. Dito siya mananahan hanggang sa magkaroon siya ng kalayaan na makaalis. Sino ba namang kalaban ang hahayaan ang kaniyang bihag na tumakas? Isa nan gang kalabisan ang makatanggap ng ganitong pagkalinga. Nasisiguro ni Loren na hindi kailanman nagawa ni Magus ang ganitong pagtanggap sa kaniyang mga naging bihag. Maswerte pa rin siya.
Ilang sandali pa ng pag hihintay ni Loren ay bumalik na si Blaze na may pagkasimangot ang mukha; mukhang hindi pa nakahuhuma sa kahihiyan kanina. Itinago ni Loren ang ngiti dahil doon. Pinagmasdan niya ang binatang lumalakad patungo sa kaniya. May dala dala itong kapiraso ngunit mahabang kulay puting tela, maayos pa itong nakatupid at nakalagay sa isang sisidlan upang maiwasang ito ay madumihan.
Ang tela ay isang makapal na pamugong sa buhok. Nakikilala ni Loren iyon dahil nagmamay-ari ang kaniyang ina ng ganoong bagay. Naiisip niya na sasapat na iyon upang maging komportable siya.
“Puwede na ba ito? Sapat na ba o kulang pa? Sabihin mo at ikukuha pa kita,” sunod sunod na pahayag ng binata kay Loren pag katapos ibigay ang sisidlan na nag lalaman ng tela na hinihingi niya.
Napangiti siya. Nakakaramdam ng pagkataranta ang binata dahil doon. Tinanggap ni Loren ang bagay na iyon at hinawakan ng mahigpit.
“Maraming salamat. Sa tingin ko naman ito ay sasapat na. Hindi naman kalakihan ang aking tatakpan,” hindi maiwasang biro ni Loren dahil kitang kita niya ang pag kailang sa muka ni Blaze.
Bahagyang nanlaki ang mata nito at nalukot ang mukha pagkatapos.
“Sige na at ayusin mo na ang iyong sarili. Nagugutom na ako,” naiilang na sagot ni Blaze kaya hindi maiwasan ni Loren ang mapangiti bago tumayo sa kanyang kinauupuan at nag lakad pabalik sa banyo upang ikabit ang telang nahingi niya sa binatang si Blaze.
Pag pasok ni Loren sa banyo ay agad na napahiga si Blaze sa kaniyang malaking kama, nakaramdam siya ng panlalambot dahil sa kaniyang kalokohan. Kung hindi na sana siya nag pakita ng pag nanais na malaman kung para saan gagamitin ang telang iyon ay hindi na sana niya maiisipang tingnan ang dibdib nito, hindi sana siya ngayon nakakaramdam ng hiya.
Hindi naman kasi isang ordinaryong babae lamang ang dalaga dahil nasisiguro niya na kung ito ay kaparehas lamang ng ibang babae ay baka nangunyapit na ito sa kaniya at ipinilit ang sarili. Nailing siya at napapikit na lang.
Habang nasa ganoong sitwasyon si Blaze ay biglang lumabas ng banyo si Loren, tumingin agad dito si Blaze at natulala dahil sa aliwalas ng muka nito. Kung ikukumpara sa kanina. Ito rin ba ang babaeng kausap niya kanina lamang? Ang babaeng mukhang miserable at pinagsakluban ng lupa ng kaniya itong iligtas?
Kumurap-kurap siya at sinipat ang dalaga sa harapan. Ang buhok ng babae ay maayos nang nakapusod gamit ang sobrang tela na kanyang ginamit upang ibalot ang kanyang dibdib at hindi maiwasang bumakat ito sa labas ng kanyang suot na pang itaas, dahil doon ay kitang kita ni Blaze ang kagandahan ni Loren.
Tumikhim ang dalaga at tipid na ngumiti saka naglakad patungo sa isang upuan doon dahil marahil naroroon si Blaze sa kama ay hindi ito roon makadiretso.
Binasa nito ang labi at halos doon matuon ang atensyon ng binata kung hindi lamang ito nagbitaw ng salita.
“Hindi ka ba nag tataka? Dapat sa mga oras na ito ay sinusugod na kayo ng konseho dahil sa inyong pag atake at biglaan kong pag kawala,” sabi ni Loren kay Blaze.
Kumpara kanina, ang boses nito at ang emosyong gamit ay malumanay na at hindi nababahiran ng pagkabahala o kung ano pa man. Tila naging komportable na ito sa kaniya at miski na sa lugar kung nasaan sila. Kung sa bagay ay hindi nito kailangan lubos na matakot para sa sarili dahil una sa lahat ay wala siyang balak na saktan ito at pangalawa, natatandaan niyang sinabi ng ama na ang dalaga ay may kakayahan o higit pang abilidad upang ipagtanggol ang sarili.
“Hindi nila gagawin iyon... hindi nila isasakripisyo ang buhay ng nasa loob ng clan niyo para iligtas ka, dahil alam mo naman kung gaano kahina ang inyong clan ngayong wala doon ang pinuno,” seryosong sabi ng binatang si Blaze.
Para namang tinusok ng libo libong karayom ang kanyang puso matapos marinig ang bagay na ‘yon. Bakit nga ba hindi niya ito naisip? Hinding hindi mag sasakripisyo ang konseho para lang sa kanyang kaligtasan lalo pa ngayong mahina ang kanilang clan at malaki ang tyansa na kapag sinubukan nilang iligtas siya sa lugar ng mga lycans ay matatalo ang buong clan at siguradong mapapahamak ang karamihan dito.
Isa pa, alam naman ni Loren sa kaniyang sarili kung ano ang tunay na tingin sa kaniya ng mga mamamayan ng Roshire. Even the council does not like her for Magus at baka nga mas gustuhin pa ng mga ito ang babaylan kung ikukumpara sa kaniya. Mas lalo na kapag nalaman nila na siya ay hindi ganap na bampira at nagmula lamang sa pagiging isang ordinaryong tao.
“Natahimik ka?” sita ng binata kay Loren na muling nawalan ng buhay ang mukha. Kanina lamang ay maaliwalas na ang ekspresyon nito ngunit isang banggit lamang sa clan na pinagmulan ay muling nalulungkot. Nakababalisa iyon para sa binata.
“Huwag mo munang kaisipin ang clan niyo,” may bahid ng ngiti ang labi nito na parang ina-assure siya.
“Ang isipin mo ay ang sarili mo kahit ngayon lamang. Nakalaya ka na kahit papaano. Baka sa ganitong paraan mo magagawang paghilumin ang iyong sarili,” mahabang paliwanag nito sa dalaga.
Natigil sa pag-iisip si Loren at napatingin kay Blaze dahil sa sinabi nito. Napakalaki ng epekto noon sa kaniya at hindi niya akalain na isang Lycan na inakala niyang kalaban ang siyang kariringgan niya ng ganon.
Hindi maintindihan ni Loren, ngunit tila ba ang mga salita iyon ang nagtulak sa kaniya upang ang mga luha na pilit niyang pinipigilan ay mag-unahang kumawala mula sa kaniyang mapupungay na mga mata. Hilam na ito subalit hindi pa rin nauubusan ng luha.
“Shh... that’s fine. Lahat tayo may sobra-sobrang dinadalang mga sakit,” makahulugang sabi ni Blaze kay Loren.
Naawa ang binata para sa dalaga ngunit anong magagawa niya? Anong magagawa niya upang pawiin ang sakit na nararamdaman nito kung siya mismo, sa miserable niyang buhay ay hindi makawala? Nag-iwas ng tingin ang binata. Malakas ang dalaga, iyon na lamang ang kaniyang iisipin. Alam niyang makakayanan nito makabangon mula sa pinagkakalugmukan nito.
Unti-unti rin namang tumigil ang mga luhang lumalabas mula sa mapungay na mga mata ni Loren. Ngumiti si Blaze dito at tiningnan ang kaniyang mga mata na hilam at nababasa pa rin ng luha kahit pa huminto na sa pag-iyak.
Bumuntong-hininga ang binatang si Blaze at saka tumayo at inayos ang buhok na may kahabaan.
“Kumain na tayo para makapag pahinga ka na. Masyado ka ng napapagod,” muli ay may halong pamumunang sabi nito.
Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang tumango. Kapwa sila naglakad palabas ng silid upang magtungo sa kung saan mang bahagi ang kusina.
Masyadong komportable si Loren sa binatang kasama. Kahit pa miski sa bahay ay hindi siya nakararamdam ng pag-aalala.
Hindi maintindihan ni Loren, ngunit ramdam niya sa kanyang sarili na kahit kakikilala niya pa lang sa binatang lycan na si Blaze, malapit na ang kaniyang loob dito. Kung hindi nga lamang niya kilala ang sarili ay iisipin niya na maaring nagkaroon siya ng problema at nakalimutan na lamang ang binata. Ramdam kasi ng dalagang si Loren na mabuti ang puso ng lalaking kasama niya ngayon at umaasa siyang makabubuo siya ng pag kakaibigan kay Blaze at alam niyang balang araw ay magiging malaking tulong ito para sa kanilang clan.
Ilang pasilyo ang kanilang tinahak. Pansin na pansin ni Loren ang naggagandahang disenyo at structure ng bahay. Nagmumukhang elite ang nakatira rito at mistulang tao rin dahil sa makabagong disenyo. Simple pero halatang pinag-ubusan ng pera at oras ang bahay na ito. Mayaman si Blaze. Hindi niya inakala na makasasabay sa buhay ng ordinaryong tao ang kanilang mga uri.
Nadaanan nila ang isang pasilyo kung saan maraming litrato ng mga lalaki at babae. Dahil malinaw ang kaniyang mga mata ay nagawa niyang mabasa ang maliliit ngunit detalyadong sulat doon. Sila ay ang mga Alpha na namuno sa pack na marahil ay kinabibilangan ng binatang kasama niya ngayon. Nakaramdam siya ng kaba. Kinabog ang dibdib dahil sa pumasok na katanungan sa kaniyang isip.
“N-narito din ba ang ama mo?” kinakabahang tanong ni Loren kay Blaze.
Natigilan ang binata sandali ngunit nagpatuloy din agad. Nilingon siya nito dahil nasa gilid siya, medyo nahuhuli. Nakita niya na ang mata ng dalaga ay naka-focus kaniyang mga ninuno. Marahil ay naiisip ng dalaga na makakasalamuha nito ang kaniyang ama.
“Huwag kang mag-alala. Sarili kong tahanan ito at hindi ito alam ni Ama kung kaya wala kang dapat na alalahanin dahil malayo ito sa inyong lugar at ganun din sa lugar ng aking ama,” paglilinaw nito.
Bahagya niyang nakita ang pagiging malumanay ng paghinga ng dalaga.
“Magiging ligtas ka rito. Ipinapangako ko,” seryosong saad ng binata nang makasalubong ang tingin ng dalaga.
Tumango naman si Loren kay Blaze, sa ngayon ay kailangan lang niyang maniwala sa binatang nag dala sa kaniya sa lugar na malayo sa problema at kapahamakan.
Muli na silang ang patuloy sa kanilang paglalakad patungo sa kusina kung saan naroroon ang hapag kainan. Pag karating na pag karating nila doon ay sinalubong sila ni Arthur, ang malapit na kaibigan ni Blaze ngunit malaki ang takot sa ama nito.
Bumakas sandali ang gulat sa mata nito pero ilang sandali lamang naman iyon dahil agad na nagbago ang ekspresyon. Naging kalmado at magalang kahit pa nakita ni Loren kanina na hindi ito sang-ayon sa ginawang pagdadala sa kaniya ni Blaze sa kanilang pamamahay.
“Lady Loren…” bati nito. Nakaramdam ng gulat si Loren dahil hindi niya lubos akalain na alam nito kung paano siya i-adress ng mga taga-Roshire.
“I am Arthur. Blaze’s friend,” anito na may maliit na ngiti na nakapaskil sa labi. Malumanay na ipinakikilala ang sarili.
Labag man sa kalooban ni Arthur ang ginawa ni Blaze, wala naman siyang magagawa tungkol dito dahil masyadong malakas sa kaniya ang kaniyang kaibigan kaya’t pag tatakpan niya na lamang ito sa ama nito.
Isa pa ay nakikita naman ni Arthur na mukhang hindi sila sasaktan ng asawa ng pinuno ng clan na kanilang sinalakay kanina. Mas mukha pa nga itong kaawa-awang babae na walang magawa kundi manatili sa kanila. Blaze’s father introduce a woman who’s feisty and bold but this woman in front of them looks fragile. Iyon ba ay dahil sa naging karanasan nito sa piling ng asawa? Dahil sa problemang kinahaharap nito ngayon o talagang… iba ang babaeng ito sa ipinakilala sa kanila? Umiling ang binatang si Arthur at binalewala ang kaniyang iniisip.
Naglahad ito ng kamay sa dalaga at pinakitaan ito ng ngiti nang pagtanggap.
“Are you fine now?” tanong niya pa upang kahit papaano ay makuha ang loob ng dalaga.
Hindi nag salita si Loren ngunit tinanggap niya ang kamay ni Arthur at nginitian ito at saka marahang tumango.
Humugot si Arthur ng malalim na hininga at saka pinagaan ang tensyon sa paligid. Bahagya pa itong pumalatak.
“Maupo na kayo at ihahanda ko na ang mga pagkain,” pahayga nito na ikinangiti naman ni Loren.
“Tulungan na kita,” si Blaze iyon na sa halip na umupo ay nagtungo sa tabi ng binatang si Arthur at inasikaso rin ang mga dadalhin sa lamesa.
Nakaramdam ng hiya si Loren at agad na tumayo saka nagbalak na tumulong. Akmang magtutungo ito sa tubigan ngunit tiningnan ito ni Blaze ng makahulugan na tila ba sinasabi ng tingin nito na mas kailangan ni Loren ang maupo na lang at hintayin sila upang siya ay makapag pahinga.
Walang nagawa si Loren dahil sa titig na iginawad sa kaniya ng binatang si Blaze. Naupo na lang siya sa isang upuan at pinanuod ang magkaibigan na abala sa pag hahain ng mga pag kain sa hapag kainan. Hindi maiwasan ni Loren ang makaradmam ng labis na lungkot dahil sa sinasapit niya sa kaniyang buhay.
Naririto siya, sa puder ng mga hindi niya inaasahang nilalang na kakalinga sa kaniya samantala ang kaniyang asawang si Magus ay nagkakasala sa kaniya, kasama ang mga kalaban. Parehas na nga ba sila ng sitwasyon ng asawa? Katulad ba nito ay mananatili na lamang siya sa puder ng dalawang Lycans kaysa naisin na bumalik? Sa tingin naman niya ay kung nanaisin niya na makaalis ay hahayaan siya ng dalawa ngunit may babalikan pa ba siya? Para saan pa? Nagtungo siya sa lungsod ng Roshire para sa isang misyon at iyon ay ang tulungan ang kapatid ngunit dahil nahumaling siya at nahulog sa asawa nito, si Magus na ang naging pangunahing dahilan ng kaniyang pananatili. Ngayon na wala na sa kaniya ang asawa, nasa piling ng iba at tila wala ng balak pa na bumalik sa kaniya, babalik pa ba siya sa lugar na iyon na pasakit ang huling ibinigay sa kaniya?
May kirot sa dibdib ng dalaga at parang pinipisil ang kaniyang puso ngunit sa halip na patuloy na saktan ang sarili ay ipinagsawalang bahala niya ang nasa kanyang isipan at itinuon na lang niya ang kaniyang tingin sa mag kaibigan na ngayon ay tapos nang mag hain ng mga pag kain.
Kapwa ang mga ito naiilang sa tingin na iginagawad niya sa dalawa, halatang hindi sanay na may kasalo sa pagkain sa mismong tahanan nila.
“Kumain na tayo,” nakangiting sabi ni Arthur bago ito naupo sa isang upuan at ganun din naman ang ginawa ni Blaze.
Inilibot ni Loren ang tingin sa kusina ng bahay. Hinanap niya muna ang isang orasan upang tingnan ang oras. Nakita niyang alas-otso na ng gabi. Gabi na namang muli. Ano na naman kaya ang hirap na daranasin niya sa mga susunod na oras?
Napansin ni Loren ang tingin ng dalawa sa kaniya, naghihintay na siya ay maunang kumain kaya naman agad siyang kumilos at kumuha ng sapat sa kaniya saka sumubo. Tahimik lang silang tatlo at walang imikan o kibuan ma lamang. Hindi maipag kakailang gutom na ang mga ito dahil anong oras na rin naman.
Doon natuon ang kanilang atensyon at nang sila ay makatapos ay sinabihan ng binatang si Blaze si Loren na magtungo na sa silid at nang maagang makapagpahinga ang dalaga. Gustuhin man na tumulong nito sa kanila ay hindi na niya nagawa dahil pursigido ang dalawang lalaki na sila na lamang ang bahala sa kusina. Iniisip na lamang ni Loren na ayaw ng mga ito na may ibang hahawak ng kagamitan doon dahil maselan.
Nagtungo si Loren sa silid at doon ay hinintay ang oras kung kailan siya dadalawin ng antok o kung kailan siya dadalawin ng sakit na dulot ng pakikipagniig ng kaniyang asawa sa iba.