Nagising ako dahil sa labis na pagka-uhaw ngunit ngayon ay alam kong sa tubig iyon. Nagmamadali akong bumangon mula sa pagkakahiga at ‘di alintana ang nakadantay na braso at binti sa akin. Sa lamesa tapat ng salamin ay kitang-kita ko ang bulto ko na hubo’t hubad habang umiinom ng tubig sa isang babasaging baso. Mula sa likuran ko ay sumungaw si Magus at pinatakan ng halik ang aking leeg, mismong parte kung saan niya ako kinakagat. Suminghap ako pagkababang-pagkababa ng baso.
“Morning, wife,” bulong niya sa aking tenga at pumulupot ang braso sa aking baywang.
Sa harapan ng salamin ay pinanonood ko ang kilos naming dalawa.
Kunot-noo akong nakatingin doon at pinipilit isipin kung ano ang naiiba sa amin ngayon. Akon a hubo’t hubad at siya na may suot na pang-ibaba. Ang naiiba ay ang ‘di ko pagkaramdam ng hiya, tama ba? Hindi pa rin. Hindi iyon.
Nanlaki ang mata ko ilang segundo ang makalipas. Mas lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Ang braso ni Magus sa aking baywang ay kakulay na kakulay na rin ng aking balat sa aking tiyan. Kung noon ay may pagkakaiba pa dahil hindi naman maputla ang akin, ngayon ay parehas na. Dumiretso ang tingin ko sa aking mukha at ganoon din ang nakita, mapulang-mapula ang aking labi, itim na itim na ngayon ang buhok at nagkaroon ng kakaibang talim ang panga at miski na ang mata ko.
Ang collar bone ko ay mas lalong nadepina at parang mas naging balingkinitan ang katawan ko kumpara kanina. Mas mahubog iyon at kitang-kita ang ugat sa aking balat.
“You’re beautiful, wife,” aniya sa mababang boses at pinatakan ng halik ang aking ulo.
Hindi ko maintindihan kung ano bang salita ang dapat na unang lumabas sa aking bibig. Kung ang pagpapasalamat sa papuri niya o ang pagpuna sa aking pagbabago. Sa huli ay hindi rin nauwi doon dahil iniangat niya ang aking baba para sa masuyong halik at kung hindi pa pumailanlang ang tatlong sunod-sunod na katok sa pintuan ay hindi niya bibitiwan ang aking labi.
Nagsalubong ang mga mata namin at gumuhit ang isang banayad na ngiti sa kaniyang labi.
“Let’s get ready for the ritual,” aniya sa mababa pa ring boses na tango ang aking isinagot.
Mabilis siyang kumilos at kinuha ang blanket sa aking kama at saka ipinulupot sa aking katawan upang ‘di ako maabutan ng mga nasa labas na walang saplot.
“They are here to assist,” siya tapos ay kinintalan uli ako ng isang halik at saka nagtungo sa pinto para buksan iyon.
Si Trisha agad ang aking nakita, nakayuko na nagbigay galang kay Magus, ganoon din ang iba. Matapos na makalabas ni Magus ay nagdiretso sila sa akin.
“Lady Loren,” pagbibigay bati nila na ngiti ang aking isinagot.
“Narito po kami upang ihanda kayo sa gagawing ritwal mamaya,” si Trisha iyon na isinasabit sa estante ang isang kulay maroon at manipis na bistida.
“Ito po ang ipinagbigay habilin ng mga babaylan,” aniya nang makita akong nakatingin doon.
“Maari na po ba naming simulant?” ika noong isang babae.
“Please,” sambit ko at agad na natigilan nang marinig ang sariling boses.
Napamulagat ako dahil iba ang dating sa akin ng boses ko. Malamig at parang kay talim. Nagsalubong ang tingin namin ni Trisha at ngumiti siya.
“Napakaganda po ng inyong kaanyuan, Lady Loren,” aniya tinutukoy ang pagbabago sa akin.
Tinignan ko sila isa-isa, ang kanilang anyo at miski ang kulay ng balat matapos ay ang akin naman. Totoo. Pare-parehas na kami ngayon na matatalim ang features at kulay ng balat.
Tahimik lamang ako at patingin-tingin sa kanila hanggang sa natapos nila akong ayusan. Si Trisha na lamang ang naiwan upang ako ay i-assist sa pagsusuot ng damit. May kaluwagan ang damit na iyon upang hindi humakab sa aking katawan dahil wala naman akong ibang suot maliban doon. Ilang beses ko man sabihin kay Trisha na hindi ako komportable wala akong suot panloob ay ipinilit niyang iyon ang bilin ng mga babaylan.
“Hindi ko po alam kung anong klase ng ritwal ang gagawin subalit kailangan po natin sundin ang mga babaylan,” paliwanag niya.
Wala kong choice kundi ang gawin iyon. May ipinahid silang langis sa aking katawan kanina na mas nagpapakintab ng aking balat. Kitang-kita ang kulay ng maroon na suot ko dahil sa pagiging maputla ko.
“Trisha…” pagtawag ko sa kaniya.
“Isa na akong ganap na bampira,” pagpapatuloy ko.
Umalpas ang isang ngiti sa kaniyang labi. “Natutuwa po ako nang masilayan ko agad ang inyong pagbabago. Natutuwa po ako na binigyan niyo ng pagkakataon an gaming lahi,” aniya.
Bumagsak ang tingin ko sa aking paanan. Sa totoo lang ay iniiwasan ko ang mabanggit iyon dahil una sa lahat ay ayoko muna isipin ang kaakibat na consequence ng pinili ko. Walang nakaaalam kung sino ako maliban kay Mr. Jarvis, sa dalawa niyang tauhan at kay Trisha. Paano ko mapapanindigan ang choice ko sakaling dumating sa punto na bumalik si Loren? Malaya pa ba akong makababalik sa lugar namin gayong hindi na ako ganap na tao?
Lumapat sa balikat ko ang kamay ni Trisha. “Huwag po kayong mag-alala. Narito po ako palagi para sa inyo,” aniya.
Lumipas ang isa’t kalahating oras ay dumating si Magus, suot ang kasing-kulay ng aking kasuotan. Kapwa may langis ang aming katawan.
“Sa sagradong tore isasagawa ang ritwal,” aniya at inalalayan ako.
Isang nanggaganiyak na ngiti ni Trisha sa akin. Dahil nasa bisig ako ni Magus ay nagawa niya akong dalhin sa pinakatuktok ng kastilyo na ngayon ko lamang narating. Sa sobrang taas noon ay nakakalula at halos hindi ko na gustong tumingin sa ibaba. Nag-focus ako ng tingin sa dalawang babaylan na ang kasuotan naman ngayon ay puti at may belo sa ulo. May nakasabit nag into sa kanilang magkabilang tenga na nakalaylay sa kanilang ilong. Hindi lamang dalawa ang narito, sila lamang ang nasa altar habang ang ibang mga babaylan ay nakapalibot sa isang mistulang swimming pool doon at may ipinapatak na mga langis.
Buhat-buhat pa rin ako ni Magus sa kaniyang bisig at nang bigyang daan siya ng dalawang babaylan ay nagtungo siya sa tubig. Gamit ang may tatlong baitang na hagdan ay bumaba siya roon kapwa ang katawan namin ay nabasa. Umaasa akong malamig ang tubig na babalot sa akin ngunit maligamgam iyon at habang tumatagal ay hindi ko na nararamdaman ang tubig.
Inihiga ako ni Magus sa parang mesa sa ibabaw noon habang siya ay nakatukod ang magkabilang kamay sa gilid ko. Nagsimulang tumunog ang kampana at bumigkas ng mga ‘di maintindihang salita ang dalawang babaylan na inuulit naman ng mga nakapaligid sa amin. Dahil nakatalikod sa amin ang mga babaylan na may hawak ng kandila ay ‘di nila kita ang posisyon namin at kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Sa akin naka-diretso ang tingin ni Magus.
“Relax, wife. I’ll be the one to do the job,” aniya.
Hindi ko maunawaan kung ano ang kaniyang tinutukoy ngunit hinayaan ko na lamang. Sa totoo lang ay kinakabahan ako para sa kung ano ang maaring mangyari. Noong hiniling koi to ay ‘di ko naman alam na ako pa rin ang tatayo sa kalagayan ni Loren. Inakala ko noon na buwan lang ang itatagal ko at nais ko lang na huwag siyang makagawa ng kasalanan sa kaniyang asawa. ‘Di ko naman lubos akalain na ako pa rin ang tatanggap ng lahat.
Umangat sa ere ang ilang mga piraso ng patak ng tubig at unti-unti ay halos dumami na sila. Gulat na gulat ako roon at hindi makapaniwalang nasasaksihan ang ganoon kaimposibleng bagay. Naalis lamang ang tingin ko roon ng yumukod si Magus at inilapat ang kaniyang labi sa akin.
Noong una ay gumagalaw ang labi ko para sagutin siya ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pagiging paralisado ng aking katawan. Ang nagagawa ko lamang ngayon ay ang huminga at igalaw ang aking mata. Sa ibabaw ang tingin ko habang dama pa rin ang paghalik ni Magus sa aking pisngi patungo sa aking leeg. Dahil nakatakip sa amin ang tubig ay alam kong 'di nila nakikita ang ginagawa niya subalit nahihiya pa rin ako. Naramdaman ko ang pagbaon ng pangil ni Magus sa aking leeg ngunit hindi siya sumipsip ng dugo. Bagkus ay bumalik siya sa pagkakatayo at inabot ang isang punyal. Nanlalaki ang mata ko na pinanonood siyang sinugatan ang kaniyang palapulsuhan bago niya itinapat sa aking leeg. Ramdam ko ang lamig ng kaniyang dugo at ang unti-unting panunuot noon sa aking ugat.
Bumuka ang bibig niya at umusal ng ilanbg mga salita na ‘di ko dinig at saka iniangat ang aking kanang kamay at kumagat sa aking pulso. Dama ko ang hapdi noon subalit hindi ako maka-reklamo dahil nga hindi ko naman maigalaw ang aking katawan. Ang nagawa ko lang pumikit sandali ngunit naramdaman ko ang biglaang paghila sa akin ng antok at naramdaman ko na lang ang sarili kong lumulutang at may sumisigid na sakit sa aking kaibuturan.