Nag-umpisa na si Blaze na linisin ang katawan ni Loren na may bahid ng dugo, ngunit bago iyon ay nilagyan niya muna ng kumot ang katawan nito na hanggang dibdib dahil hanggang leeg lang naman umabot ang dugong umaagos mula sa kaniya kanina. Pag katapos niyang lagyan ng kumot ang katawan nito hanggang dibdib ay nag-umpisa na si Blaze na basain ang towel sa isang planggana na may lamang tubig.
Piniga niya ito ng mabuti bago niya ipinunas ng maayos sa muka ni Loren, maraming dugo ang nasa muka nito. Napansin si Blaze na napakabilis matuyo ng dugong nanggagaling sa mga mata at ilong ni Loren dahil tuyo agad ang mga ito at nakadikit na sa balat ni Loren.
Hindi naman nahirapan si Blaze na tanggalin ang mantsa ng dugo sa balat ni Loren kaya nag patuloy lang siya sa ginagawa niyang pag lilinis dito. Napatigil ang tingin ni Blaze sa labi ni Loren, agaw pansin ang labing iyon dahil napaka- pula nito. Palibhasa ay isang bampira ang babaeng nasa harapan ni Blaze.
‘If only you are not owned by someone… if only you are not marked by him, I will take you as my wife,’ sa isip-isip ng binate bago nagpatuloy sa pag-aayos sa dalaga.
Dahan dahang binuksan ni Loren ang kaniyang mga mata. Agad na hinanap noon ang orasan sa loob ng silid upang tingnan ang oras. Nakita ni Loren na maaga pa, dahil alas- kwatro pa lang ito ng madaling araw.
Sanay din ang katawan niya na magising sa ganoong oras kahit pa buong magdamag lamang siyang gising at dinadama ang sakit na dulot ng pakikipagniig ni Magus sa ibang babae. Sino ang katipan nito ay hindi niya mawari. Ang masakit pa ay hindi niya malaman kung isa lamang ba sa mga babaylan o ang dalawa na iyon ang siyang nagiging kaakibat ni Magus sa pagtataksil sa kaniya.
Mabigat ang dibdib ng dalaga sa mga oras na iyon lalo pa at naalala ang pangyayari noong gabi kung saan dalawang beses niyang dinama ang sakit. Bumuntong-hininga ang dalaga at pinilit na iwaglit muna sa isip ang tungkol doon.
Sa halip, iginala ni Loren ang kaniyang mga mata sa paligid ng silid at hinanap ang binatang dumalo sa kaniya kagabi. Hindi niya ito nakita kaya ibinaba niya ang kanyang tingin sa sahig kung saan niya nakita si Blaze kagabi noong siya ay magising na.
Doon ay natagpuan niya ang anyong lobo nito na mahimbing ang tulog. Hindi kaya napuyat siya kababantay sa akin? Iyon ang katanungan sa isip ng dalaga. Malaya niyang pinagmasdan ang kagandahan ng anyo nito na sadyang kaaya-aya sa mata. Noon, kapag naririnig niya ang tungkol sa mga nilalang na katulad ni Blaze ay agad siyang kinikilabutan at naiisip na ‘di hamak na mas mapanganib sila kaysa mga bampira. Ngunit bakit nga ba nakalimutan niya na sa lahat ng sumalakay sa mga tao, bampira ang palaging nakikita? Hindi siya kailanman nakarinig na mayroong kauri ni Blaze na pumaslang ng isang ordinaryong tao. Mali siya ng inisip at hinusgahan.
Tumama ang ilaw sa may balahibo ng katawang lobo ng binata at halos mapanganga siya ng kumislap iyon animo’y crystal katulad na katulad ng mga mata nito. Ang dulo ng balahibo nito ay mistulang kumikinang. Manghang-mangha si Loren hanggang ngayon, kahit pangalawang beses na niya itong nakitang mag anyong lobo. Hindi pa rin mapigilan ni Loren ang matulala sa itsura ng binat; nakakamangha at masarap sa kanyang mga mata ang itsura at maging kulay ni Blaze. Hindi namalayan ni Loren na bumangon na pala siya mula sa malaking kama at dahan dahang nag tungo sa tabi ni Blaze na ngayon ay nakaanyong lobo at mahimbing na natutulog. Dahan-dahang umupo si Loren sa tabi nito sa kaba na baka magising niya ang mahimbing na natutulog na si Blaze.
Sa pag-upo ni Loren sa tabi nito ay biglang gumalaw ang buntot ng lobo na si Blaze. Dumantay ang buntot nito na may malagong balahibo sa mga hita ni Loren. Nagulat naman si Loren at tiningnan ang mga mata ng lobo na si Blaze at nakitang natutulog ito. Dahil doon, naging komportable ang pakiramdam ni Loren, nahiga siya sa tabi ng lobo dahil mayroon namang makapal na carpet sa hinihigaan nito. Nakadantay pa rin kay Loren ang buntot ng lobong si Blaze kaya naman hindi nakakaramdam ng lamig ang babae.
Hindi namalayan ni Loren na siya pala ay muling dinalaw ng antok at nakatulog nang dahil sa labis na sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin at mainit na balahibo na nag mumula pa sa buntot ng lobong katabi ngayon sa sahig.
Samantala, si Blaze ay gising at alam ang tungkol sa pagtabi sa kaniya ng dalaga. Naramdaman ni Blaze na nakatulog na si Loren sa kanyang tabi. Dahan dahan at unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakita ang magandang mukha ni Loren. Mahimbing na itong natutulog at mukang payapang payapa na sa kanyang pwesto. Hindi napigilan ni Blaze ang mapangiti dahil mas maayos at kalmado na ang muka ni Loren hindi katulad ng mukha nito kanina habang natutulog mag-isa sa kama. Kita kasi ang sakit sa ekspresyon sa mukha nito at bakas ng luha sa mga mata.
Nagpalit ng anyo ang binata at mula sa pagiging lobo ay nagkatawang tao itong muli. Umusog ang binata kay Loren at ito ay binuhat upang ibalik sa kama nito at doon ay inihiga niya ang dalaga saka tumabi rito at niyakap iyon. Taliwas man sa nais ng isipan niya ay ginawa pa rin ng binata dahil pakiramdam niya ay doon sila pareho magiging komportable ng dalaga. Inaasahan niyang magigising ito subalit sa halip na ganoon ang mangyari ay llao pa rin itong yumakap sa kaniya. Isiniksik ni Loren ang kanyang ulo sa dibdib ni Blaze at kahit kinakabahan ang binata ay napangiti siya roon at kalaunan ay dinalaw muli siya ng antok. Ni hindi niya akalain na kahit kagigising lamang niya ay muli siyang makatutulog.
Mahimbing ang kanilang pagkakatulog kahit pa sumikat na ang araw at magkayakap ang dalawa.
Samantala, naunang magising si Arthur sa dalawa. Kahit na nagtataka na siya kung bakit nauna siya gayong hindi naman tinatanghali ng gising ang kaibigan na si Blaze. Iniisip na lamang ng binata na maaring naulit pang muli ang pangyayari sa dalagang kasama nila kung kaya napuyat ang kaibigan.
Nag tungo si Arthur sa kusina upang mag handa ng kanilang almusal. Naisipan na rin niyang mag handa ng iba pang pag kain at akitin ang kaniyang kaibigan na si Blaze at ang bampirang si Loren na kahapon lang niya nakilala na mag tungo sa tabi ng talon upang mag palipas doon ng oras at maipasyal na rin ang dalaga. Magandang gawin iyon upang kahit papaano ay makalimot ito sa mabigat na dinadala at para na rin makaramdam ng kaginhawan sa sarili. Sigurado kasi siyang magugustuhan ng dalaga ang talon dahil na rin sa malinaw ang tubig nito at maganda ang tanawin. Doon sila palaging nagtatambay ng kaibigan sa tuwing magpapalipas ng oras o ‘di kaya ay parehong okupado ang isipan ng kung anong problema.
Nais niyang ibahagi ang lugar na iyon sa bagong kasama. Kahit na isang bampira ang dalagang si Loren, nararamdaman ni Arthur na hindi nila kailangan na mangamba dahil wala sa mukha nito o miski sa kilos na gagawa ng ikapapahamak nila. Isa pa, sa dinaranas nito ngayong kamiserblehan, hindi marahil gagawa ang dalaga ng kahit na ano.
Bumuntong-hininga si Arthur. Para kay Arthur, hindi tama ang nangyayari sa babaeng si Loren. Silang mga Lycans, madali nilang nakikilala ang pagkatao o kung mabuti ba ang loob ng isang nilalang kapag ito ay nakasama nila sa iisang bahay. Una pa lang, ramdam na ni Arthur na may mabuting kalooban at puso ang babaeng si Loren kaya maging siya ay nag tataka at naguguluhan kung bakit nagagawa itong lokohin at saktan ng kapareha nito.
Inalis na lang ni Arthur sa kanyang isipan ang tungkol doon ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawang pag luluto para sa almusal nila at sa dadalhin nilang pag kain mamaya sa tabi ng talon.
Mabilis namang natapos si Arthur, tumingin siya sa orasan at nakitang eight thirty na pala ng umaga. Talagang hindi pa rin nagigising ang kaibigang si Blaze kung kaya naman naisipan naman ni Arthur na gisingin na ito pati na rin ang dalaga. Naglakad siya patungo sa silid na inuukopa ni Loren at doon ay kumatok siya ng tatlong beses ngunit wala naman siyang narinig na kahit na anong sagot mula sa loob. Inulit-ulit niya iyon dahil nasisiguro niya na kung naroon ang kaibigan ay mabilis itong babangon para siya ay pagbuksan.
“Did Blaze went somewhere?” naibulong ng binatang si Arthur iyon dahil sa pagtataka.
Kahit ilang beses na ulit ang katok ay hindi siya nakarinig ng kahit na anong kaluskos kung kaya naman napag pasyahan na lang ni Arthur na pihitin ang seradura at nang mapag-alaman na hindi iyon naka-lock ay binuksan na iyon ng tuluyan.
Umaasa ang binata na ang makikita roon ay ang isang babaeng mahimbing ang tulog dahil sa pasakit na dinanas kagabi subalit laking gulat niya nang ang makita lamang ay ang kaibigan na nakatagilid ng pagkakahiga at nakatalikod sa kaniya.
HInanap ng kaniyang mata ang dalaga sa loob ng silid ngunit hindi niya nakita. Dahan-dahan din siyang kumatok sa pintuan ng banyo at nagbabakasakaling sasagot doon ang dalaga ngunit wala pa rin talaga. Naglandas ang mata niya sa kaibigan at napangiwi sa naisip.
Wala ang dalaga sa silid, nag-iisa ang kaniyang kaibigan. Hindi kaya naman natakasan na sila nito? Kayang-kayang gawin iyon ng dalaga dahil hindi naman ito pangkaraniwang tao lamang kundi isang bampira at ayon sa sinabi ng ama ni Blaze na Alpha ng kanilang pack na ang dalaga ay nahasa ng ama nito sa pakikipaglaban kung kaya naman isang matapang at mahirap unawaing babae ang inaasahan niya na makakasalamuha sa oras na magising si Loren noong bagong dating lamang siya rito.
Siguradong nakaalis na nga ang dalaga. Masakit man pero kailangan niyang ipaalam kay Blaze ang tungkol doon dahil bihag nila si Loren. Tiyak na mag-aalala ang kaibigan. Hindi naman nila tuluyang dadalhin ang dalaga at itatago sana sa ama ni Blaze upang hindi na ito mapikot pa ngunit kung ito ay nagpadalos-dalos ng kilos at tumakas nga, hindi na nila ito matutulungan.
Dali-daling nag lakad patungo kay Blaze si Arthur at agad na niyugyog ang katawan ng kaibigan.
Napapikit ang binatang si Arthur naiisip pa lang na makatatanggap sila ng balita mula sa kanilang pack na naroroon ang babaeng ipinahahanap sa kanila at matutuloy ang kasal nito at ni Blaze. Kung bakit nais ng ama nito na maikasal siya sa isang bampira ay hindi niya alam. Wala silang alam dalawa ng kaniyang kaibigan pero natitiyak ni Arthur na siguradong malaki ang tiyansa na ito ay mahuli ng mga tauhan ng ama ni Blaze. Kaya kinakabahan ang binata para rito.
“Blaze, you dumb ass! Wake up now or we’ll be too late!” asik ng binate sa kaibigan pero kumurap-kurap lang ito.
Hinampas ng binate ang kaibigan.
“Get up! Loren is missing. Baka mamaya ang ama mo ang makatagpo roon at mahihirapan ta–“ hindi naituloy ng binata ang sasabihin nang umayos ng pagkakahiga ang kaibigan at nakitang nakakulong sa bisig nito ang dalagang hinahanap.
Umawang ang labi ni Arthur dahil sa gulat sa nasaksihan. Naunang pumasok sa isip niya na tumakas ang dalaga kaysa maisip na ito ay kayakap ng kaibigan. Well, that’s because he didn’t thought that Blaze will end up falling to this woman’s charm!
“Akala ko tumakas na si Loren,” wala sa sariling usal ni Arthur habang hindi naaalis ang tingin sa dalawa.
Ang dalaga ay nakaunan sa bisig ng kaniyang kaibigan at mahimbing ang tulog habang ang kaibigan ay kakakalas lang ng yakap doon. Humugot siya ng malalim na hininga at pilit kinakalma ang sarili.
At dahil matagal na silang magkasama ng kaibigan, tingin palang ni Blaze kay Arthur ay alam niyang napakarami na nitong iniisip tungkol sa nasaksihan. Agad siyang umiling dito pero nagsalubong lang ang kilay ng binate at saka nangunot ang noo. Nanatili ang mata sa bisig niyang salo-salo ang ulo ng dalaga.
Tumikhim si Blaze upang kunin ang atensyon ng kaibigan at nagawa naman niya iyon. Kumurap-kurap ito at napatango.
“Akala ko nawala at tumakas si Loren,” sabi ni Arthur sa kanyang kaibigan habang nakatingin kay Loren na payapang natutulog sa mga bisig ni Blaze na mukhang ‘do kakikitaan ng problema.
Bumuntong-hininga ang binata at saka tumango.
“Gigisingin ko na siya,” ani Blaze. “Anong oras na ba?” pagtatanong pa nito.
Umismid ang binatang si Arthur at saka sinagot ang kaibigan.
“Mag-a-alas nueve na nang umaga. First time mo na tanghaliin, ah,” may kakaibang tono sa boses ni Arthur nang sabihin iyon at bumagsak sandali ang tingin sa dalang katabi ni Blaze,
“Mabuti pa nga na kayo ay gumising na dahil nakapag luto na rin naman na ako ng ating almusal,” sagot naman ni Arthur sa kanyang kaibigang si Blaze.
Agad siya nitong nginisian.
“Good to know. Biglaan akong nakaramdam ng gutom,” ani Blaze na tinaliman lamang ng tingin ng kaibigan.
“Wake her up. I’ll wait for you downstairs,” anito saka tinalikuran ang dalawa.
Nailing ang binatang si Blaze sa ipinakitang asta ng kaibigan. Tila ba hindi ito sanay na mahuli siyang may kasamang babae sa kama. Kunsabagay ay iba ang babaeng nasa bisig niya ngayon.
Loren is different from them because she is full of responsibilities and is already owned by someone.
Bumuntong-hininga si Blaze at saka pinagmasdan muna sandali ang mukha ng dalagang nahihimbing. Payapa ito at tila ba walang problemang pinagdaraanan. Ayaw man ni Blaze na istorbohin ang tulog nito ay kailangan dahil na rin sa malilipasan ito ng gutom.
“Loren?” mahinahon at mababa ang gamit na boses ng binate upang hindi mabigla ang babae.
Hindi niya alam kung bakit takot na takot siya na maaring mangyari iyon. Nakikita niya ang dalaga bilang isang babasaging crystal na mabilis masisira kung bibiglain at ‘di iingatan.
“Loren, wake up. Time to eat breakfast,” napapaos na pahayag ng binate nang bahagyang kumilos ang dalaga.
Dahan-dahan itong nagmulat ng mata at nang magkasalubong ang kanilang titig ay mistulang nilamon sila ng katahimikan at inari ang mga sandaling iyon.