Ninamnam ko ang masarap na lasa ng tsokolateng itinimpla ni Arthur para sa akin. Nakapagpapagaan iyon ng pakiramdam. Pinagmasdan ko silang pabalik-balik sa paglangoy at nagpapaligsahan doon mula pa kaninang sila ay lumusong sa tubig ng talon.
Natawa ako ng inis na hampasin ni Blaze ang tubig dahil sa hindi siya ang nauna. Tinawanan lamang din naman siya ni Arthur at saka tinignan na para itong nanunuya. Isa ang mga senaryong ito sa nakagawian nilang gawing tatlo.
Ilang buwan simula nang siya ay makuha ng dalawa at itago sa kanilang tahanan na walang nakaaalam. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng panibagong kaibigan sa piling ng dalawa. Panibagong pamilya sa katauhan ng dalawang taong dumakip sa kaniya? Nakakatawa pero iyon ang totoo.
Ang ganitong gawain, ang paglangoy sa talon, ang panonood sa kanilang bangayan, ang pag-iisip nila ng kung ano-anong bagay upang ‘di mabakante sa oras; nakasanayan ko na iyong lahat at naging parte nan g pang-araw-araw kong buhay. They made me feel comfortable and love.
Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kapatid sa katauhan nila. Si Blaze na makulit palagi pero overprotective at si Arthur na halos gustuhin ay maya’t maya akong makitang kumakain upang hindi raw ako mabawasan ng timbang. When I started to crave for blood during those months, nariyan sila para magpakahirap na humanap ng paraan.
Kapag umaalis ang isa, automatic na nasa akin ang isa upang sakali man daw na dumating ang pagkakataon na may susugod sa akin ay may magtatanggol. Sinabi ko na kahit papaano naman ay makakaya ko ang aking sarili ngunit pareho silang matigas ang ulo at gusto ay nasusunod kaya wala na akong nagawa.
They both light up my world when Magus is becoming the darkness who’s swallowing everything in me. Dahil sa kanila ay nagawa kong mag-survive at kayanin ang lahat-lahat. Sa pagsapit ng gabi ay hindi na sila aalis sa tabi ko hangga’t hindi nila nasisiguro na maayos ang aking kalagayan at hindi na ako dadanas pa ng pasakit mula kay Magus. Kapag nangyayari naman iyon ay palagi silang galit at isinusumpa ito at ang babaeng kaniig.
Kahit papaano, ramdam na ramdam ko na may kaagapay ako hindi dahil tungkulin nila na gawin iyon kundi dahil nag-aalala sila sa akin. I know Trisha is concerned of me too but that started because I am her responsibility. Unlike this two na sa mga unang lingo ko rito ay nakakatalo ko pa.
We ended up throwing tantrums to each other at wala silang nagagawa kapag nagkukulong na ako sa kwarto. Nasusunod pa rin ang panukala ko kaya naman sa huli ay ako ang pinagdedesisyon nila miski sa pagkain. Iyon nga lang, when it comes to my safety, kapwa sila matibay na hindi papaya kapag alam na maari akong malagay sa kapahamakan.
“Kumain na muna kayo,” pag-aaya ko sa kanila habang ako ay nagpapalaman na sa slice bread ng jam.
Kapwa nila ako nilingon at saka tinanguan. Naunang umahon si Blaze habang si Arthur ay naglangoy pa ng ilang beses bago nagtungo sa akin.
“Why do you always choose to stay here? Take a dip too,” ani Arthur at isenenyas pa ang tubig.
Nagkibit balikat ako at saka kumagat sa slice bread. Iniabot sa akin ni Blaze ang juice na tinanggap ko naman kahit pa hindi ko rin agad na maiinom dahil kaiinom lamang ng tsokolate.
“Malamig,” sagot ko noong naubos ang laman ng bibig. ‘
Ngumisi si Blaze sa naging sagot ko.
“She’s just afraid that she might drown. Akala mo naman pababayaan ka namin,” aniya na ikinaikot ng aking mata.
“Who said that? I can leave the water in a split of second. Ayoko lang talaga dahil malamig,” pangangatwiran ko bago siya benelatan.
Natawa si Arthur sa naging asta namin.
“Araw-araw kayong ganiyan. Parehong sakit sa ulo,” anito bago yumukod at kinuha ang juice sa akin.
“Don’t drink this. You already have chocolate,” aniya bago matalim na binalingan si Blaze na nagkibit balikat at kunwari ay hindi narinig ang paninita ni Arthur.
“Tss.”
Ilang oras pa kaming nanatili sa talon bago napagpasiyahan na magtungo na muli sa bahay. Kapwa silang dalawa pagod dahil sa kalalangoy habang ako ay hindi pa naman nakararamdam ng pagod kaya agad na nagtungo sa kusina. Ito ang pinagusto ko rito. Mayroong kusina kung saan magagawa kong lutuin ano man ang naisin hindi katulad sa kastilyo na inihahanda na lamang ang pagkain sa akin.
This is the life that I wanted. This is what I dreamed of kaya naman nagtataka ako kung paano ko nagawang tagalan doon sa loob ng kastilyo. Hindi naman ako nabuhay sa ganoon. I live my life as a woman who does the dishes, clean the house and so on and so fort pero nang mapunta sa puder ni Magus ay nasanay ako na may nag-aasikaso sa akin at ngayon nga na malaya muli akong magpakatotoo ay naramdaman ko kung gaano ko na-miss ang ganitong buhay.
Napakasimple at payak lamang at walang kahit na sinong pakikisamahan na kailangan kong umakto katulad ng kung paano ang asta ni Loren. Dito, ako si Caith. Iyon ang pagkataong ipinakilala ko sa dalawa maliban na lamang sa pangalan.
“Wow! You are going to cook again?” natutuwa ang boses ni Blaze noon habang si Arthur ay dumiretso sa refrigerator para kumuha ng tubig na malamig.
“Masarap iyong lutuin mo, huh?” si Blaze iyon, kumakain na ngayon ng mansanas.
Nailing ako. Siya ang walang kabusugan sa aming tatlo tapos ay walang alam sa pagluluto.
“Of course! Masarap naman lahat ng lutuin ko,” pagyayabang ko na inungusan naman ni Arthur kaya ako natawa.
Kapag kasi ako ang nagluluto ay todo papuri si Blaze pero kapag si Arthur na ay palaging ‘pwede na’ ang sagot nito.
“He’s just bluffing you. It taste bad,” ani Arthur na masama pa rin ang tingin kay Blaze.
Benelatan lang siya nito at saka tumawa ng malakas. Nailing ako sa kanilang dalawa.
Ganoon lamang ang pangyayari sa nagdaang mga araw at lingo. Tipid akong nakangiti at nakatingin sa may kalendaryo. Halos mag-aapat na buwan na ako rito at kahit minsan ay hindi ako binigyan ng problema ng dalawa. Tanging ang pagpapahirap ni Magus ang aking natatanggap.
My first month here is the hardest because I wasn’t able to stop myself from sheding blood but one night Arthur and Blaze came only to give me a pack of blood. Iyon ang pinilit nilang ipinainom sa akin at kalaunan ay umamin na iyon ay gamot upang hindi ko na danasin ang dulot na sakit ng pagtataksil ni Magus. It really does help me. Hindi ako nagigising para lumuha at sumuka ng dugo o kung ano pa man.
Mistulang mga halinghing na nga lamang. Noong una, umiiyak pa rin ako pero kalaunan ay nagawa kong gawing manhid ang sarili kapag naririnig ang mga salitang dating dumudurog sa puso ko.
“Ano? Palagi na lamang akong iiyak?” tanong ko sa aking sarili bago nagdesisyon na balewalain ang lahat.
Hindi ko namalayan na dumaan ang ilang buwan na kinakaya kong maging matatag. Kapag naiisip ko ang Roshire, si Mr. Jarvis, si Trisha ay nalulungkot ako pero walang paglalagyan ang emosyon na iyon kapag kasama ko ang dalawang bagong kaibigan.
Isa pa, hindi na rin naman ako hinanap ng konseho. Marahil ay hinayaan na lamang nila ako at magagawa na nilang maipakasal si Magus sa babaeng nais nila para rito. Iyon ay kung mababawi nila si Magus mula sa mga babaylan na kumokontrol ng lahat.
Hawak-hawak ko ang isang journal kung saan inilalathala ko ang mga nangyari sa akin sa bawat araw. Nais kong hindi malimutan ang mga panahong naririto ako at kasama ang dalawang taong hindi ko lubos akalain na magiging parte ng aking buhay.
Truly, you can never predict your future. Never in my life I thought that I will be able to share my life with supernatural beings like vampires and lycans but here I am, surrounded by them.
“Still not sleepy?” boses ni Blaze ang gumulo sa tahimik kong sandali.
Nang lingunin ko ang pinto kung saan nagmula ang boses niya ay naroon silang dalawa ni Arthur, bitbit ang pagkain na balak nilang gawing midnight snack. They are sleeping with me sometimes, lalo na kapag nagustuhan na mag-movie marathon.
If I never witnessed their wolf, if I never heard them roar, I would have thought they are ordinary human. Alam nga nila ang pasikot-sikot ng buhay namin at miski na paggamit ng mga makabagong teknolohiya samantalang ang Roshire ay hindi ganoon. Mistulang nabubuhay sa nakaraang panahon ang mga bampira roon. Sa pananamit pa lamang ay malalaman na agad at miski sa uri ng pananalita.
Kung sa Roshire ay pormal, ang dalawang ito ay hindi. Para silang mga kababata ko noon na kung magsalita ay hindi filtered at walang pakealam whether it will appear as offensive or not. Mabuti na lamang at hindi ako sensitive.
Nagagawa ko naman silang masakyan. Tulad ng sinabi ko ay napakadali nilang pakisamahan lalo na si Arthur. Arthur is more mature than Blaze pero makikita na may takot si Arthur sa kasama marahil ay dahil mas mataas ang katungkulan nito. As far as I remember, Arthur is supposed to be the beta of the pack, that is if Blaze will accept his father’s position. Ang kaso, ayaw ni Blaze. That could be because he hates his father so much because of all the things he had done to Blaze’s mother. Maka-ina si Blaze at base naman sa paliwanag din ni Arthur ay marapat lang na ganoon dahil malupit ang ama nito.
Sabi rin ni Arthur ay may kapatid si Blaze na nakatatanda pero Alpha na ito ng isa pang pack na binuo nito kaya naman walang pagbibigyan ang ama kundi siya.
“I don’t want to follow his footsteps,” anito.
Nalulungkot man ay hindi ko maaring husgahan si Blaze dahil miski ako ay may kakaibang kwento ng buhay. Si Arthur naman, bata pa lang ay wala na itong pamilya dahil na rin sa ang kinabibilingan nitong pack ay natalo ng mga bampira at siya ay nailigtas lamang ng ina ni Blaze kung kaya sila ay naging malapit at nagturingan na rin na magkapatid.
“They told me I was his shadow but I don’t care. As long as we know our importance, everyone’s opinion does mean nothing.”
Hindi ko akalain na kay Arthur ko iyon maririnig. Even after knowing na ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang ay kauri ko.
“Bakit niyo ako hinayaan na manatili rito?” hindi ko maiwasang tanungin.
Kapwa nila ako tinignan.
“Our reason if because we don’t want to complicate your life. That will surely happen if my father capture you. Next is because we cannot bear to see you bleeding all alone,” paliwanag ni Blaze.
Minsan lang maging seryoso si Blaze kaya naman natatahimik ako kapag ganoon.
Pakiramdam ko, sa pananatili ko rito ay mas naging panatag ako kumpara noong naroroon ako sa may kastilyo. Ngayon tuloy ay hindi ko maiwasang kaawaan ang sarili dahil nanatili ako roon ng halos isang taon.
“Tulala ka na naman? Thinking about the bastard again?”
Umikot ang mata ko nang marinig iyon mula sa gilid ko. Narito ako sa veranda at pinanonood ang paglubog ng araw. Nakahiligan ko iyong gawin dahil sa Roshire ay wala namang ganoon. Palaging kasama si Blaze o si Arthur tuwinang gagawin ko iyon dahil ikakabot nila ay takot sila na mag-isa ako at baka kusa na lamang akong tumalon dahil sa labis na kalungkutan.
I did assure them that I won’t do that but then, they don’t trust my emotion.
“Hindi mo alam kung kailan ka tuluyang lalamunin ng lungkot. Not because you are laughing with us doesn’t mean you are no longer lonely. Your heart is but your mind decided to forget that.”
Totoo iyon dahil kinagabihan ay nilamon akong buong-buo ng emosyon kong pinipilit kong lukubin at itago. It does hurt. I really is pero anong magagawa ko? Palagi ko na lamang dadamhin iyon? Palagi akong iiyak dahil lang kay Magus na hindi man lang iniisip kung ano ang kalagayan ko?
Dinama ko ang sakit at kalungkutan noong gabing iyon pero nang sumapit ang umaga ay balik sa paglimot. Unti-unti, kakayanin ko.