Kabanata 57

2675 Words
Uminit ang aking pakiramdam at tila ba may mangyayareng hindi maganda.   “Lycans! Umaatake ang mga Lycans! Magsigising kayo!” rinig kong sigaw ng mga bantay.   Pinilit kong tumayo mula sa aking pagkakaupo, ngunit, mas lalo kong naramdaman ang sakit ng aking tenga at ulo dahil sa malakas na pag ugong dito. Hindi ako makagalaw, tila naparalisado ako sa aking kinauupuan. Hindi na ako nag dalawang isip na pilitin ang aking sarili na tumayo kahit na alam ko namang hindi ko kaya.   Dahan dahan akong tumayo at kumuha ng alalay sa puno, inihakbang ko ang aking kanang paa ngunit nagulat ako dahil sa aking pagyuko ay nag umpisa na namang lumabas mula sa aking bunganga at mga mata ang pulang likido.   Kasabay ng lahat, kasabay ng paghihirap, naroroon pa rin siya sa kandungan ng iba, nagpapaligaya.   ‘Magus, bakit?’ hindi ko maiwasang tanong sa aking isipan.   “Ang sakit!” daing ko at natumba sa mga sanga ng puno.   Napatama ang aking katawan, labis labis na sakit ang aking nararamdaman. Ang aking katawan ay tila kinakagat ng paulit ulit sa iba’t ibang parte, wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak, humagulhol sa labis na sakit ng aking katawan at maging ang aking dibdib.   Sobra pa ito sa dati na para bang humihigit pa sa kung ano mang pinagsaluhan namin ang ginagawa nila ngayon. Napakahina mo naman, Caith! Paano ka magpapakatatag kung ganito ka? Apektado ka pa rin ni Magus na pinagtataksilan ka at nagpapahirap sa iyo? Paano ko poprotektahan ang mga nasasakupan kung nanghihina ako sa tuwi-tuwinang ginagawa ito ni Magus? Is there a way that I can handle this without being weak? Without bleeding?   Para akong hinihila ng kung ano at inaagawan ng hangin. Namimilit ang kalamnan ko. Hindi ko na malaman ang susunod na nangyare sa akin, namanhid ang aking katawan habang ang aking ulo ay naramdaman kong mayroong humahapdi. Anong nangyari?   Nawalan ako ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.   Nagising ako sa mga pagalit na angil na iyon. Nag-uusap na hindi kalmado at parang namomroblema pa. Hindi pamilyar sa akin ang boses pero iniisip ko ay maaring si Magus iyon?   “Siguradong malalagot tayo sa ama mo, Blaze!”   “Manahimik ka, Arthur, hindi ito makakarating kay ama kung hindi ka puputak!”   Unti unti kong binuksan ang aking mga mata dahil sa narinig kong ingay na nasa paligid, hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa aking mga mata. Maayos namang silid ang aking nakikita ngunit nakakapanibago dahil wala akong alam na ganitong disenyo ng silid sa aking tinitirahan. Hindi ito Victorian type, makabago masyado. Kung sa mga tao lamang ibabase, ganitong-ganito sila mamahay. Nakauwi na ba ako sa bayan namin?     Nilibot ko ng tingin ang paligid at nahuli ang dalawang hindi ko kilalang lalaki na nakatanghod sa akin at mistulang binabantayan ang galaw ko. Pareho silang matikas, halatang malakas at may angking kagwapuhan na babagay sa mga taong nakatira sa ibang bansa. Kulay asul pa ang mata noong isa at mukhang palaging may bagyo sa mga mata niya.   Umismid ang isang lalaki, de hamak na mas mukhang galit kaysa isa. “Gising na pala siya, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, Blaze,” rinig kong sabi niya sa kasama bago ito tumalikod at naglakad palabas ng silid.   Nangunot ang aking noo at labis na nagtaka kung sino sila. Isa lamang bang panaginip ang tungkol sa mga bampira? Nadisgrasya ba ako at ngayon lamang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog kaya naman bumuo na ako ng ibang mundo? Napagulo.   Dahan dahan akong bumangon mula sa aking malambot na hinihigaan ngunit agad din akong napabalik at napahawak sa aking ulo.   “Huwag ka munang gumalaw, nakakapagtaka na ang bampirang katulad mo ay hindi agad magawang mapagaling ang sugat,” sabi ng lalaking nasa harapan ko.   Nanlaki ang aking mata. Kung gayon ay hindi iyon o ito isang panaginip. Marahil ay may nangyari lamang sa akin kung kaya nasa kanila ako? Isa ba silang bampira o tao?   Tinitigan ko siya bago ko inilibot ang aking paningin sa kabuoan ng paligid. Nakita ko ang isang malaking portrait, kulay puting lycans ito at mayroong magkaibang kulay ng mga mata. Hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking nasa aking harapan at kabahan.   Lycans! They are lycans! Siya at ang lalaki kanina at kung susumahin, ang lugar kung nasasaan ako ngayon ay lugar kung saan maraming kauri niya. Mga kalaban!   Abot-abot ang tahip ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. I do not know how to fight not even a single lesson of how to save myself was thought kaya paano ko ngayon magagawang makalabas ng buhay sa kanilang kuta?   ‘Nabihag nila ako…’ sabi ko sa aking sarili at lalong nanlamig.   Muli akong nag-angat ng tingin sa lalaki at kahit walang kasiguraduhan kung ano ang aking matatanggap ay bumuka ang aking bibig.   “S- sino ka? Anong ginagawa ko rito?” tanong ko sa kaniya bago dahan dahang umatras sa malaking kama na aking kinahihigaan.     I do not know him and even if I do, isa siyang kalaban at kailangan na layuan. Hindi man ako mapoprotektahan ng pagsuksok ko sa dulo ng kama, sa ganoong paraan ko naman nararamdaman na kahit paano ay ligtas ako mula sa kaniyang atake.   “I’m Blaze, and yes I am one of the lycans,” pakilala niya sa akin.    “Huwag kang matakot sa akin, naawa lang ako sa’yo pag katapos kong makita ang nangyari sa iyo sa ilalim ng puno,” dagdag niya pa ng marahil ay nabanaag ang pagiging kabado ko.   Natigilan naman ako sa kanyang sinabi, napatingin ako sa aking kasuotan at nakitang punong puno pa rin ito ng dugo. Indeed, it happened again. Kaawa-awang nilalang ka, Caith. Muli ka na namang pinagtaksilan. Isa pa rin ba iyong kasinungalingan para sa iyo? Mukha pa rin ba siyang napipilitan.   Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan at ang pag-iinit ng aking mata nang maalala ang sakit na dinanas ko sa hindi mabilang-bilang na pagkakataon.   “Hindi ako marunong mag tanggal ng ganyang kasuotan, at isa pa, lalaki ako at walang ibang babaeng naririto upang palitan ka ng damit,” sabi niya na tila nag papaliwanag nang makita kung paano ko titigan ang aking kasuotang punong puno ng dugo.   Marahil ay inaakala niyang ang pag-iisip sa maaring ginawa niya sa akin ang dahilan ng pagluluha ng aking mata at pagiging tensyunado ng aking katawan. Kahit ganoon, dahil sa kanyang paliwanag sa akin ay unti unti nang kumalma ang aking kalooban, dahan dahan kong itinaas ang aking kamay sa kung saang banda ng aking ulo nararamdaman ang bahagyang pag kirot.   Naramdaman ko ang isang magaspang na nakadikit dito na sa tingin ko ay halamang gamot.   Inalala ko pa ang ibang pangyayari maliban sa dulot na sakit at paghihirap ng kataksilan ni Magus. Sa pagkakaalam ko, may sumigaw noon at nagbabala tungkol sa biglaang pagdating at pagsugod ng Lycans sa aming lugar dahil marahil ay alam nila na kami ay mahina sa mga pagkakataong ito.   Tumalim ang tingin ko sa kaniya at kung malakas na ang katawan ay gagawin kong sugurin siya kahit wala akong alam sa kung paano ko siya aatakehin at kung ano ang kahihinatnan noon sa akin.   “Bakit mo ako tinulungan? Pag katapos ninyong sumugod sa amin?” asik ko na may halong panunumbat.   “Kilala mo ba kung sino ako?” sunod kong tanong. Baka inaakala niya na dahil lamang iniligtas niya ako ay tutulungan ko siya na masakop ang lugar ng Roshire o ‘di kaya ay atakehin sa pangalawang pagkakataaon ang lungsod namin.   Malabo iyon. Wala siyang makukuhang tulong. Maaring sinaktan ako ng labis ni Magus pero walang kasalanan ang iba roon na nasasakupan niya.   “Nakakaawa ka, sumugod kami dahil utos ito ni ama dahil nakarating sa kanya na ang iyong asawa na si Magus ay masaya na sa iba at kinalimutan ka na maging ang clan na pinamamahalaan niya,” mahabang paliwanag niya.   Kung gayon… alam ng lahat hindi lamang ng Roshire Clan ang kataksilang ginawa ni Magus? Alam nila na isa akong kaawa-awang asawa?   Maluha-luha ko siyang tinignan. He knows me. They know me and yet they help me? For what? Out of pity?   “Tama ka, alam ko kung sino ka,” ungos niya. “Lady Loren,” nangingiwi pa niyang sambit.   Natahimik ako, kung makapag salita siya ay tila kilalang kilala niya ako. Pangalan lang naman, hindi ba?   “Bakit nga ba biglang nawala ang isang dakilang Magus? Tunay nga kayang tinalikuran na kayo nito at masaya nang namumuhay?” mapag laro ang mga ngisi na tanong nito sa akin.   Ang kaniyang asul na mata ay nababahiran ng pang-uuyam na nagpasiklab ng galit sa akin.   “Wala kang pakialam doon!” sigaw ko sa kanya dahil sa galit na aking nararamdaman.   “Sa nakita ko namang eksena kanina... mukang tunay ngang napakasaya na ng dakilang Magus sa piling ng iba, Lady Loren,” patuloy niya pang pang-aasar nang mapansin ang naging reaksyon ko.   Natutuwa siya na ako ay nasasaktan?   Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi ako nakapag salita, malamang ay alam niya ang ibig sabihin nang kanyang nakitang eksena na nangyayare sa akin. Marahil ay alam niyang mang yayari lang ang ganoong bagay sa tuwing nag loloko ang kapareha o mate at kapag ito ay nakikipag- mate sa ibang babae o lalaki. Ako lang naman ang bago sa paniniwala.   “Tumayo ka na riyan at mag bihis,” utos niya, isinenyas sa akin ang parte ng silid kung saan nakahanda ang isang bestida na moderno ang disenyo.   “Hindi ka ba nauubusan ng dugo kapag nangyayari iyon?” tanong niya. Nakuha niyang muli ang aking atensyon.   Mataman siyang nakatingin sa akin at naiiling-iling sa pag-alaala sa nangyari sa akin kanina. Kumunot ang noo ko at parang inasiduhan ang kalooban.   “Uuwi na ako,” pahayag ko, matigas ang boses.   Napaangat ang dibdib niya at lumabi na may halong pang-aasar.   “Nang ganiyan ang iyong itsura at kasuotan? Hindi ka kaya nila katakutan?” nakangisi niyang sambit.   “Wala ka ng pakealam doon!” sigaw ko sa kanya.   Nalukot ang kaniyang mukha dahil sa pagsigaw na ginawa ko. Bahagyang nairita pa.   “Puwede ba? Huwag kang sumigaw dahil mag kaharap lang naman tayong dalawa,” sabi niya sa akin.   Mula sa pagkakasandal sa pader ay tumayo siya ng tuwid at tinignan ako, seryoso na ang mukha ngayon. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng suot na kupas na pantalon bago nagsalitang muli.   “Hindi ka pa puwedeng umuwi  dahil ipinahahanap ka ng aking ama at sa oras na mahanap at makuha ka niya sa inyong lugar, siguradong ipakakasal ka niya sa akin at iyon ang tunay na dahilan kaya kita iniligtas.”   Umangat ang kilay ko nang marinig ang kaniyang sinabi. Nagmukha siyang defensive nang magbago ang eksresyon sa mukha niya dahil sa pagtataas ko ng kilay.   “Dahil wala sa isip ko ang makasal sa katulad mong kasal na,” agaran niyang dagdag.    “At hindi hindi ko naman mahal…” napapaos niyang sambit, mukha pang wala sa kaniyang sarili.   Natigilan ako sa kanyang sinabi, tila ayaw tanggapin ng aking isipan ang sinabi ni Blaze. Seryoso siya. Seryoso siya base sa lungkot at digusto sa boses niya nang sabihin ang huling mga salita.   Pakiramdam ko ay pumasok lang ito sa aking kanang tenga at agad ding lumabas sa kaliwa, hindi ko maintindiha, pilitin ko mang intindihin.   “Mas mabuti pang magbihis ka na, ipinaghanda kita ng mga damit ko na sa tingin ko ay kakasya naman sa’yo,”  aniya.   Nilingon niya sandali ang damit na nakahanda. “Iyan lang ang kaisa-isang dress dito. Pagtiyagaan mo na,” mahinahong sabi sa akin ni Blaze pag katapos huminga ng malalim.   Nang mapansi  niyang hindi pa rin ako natinag sa kabila ng kaniyang sinabi ay pumalatak siya sa hangin at naningkit ang mata sa akin.   “Bilisan mo para makakain na tayo ng hapunan. Siguradong gutom ka na dahil mag hapon kang nakatulog dahil sa nangyareng pag kakabagsak ng ulo mo sa sanga ng punong kahoy.”   Nang matapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya palabas ng silid at isinara ng maayos ang pinto. Napatingin naman ako sa mga damit na nakalatag sa kama, damit ito na pang lalaki ngunit nakikita kong tila mas kumportable pa itong isuot kaysa sa mga kailangan kong isuot sa tirahan namin o sa bistedang naka-hung doon sa isang estante.   Binalikan ko ng tingin ang aking kasuotan at bumuntong-hininga. I really need to wash myself.   Dinampot ko ito isa isa at agad na nag tungo sa isang pinto na sa tingin ko ay banyo. Hindi nga ako nag kamali dahil pag kabukas na pag kabukas ko nito ay bumungad sa akin ang malawak na banyo. Pumasok ako dito habang dala dala ang mga damit na inhanda ni Blaze upang pamalit ko at dahil wala sa aking tabi si Trisha upang tulungan akong alisin ang aking mga saplot, mag isa ko na lang itong inalis kahit hirap na hirap ako. Wala naman akong hihingian ng tulong sa kanila dahil sa nakikita ko at base sa narinig ko ay dadalawa silang lalaki na mag kasama rito. At sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan bahagi ako ng gubat o kung nasaang lugar ba ako.   Nahirapan akong alisin ang aking bistida dahil nga ilang patong iyon at may mga tali sa likuran at bandang gilid ngunit napagtagumpayan ko namang maalis ang lahat ng ito. Nag-umpisa na akong maligo upang matanggal ang amoy ng dugo sa aking katawan. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako hinahanap ng mga konseho, sigurado akong maaamoy nila at masusundan nila ang amoy ng aking dugo ngunit hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring sumusugod dito upang ako ay sagipin.   Are they neglecting me or they really don’t know where the hell am I.   Tinapos ko na lang ang aking paliligo at ipinagsawalang bahala ang pag-iisip.   Kinuha ko ang tuwalyang kasama ng mga damit na inihanda ni Blaze para sa akin. Nagpunas ako ng aking buong katawan at maging ng aking buhok na mahaba na at basang basa pa. Wala silang kagamitan sa babae rito kaya napakatagal kong mapapatuyo iyon. Agad kong kinuha ang damit at may nahulog doong isang kapirasong tela at mabuti na lang dahil nasalo ko ito ng maaga. Nakita ko na isa pala itong underwear at muntik ko ng mabitawan ngunit natuon ang aking atensyon sa isang note na nakadikit dito.   “Huwag kang mag alala, hindi ko pa nagagamit ang lahat ng iyan kahit minsan,” pagbasa ko sa note kaya muli akong napatingin sa underwear.   Should I feel embarrassed or what? Bumuntong-hininga ako.   Maniniwala kaya ako sa kanya? Nailing ako at dahil wala naman akong pag pipiliang iba, kinuha ko na lang ito at isinuot. Sunod kong isinuot ang kanyang boxer short, pag katapos kong isuot ito ay doon ko lang napag tanto na wala pala akong bra. Napakagat ako sa aking labi dahil doon, hindi ko maiwasang mag panic sa aking kalooban ngunit wala naman akong magagawa. Noon, hindi ako gumagamit dahil ang aking kasuotan ay makapal at sapat na upang mapagtakpan ang aking dibdib pero ito…   “Tsk.”   Isinuot ko na lang ang puting long sleeve polo na binigay ni Blaze sa akin, tiningnan ko ang aking sarili at kitang-kita ko mula sa labas ng aking suot na bakat na bakat ang aking n****e. Sinubukan kong iharang ang aking mahabang buhok dito at naging malaking tulong naman ang pagiging mahaba at makapal nito dahil natakpan niya nga ito ng maayos ngunit pang samantala lang ito.   Ganun pa man ay lumabas na lang ako ng banyo, nakita ko si Blaze na akmang kakatok na sa pinto nang saktong buksan ko ang pinto ng banyo.   Nice! Hindi ba pwedeng mamaya na? Gutom na gutom na ba siya kaya kailangan pa niya akong sunduin dito o sobrang matagal na noong iwan niya ako? Maybe he think I already escape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD