Kabanata 30

1550 Words
Noong magising ako nang sumunod na araw ay maaliwalas ang aking pakiramdam. Para bang may nabunot na tinik sa aking dibdib. Kahit papaano ay bumabalik ang pakikitungo ko kay Magus. Noong una ay hindi ko nais na maging welcoming pa sa kaniya subalit iyon ang nais niya. Iyon ang hiniling niya at sinabing hindi niya gusto kapag ako ay walang emosyong tumitingin sa kaniyang mata.   “Natutuwa po akong malaman na ayos na po kayo, Lady Loren,” ani Trisha.   Alam kong napapansin niya ang pagiging madalas ni Magus sa loob ng aking silid. Kahit pa roon siya natutulog sa gabi, may silid pa rin ito kung saan ginagawa niya ang mga bagay na personal subalit nitong mga nagdaang araw ay palagian siya sa aking silid. Ako na lamang ang gumagawa ng paraan upang kahit papaano ay makalayo sa kaniya at napagdiskitahan ko nga ang hardin.   Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa kaniya at lumalala lamang iyon sa bawat araw na nakakasama ko siya. Sa tingin ko ay hindi iyon maganda sapagkat magtatapos lamang din naman ang aking pagpapanggap. Sa ilang araw na lumipas ay napapansin ko sa aking sarili na labis na akong nasasanay na abot-tingin ko siya. Lubos akong napapalagay na nakakasama ko siya at hindi na nakadarama ng galit sa tuwing maiisip na hindi pa rin ako nakababalik sa dati kong buhay. Unti-unti ay nakasasanayan ko na rin ang pangalan ng aking kapatid at nagugustuhan ang pakiramdam na kayakap si Magus sa gabi. Isang pagkakamali subalit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Kaunti na lamang at alam kong tuluyan na akong malulunod at kapag nangyari iyon, hindi ko alam kung ano ang maari kong gawin para lamang mapanatiling narito ako.   “Natutuwa po ako na mayroon na kayong pagkakaunawaan at hindi nap o kayo palaging nag-iisip sa kung paano po sakaling muli kayong magkita. Mukhang nahihilig po si Lord Magus sa inyo,” komento pa niya.   Isang malapad na ngiti ang isinagot ko sa kaniya.   Sinipat kong mabuti ang aking sarili sa salamin at natuwa dahil humahapit sa aking katawan ang kasuotang ipinadala ni Magus. Kulay lila iyon at bumabagay sa aking balat na hindi kaputian at hindi rin naman morena.   “Saan po kayo patutungo, Lady Loren?” pagkuway tanong ni Trisha habang pinagmamasdan ako na naglalagay ng lipstick sa aking labi.   Sa salamin ko lamang siya sinulyapan.   “Ipapasyal ako ni Magus sa labas ng Kastilyo,” may ngiti sa labing sambit ko.   Kagabi, habang pareho kaming hindi makatulog at nakatanaw muli sa beranda ay naisipan kong tanungin sa gitna ng katahimikan sa aming dalawa kung maari ba na ako ay mamasyal sa labas ng kastilyo at siya mismo ang nagprisinta na sumama.   “Subalit sa pagkakaalam ko po ay nakatakda silang maglibot ng High Reeves sa border ng siyudad,” ani Trisha.   Inilapag ko ang lipstick at nagbigay ng huling sulyap sa salamin bago ko siya hinarap.   “Maaring kasama namin siya, ganoon ba?” tanong ko.   Nanulis ang nguso ni Trisha at nag-isip. Mistulang bubuka na ang bibig niya para magbigay ng sagot nang bumukas ang pinto at pumasok ang High Reeves.   Ang kalmado kong ekspresyon ay napalitan ng lamig. Ngayon ko na lamang siya muling nakita at hindi ko ninais na makita pa siya matapos ng kaniyang ginawa. Ang lalaking ito ay mahusay magbalatkayo at hindi ako maaring maglalapit sa kaniya. Pakiramdam ko ay dahil hindi niya ako makukuha ay hindi siya papayag na maging masaya ako.   “The Lord is talking to the first councilor. He command me to escort you to his car,” aniya sa malamig na tono ng boses.   Agad akong kinilabutan at napansin ang dilim na nagtatago sa kaniyang mata. He might be planning to do something bad to me. Tinigasan ko ang aking boses.   “Hindi ko nais na maukopa ang iyong oras, Marocco. Ako na lamang ang magtutungo sa baba mag-isa,” saad ko ngunit hindi siya natinag. Nakita ko pa ang pag-angat ng dulo ng kaniyang labi.   “I insist, Missus. I can defy you but cannot defy My Lord. Forgive me,” aniya pa at yumuko na animoy totoo ang ipinakikita.   Umismid ako at nabalingan si Trisha na nakakunot ang noo sa akin at nagpapalipat-lipat ang tingin. Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi ang pumayag. Kung hindi ko pauunlakan ay magbibigay taka iyon kay Trisha.   “Kung gayon ay tayo na,” saad ko gamit ang boses na walang kabuhay-buhay.   Naging mabilis ang aking paglakad at ninanais na agad makarating sa hagdan upang may mga gwardiyang nakabantay at hindi niya ako malapitan pa. Mukha namang nahalata niya ang aking ginagawa at nauna akong harangin.   Sa aking harapan ay nakatayo siya at nangangalit ang mga matang nakatingin sa akin. Pagkatapos iyon ay kinabig niya ang aking kamay at naramdaman ko na lamang ang pag-ikot ng aking paningin. Ilang sandali pa ay lumapat muli ang aking paa sa sahig at halos matumba pa ngunit hindi na iyon nangyari dahil kinabig niya agad ako palapit sa kaniya at hinawakan sa leeg. Umiikot ang aking paningin. Lumapat ang kaniyang labi sa akin at kahit anong gawin kong iwas ay hindi ko matapatan ang lakas niya. Hawak niya ang isa kong kamay habang naiipit naman ang isa sa kaniyang braso na siyang kumukontrol sa kamay niyang nasa likod ng aking ulo at pumipigil sa akin upang maiwasan ang kaniyang marahas na paghalik.   Ipiniglas ko ang aking paa ngunit itinulak niya ako sa pader at isinandal doon. Ngayon ay kulong na kulong ako sa kaniyang katawan at lalong hindi siya magawang iwasan.   Sumasakit ang kamay ko sa mahigpit niyang kapit ngunit mas dama ko ang sakit dahil sa malakas na pagtambol ng aking dibdib. Ramdam ko na rin ang pamamasa ng aking pisngi dahil sa pag-iyak. Ang kaniyang isang kamay na inialis niya sa likod ng aking ulo ay gumagala sa aking katawan.   “You are mine, Loren. Every parts of your body are mine,” he said through gritted teeth.   Sumigok lang ako at sinusubukan pa rin umiwas ngunit mas malakas talaga siya at ang mga binti ay umiipit sa akin. Ang kaniyang kamay ay naglandas sa aking hita pataas na siyang lalo kong ikinaiyak.   Magus never touch me as violent as this. I never let him even after knowing about my feelings for him but this man… This evil of a man violate my body.   “I will make you beg for me like what you did when you’re still not blinded by power,” he murmured through my ear and bit my earlobe.   I heard his moan that made me shout and beg for help. Sumasakit man ang aking lalamunan ay hindi ako tumigil sa pagsigaw ngunit sa tingin ko ay walang makaririnig sa akin dahil kung meron, hindi ba dapat ay kanina pa.   I tried to beg for him not to do this. To stop what he is doing but he did not even try to listen to me.   “Magus will kill you,” galit kong sambit sa kabila ng pag-iyak.   Hinigit niya ang aking buhok at saka iniharap ang mukha ko sa kaniya.   “I don’t care if he wants to kill me but I will make sure I am not the only one. We are partners in crime, Loren. If I die, you will too. Life and death, I will forever be with you,” he said insanely.   Sa halip na sa labi ay bumaba ang kaniyang labi sa aking dibdib at lalong ipininid ang dalawang kamay ko sa aking ulunan. Ang kaninang dibdib kong nahaharangan ng tela ay lumaylay ngayon at malaya siyang nakikita iyon. Suminghap ako nang kagatin niya ang aking balat at lalong nanginig dahil sa pag-iyak.   Ang isa niyang kamay ay malayang nahahaplos ang maselang parte ng katawan ko na nahahagingan na lamang ng manipis na tela.   Sumaksak sa isip ko si Magus at kung paano ko siya nilalayuan sa tuwing nararamdaman ko ang init na nagmumula sa kaniya. Ginawa ko ang lahat upang kahit kailan ay hindi niya mahawakan ang kahit na ano  sa aking katawan kahit pa siya ang kauna-unahang lalaking nais kong pagbigyan nito. Hindi pumasok sa isip ko kailanman na sa ganitong paraan mawawala ang isang bagay na lubos kong iniingatan.   “I can’t give you what you want. I’m still not ready to give you my body, Magus. I’m sorry.” Natatandaan ko pa na iyon ang huli kong isinagot ng halos malunod na ako sa init ng kaniyang halik.   “I’ll wait. You don’t have to say sorry. I understand.”   He understand. He always does even though in his eyes, I am Loren, I am his wife, he did not try to force me.   “I’m s-sorry…” bulong ko habang nararamdaman ang unti-unting pagkaubos ng aking lakas.   Hindi ko na magawang iiwas ang aking katawan sa kaniyang nakadidiring hawak. Naramdaman ko ang pagakahawi ng nag-iisang tela na humahaging sa p********e ko. Umangat ang katawan ko sa ere at lumapat iyon sa isang matigas na bagay. Patuloy ang pagbibigay niya ng marahas na halik sa aking labi at hindi ko na nagawa pang iwasan iyon dahil umiikot na ang aking paningin hanggang sa tuluyan akong hilahin ng dilim.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD