Kabanata 10

2226 Words
“Loren Herris…” kumawala sa bibig ko ang mga pangalan na iyon habang inaayusan ako ni Trisha ng buhok.   Maaga niya akong ginising katulad ng paulit-ulit niyang ginagawa kahit pa wala naman kaming gagawin kundi aralin ang mga tinuro sa akin ng paulit-ulit upang hindi ko raw iyon makalimutan.   Nakakaramdam na ako ng pagkabagot sa inaraw-araw na ako ay narito lamang sa loob ng kwarto para paghusayan ang pagpapanggap bilang ang kapatid ko na ngayon ay binibigyan ako ng isipin. Ano ba talaga ang nangyari sa kaniya? Tinanong ko na rin si Mr. Jarvis kung nasaan si Loren at kung bakit hindi ko man lamang nakita ang aking kapatid simula pa noong ako ay makarating dito. Magdadalalawang lingo na ako subalit miski anino ni Loren ay hindi ko man lang naapuhap.   “Trisha…” pagtawag ko ng pansin sa kaisa-isang taong palagi kong kasama.   “Sigurado ka ba na hindi basta nawala lang si Loren? Iyong tipong nakipagtanan siya?” tanong ko.   Iyon talaga ang pumapasok sa utak ko dahil hindi ba dapat ay naririto siya pamamahay ng kaniyang ama-amahan ngunit nabisita ko na ang posibleng paglagyan niya ay wala pa rin akong nakikitang Loren.   “Do you think she eloped with someone because she does not want to marry the Lord?” tanong ko pa uli.   Natigilan siya sa aking sinambit, ramdam ko iyon. Sa reflection niya sa salamin ay halatang nag-iisip siya.   “Ano ba ang itsura niya ng huli mo siyang makita?”   Nanulis ang nguso niya na mapula at maliit. Maganda si Trisha. Sa katanuyan ay wala pa naman akong nakikitang bampira rito na walang sinasabi ang itsura. Para bang sila ay mga lahi ng pinagpala sa angking kagandahan. Si Trisha ay may maputlang balat. Mas matangkad ako ng kaunti sa kaniya at mas mukhang matured siguro ay dahil mas maaga akong namulat sa hirap at kita iyon sa aking itsura. Kapag magkasama kami ni Trisha, pakiramdam ko ay may kasama akong isang teenager na kapatid.   Tumikhim siya at nangunot ang noo.   “Noong huli ko po siyang nakita ay noong gabing nagkagulo rito sa kaniyang silid,” aniya na halata na inaalalang pilit ang sagot sa aking katanungan.   “Nagkakagulo sila noon at naririnig ko mula sa baba na isinisigaw ni Mrs. Teren ang ngalan ni Lady Loren at matapos iyon ay hindi na po namin siya nakita,” tumango-tango siya nang matapos sabihin iyon.   “Kung ganoon ay hindi talaga siya nakita noong gabi na iyon?” tanong ko.   Nakita ko ang naging pagtango niya sa reflection sa salamin. Bumuntong hininga ako at saka napaisip kung anong klase ng sumpa ang sinasabi ni Mr. Jarvis na namana ni Loren sa aming ama.   Is it a curse that is easy to find a cure or it is a lifetime curse? Bukod sa nais ko na makita si Loren ng personal ay nais ko rin na masiguro na hindi ako maiipit sa sitwasyon na ito at matutupad ang pangako ni Mr. Jarvis na isang buwan lamang ay magbabalik ang lahat sa kung ano talaga ito. Magdadalawang lingo na ako ngunit hindi man lamang nakapagbabanggit si Mr. Jarvis ng kahit na anong tungkol sa progreso ni Loren. Paano kung sumapit ang kasal at wala pa siya? Hindi pwede na ako ang makasama nang mapapangasawa  niya sa gabing iyon.   “Nasasabik na po ba kayo na makita siyang muli?” tanong ni Trisha na ngayon ay ibinabalik na ang mga ginamit sa pag-aayos ng aking buhok.   “Ilang taon na rin naman ang nagdaan at kahit papaano ay nais ko siyang makita at makamusta,” pahayag ko habang sinisipat ang itsura ng buhok ko sa may likuran.   “Napakabait ni Lady Loren subalit hindi siya palasalita. Iyon kasi ang itinuro sa kaniya simula pa lang noon,” pagkukuwento niya.   “Natatandaan ko pa ng noon na nasaktan siya ng sobra dahil may umatake rito. Nagluluha ang kaniyang mata subalit pinipilit niya po na huwag tuluyang umiyak,” may ngiti sa labi ni Trisha habang sinasabi iyon.   Nakikita ko ang paghanga niya sa kapatid ko base sa kaniyang sinasabi at sa ipinakikita na ekspresyon ng kaniyang mga mata.   “Bakit nga pala hindi ikaw ang naging personal na nag-alaga kay Loren kung mukha namang malapit ka sa kaniya?” kuryuso kong tanong.   Nanulis ang nguso niya at saka umiling.   “Lady Loren is bound to be a cold and strong person and if she will be associated with a soft-hearted person like me, she will end up ruining what Mr. Jarvis have started to build up inside her,” mahabang paliwanag niya.   Nakagat ko ang aking labi dahil sa narinig. Hindi ko tuloy alam kung naging masaya nga ba si Loren dito. Kailangan niya na isantabi ang pagkakaroon ng emosyon o pagpapakita noon dahil kailangan most of the time ay makikitang malakas siya at malamig. Tipo ng tao na dapat katakutan.   “Bakit kailangan na maging ganoon siya?” nagtataka kong tanong.   Tipid na ngumiti si Trisha.   “Alam na ba noon pa lang ni Mr. Jarvis na si Loren ang mapipili ng Pinuno?” dagdag ko pa.   “Sa tingin ko po ay wala sa balak ni Master Jarvis iyon. Si Lady Loren po kasi ang magdadala ng kaniyang pangalan hanggang sa mga susunod na panahon. Siya rin po ang kikilalanin  na first woman fore garroter kung hindi lang po siya napili na maging kabiyak ni Lord Magus,” paliwanag pa niyang muli.   “Sa tingin ko po ay masaya naman si Lady Loren dahil pinangarap niya po talaga na maging katulad ni Master,” dagdag niya pa.   Nangunot ang aking noo nang sabihin niya iyon.   “Anong ibig mong sabihin? Gusto niya na sumunod sa yapak ni Mr. Jarvis?” tanong ko.   Ngumiti siya ng malawak at tumango. “Opo! Gusto niya raw iginagalang siya hindi dahil sa pangalan na dala niya kundi dahil sa posisyon na paghihirapan niya makuha.”   Napatango ako at saka napaisip. Ano nga ba ang tungkulin ng isang Fore Garroter? Kanang kamay ba iyon o ano? Bakit pakiramdam ko ay talagang kilala si Mr. Jarvis at kinatatakutan dahil sa titulo na iyon. May iba naman na kahit nakangiti sa kaniya ay kakikitaan ko ng pagkamuhi ang kanilang mukha. Mapagmasid ako at nakikita ko ang iba’t ibang ekspresyon sa mukha ng mga taong nakaharap namin noon sa naganap na pagpupulong. Alam ko at nasasabi ko kung ano ang itinatago ng kanilang mga mata.   “Ano ba ang tungkulin ni Mr. Jarvis? Ano ang ginagawa ng isang Fore Garroter?” tanong ko.   Natigilan naman siya at bumalatay sa mukha ang pagkabalisa sa naging tanong ko. Nangunot ang noo ko at tinawag ang pangalan niya noong napansin na parang natulala na siya.   “Trisha, okay ka lang ba?” tanong ko.   Mukha siyang natauhan nang marinig iyon at saka ako binalingan at nakangiwi na tumango sa akin at bubuka-sasara ang kaniyang bibig. Bumuntong hininga ako at napatango.   “If you can’t answer it, it’s okay. I’m just going to ask Mr. Jarvis,” pagpapalubag ko sa loob niya na mukha namang ikinahinga niya ng maluwag.   Tumayo ako at saka sumungaw sa may malaking bintana. Katulad ng isang tag-ulan sa aming baryo, napakalungkot ng ambiance sa labas na animo’y kadaraan lamang ng isang malakas at mapinsalang bagyo. Wala man lamang akong makitang tao o kahit na anino man lamang. Wala rin akong makitang kahit na anong uri ng hayop dito na siyang sa tingin ko ay nagpapalungkot ng kapaligiran.   “Lalabas po muna ako Lady Loren,” aniya sa likuran.   Sandali ko lang siyang sinulyapan at saka tinanguan. Ibinalik ko ang tingin sa bintana at nasipatan ang ilang sasakyan na papasok sa may loob ng malaking bakuran. Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko kilala ang mga taong bumaba mula sa mga iyon ngunit halatang mamahalin ang kanilang mga sasakyan.   Sa apat na sasakyan ay halos tatlo ang lulan na nakita kong nagsibaba. May kaniya-kaniyang dala ng bag at ilan ay malaking papel. Napapaisip tuloy ako kung biglaan bang nagpatawag si Mr. Jarvis ng tao o ano. O kung may insidenteng nangyari ba.   Narinig ko ang malakas na lagitik ng pintuan ng silid nang iyon ay bumukas. Nang lingunin ko ay saktong pagpasok ng hinihingal at nanlalaking mata na si Trisha. Hindi ko na siya hinintay na makalapit pa sa akin, ako na mismo ang lumapit sa kaniya.   “May problema ba?” nag-aalala kong tanong dahil mukhang nakakita siya ng multo base sa ekspresyon ng kaniyang mukha.   Hinihingal siya at ilang beses man niyang subukin na ibuka ang bibig upang magsalita ay hindi niya magawa dahil kinakailangan pa muli niyang humugot ng hininga. Batid kong galing pa siya sa ibaba at masyadong mahaba ang hagdan na kaniyang tinakbo subalit hindi ba ay may kakayahan ang mga uri niya na maging mabilis gaano man nila gustuhin o iyon ay hindi totoo?   “Lady… Loren…” ang mga katagang una niyang nasambit.   “Nariyan po ang… mga…” bago pa niya matapos ang kaniyang sasabihin ay bumukas ng muli ang pintuan.   Sumalubong kaagad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Mr. Jarvis subalit kahit ganoon ay nababanaag ko sa mata niya ang pagkabahala. Ganoon pa man dahil sa may mga tao siyang kasama ay agad akong umakto tulad ng aking inaral.   “Father,” sambit ko na kunwari ay nagulat tapos ay ibinalik ang cold expression.   “To what may I help you…” sinulyapan ko ang mga taong nasa likuran niya. “And our respective visitors?” pagtatapos ko.   Humugot ng malalim na buntong hininga si Mr. Jarvis at saka binigyang daan ang mga nasa likuran niya upang ako ay makaharap. Agad silang nagyuko ng ulo sa akin habang may ngiti sa labi.   “Lady Loren, we are asked by Lord Magus to come here and make sure that everything that you need on your wedding tomorrow is fine,” nakangiti at magalang na sambit noong lalaki.   Nagbabalak pa ako na suklian ang ngiti at tango ang nakita kong magalang niyang pagbati ngunit hindi ko na nagawa nanag ma-realized ang kaniyang sinabi.   “Wedding?” bulong ko.     Sabay-sabay silang tumango at lalong lumawak ang ngiti.   Tumikhim si Mr. Jarvis kaya nakuha niya ang atensyon ko na sa tingin ko ay talaga namang nais niya. Kumibot ang kaniyang labi at humugot pang muli ng buntong hininga.   “The Lord wanted the wedding to be done as soon as possible, like what he told us when he paid you a visit, Loren,” mahinahon ngunit may diin niyang sambit; pinaiintindi sa akin ang bawat salita.   Hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil kanina lang ay iniisip ko nab aka makaabot pa si Loren sa kasal. Alam ko naman na nagmamadali ang kanilang Pinuno subalit hindi ko inakala na ganito kabilis ang nais niya. Inaakala ko na lingo pa ang lilipas dahil ganoon naman sa aming uri. Hindi ba dapat ay buwan pa nga ang preperasyon sa ganito?   “Everything in the Castle is ready and everyone in the City may witness the wedding that will tomorrow, Lady Loren,” nakangiti muling sambit noong isang babae na sa tingin ko ay organizer dahil sa dala-dala nitong papel.   Walang mamutawing salita sa bibig ko. Nagpalipat-lipat ang mata k okay Mr. Jarvis at kay Trisha na hindi naman makatingin sa akin ng ayos.   “You can check what we brought here, Lady Loren and if you are not satisfied with it, the Lord told us to do everything to make sure you will enjoy your wedding,” ani noong lalaki.   Sa halip na magsalita ay napalunok na lamang ako at tumango-tango. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot ako nab aka kung ano ang masabi ko dahil sa labis na pagkabigla. Tumikhim muli si Mr. Jarvis at saka binalingan ang mga bisita.   “Why don’t we go downstairs?” aniya na mukhang sa akin sinasabi iyon.   “Uh…” humugot ako ng hininga at pilit kinalma ang sarili at saka sinang-ayunan si Mr. Jarvis.   “L-let’s go downstairs,” halos pabulong kong sambit.   Mukha namang hindi nila nahalata ang kaba sa aking boses at saka sumang-ayon. Nauna si Mr. Jarvis, sa likod niya ako at si Trisha sa bandang gilid ko habang nakasunod sa aming likuran ang mga bisita. Nasanay na ako sa ganito na sa kanilang uri ay nadidipina ng pwesto nila kung sino ang marapat na mauna sa paglakad o miski sa pagbati o pagsasalita. Ang hindi ko lang yata makakasanayan ay ang kaisipan na ako talaga ang haharap sa Pinuno nila sa araw ng kasal.   “Congratulations, Lady Loren,” bati ng bawat madaraanan naming mga kasambahay na tinatanguan ko lang.   “Congratulations,”   Iyan ang salita na mula kanina ko pa naririnig sa lahat ng makikita ko. Nang makaalis ang mga bisita at masiguro na satisfied kuno ako sa mga dala nila ay minabuti ko na lamang na magtungo sa hardin kung saan makakalma ko ang aking sarili at makapag-iisip ng tama. Hindi ko pa makakausap si Mr. Jarvis dahil na rin sa ipinatawag pa ito ng kanilang Pinuno marahil ay ang kasal ang pangunahing pag-uusapan.   “You are really doomed, Caith…” bulong ko sa aking sarili at lalo pang nakaramdam ng panlalambot ng makitang dumidilim na.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD