Kabanata 33

1059 Words
Malakas ang kabog ng aking dibdib ngunit hindi alam kung para saan iyon. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Sa totoo lang ay payapa akong nagising at hindi rin nakadarama ng masamang pakiramdam. Biglaan na lamang kumabog ang dibdib ko habang isinasa-ayos ang mga rosas na ipinadala kanina ni Magus dito sa aking silid bago siya umalis.   Kinapa ko ang aking dibdib at nangunot ang noo. May masama bang mangyayari or I am just being paranoid? Binitawan ko ang rosas na hawak ko at saka piniling umupo na lamang muna. Hawak-hawak ko ang aking dibdib at hindi mag-umapaw ang kung ano-anong naiisip ko.   Nilibot ko ang paningin sa aking silid. Wala naman akong nakikitang kakaiba. Dumako ang tingin ko sa may pintuan at napaisip. Dali-dali akong nagtungo roon upang i-lock iyon. Baka mamaya ang nararamdaman ko pala ay isang babala na may mangyayaring masama na naman sa akin. Kahit pa alam ko na kasama ni Magus ang High Reeves sa isasagawa nitong pagbisita sa kabilang Clan ay hindi ako mapapakali. Maaring gumawa ito ng paraan para maulit ang binalak niya noon.   “Don’t let anyone come to your room unless it’s Magus,” bulong ko at saka pinong naglakad patungo sa may kama.   Naupo ako roon at pinagmasdan lang ang pinto at hinihintay kung mayroon bang magsusubok na buksan iyon. Sa awa naman ng Diyos ay wala kahit pa ilang oras na ang nakalipas. Iyon nga lang ay lalong tumindi ang kabog ng aking dibdib. Ano ba ang ibig sabihin nito? Hindi na rin ako mapakali pa.   Sinubukan kong magbasa ng libro ngunit lumilipad ang utak ko. Napasinghap ako nang may maalala. Sa pagkakatanda ko, ang sabi Trisha tungkol sa pangalawang sagradong kagat. Pangalawang kagat na ang natanggap ko at ayon sa kaniya, ang pangalawa ay magsisilbing susi upang mabuksan an gaming nararamdaman.   “Hindi kaya si Magus ang nasa kapahamakan?” bulalas ko.   Dali-dali akong nagsuot ng sapaton sa paa at nagtakbo patungo sa labas. Hindi ko na inintindi ang takot ko nab aka makasalubong ko muli ang High Reeves. Nagmamadali kong tinungo ang isang gwardiya sa hagdan.   “Mayroon bang Heneral ang Lupon ninyo?” tanong ko na kapos pa sa hininga.   Mukhang hindi niyon inaasahan ang biglaang pagkausap ko sa kaniya.   “Missus,” pagbigay bati niya.   “Ang inyong tinutukoy ay ang inyong ama, hindi po ba?”   Natigilan ako sa narinig. Hindi ko alam na ang Fore Garroter din ang siyang nagsisilbing gwardiya. Tumikhim ako at saka tumango.   “Maari ko ba siyang ipatawag? May nais lamang akong malaman,” saad ko.   Yumuko ito sa akin.   “Ipagpatawad po ninyo subalit ang Fore Garroter ay lumisan ilang sandali lamang ang nakalipas upang daluhan ang Pinuno sapagkat nasasangkot ito sa isang problema kasama ang mga babaylan,” pahayag niya.   Suminghap ako at kinapa ang aking dibdib. Kung gayon ay tama nga. Tama ang aking hinuha na ang aking nararamdaman ay hindi sa akin kundi kaniya. Nasa panganib siya.   “Maari ba akong sumunod?” tanong ko, sa sahig nakatingin.   “Ipagpatawad ninyo subalit hindi maari na kayo ay hayaan namin na lumusob sa kampo ng kalaban. Isang malaking kaparusahan ang maghihintay sa amin sakaling kayo ay aming dalhin doon at mauwi kayo sa kapahamakan.”:   Iginalang ko ang kanilang karapatan na ako ay tanggihan. Gaano ko man kagusto na sumunod ay hindi maaring isaalang-alang ko ang kanilang buhay. Wala akong nagawa kundi ang maghintay sa loob ng aking silid. Hindi ako makakain ng ayos dahil sa isipin na maaring may kung anong nangyari na kay Magus at kay Mr. Jarvis.   “Lady Loren, hindi po kayo kumain,” pamumuna sa akin ni Trisha.   Bumuntong-hininga lamang ako at nalulungkot siyang tinignan.   “Sa tingin mo ba ay makauuwi siya ngayon?” tanong ko.   Nag-iwas siya ng tingin sa akin.   “Hindi ko po kayo mabibigyan ng sagot. Wala pong nakasisiguro kung ngayon o bukas pa po sila makababalik,” aniya.   Lalong bumagsak ang balikat ko.   “Pero huwag po kayong mag-alala. Siguradong babalik po sila rito. Malakas po ang Pinuno at hindi basta magagapi ng mga babaylan.”   Batid ko na ang mga salitang iyon ay sinambit niya upang pagaanin lamang ang aking kalooban.   Sa gabing iyon ay mag-isa ako sa kama. Bago iyon sa akin dahil sa nagdaang lingo ay palagi siyang narito nagpapalipas ng gabi. Simula noong ibinigay ko sa kaniya ang aking sarili ay hindi ko na napigilan na tuluyan maging komportable na kasama siya miski sa pagtulog.   Noong mga unang gabi matapos an gaming pinagsaluhan ay napapaisip akong mabuti sa kasalanan na aking nagawa. Dumating pa sa punto na kinailangan ko sumangguni kay Mr. Jarvis dahil sa pangyayari.   “Hindi siya sa akin subalit nagawa ko iyon,” bigo kong sambit.   Hindi nabago ang ekspresyon sa mukha ni Mr. Jarvis.   “Own him, Caith. Own him.”   Ang mga salitang iyon ang tila nagbigay baga sa nagsusumibol kong pagnanais na tuluyang angkinin ng isip ko si Magus. Halos nabubuhay na ako na araw-araw siyang kasama at hindi na sumasaksak sa isip ko na siya ay hindi ko pagmamay-ari.   Sa bawat sandali na nagpapaubaya ako sa kaniya ay nalilimutan ko na narito lamang ako dahil kailangan kong punan ang pagkakautang ko kay Mr. Jarvis.   Nakatulog ako sa ganoong kaisipan at nagising sa mga haplos sa aking balikat. Parang nabuhayan ako ng dugo at agad na bumangon. Agad kong binalingan ang nagmamay-ari ng kamay na iyon  at nang makita siya na pabangon na ay agad akong yumakap sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa nagagalak ako na narito siya. Humaplos ang kamay niya sa aking buhok.   “You missed me, huh?” sambit niya na tunog natutuwa.   Hindi ko iyon pinansin at kumalas sa yakap niya. Sinipat ko ang kaniyang katawan.   “Hindi ka ba nasaktan?” tanong ko, aligaga sa pagtingin sa kabuoan niya.   Bumagsak ang kamay niya sa akin at pinagsalikop iyon. Nagsalubong ang mata namin. Batid ko agad na pagod siya. Bumuntong-hininga ako.   “Magpahinga ka na,” mababa ang boses kong sambit subalit sa halip na humiga ay kinabig lang niya ako para sa isang halik.   Lumalim iyon ng lumalim at alam  ko na kung saan iyon mauuwi kaya naman agad kong pinutol iyon.   “Magpahinga na tayo,” sambit ko na kalaunan ay sinunod niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD