Chapter 3

2717 Words
"Mayu?"   Napabalikwas ako at napaayos ng upo ng kalabitin ako ni Dex saka napalingon sa kanya.   "Bakit?" takang tanong ko.   "Okay ka lang?" nag-aalala na tanong niya. Tumango ako dito bulang tugon saka tumingin sa harapan kung nasaan ang Professor namin na may sinusulat na kung ano sa glassboard.   "Midterms na pala next week 'no?" narinig kong bulong ni Denver. Napatango ako na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw at Prelims na agad, parang kahapon lang nang nagbukas ang klase.    "Mag-sleep over ka ba ulit sa bahay, Mayu?" Tanong naman sa akin ni Reb na ikinatango ko na lamang.     Nagpatuloy sila sa pagbubulungan habang pinipilit kong mag-concentrate sa pagsusulat na ginaya ko sa mga kaklase ko dahil nagsusulat din ang Professor namin sa harapan.   Minor na feeling major ang subject namin ngayong araw pero kailangan ko pa rin mag-focus dahil hindi maganda sa transcript kapag nagkaroon na naman ako ng tres. Baka sa susunod ay palayasin na ako ng mga magulang ko.   "Mr Loreto?"   Napatigil sa pagsusulat si Professor sa harapan at tinungo ang School Dean na nakatayo sa may pintuan. Narinig kong binati naman ito ni Prof.   Nilapag ko ang ballpen sa gilid ng notebook ko saka sumandal sa upuan.   "Ano kayang problema ni Dean at sinadya niya pa si Prof Loreto?" bulong ni Dexter na ikinibit-balikat namin. Pinanuod lang namin ang dalawa na kasalukuyan na nag-uusap hanggang sa may ipakilala na lalaki ang School Dean. Doon ko lang napansin na may tao pala sa likod ni Dean. Nakita ko pa na ngumiti si Professor Loreto pagkatapos bumaling doon sa lalaki na nakasuot ng uniform na gaya ng sa amin, saka nagpaalam dito.   “Mukha namang wala silang problema kasi ngumiti pa si Prof kay Dean,” bulong naman ni Denver na hindi namin pinansin. Nakita namin na nagpaalam na ang School Dean at iniwan ang transferee.   Naglakad si Prof Loreto pabalik sa harapan namin kasama iyong lalaki.   "Kindly introduce yourself,” baling ni Professor Loreto sa transferee.   “Ang corny naman bakit may pa-introduce yourself pa na nalalaman? Ano high school?” komento ko sa sinabi ng guro namin. Sunod na narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga pinsan ko. Totoo naman kasi. Sa pagkaka-alaala ko ay hindi na uso ang introduce yourself sa college lalo na at third year college na kami.   Nakita ko na tipid na ngumiti sa kanya iyong lalaki saka humarap sa amin. Mataman na pinagmasdan ko ang tao na nasa harapan. Una kong napansin ang pinkish na labi niya at makapal na kilay. Pati na rin ang mapupungay nitong mata na para bang nang-aakit? O feeling ko lang?   "Hi! I'm Baelfire Samson Enriquez,” nakangiti na wika nito. Sandali akong natigilan. Napakunot ang noo ko saka nilingon ang mga pinsan ko.   "Baelfire? ’Di ba 'yon ang pangalan ng daddy ni Henry na first love ni Emma?" tanong ko sa kanila na nagpakunot ng noo nila.   "Pinagsasabi mo, Mayu?" naguguluhan na sabi ni Denver.   "Dude, si Baelfire! Iyong anak ni Rumplestiltskin a.k.a Mr Gold!" sabi ko pa. Napuno ako ng kagalakan dahil sa kakaibang pangalan ng bago namin blockmate.   "Who the hell is Mr. Gold?" takang tanong naman ni Reb. Nakaka-frustrate ang pagiging walang alam ng mga pinsan ko kaya tumahimik na lang ako at hindi na nangulit pa.   Nang bumaling ako muli sa harapan ay wala na doon ang hula ko ay bago blockmate at ng hanapin ko ito ay nakaupo na ito sa unahan na kahilera ng upuan ko. Just two seats away from me.    Pagkatapos ng minor subject namin na feeling major kung saan kami magkaka-kaklase ay naghiwa-hiwalay na kaming apat para sa next na major subject namin. Nagbilin pa si Reb na kung sino ang unang matapos ang klase ay mauna na sa cafeteria o maghintayan sa may lounge. Tumango-tango ako sa sinabi nito saka sumakay sa elevator.   Lunch time. Magkakasama kami nila Dexter, Reb at Denver na lumabas ng building. Kasalukuyan na nagtatalo ang tatlong itlog kung saan kakain pero sa huli nanalo rin si Reb na sa cafeteria gusto. Ayaw daw kasi nito maglakad ng malayo at lumabas ng University para lamang kumain kung may cafeteria naman.   Tahimik akong nakasunod sa kanila nang tumabi sa paglalakad sa akin si Denver.   "Sino ba 'yong mga sinasabi mo kanina?" tanong ni Denver.   Nagkibit-balikat lang ako habang diretso ang tingin sa dinadaanan namin.   "Sa Once Upon A Time ba 'yon, Mayu?" rinig kong sabi ni Dexter kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya saka lumingkis sa braso nito.   Once Upon a Time is the title of the series na napanuod ko at sobrang na-hook talaga ako. Kuwento ito ng mga Disney fairytales na lumabas sa libro at namuhay sa isang town na walang maalala. It's an exciting T.V series at talagang nagustuhan ko ang love story ni Emma and Baelfire kahit na ang daming pagsubok.   "Buti ka pa, Dex. Hindi tulad nong dalawa na slow," sabi ko na ikinatawa nito saka wagayway sa phone nasa website ng google.   Inis na tinulak ko ito saka naunang maglakad. Narinig ko pa ang malakas na tawanan ng tatlo na hindi ko na lang pinansin.   Ilang sandali pa ay nakarating na riin kami sa cafeteria. Nauna akong pumasok at naghanap ng bakanteng upuan. Naupo ako sa unang upuan na nakita ko na agad sinundan ng tatlo kong pinsan. Agad na tumingin sa akin ang tatlo nang makaupo na inirapan ko naman.   Alam ko na mga ganyang tinginan nila, for sure uutusan lang nila ako na um-order.   "Sino ang o-order?" tanong ni Denver na nakatingin pa rin sa akin.   "Hindi ako kakain dahil busog pa ako. I had a heavy breakfast at home," sabi ko saka inilabas ang laptop ko mula sa backpack at binuksan iyon.   "Sure ka, Mayu?" naniniguro na tanong ni Reb na ikinatango ko. Narinig kong nag-uusap na sila kung ano ang o-order-in.   Nag-open ako ng social media at unang bumungad sa akin ang article na mula sa isang news page na tungkol sa murder sa abandoned building, many weeks ago.   Napabuntong hininga na lamang ako at inignora iyon saka mabilis na nag-scroll.   Pinilit kong kalimutan ang nightmare ng araw na iyon. Nagpapasalamat pa rin ako sa mga pinsan ko na hindi ako pinabayaan at nakapag-isip pa na tumawag ng pulis kaya nahuli 'yong mga masasamang tao. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Reb ay isa pala iyong malaking sindikato at dinukot nila iyong babae na nakita namin. Iyong pamilya ng babae ay mortal na kaaway daw nong mga masasamang tao kaya siya dinukot ng mga ito. Nalaman din namin na ayon sa autopsy ay ginahasa nila muna ang babae bago itulak na ikinamatay nito. Awang-awa ako sa nangyari pero pinili naming manahimik na lamang tutal ay nahuli naman at nakakulong ang mga gumawa niyon sa kanya.   Sina Papa at Daddy nina Reb lang ang tanging nakakaalam niyon. Nagawa din nila kaming itago sa media para hindi pagpiyestahan ang pamilya namin. Hindi din nakarating kay mama ang nangyari pero grounded kaming apat at ngayon nga ay bawal gumamit ng car o motor at may driver na tiga-hatid at sundo.   Biglang pumasok sa isipan ko ang imahe nong nakakatakot na lalaki na nakita ko sa parking lot ng hospital. Nakaramdam ako ng matinding kaba kaya mabilis na pinilig ko ang ulo ko. Napasandal ako at nag-inat para itago ang nararamdaman ko. Saktong dumating si Reb kasunod si Den dala ang mga trays na may laman na pagkain. Agad kong kinuha ang bottled green tea saka binuksan.   "Akala ko ba hindi ka gutom?" puna ni Dexter.   "Oo pero nauuhaw ako," sagot ko dito saka mabilis na tinungga iyon.   Hindi din sila nakatiis at binigyan ako ng ham sandwich na kinain ko naman. Napailing na lamang sila na ikinangiti ko.   "Nga pala, mag-s-sleep over ka ba talaga sa amin? Papayag kaya si Tito?" tanong ni Den matapos naming kumain. Naisipan kong mag-re-watch ng favorite episode ko sa Once Upon A Time since may oras pa naman bago ang next subject namin.   "Bakit naman hindi? Palagi naman nating ginagawa iyon," sagot ko saka mabilis na pinindot ang mouse pad nang ipakita si Baelfire sa screen.   Every exam ay nag-s-sleep over ako sa bahay nila Reb para makisali sa group study nila at magreview na rin. Kahit naman kasi ay iba-iba ang mga course namin ay nagagawa pa rin namin na magtulungan kapag may hindi naiintindihan sa lesson, thanks to Reb’s genius mind na alam ata lahat ng subject sa lahat ng course sa college.   Hindi ko maiwasan na mapangiti at agad pinindot ang pause button nang mag-appear ang favorite character mula sa pinapanood ko.   "Ayan si Baelfire! Siya iyong sinasabi ko sa inyo kanina," tuwang-tuwa kong sabi sabay turo sa monitor. Hindi pa ako nakuntento ay hinila ko pa ang sleeve ng polo ni Reb para tumingin siya sa laptop ko.   Agad naman tinabig ni Reb ang kamay ko at pinlay ang video.   Halatang hindi sila interesado. Pero natutuwa kasi ako sa pangalan niya.   "Ang cool naman ng ka-block natin at Baelfire ang ipinangalan sa kanya ng parents’ niya," sabi ko pa habang titig na titig kay Bae na kausap si Emma.   "Hindi rin. Parang tanga lang," sabi naman ni Dexter. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dexter at nagpatuloy sa panonood habang sila ay nag-uusap ng kung ano-ano.   Nakita ko ang sabay-sabay namin na pag-angat ng tingin nang may tumikhim sa gilid namin. Agad kong nakita si Prof Liza na professor namin sa isa pa naming major subject kasama ang bago naming classmate sa minor subject na si Baelfire.   "Yes, Miss Liza?" Tanong ni Reb dito kasabay ng bahagyang pagtaas-baba ng mga kilay nito na para bang sinusuri ang sitwasyon.   Napataas ang isa kong kilay ng isa-isa kaming tignan ni Prof Liza bago bumaling kay Reb saka nagsalita.   "Gusto kong isama niyo si Mr. Enriquez sa group study niyo before the exam. I heard about Ms. Galvez's mom about it at napagkasunduan namin ng School Dean na isama sa inyo si Mr. Enriquez.  He's a transferee student at late na nakapag-enroll kaya marami siyang na-missed na lesson hindi lamang sa subject ko kundi pati na rin sa iba pa," mahabang paliwanag nito.   Nagkatinginan kaming apat at kita ko kaagad ang hindi pagsang-ayon ng mga pinsan ko. "Excuse me, Miss Liza? Bakit sa amin pa at hindi na lang sa grupo nila Justin? O kaya nila Selene? Mas masisipag mag-aral ang mga iyon kaysa sa amin," mabilis na pagtutol ni Reb at umiling-iling.   "But one of you is a President's lister at naniniwala kami ni Dean na matutulungan niyong makahabol si Mr. Enriquez," pangangatwiran pa nito saka bahagyang ngumiti.   I can't help but to roll my eyeballs at sinadya ko talagang ipakita iyon sa kanya ng bumaling ito sa akin.   "What the sense of asking us kung buo na ang desisyon niyo? May choice ba kami?" Iritable kong tanong na hindi kinaimik ni Prof. Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang tingin sa laptop ko. Kasalukuyan pa rin iyong nag-pe-play at nakakainis lang na na-missed ko na ang favorite scene ko sa episode na ito dahil sa pang-iistorbo nila.   Inilapit ko na lamang ang laptop ko sa akin saka sinuot muli ang earphones at hinayaan silang mag-usap.   Nang mapansin kong wala na ang Prof namin ay bahagya akong sumilip at nakitang nandoon pa rin si Baelfire at tahimik na nagmamasid sa amin.   "Why are you still here?!" mataray na tanong ko dito dahil curious ako kung bakit hindi pa siya umaalis. "I'm Baelfire but you can call me, Bae. Mayumi?" anito saka ngumiti at naglahad ng kamay sa harapan ko.   What the f**k?! Ang tanong ko ay kung bakit nandito pa siya at hindi ang pangalan niya. Ang epal naman ng lalaki na ito. Mukha ba akong interesado sa kanya maliban sa pangalan niya?   Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ng mga pinsan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. And what's so funny?   "I'm not interested," mataray na sabi ko sabay flip ng bangs ko. Hindi na akong nag-abala pa na tignan ang kamay niya.   Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop but this time ay hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko. Inis akong bumuntong hininga saka napatingin sa mga pinsan ko. Busy na sila sa pagkain habang nakatayo pa rin si Baelfire sa gilid na nakangiti habang nakatingin sa amin.   Bigla akong nakonsensya at tinanggal ang earphones ko.   "Pwede ka na maupo Enriquez, nakakahiya naman sayo," Sabi ko saka inirapan siya ng lumapad ang ngiti niya at mabilis na tumango. Hindi na ako nakapag-react pa nang maupo siya sa tabi ko since nasa harapan ko ang tatlong itlog.   Bahagya akong napasulyap sa mga ito at nakita ang pagpipigil nila ng tawa. Inis na pinagsisipa ko ang mga paa nila sa ilalim ng lamesa at sinamaan sila ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ko ay for sure bumulagta na ang tatlong itlog na ito.   Sinara ko ang laptop at tinanggal ang earphones ko. Kinuha ko ang phone ko saka doon iyon sinaksak at nag-browse sa playlist ko.   Nakaramdam ako ng pagkailang ng hindi marinig ang ingay ng mga pinsan ko, isama pa ang pagtitig sa akin ng lalaking katabi ko. Inis na nag-angat ako ng tingin dito at bahagya pa akong napaigtad ng makitang nakapatong ang siko niya sa mesa na nakasuporta sa gilid ng ulo niya. Nakaupo ito paharap at titig na titig sa akin.   Hindi ko tuloy maiwasan na hindi titigan ang mukha niya.   Kayumanggi ang kulay ng balat niya at makinis ang mukha. Matangos ang ilong at manly ang pagkakaayos ng buhok na may bangs. Medyo manipis din ang lips nito at may pagkasingkit ang mga mata na itim na itim. I'm an avid fan of Korean drama as well, and I might say na hawig siya ng isang kilala na Korean actor.   Nakita ko rin kanina na matangkad siya, kumpara sa height namin ng mga pinsan ko na five foot seven inches. Tall, dark and handsome ang peg ng Baelfire na ito.   Nakita ko ang dahan-dahan na pag-galaw ng labi niya. Malapad itong ngumiti sa akin na lalong nagpa-guwapo sa kanya.   "Baka matunaw ako, Mayumi," dinig kong wika niya.   Tila nagising ako mula sa isang masamang panaginip at mabilis na napailing. Agad ko siyang sinamaan ng tingin saka bumaling sa mga pinsan ko na ngayon ay malakas ng tumatawa.   "Na-video-han kita, Yumi! Kita ko ang pagtulo ng laway mo habang nakatitig sa kanya!" Natatawang sabi ni Denver sabay angat ng cellphone niya.   Inis na tumayo ako at inayos ang mga gamit ko. Mabilis na tumayo din ang lalaki sa tabi ko. Muli akong napatingin sa kanya at tama nga akong mas matangkad siya sa akin.   "Ang ganda mo, Mayumi," mahinang wika nito.   Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Sinamaan ko siya ng tingin saka hinampas ang laptop na hawak ko sa braso niya.   "Jerk!" Sigaw ko kasabay nang paghiyaw niya sa paghampas ko. Mabilis akong naglakad papalayo at hindi na nilingon pa ang mga pinsan kong walang ginawa kundi asarin ako.   Mabilis akong naglakad papasok sa building. Agad akong pumasok sa ladies comfort room na nadaanan ko at tumayo sa harapan ng malaking salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko at inilapag ang hawak ko sa tabi ng sink. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko nang makita ang pamumula at maramdam ang pag-iinit niyon.   Ano bang nangyayari sa akin? Lalagnatin ba ako?   Sinipat ko ang sarili ko. Kinapa ko ang leeg at noo ko at hindi naman ako mainit. Dumako ang palad ko sa ibabaw ng puso ko at dinama ang malakas na kabog niyon.   Ano bang ginawa sa akin ng Baelfire na iyon? Hindi ito ang unang beses na sinabihan ako ng maganda ng ibang tao na hindi ko kamag-anak. Alam ko din sa sarili ko na maganda talaga ako. Maputi ako, makinis, at matangkad. Gusto ni mama na sumali ako sa mga crappy pageants na sobrang nakakapanindig balahibo kaysa daw makikipagbubugan ako kasama ng mga pinsan ko.   But hell, I will never do that!   Hindi lahat ng maganda ay kailangan may titulo. Sapat ng MAYUMI na ang pangalan ko. Hindi ko na kailangan pang magpaka-yumi sa maraming tao. Huminga ako ng malalim. Sinikop ko mga gamit ko saka binitbit iyon. Puno ng confident akong lumabas ng bathroom at naglakad sa mahabang hallway. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD