Chapter 2

2032 Words
"Ang boring naman non, walang thrill,” sabi ko sa mga pinsan ko habang naglalakad kami papunta sa pinagparadahan nila ng kotseng ginamit namin papunta dito sa Ermita.    "Oo nga. Parang tanga lang,” sabi naman ni Denvy saka umakbay sa akin.    "Nagsayang lang tayo ng oras,” sabi ko pa saka humalukipkip. Hindi na muling nagsalita ang mga pinsan ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad.    Pero ang inis na nararamdaman ko ay hindi mawala! Hindi ko matanggap na pinagpalit ko ang dalawang subject ko at nag-ditch sa klase para sana manuod ng sinasabi nilang rambol na hindi ko alam kung rambol ba talaga. Isang sapak lang ng lider ng isang grupo doon sa lider ng kabila ay tulog agad! Gangster ba talaga ang mga iyon? Bakit ang lampa?   Hindi na din nakisali ang mga pinsan ko sa rambol dahil nga mabilis natapos.    "Nakakainis talaga,” sabi ko pa.Narinig ko ang pagtawa ni Den saka kinurot ng marahan ang pisngi ko.    "Kung maka-react ka naman, Mayu,” wika naman ni Dex na inirapan ko na lamang.    Pagkadating namin sa sasakyan ni Reb ay agad akong naupo sa passenger's seat at sinuot ang seatbelt. Pumuwesto naman si Reb sa driver's habang ang dalawa ay sa backseat.    "Paano pala natin babalikan ang mga bag natin sa university?" tanong ko habang pinapanuod si Reb na nag-i-start ng engine.    "Edi babalik tayo doon. Hindi pa naman tapos ang last subject natin at baka kakasimula pa lang." sagot ni Den kaya tinignan ko ito mula sa rearview mirror.    "Ha? Diba hanggang four PM lang ang klase natin?" takhang tanong ko.    "Sino may sabi? May two hours tayong vacant kaya hanggang six PM tayo," kunot-noong wika naman ni Dex na nasa likod.    "Oh, s**t! Reb palit tayo!" malakas na sabi ko ng may mapagtanto.   "Huh?" Takhang tanong ni Reb na tumigil sa dapat na pag-papaandar ng sasakyan. Nang hindi siya kumilos ay mabilis kong iniangat ang katawan ko at naupo sa isang hita niya. Buong lakas na hinila ko ang kamay ni Reb para makaupo ako sa driver's seat hanggang sa makaupo ako habang wala naman siyang nagawa at umusog sa passenger's.    "Idol talaga kita, Mayu!" sigaw ni Dex mula sa likod kaya tinignan ko siya mula sa rearview mirror at kinindatan saka ini-start ang sasakyan.    "Marunong ka bang magdrive, insan?" tanong naman ni Reb na nasa tabi ko na ikinatango ko saka ngumisi.   "Lagi kong nilalaro ang driving sa archade 'di ba?" sabi ko saka natawa ng tumahimik sila.    Inapakan ko ang gas at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Napatingin ako sa speedometer at napangiti nang makitang malapit na umabot sa eighty ang kph.   "Mayumi stop the car! May traffic enforcer!" sigaw ni Reb sa gilid ko.    "We need to hurry! Kailangan makabalik tayo kaagad sa university,” tatawa-tawang sambit ko naman saka minaobra ang steering wheel at umikot sa intersection.    Nakaalis kami sa highway at nasa isang mataong lugar na kami. Dito sa may palengke ng isang barangay ang alam kong shortcut papuntang University. Ilang beses na rin kami nagagawi sa Ermita at may sense of direction ako kaya ito ang natandaan ko.    Inapakan ko ang clutch at hinila ang gear stick saka binalik sa twenty ang kilometer per hour ko. Patuloy pa rin sa pagsigaw sa akin ang mga pinsan ko na ikinailing ko na lamang.    "Itabi mo at ako na muli ang mag-da-drive,” maotoridad na sabi ni Reb na nagpatahimik kina Den at Dex sa likod.    Natawa na lamang ako sa sinabi niya saka bahagya siyang tinignan.    "Later, nag-eenjoy pa ko,” nakangiti na sabi ko.   "Mayumi Ayra,” aniya pa at tila ginaya ang paraan ng pagtawag sakin ni papa kapag pinagbabantaan ako nito.   Muli ko siyang sinulyapan saka ngumisi, "Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Dranreb."   Hindi na ako muling nakarinig ng anumang salita mula dito kaya nagpokus nalang ako sa pagmamaneho at ng makaalis kami ng tuluyan sa palengke ay bumalik sa eighty ang speed ko. Hindi naman na ako nakarinig ng anumang reklamo mula sa kanila at nang silipin ko ang mga ito ay busyng-busy na sa kanilang mga phone.    Napabuntong hininga ako at tila nakonsensya kaya muli kong binagalan ang pagpapatakbo hanggang sa tuluyan ko ng ihinto ang sasakyan sa gilid ng isang abandonadong building.   "Oh bakit ka tumigil, Mayu?" rinig kong tanong ni Den saka lumapit at humawak pa sa sandalan ng driver's seat.    Hindi ko siya pinansin at binuksan ang pinto sa side ko saka bumaba. Umikot ako patungong passenger's at humalukipkip na pinagmasdan si Reb na ngayon ay nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin.   Ilang minuto na ang nakalipas at nanatili lamang ang tatlo sa loob habang ako ay nandito sa labas at inaantay na bumaba si Reb para siya na ang magmaneho ngunit sadyang matigas ang ulo ng pinsan ko.    Napairap ako at inis na binuksan ang pinto.   "Dranreb,” seryoso na tawag ko dito. Ngunit hindi ito natinag at nanatiling nakatitig sa akin.    Pabalag kong sinara ang pinto sa side niya at naglakad pabalik sa driver's seat. Nasa hood na ako ng sasakyan nang mapalingon ako sa building dahil sa isang sigaw.   Agad akong tumakbo patungo sa loob ng building at nasa may bukana na ako nang marinig ko muli ang pagsigaw na hula ko ay isang babae kasabay ng pagtawag nila sa pangalan ko.    "Mayu bumalik ka dito!" dinig kong sigaw nila mula sa sasakyan. Hindi ko sila pinansin at muling tumakbo papasok. Nagpalinga-linga ako at hindi maiwasang malukot ang mukha dahil sa kakaibang amoy.    Luma na ang building dahil sa mga bakal na kumupas at kulay ng semento. May mga iilang naipon na tubig din sa sahig at mga putik sa kinatatayuan ko. May nakita akong isang hagdan na mukhang hindi natapos ang paggawa kaya nagmadali akong nagtungo doon.   "Mayumi!"   Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang pagtawag muli ng mga pinsan ko kaya mabilis ang mga ito na nakalapit sa akin. Agad na hinawakan ni Den ang braso ko at seryoso akong tinignan.   "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Yumi?" galit na sigaw ni  Denver.   "May sumigaw Den! Hindi niyo ba narinig? Baka may ni-re-rape o torture na dito," madiin kong wika.    "Tumawag nalang tayo sa 911 kesa umakyat diyan! Hindi natin alam ang maaaring mangyari sa atin pag nakialam tayo!" segunda naman ni Reb   "Pero—“   Hindi ko na nagawa pang tapusin ang anuman na sinasabi ko. Muli na namang umalingawngaw ang nakakabinging sigaw kaya sabay-sabay kaming napatingin sa itaas.   At halos lumuwa ang mata kong napako sa eksenang iyon dahil kitang-kita ko kung paano magpumiglas ang isang babaeng mahaba ang buhok habang hawak siya ng matandang lalaki na ngayon ay nakatingin sa amin.    Walang harang o anong semento ang ikalawang palapag kaya siguro madali kaming nakita at narinig.   "Stop it!" sigaw ko na ikinahigpit ng hawak ni Den sa braso ko. Kasabay niyon ay ang pagtulak ng matandang lalaki sa babae na unti-unting nahulog.   Nagtama pa ang aming paningin bago ito tuluyang bumagsak sa lupa at bawian ng buhay.   "s**t! Close your eyes, Mayu!" sigaw ni Reb. Pero huli na, dahil kitang-kita ko ang pagkabasag ng bungo nito at pagkalat ng iilang laman sa sahig.   Ilang sandali akong natulala. Naramdaman ko ang pagpikit ng mga mata ko na ginawa ni Reb saka ang pagbuhat sa akin. Sunod kong narinig ang sirena ng mga pulis bago ako mawalan ng malay.    Nagising ako dahil sa nakasisilaw na ilaw na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong dumilat at agad nabungaran ang nag-aalalang mukha ni papa.    "Mayumi, anak?" aniya saka hinaplos ang pisngi ko.    Agad akong nagpalinga-linga at nakita ang mga pinsan ko na nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin, kasama ang daddy nila.    "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tanong niya pa. Bahagya akong umiling at dahan-dahan na bumangon na agad naman niyang inalalayan.    Narinig ko ang pagbuntong hininga ni tito Nilo saka lumapit sa hinihigaan ko at tumabi kay papa.    "Wala kang pagsasabihan sa mga nasaksihan mo, Mayumi. Kalimutan mo ang mga nangyari at nakita mo. Mas mabuti iyon para sa inyong apat,” seryosong wika nito. Tumango ako at binalingan ang mga pinsan ko na tahimik na nakatingin lamang sa amin.    Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam sila papa at tito para ayusin ang pag-discharged ko since wala naman nangyari sa akin. Mabilis na lumapit sa akin ang tatlong itlog ng makaalis ang mga oldies.    "Ayos ka lang, Mayu?" tanong ni Dexter. Tumango ako kaya napabuntong-hininga siya.    "Dapat na siguro tayong tumigil sa panunuod at pangingialam sa mga gang fights at mag-pokus nalang sa pag-aaral,” sabi ni Denver saka naupo sa paanan ko.    "Bakit?" takhang tanong ko sa kanila. Nakita kong nagkatinginan silang tatlo bago bumaling sa akin.    "Hindi basta-basta ang sindikato o kung anumang grupo ang nakita natin, Mayu. Maaaring nahuli sila ngayon pero may mga malalaking tao pa sa likod nila. Sana ay hindi sila makatakas o walang magsabi na nandoon tayo dahil sa oras na makilala nila tayo ay baka magaya tayo sa babaeng hinulog nila,” paliwanag ni Dexter.    Ngayon ko lang nakita na seryoso ang mga pinsan ko kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng takot. Muling bumalik din sa isipan ko ang mukha ng babae kanina at ang itsura niya ng mahulog siya sa semento.    Naramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa mga hita ko. Doon ko lang napagtanto na nanginginig na pala ako habang binabalikan ang pangyayari na iyon.    "Magiging okay lang ang lahat, Mayu. Kaming bahala sa iyo,” sabi ni Denver.    "Sorry kung lagi ka namin dinadamay sa mga gulo at tinuturuan ng kung anu-anong kagaguhan. Nakalimutan naming babae ka at mahina ang loob sa mga ganoong bagay,” sabi naman ni Dranreb.    "Sorry Mayu,” mahinang wika ni Dexter.    Napailing ako at pumikit na lamang. Gustuhin ko man silang asarin sa mga pinagsasabi nila at magbiro ay hindi ko magawa. Aminado akong mahina ang loob ko kahit na strong ang personality na pinapakita ko. Babae pa din ako. Hindi madali maka-get over ang mga babae sa mga ganoong pangyayari.    Nang bumalik sila papa sa kuwarto ay agad din akong nag-ayos para makaalis na sa hospital. Tahimik akong sumunod kay papa sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot.    Huminto kami sa itim na sedan ni papa. Nakita kong bahagya niyang pinagpagan ang loob ng sasakyan kaya sandali ko siyang hinintay sa labas.    Wala sa sariling luminga ako sa tahimik at medyo madilim na basement parking lot. Huminga ako ng malalim. Bahagya ko pang ginagalaw ang isa kong paa para maglikha ng ingay dahil hindi ako komportable sa katahimikan.    Hanggang sa mapadako ang paningin ko sa madilim na bahagi, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.    I can see from here a man wearing an all black clothes. Hindi ko maaninag ang mukha nito pero kitang-kita ko ang nakakatakot nitong ngiti. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at sinilip si papa mula sa loob ng sasakyan. Nakita kong may kausap siya sa phone. Bahagya akong lumapit sa sasakyan at humawak sa bubong ng kotse.   Muli akong nag-angat ng tingin. Hindi ko malaman kung sisigaw ba ako o ano ng makita na nakatayo na ang lalaki sa kabilang gilid ng sasakyan. Nakangiti pa din ito. Biglang bumilis ang paghinga ko habang pinagmamasdan ito.    "Babalikan kita at idadamay ko ang pamilya mo,” mahinang sambit nito na umabot sa pandinig ko.    Namuo ang luha sa mga mata ko sa sobrang takot. Bigla akong nanlamig. Nanatili ang tingin ko doon sa nakakatakot na lalaki at pinanuod lamang ang pagtalikod niya at pag-alis. Hindi pa din ako makagalaw.   "Mayu?"   Bigla ay parang nagising ako ng marinig ang boses ni Reb. Nilingon ko ang mga ito at nakita ang pagtataka sa mukha nila.    "Ayos ka lang?" tanong ni Denver. Dahan-dahan akong tumango at huminga ng malalim.    Nilingon ko ulit at tinitignan ko kanina saka muling bumuntong hininga.    Siguro ay namamalik-mata lamang ako.    Ilang sandali pa ay lumabas na si papa at humingi naman ito ng paumanhin dahil tumawag ang tungkol sa trabaho nito. Tumango lang ako sa mga sinasabi niya saka tahimik na sumakay sa passenger's seat. Sumakay na din ang tatlo sa back seat dahil iniwan na daw sila ng daddy nila dahil may mahalagang meeting. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD