"You sure about this, cousins?" inis na tanong ko sa tatlo ng makarating kami sa bahay nila.
Wala akong pakialam kahit na nanonood at naririnig ng lalaking iyon ang usapan namin dahil prente ng nakaupo ito sa sofa.
Hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil nang mag-uwian ay kasama na namin ang lalaking 'yon hanggang sa makarating kami rito sa bahay bila Denver. Basta ang sabi lang ni Dexter ay isasama na nila ito dahil kawawa naman daw.
Kawawa my ass.
"Study group lang naman ito, Mayu at isa pa, si Reb naman ang magtuturo sa kanya at hindi ikaw," sabi ni Dexter na may mapang-asar na ngiti. Sarap batuhin ng vase na nasa harapan ko kundi lang ako malalagot sa mommy nila.
"Oo nga. Bakit ba ayaw mo sa kanya? Mukha namang mabait," sabi naman ni Denver na nakaupo rin sa sofa hindi kalayuan sa kinauupuan nong lalaki na 'yon habang nakatingin sa phone nito. Hindi man lang nag-abala na tignan kami.
"Mabait? Mukhang mayabang! Ang sarap ilublob sa warm water para matanggal lahat ng hangin sa katawan!" sigaw ko saka bumaling sa nakaupo sa sofa na ngayon ay tila na-a-amaze na nanonood sa amin. Hindi ata makapaniwala na pinag-uusapan namin siya kahit na nandito lang siya kasama namin at naririnig ang mga pinagsasabi namin.
Lalo akong nainis ng pagtawanan lang ako ng mga pinsan ko kaya nagmartsa nalang ako patungo sa kusina para puntahan ang mommy nila na ngayon ay busy sa kung anong ginagawa.
"Hello Tita!" Bati ko dito sabay halik sa pisngi nito.
"Hi Yumi! Kanina ka pa?" Umiling ako at lihim na napangiwi dahil sa tinawag niya sa akin.
Mayu kasi at hindi Yumi.
Napabuntong-hininga na lang ako saka lumapit dito.
"Ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko pa at lumapit dito. May nilalagay siyang mga nips sa tray na nay hulma na sa tingin ko ay para sa cookies.
"Nagbe-bake ako ng cookies. Nag-text kasi si Dexter na ngayon ang study group nyo,” nakangiti na wika nito. Hindi ko maiwasan na hindi titigan ang nakangiti niyang mukha. Ang ganda talaga ng mommy nila Denver at kamukhang-kamukha nila.
Hindi ko maiwasan na hindi ipagkumpara ang pagkakaiba ni mama at ng mom nila Reb. Mahinhin kasi ito at never kong narinig na sinigawan ang mga anak niya, unlike sa akin na tuwing umaga kung sumigaw. May poise din gumalaw si Tita palibhasa ay anak mayaman habang ewan ko na lang sa Mama ko.
"Gusto mo bang turuan kita na mag-bake?" Tanong nito matapos ilagay sa oven ang mga cookies. Mabilis naman akong umiling at natawa na lamang.
"Naku, Tita. Hindi iyan ang passion ko. Baka ma-buwisit ka lang kapag tinuruan mo ako,” mabilis na tanggi ko at bahagya pa na umatras nang makita na iaabot niya sa akin ang bowl na may cookie dough na chocolate chip ang flavor.
"Yumi, kung gusto may paraan at kung ayaw ay maraming dahilan,” makahulugan na wika nito na ikinatawa kong muli.
"Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko sa kusina, tita. I'm more like mahilig kumain kaysa sa magluto,” sabi ko pa na ikinangiti na lamang nito.
Sandaling tumigil si tita Verna sa ginagawa at mataman akong pinagmasdan. Bahagya akong napayuko dahil sa pagkailang saka inayos ang buhok kong magulong nakalugay.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kanan kong pisngi.
"Maganda ka, hija. You really look like mama Dette when she was young,” nakangiting wika nito referring to our late grandmother na nanay nila papa at dad nila Reb. Ito na naman si tita and her sentimental side. Suddenly magda-drama ito or magku-kwento ng kung ano-ano na pinapakinggan ko naman dahil ayon sa kanya, hindi raw interesado ang mga anak niya sa kwento niya.
Pero totoo nga naman na maganda ako at kamukha ko ang lola namin. Ang kaibahan lang ay nakuha ko ang maputi at makinis kong balat sa side ni mama. Kahit papaano ay thankful ako dahil sa magandang pamana niya sa amin ni Aya, while ang tangkad ko at mahahabang biyas ay kay Papa ko nakuha.
Napangiti ako sa sinabi niya. Nakita ko na ang pictures ni lola namin dahil hindi naman namin naabutan iyon. Maaga siyang kinuha ni lord noong teenage days palang nila papa kaya si lolo ang nakasalamuha namin na kinuha na rin ni Lord at kasama na si lola.
"Matagal ko na pong alam 'yan, Tita,” biro ko saka nag-iwas ng tingin dahil nakakailang ang mga titig niya.
"Kaya pumili ka ng boyfriend na guwapo at mabait para hindi sayang ang lahi natin,” natatawa niyang saad na ikinatawa ko na lamang. And just like that, back to normal na ulit siya.
Umalis si tita sa harap ng oven at nagtungo sa kitchen counter kung saan may nakalatag na ingredients. Tahimik akong sumunod dito habang nanonood sa bawat pagkilos niya. Sunod na ginawa niya ay naghiwa ng mga herbs ang spices, saka tinungo ang isang nakasalang na pot na may laman palang pasta. Hindi ko maiwasan na mamangha ng haluin niya ang pasta at makita na luto na iyon.
"Is that white spaghetti?" tanong ko nang umpisahan na niyang lutuin ang sauce.
"Yes, Yumi. I will also cook your favorite beef caldereta, later," natuwa ako sa narinig at napayakap kay tita. Ibang-iba talaga sila ni Mama, dahil nagagawa niya akong i-spoil unlike ng sarili kong ina na pinagdadamot sa akin ang lahat at parati pa akong sinasabihan na maarte.
Wala naman akong sama ng loob sa mama ko. Nakakainis lang ang pang-aaway niya sa akin dahil mas favorite niya si Aya na kamukha niya.
"Mayu, halika na!" sabay kami na napalingon ni Tita sa entrance ng kitchen ng marinig ang sigaw ni Denver. Agad akong nagpaalam dito at nagtungo sa grand staircase nila kung saan ko nakita na naghihintay si Denver. Patakbo akong umakyat at inirapan siya nang makatapat ko saka nagpatiunang maglakad. Ang bilis naman niya maglakad!
"Naiinis ka pa rin ba?" tanong nito habang naglalakad kami sa hallway patungo sa kwarto ni Reb.
"Oo, pero wala naman ng magagawa ‘tong inis ko diba?" mataray na tanong ko dito.
"Ano bang meron sa lalaking iyon?" tanong pa niya.
"Kanina lang tuwang-tuwa ka dahil ka pangalan siya ni Baelfire na tatay ni Henry at first love ni Emma, anong nangyari, Mayu?"
Ano nga ba?
Dahil ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar dahil gusto ko ang pangalan niya? Ilang beses ko ng binanggit ang pangalan niya sa mga pinsan ko, sa classroom man o sa cafeteria at siguradong narinig niya iyon kaya naglakas-loob na lumapit sa amin. Hindi ako naniniwala na ang School Dean at si Professor Liza ang nagdesisyon about sa group study namin, alam kong siya at ang kapal ng mukha niya! Nakakainis!
Kahit isa sa mga kaklase namin ay walang naglakas na loob na makisama o lumapit sa aming magpipinsan, siya pa lang!
Naiinis din ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin at ang dahilan ng pag-iinit ng mga pisngi ko. Anong karapatan niyang titigan ako? Alam kong maganda ako pero wala siyang karapatan!
Wait, I really sound exaggerated.
Bakit nga ba ako naiinis sa kanya?
Basta naiinis ako at gusto kong malaman niya iyon!
"Basta ayaw ko sa kanya. Oo mayayabang din kayo pero mga pinsan ko kayo at ang kayabangan ng Baelfire na iyon ay beyond everything!"
"At ‘di ba, ayaw niyo rin sa kanya kanina? Nakita ko ang pagtutol niyo!" sabi ko pa. I really sound like a spoiled brat na naghahanap ng kakampi pero wala na akong pakialam. Basta ayoko sa Baelfire na ‘yun!
Nakita kong napailing si Denver sa mga sinabi ko at bumuntong hininga.
"Wala naman kasi tayong choice kung ito ang gusto ni Dean. Alam mong marami tayong atraso sa University at kung hindi lang magaling makipag-usap ang mga Daddy natin ay baka matagal na tayong na-kick out. Isama mo pa ang katalinuhang taglay ni Reb na laging nagsasalba sa atin,” seryosong sabi ni Denver matapos ang sandaling katahimikan.
Biglang parang uumurong ang dila ko at natahimik sa mga sinabi niya. Sandali akong nag-isip at napagtanto na may point siya.
Mula freshmen days namin ay puro kalokohan na kami. Na-try na naming mang-bully ng gagong estudyante na feeling bad boy noon, at dahil mas kinampihan kami ng nakararami ay dehado siya. Nagkataon na senator ang uncle nito at balak kaming i-demanda buti na lamang at nadaan sa usapan. Hindi pa doon natapos ang mga pinag-gagawa namin, kaya dapat talaga naming magbago na matapos ang nangyari last two weeks. Nangako na rin kaming magseseryoso at hindi na makikisali sa anumang gulo.
Gusto pa naming mabuhay ng matagal at kahit mukha kaming walang kinabukasan ay may mga pangarap naman kami.
Huminto kami sa paglalakad nang matapat kami sa pinto ng kwarto ni Reb. Biglang bumukas iyon at hindi ko maiwasan na mapairap ng si Bae ang bumungad sa amin.
"Hi, Mayu!"
Hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob. Sinadya kong banggain ang balikat niya nang dumaan ako saka naupo sa kama ni Reb. Narinig ko ang pagtawa nito na in-ignora ko lang saka pinanood si Reb sa paglalatag ng mga handouts sa kama niya.
Itinaas ko ang mga binti ko at pa-indian sit na naupo.
"Mabuti na lamang at nagsusuot ka ng leggings, Mayu,” puna ni Dexter.
Suot pa rin kasi naming lima ang mga uniform namin.
"Oo nga. Kakaiba umupo yan eh, parang hindi babae,” segunda naman ni Denver saka tumawa.
"Sino bang may sabi na babae iyan?" Dagdag pa ni Reb. Inis kong dinampot ang mga unan at pinagbabato sila na lalo nilang ikinatawa.
Parang noong nakaraang linggo hindi niyo sinabi na babae pala ako at may mahinang kalooban. Mga itlog na talaga na to.
Natigil ako sa pagbato ng makarinig ako ng kakaibang tawa na hindi pamilyar sa pandinig ko. Agad ko itong nilingon at matalim na tinignan.
"Sinong may sabing makitawa ka?" mataray na sabi ko na ikinatigil nito pero halatang nagpipigil lang.
Kinuha ko ang isa sa libro na nakita ko at binato dito at nakakainis dahil nagawa lang niya iyong ilagan kahit na hindi ko na pinahalata!
"Tama na yan, Mayu. Fire, lapit ka na dito,” suway ni Reb sa amin.
"Fire?" takhang tanong ko.
"Gusto ko kasing ikaw lang ang tatawag sa akin ng Bae, Mayu. Katulad ng pagtawag ni Emma kay Bae,” sabat nito saka naupo sa tabi ko. Epal talaga.
Agad akong umusog hanggang sa headboard ng kama at sumandal doon. Hindi na lang ako nagkomento sa kanya para malaman niya na hindi ako natutuwa at interesado sa mga pinagsasabi niya.
"Pwede rin na Oppa kung mahilig ka sa mga korean drama, and I am much more willing to call you, Noona...” Nakangiti niya pang wika.
Gulantang na napatingin ako sa kanya. Nakita kong kumindat pa siya sa akin saka itinaas ang kamay na naka-korteng human heart na pinasikat ng mga korean idols. Dinala niya pa iyon sa dibdib niya at kunwaring kinuha ang puso niya saka hinalikan at itinapat sa akin.
Wala sa sariling napatuptop ako saking bibig habang nakatingin pa rin sa kanya.
Sinong lalaki ang mahilig sa mga korean drama? Worst, Korean idols? Ang mga pinsan ko ay hindi ako suportado sa ganoong bagay, kaya how come?
"Geez!" Iiling-iling kong saad sa kanya saka inirapan siya. Agad akong nag-iwas ng tingin ng muli siyang kumindat.
Nakahinga ako ng maluwag ng maupo sa pagitan namin si Denver. Nagsimulang magsalita si Reb at ipaliwanag sa amin kung ano ang una naming pag-aaralan.
Hindi ko mapigilang mangiti sa inasal ng mga pinsan ko. Kahit papaano ay pino-prorektahan pa rin nila ako kahit na malalaki na kami. Masuwerte ako at naging pinsan ko sila.
Ilang oras na ang lumipas at kasalukuyan kaming may sinasagutan ngayon na problem na gawa mismo ni Reb. Ilang oras na din akong nakatitig sa handouts ko at hindi malaman kung bakit wala akong naintindihan sa mga pinaliwanag kanina ni Reb.
"Kids, dinner is ready!" dinig naming sigaw ni Tita mula sa likod ng pinto kaya sabay-sabay kaming napalingon doon.
"Kids?" binuksan ni Tita ang pinto at napangiti siya ng makita ang ayos namin.
"Mom, bababa na kami, tapusin lang namin ito," sabi ni Reb. Agad naman akong tumayo at nilapag ang handouts na hawak ko kanina.
"Tita, I'm hungry na,” sabi ko dito saka lumapit at lumingkis sa braso nito.
"Mayu, tapusin muna natin ito,” pigil pa ni Reb ngunit hindi ko siya pinansin.
"Tara na, Yumi. Sumunod na rin kayo boys,” pinal na wika ni Tita ng mapansin ang pag-iiwas ko kay Reb saka ako hinila palabas doon.
Bago tuluyang makalabas ay napalingon pa ako sa kanila at ngitian na lang si Reb na pailing-iling.
Lagi talagang nananalo si Mayumi laban sa tatlong itlog.
Agad akong naupo sa tabi ni tita pagkarating namin sa dining room. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang apat na gago na malakas pa na nagtatawanan na hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan.
Agad naupo si Reb sa tapat ni tita Verna na sinundan ni Denver at Dexter at napabuntong hininga na lamang ako nang maupo si Baelfire sa tabi ko.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagkain na masarap na niluto ni tita.
May rice at white spaghetti na nakahanda saka caldereta at fried chicken. Pinili kong hindi na mag-rice at ilagay sa plate ako ang spaghetti, fried chicken, saka caldereta. Madami ang kakainin ko ngayon dahil hindi naman ako nag-lunch at siguradong up all night kami dahil sa pagre-review.
Katahimikan ang bumalot sa buong dining room. Nakikita kong masaya si tita habang kumakain kami kaya pati siya ay ginanahan din kumain.
Ilang minuto ang nakalipas ng makarinig kami ng ugong ng sasakyan. Sunod na pumasok sa dining room ang Daddy nila Reb, agad itong lumapit at hinalikan sa pisngi si tita Verna saka tinignan kami isa-isa.
"May bisita pala tayo,” sabi ni Tito saka tumagos ang tingin mula sa ‘kin patungo kay Fire. Sinundan ko ang tingin ni Tito at nakita si Fire na natigil sa pagkain.
"Si Baelfire, dad transferee at kasama namin ngayon na mag-group study,” pakilala ni Dranreb dito. Tumango si Tito saka tipid na nginitian si Fire.
"Mayumi...” Nag-angat ako ng tingin ng tawagin ako ni tito.
Sunod kong narinig ang mga yabag palapit sa amin at napabuntong hininga ako ng makita si papa na nakatayo sa likod ng tatlong itlog.
"Susunduin ka na ng Papa mo. Hindi ka na puwedeng mag-sleep over dito simula ngayon,” sabi pa ni tito. Nanlumo ako sa narinig saka binitawan ang mga hawak ko na utensils.
"Bakit Dad?" tanong naman ni Denver.
"Grounded kayo, ‘di ba?" Balik-tanong ni tito dito. Tumayo ako at umalis sa hapag. Malungkot kong tinignan ang tatlong itlog saka si papa.
"Babae ka Mayumi at kahit na magkakadugo kayo ay hindi puwedeng nakikitulog ka sa kwarto ng kahit sino sa kanila. Hindi na kayo mga bata," paliwanag naman ni papa.
"Kukunin ko lang bag ko sa taas, papa," sabi ko saka naglakad patungo sa hagdan.
Mabibigat ang bawat hakbang ko na bumalik sa dining room matapos kunin ang mga gamit ko mula sa kwarto ni Reb. Nakatingin lamang sa akin ang tatlong itlog habang nagpapaalam si papa. Wala sa sariling napatingin ako kay Baelfire at nakita ko ang biglaan niyang pag-ngiti nang makasalubong ko ang mga mata niya. Bahagya pa siyang kumaway sa akin saka marahan na tumango. Bumuga ako ng hangin saka tumalikod at sumabay sa paglalakad ni papa palabas.