Chapter 1
Sabi nila, ‘the meaning of life is to give life a meaning. Tama nga naman dahil isa sa mga motto ko sa buhay ay live life to the fullest. Ako iyong tipo na hindi mahilig sa drama at negative vibes. Hangga’t maaari ay ayokong sayangin ang bawat oras ko na gumawa ng mga bagay na hindi pasok sa panlasa ko. Pero ng makilala ko si Bae ay nagbago ang lahat. Marami akong nalaman at natutunan, isa na roon ang katagang “life is not always rainbows and butterflies.” Sa kanya ko natutunan ang lahat ng bagay na dapat ko malaman, kasabay din iyon ang karanasan na hindi ko malilimutan.
Simpleng Mayumi lamang ako na mahilig makisabay sa uso, not until I met, my Bae.
"MAYUMI!"
Inis kong tinalukbong ang kumot sa buong mukha ko nang marinig ang nakakairitang boses ni Mama na sa tingin ko ay nasa labas na ng pinto ng kwarto ko.
"Mayumi, tanghali na! Hindi ka na naman ba papasok?!" sigaw ni Mama.
Mas lumapit at lumakas pa ang boses niya ngayon at ng imulat ko ang kaliwa kong mata ay nakita ko ang bulto niyang nakapamewang sa paanan ko. Marahas akong bumuntong hininga at kinuha ang sanday kong unan para itakip sa mukha ko.
"Mayumi! Bumangon ka na! Kapag hindi ka na naman pumasok ay babagsak ka na ngayong semester! Hindi mo ba alam na ang mahal-mahal ng tuition sa school na 'yan! Hirap na hirap kami ng papa mo na pag-aralin ka tapos ay sasayangin mo lang? 'Yong ibang bata nga d'yan gusto mag-aral pero hindi makapag-aral tapos ikaw tatamad-tamad lang—“
Inis akong bumangon na nagpatigil kay mama sa pagsasalita saka tinignan ako ng masama.
"Ano?! Maghanda ka na at tanghali na! Isasabay ka ng papa mo sa sasakyan para masigurong sa eskwelahan talaga ang punta mo at kung hindi sa kung saan kasama ang mga kaibigan mong walang kinabukasan. Sabi ko naman kasi sa'yo na pumili ka ng kaibigan hindi iyong napupulot mo lang sa kung saan-saan. Ako dati noong nag-aaral ako ang mga kaibigan ko ay matitino, ewan ko ba kung bakit hindi ka nagmana sa akin!" malakas na sabi muli nito.
Nakatitig lamang ako kay mama habang nakakunot ang noo na patuloy sa pagku-kwento ng mga kaibigan niya noong nag-aaral siya kahit na kabisado ko na ang sinasabi niya dahil araw-araw niya 'yang sinasabi sa akin.
Now, I am really wondering kung bakit hindi napapagod si mama na sumigaw at magsalita.
Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko at nagpaalam na sa kanyang maliligo. Hindi ko na pinansin ang ilang sinasabi niya pa at sinara ang banyo.
PAGKABABA ko sa kitchen kung nasaan din ang six seater dining table namin ay naabutan ko na doon si papa na nakaupo sa kabisera na nagbabasa ng diyaryo at ang bunso kong kapatid na babae din na tahimik na kumakain habang pasulyap-sulyap sa tablet nito sa tabi ng plato.
Tumikhim ako at tipid na ngumiti kay papa ng bumaling ito sa akin saka naupo sa tabi ng kapatid ko.
"Naka-uniporme ka ata, Yumi,” puna nito sa suot ko na lihim kong ikinangiwi.
"Bawal na kasi sibilyan sa Napoli University. Saka na-experience ko ng maglinis ng toilet kaya natuto na ako,” mahina kong paliwanag na hindi makatingin kay papa habang pinapalamanan ng peanut butter ang pandesal.
"Hindi ka talaga matututo hangga't hindi ka napaparusahan no?" sabi naman ni Papa. Nag-angat ako ng tingin dito at matamis na ngumiti sa sinabi nito saka kinagat ang pandesal ko. Napailing na lamang si papa sa amin at muling nagbasa ng diyaryo.
Ito ang kaibahan ng mga magulang ko. Maingay si mama habang si papa ay tahimik. Seryoso si mama habang palabiro at kwela si Papa kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit kaming dalawa ng kapatid ko ay papa's girl.
Inubos ko ang pandesal na kinakain ko at muling nagpalaman ng mapadako ang tingin ko sa front page ng diyaryo na hawak ni papa. Pinagsingkit ko pa ang mga mata ko para mabasa iyon at parang bigla kong naramdaman ang pagkulo ng dugo ko.
Tungkol na naman sa bagong presidente ng Pilipinas ang nasa headline, and as always, negative na naman ang news about sa kanya.
"Papa! Bakit masama na naman ang balita tungkol sa presidente?" tanong ko na nakatitig parin sa dyaryo habang gigil na kumakagat sa pandesal ko.
A month ago ng ma-elect as new president of the Philippines ang dating judge na si Randy Sanchez. Maganda naman ang background nito at talagang tumutulong daw sa mahirap. Naging public attorney din kasi ito bago maging judge kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng mga tao dito.
"Alam mo naman ang mga tao, laging may sasabihin iyan sa kapwa. Kaya nga life is not perfect and unfair, dahil may kontrabida talaga at bida,” napakunot-noo ako sa sinabi ni papa dahil hindi ko iyon na-gets. Napainom nalang ako ng milo ko na kakalapag lamang ni mama na mataman na nakatingin sa akin na ngayon ay naupo na sa harap ko.
"Oh, akala ko at maabutan pa ni Aya iyang uniporme na 'yan dahil hindi mo ginagamit. Anong nakain mo?" sabi naman ni Mama.
"Pandesal na may peanut, mama. Ge alis na po ako." sabi ko pa saka mabilis na umalis sa kusina. Mabilis ko ding kinuha ang bag ko sa sala at tinakbo ang distansya hanggang sa may pinto. Dali-dali kong binuksan ang gate saka sumakay sa motor kong kulay yellow at mabilis na pinaandar iyon palayo sa bahay.
Nang tignan ko ang side mirror ay nakita ko pa ang papalayong pigura ni mama na galit na galit na nakatingin sa akin. Napangiti na lamang ako at tumingin ng diretsyo. Mabilis akong napahinto ng mamataan ang magiting na traffic enforcer ng Napoli Heights. Mabilis kong sinuot ang helmet ko bago pa ito lumingon sa akin saka ngumiti. Agad ko din naman na pinaandar ang motor papunta sa Napoli University na thirty minutes ang biyahe mula sa bahay namin.
Ilang sandali pa ay nakarating ako ng matiwasay sa school. Ipinarada ko ang motor ko sa gate two parking lot. Ni-locked ko din sa upuan ang helmet para sure na walang kukuha niyon. Inayos-ayos ko ang brown straight ko na buhok na hanggang balikat ang haba at sinuklay pa iyon gamit ang aking kamay habang naglalakad. Pansin ko ang tingin sa akin ng ilang mga rich kids na kakababa lamang sa sasakyan nila kaya isa-isa ko silang sinamaan ng tingin at mas binilisan pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa main entrance.
"Uniform ba yan, hija?" malumanay na tanong sa akin ng lady guard na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa saka binalik ang tingin sa mukha ko. Nginitian ko naman ito at hinawi ang buhok ko pakanan.
"Naka-blouse po ako ng longsleeve, naka-green na skirt na above the knee, naka-black shoes at may suot na id. Complete uniform po ito." Paliwanag ko. Sandali akong huminto saka tinignan ang sarili ko.
"Nadagdagan lang ng black leggings kasi po masyadong maikli ang palda at ang baduy kapag short ang sinuot ko." ngiting-ngiti ko pa na katwiran na nagpailing na lamang sa kanya saka ako pinapasok. Hinawi ko muli ang buhok ko pakaliwa saka taas noong naglakad habang pinagtitinginan pa rin ako dahil sa kakaiba kong trip sa buhay.
"Yumi!" dinig kong tawag sa akin sa kung saan. Tinignan ko ng masama ang tatlong lalaki na ngayon ay papalapit sa akin na patuloy pa rin sa pagsigaw ng pangalan kong hindi ko gustong marinig.
"Yumi!" malakas na sabi ng pinsan ko. Pinanood ko itong tumakbo papunta sa akin. Nang makalapit si Dexter ay agad ko itong binatukan at kinutusan dahil sa inis.
"Oy! Bakit na naman? Ang aga-aga at lunes na lunes!" Angil nito na ngayon ay tinatawanan na nila Dranreb at Denver na nakalapit na rin.
"Tarantado ka pala! Sabi ng Mayu hindi Yumi! Mayu!" sigaw ko sa mukha niya.
Agad namang umakbay sakin si Reb at nginisihan ako.
"Ayos pormahan natin, insan ah. Saan ang dance contest?" pang-aasar naman nito na inirapan ko saka siniko ang dibdib na ikinabitaw niya sa akin.
"Tantanan niyo ako, tatlong itlog. May klase pa ako,” sabi ko sa mga ito. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at nagpatiuna na sa paglalakad. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng sumabay ang mga ito sa akin na sabay-sabay pang ngumiti na ikinangiti ko.
"Alam mo, insan. F4 na sana tayo kung naging lalaki ka lang." sabi ni Dex na bahagya pang sumulyap sa akin.
Napalinga naman ako sa paligid at all eyes are on us nga. Siguro ay nai-imagine ni Dex 'yong scene na naglalakad ang F4 na magkakahanay habang ang mga estudyante ay nahahawi.
Napailing na lamang ako at hindi nalang nagkomento.
Pagkadating namin sa room 402 kung saan ang first subject namin na minor kung saan magkakaklase kami. As usual ay late na naman kami dahil nasa loob na ang instructor at mukhang nagambala ang pagtuturo niya dahil sa amin.
"Mayumi Ayra Galvez! Dexter Arjay Galvez! Dranreb Arlon Galvez at Denver Arman Galvez, bakit late na naman kayo?! Anong tingin niyo sa sarili niyong magpi-pinsan, kayo ang may-ari ng university na 'to?!" galit na bungad sa amin ng Professor ng makapasok kami sa classroom.
"Hindi pero galing sa amin ang pinapasahod sa'yo,” biglang sabi ni Den na agad kong siniko dahil sa pagsagot niya.
Sa aming apat ay si Denver ang masasabi kong pranka kung pranka at kung hindi mo sya kilala ay talagang masasaktan ka sa mga sinasabi niya. Madaldal ngunit sobrang gaspang naman ng dila. At alam iyon ng mga kaklase at ilang professors dahil na rin sa tatlong taon na kaming nag-aaral dito.
Dexter and Dranreb are taking up Bachelor of Science in Civil Engineering at kapwa nasa third year while Bachelor of Science in Accountancy naman si Denver. Ako lang ang naligaw sa Business Management na course dahil hindi ako biniyayaan ng talino sa mathematics. May iilang minor subject kami nag magkakaklase dahil kailangan iyon kunin ng tatlo bilang pantakip sa mga kalokohan naming since first year. Isa pa ay wala kaming balak na sumali sa mga club ng school.
"Sorry, sir. Na-traffic po kasi kami,” agap ko sa sinabi ni Den at napayuko na lamang. Hindi naman na namin narinig na nagsalita ito kaya naupo na kami.
Pinilit kong makinig at pag-aralan ang minor subject na ito bilang pambawi dahil nakokonsensya ako sa sinabi ng magaling kong pinsan. Kahit kasi na minor ito ay may grade pa rin at maapektuhan ang transcript ko kapag hindi ako nagseryoso dito.
Nang mapadako ang tingin ko sa gawing kanan kung saan nakaupo si Reb, ay seryoso din ito na nakikinig at nagte-take down notes pa. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mapailing. Si Reb naman ang masasabi kong pinakamatalino sa amin. Siya ang nangunguna ngayon sa President's List ng buong Napoli University at ang isa sa dahilan kung bakit nananatili kami dito kahit na pasaway kami. Habang si Dexter ay magaling sa basag-ulo. I mean expertise niya ang physical strength at master niya ang taekwondo at arnis. Siya din ang nagturo sa akin ng self-defense dahil ayaw akong i-enroll ni mama sa school kung saan sila naka-enroll noon.
Pinili ko na lamang na magseryoso ngayong araw dahil kahit papaano ay tinatablan ako sa mga sinasabi ni mama. Muntik na rin kasi ako bumagsak noon kung hindi lang napakiusapan ang prof na i-project ko na lamang ang kulang kong quizes. Kaya ayun, tumataginting na sermon dahilan ang tres sa transcript ko.
"Saan tayo kakain mga pinsan?" tanong ko sa kanila na hindi parin tumatayo at busy sa pagkalikot sa phone nila. Vacant na at kami nalang ang nandito sa room.
"Anong sunod na subject, Mayu?" tanong naman ni Dex na sa phone pa rin niya ang tingin.
"Minor lang, bakit?" sagot ko naman.
"Tara!" Sigaw ni Reb sabay tayo. Nagsitayuan din sina Den at Dex na may mapaglarong ngiti sa mga labi ng mga ito na ikinatakha ko.
"May laban sa ermita. Ano sama ka?" tanong ni Dexter.
"Teka, paano kung may bagong topic?" nag-aalangan na sabi ko pa.
"Si Reb na bahala doon. Diba, 'tol?" sabay tapik ni Den na ikinatango ni Reb.
"Huh?" Bigla akong nakaramdam ng excitement sa kabila ng pagkabigla. Pero pinili ko pa rin na sumama dahil matagal-tagal na rin ng huli ko silang nakitang lumaban.
Tumakbo kami patungo sa gate one at pinanuod si Den na unang umakyat sa pader na sinundan ko habang nakaalalay sa akin ang dalawa at nang nasa kabila na ako ay tinalon ko na iyon at sinalo ni Denver. Agad naman sumunod ang dalawa at nag-high five pa kami saka naglakad papalayo.
I am far from being my name. I am Mayumi pero hindi ako mayumi sa salita at gawa. Isa akong typical na kabataan na naghahanap ng adventure sa buhay dahil sa motto kong YOLO. At sobra ang pasasalamat ko sa tatlong itlog na ito na kasama ko sa kalokohan.
Hindi rin kami mayaman. Average lang ang level ng buhay namin. Director si papa ng company nila Denver habang si mama ay may boutique na hindi kalayuan sa bahay na pagmamay-ari namin at hindi nagbabayad ng upa kaya on-going lang. Habang ang mga pinsan kong triplets naman ay biniyayaan ng karangyaan dahil mayaman ang side ng mama nila.
Sabay-sabay kaming apat na lumaki at buwan lang ang pagitan ng mga edad namin. Lima lang din kaming magpipinsang buo ng Galvez kaya kailangan talaga namin mahalin ang isa't-isa.
"Pinapagalitan na pala ako ni mama dahil sa pagsasama ko raw sa mga kaibigan kong walang kinabukasan,” sabi ko saka isa-isa silang tinignan na sabay-sabay na humalakhak.
"Si tita talaga. Bata pa lang ay tayo-tayo na ang magkakasama. Hindi pa rin siya nasasanay. Ayaw niya pa non? Guwardiyado ang prinsesa Mayumi niya,” natatawang sabi ni Dexter. Malakas kong tinulak si Dex sa turan niya saka tinignan ng masama.
"Mali ka, Dex. Reyna yan dahil si Aya ang prinsesa,” sabi naman ni Denver.
"Eh anong tawag sa inyong tatlo?" tanong ko naman sa mga ito.
"Eh di the three pogi's!" masayang sabi ni Dexter na nakipag-apir pa kay Reb.
Napailing na lang ako at lumingkis kay Denver.
"Baka the three idiots,” bulong ko na mukhang narinig ng dalawa dahil kuntodo depensa ang mga ito sa sarili.
And by the way, did I mention that they are some puchu-puchu gangster feel like na mahilig lamang sa adventure? At dahil motto namin ay YOLO ay go lang kami.
Hindi na muna namin iisipin ang school at ang sermon, pakasaya muna.